webnovel

Ang Pananghalian

Pagbukas ang pinto ng elevator ay tumambad kay Eddy ang penthouse at napamangha siya sa kanyang nakikita. Hindi mapaliwag ni Eddy ang kanyang nararamdaman, hindi isang kwarto ang kanya pinasukan kundi isang palasyo.

"Alam kong marami kang gustong malamang at naliwanagan. Maaari bang pas-usap natin yan sa mga darating na mga araw. Sa Sobrang haba at salimuot ng mga pangyayari ay kakailanganin natin ng mahabang usapan. Sa ngayon, maghada ka muna para sa ating tanghalian."

Inihatid ng don si Eddy sa kanyang kwarto.

"Magbihis ka ng formal para sa ating tanghalian mayroon tayong kasamang bisita. Dalawa ang parte ng walk-in cabinet mo. Sa kaliwa ang pang ordinaryong kasuotan at ang sa kanan ay para sa mga pormal na okasyon."

Binuksan ni Eddy ang pinto ng kwarto at muli siya namangaha sa kanyang nakita. Ang kwarto na pinasukan niya ay may sariling sala, kusina, lutuan at silid tulugan.

Nasagi sa kanyang isipan ang kalagayan ng kanilang tahanan. Isang maliit na kwarto na magkasama na ang sala, kusina, kainan at nagiging tulugan sa pagsapit ng gabi. Magkakatabi silang matulog na parang sardinas na di pwedeng malikot sa pagtulog.

Nilibot nya ang kwarto bago pumunta sa walk-in cabinet. Una niyang tinungo ang parte daan pakaliwa. Nakita niya ang maraming klase ng damit para sa ordinaryong araw.

Di niya maisip na ang mga damit na kanyang nakikita ay para lamang sa ordinaryong araw. Sa tulad niya ang mga ganitong suoting ang maituturing ng pang mahahalagang okasyon. Napailing nalang siya at nagtungo sa kanang parte ng walk-in cabinet.

Napanganga na lamang siya sa mga nakita, di makagalaw dahil nag-aalala na may mahawakan siya at ito'y masira. Natagalan siya sa paghinto at nagngilay-ngilay bago niya hinawakay ang isa sa damit na kanyang nagustuhan.

Maraming siyang sinubukang mga damit dahil nag-aalangan siya kung ano ang dapat na magkapareha. Natapos ang halos isang oras ng pagsubok sa mga damit bago siya lumabas ng kwarto. Naghihitay ang tagapamahala ng penthouse sa kanyang paglabas, nakangiti itong bumati at nagpakilala. Inihatid siya nito patungong hapag kainan. Naghihintay na ang don sa gathering area habang ang mga tagapagsilbi ay abala sa paghahanda ng mesa.

"Magandang hapon po …" Di malaman di Eddy kung paano niya tatawagin ang don.

"Lolo, ang itawag mo sa akin." Sambit ng don, batid niya na nahihirapan si Eddy kung pano sya tatawagin.

"Lolo." Sambit ni Eddy.

Maya-maya lamang ay may bilang sumigaw "Lolo!" nagmamadaling tumakbo ang bata papunta sa kanyang lolo sabay kandong, yakap at halik. Kahit na nasaktan ang don sa biglang pagkandong ng bata ay nakuha pa rin nitong ngumiti at niyakap ang kanyang apo.

"Eto si Aika ang iyong pinsan. Siya ang madalas kong kasama sa aking lakad. Ayaw niyang naiiwan kahit san man ako pumunta. Pumayag lang yan na mawalay ng sinabi ko na susunduin kita."

Hindi pa natatapos magsalita ang don ay agad ng bumaligwas papunta kay Eddy. Buong giliw nitong niyakap at hinalikan si Eddy sabay sambit ng "Kuya! Tagal na kitang gustong puntahan pero si lolo laging sinasabi na di pa daw panahon." Sabi ni Aika na parang nagsusumbong.

Habang nag-aanatay ng pagdating ng bisita ay sinimulan ni Don Ernesto ang papapaliwanag at kwento.

Matagal syang hinanap ng kanyang lolo mula ng malamang nito na ang kanyang ama ay napatay at nadakip ang kanyang ina ng mga Itim na Manlilinang. Ang kanyang ina ay isang manlilinang (Manlilinang ang tawag sa mga taong gumagamit ng pisikal at ispiritual na kakayanan) at ang kanyang ama ay ordinaryong tao. Si Eddy, bilang na bunga ng isang manlilinang at tao ay tinatawag na MALA (kalahating tao kalahating manlilinang).

Ipinangbabawal sa kanilang mundo ang relasyon na kagaya ng sa kaniyang ama't ina. Ang kanyang ama ay isang Geodetic Engineer na namamahala ng isang minahan sa bundok ng Maria Makiling. Sa bundok na ito nagkakilala ang kanyang ama at ina. Hindi malimit ang paglabas ng isang malilinang sa kanilang mundo maliban lamang kung may mahalagang kailangan gawin sa ating mundo. Si Maria ang ina ni Eddy ay kinakailangan lumabas sa kanilang mundo upang tumulong sa kanya ama na si Don Ernesto. Isa sa mga Negosyo ni Don Ernesto ay ang minahang pinamumunuan ng ama ni Eddy. Dito nagtagpo ang landas ng dalawa. Sa kadalasan ng kanilang pagkikita ay natutunan nilang mahalin ang isa't-isa.

Nadiskubre ng pamunuan ng mga manlilinang ang relasyon ng kanyang ama at ina kaya nakatangap ng pagbabanta na itatakwil ng kanilang lahi at palalayasin ang kanyang ina sa mundo ng manlilinang at di na muling makababalik. Sinubukan ding tutulan ng don ang kanilang pag-iibigan ngunit siya ay nabigo. Minabuti ng kanyang ina na manatili sa mundo ng tao at magpakasal sa kanyang ama.

Naging matiwasay ang kanilang pagsasama at namuhay ng tahimik ngunit sa dako ng mundo ng manlilinang ay may namumuong galit na nanggagaling sa pinuno ng mga Itim na Manlilinang, si Diego. Matagal ng sinusundan at nililigawan ni Diego ang kanyang ina. Palihim ang pagpapakita ni Diego kay Maria dahil mapanganib sa isang itim na makita ng isang puting malilinang. May malakas na kapangyarihan ni Diego ngunit may mga puting manlilinang na nakakahigit sa kanyang kapangyarihan kaya ingat pa rin siya sa kanyang kilos. Ang pagkikita ng puti at itim na manlilinang ay nagkakahulugan ng kamatayan ng isa sa kanila. Ang mga itim na manlilinang ay pumapatay ng ibang manlilinang upang makuha nito ang kanilang kapangyarihan. Hinihigop nila ang kaluluwang lakas ng isang manlilinang upang maging enerhiya para tumaas ang kanilang antas.

Ang ina ni Eddy ay isang puting manlilinang kaya sa unang pagkakataon na makita niya si Diego ay kaagad niyang nilabanan ito. Dahil sa lakas ng kapangyarihan pisikal ni Diego ay parang pinaglalaruan lamang nito ang una. Dahil batid ni Maria na wala siyang laban sa katunggali ay agaran itong gumawa ng paraan para makatakas. Kung gugustuhin ni Diego na di makatakas si Maria malamang na hindi siya makakatakas ngunit hinayaan lang siya nitong makatakas. Ilang ulit ang kanilang pagtatagpo at sa bawat pagtatagpo ay parehong pangyayari ang nagaganap. Sa huli nilang laban ay naglakas loob na si Maria na magtanong kung bakit di siya pinapatay nito ang pangwang pinaglalaruan lamang siya.

"Mahal kita!" pasigaw na pag-amin ni Diego.

"Haha! Isang itim na manlilinang na marunong magmahal?" sinabayan ni Maria ang pagtakas habang tumatawa. Napangiti lang si Diego na inakala na nagkakaroon na siya ng pagkakatao at napapa-ibig na si Maria.

Kinabukasan, upang makaiwas kay Diego ay minabuti ni Maria na magtungo sa mundo ng mga tao at tumulong na lamang sa kanyang ama. Ang lagusan na nag-uunay sa magkabilang mundo ay matatagpuan sa bundok ng Maria Makiling. Ito ay binabantayan ng mga puting malilinang upang hindi mararaan ang mga itim na manlilinang. Dahil ayaw ni Maria na malayo sa kalikasan ay minabuti nya na siya ay manatili sa minahan sa bundok.