14 Chapter 14: Missing you

Hapon na ng nagbilin ako kay Tita Martha na samahan ako na bumili ng groceries. Nahihiya pa akong utusin sya sapagkat malaki ang naitulong nya sa akin noon pa. Ayokong abusuhin ang pagmamalagi nya sa amin.

"Saan tayo Mommy?. Are we going to Daddy?." aliw na tanong nitong si Knoa sa tabi ko.

"Nope baby. We're going to the market."

"Are we?. Bibilhan mo ko chocolates?."

"Might be. If you'll gonna behave while heading there."

"That's to easy Mommy. Wake me up when we get there then?."

Madaling kausap ang bata lalo na kapag may mga gusto sila na alam nilang ibibigay mo pero sa isang kundisyon. Hindi sa ayaw kong ibigay ang gusto nya. Sadyang, gusto ko lang malaman nya na sa tunay na buhay, hindi madaling makuha ang gusto mo. Kailangan muna ng matinding sakripisyo, balde-baldeng luha at pawis para makamtan ito. It's not as easy as what they've thought.

Pumasok ako ng store. Hindi ko na rin pinababa si Tita Martha dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Saka tulog pa si Knoa. Ayokong gisingin sya. Baka mas lalo akong mamroblema kapag ginising ko sya't masama ang timpla ng mukha. Baka hindi na matatapos ang pamimili ko kung nangyari iyon.

Mabilis lang din ang naging pamimili ko dahil nauna ko ng nilista ang mga dapat na bilhin. Inihabol ko na lang ang mga gusto ng bata pati ng kanyang ama. Bumili na rin ako ng gatas para kay Tita Martha. Pansin ko kasing nangayayat ito. Hindi na tulad ng dati ang katawan nya ngayon. Kung noon, umaalog ang taba sa kahit saang parte ng kanyang katawan, ngayon wala na iyon. I still wonder why.

Nang bumalik na ako ng kotse. Eksaktong tumila na ang ulan. Tita Martha quickly help me put all the bags on the trunks. At ng matapos na kami. Duon lang din nagising si Knoa.

"Daddy!." iyon pa ang unang binigkas nya.

Agad ko syang dinaluhan at inayos ang seatbelt nya. "Are you okay baby?."

"Is Dad's home, Mom?." umiling ako. Tapos inayos ko rin ang buhok nya. Kinuha ko ang pantali ng buhok ko sa kamay saka itinali iyon sa kanya. Gusto ko sanang ipagupit ang buhok nya subalit mahigpit akong inayawan ni Jaden. Mas nakakagwapo daw kasi pag long hair ang lalaki. Kingwa! Binigwasan ko kaya sya ng sabihin nya iyon. Saang lupalop nya rin kaya napulot yun?. Sya nga hindi long hair, pero hanggang ngayon gwapo pa rin sa paningin ko. Tpaos ngayon sabihin nya yun sa bata. Rason nya. Minsan, nakakatawa.

"He's not baby pero ang sabi nya uuwi raw sya mamaya."

"Is that true?." lumaki ang butas ng ilong nya. Napangisi nalang ako. Walang duda. Kahit ang paglaki ng butas ng ilong mo, Jaden pa rin. How lucky I am to have you both in my life. Priceless!

Kagat labi ko syang tinanguan. Halos tumalon pa sya saka si Tita na ang kinulit nya. Noon ko lang din nakita ang kumupas ng ngiti nya. Pati ang tunog ng kanyang halakhak ay para bang napakamahal kung kaya't bihira ito kung tumawa. How I can wish that she can be old self again soon. Sana. May magagawa pa ako para mapasaya muli sya.a

And when we were back home. Bukas na ang malaking gate. My forehead suddenly creased ng maalalang sinarado namin iyon bago umalis.

Sa kaba ko na baka may akyat bahay gang na sa loob ay marahas kong ipinasok ang sasakyan sa garahe. Natabunan lamang ng paghinahon ang aking takot ng makita ang bulto ni Jaden na preskong nakatayo sa tabi ng kanyang magarang sasakyan. Nakahalukipkip pa ito.

Damn boy! Tinakot ako.

"Daddy!." hindi pa man totally nakahinto ang sasakyan ay binuksan na nito agad ang pintuan dahilan para mapasigaw ako. "Knoa!." bigla ay pati si Jaden ay napasugod sa amin. Pinatay ko ang makina ng sasakyan ng makita kanina kung paano halos sumubsob sa lupa ang mukha ng bata. Kamamadali papunta sa kanyang ama. "Daddy! Daddy!."

"Too much energy." tita Martha said. Tinanguan ko nalang sya bago nagpakawala ng malakas na buntong hininga. Agad ding bumaba si Tita at kinausap si Jaden. Nagyakap sila at nagkamayan. Buhat na ngayon ni Jaden si Knoa at ang bata ay talaga nga namang yakap na ang leeg ng kanyang ama. Wala na naman syang kawala sa kulit nito.

"Mommy!." matinis nitong tawag sakin ng bumaba ako. Nagsuklay pa kasi ako at naglagay ng pabango bago bumaba. I bit my lower lip when I met Jaden's eyes. Sa titig ko doon. Nakita ko pa kung paano bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi. Tinutukso ako kung bakit ako natagalan sa pagbaba. Ganyan yan.

"Kanina ka pa?." imbes halikan ko dapat sya ay bigla akong nakaramdam ng hiya. Ewan ko. Biglang umatras mga paa ko e. Pati nga ako nabigla.

Pero ang hindi ko inasahan. Sya ang humakbang paharap. Binaba nya si Knoa matapos nya itong bulungan. Tumakbo rin agad papasok ng bahay ang bata without glancing at me.

Napaatras akong muli. I don't know. I feel like, my heart is jumping out of me knowing that he's here right now. Infront of me. Confidently teasing me without doing anything.

"Kanina pa ako." he said huskily. Nasilip ko pa nga kung paano tumaas baba ang adam's apple nya. Kingwa! Umayos ka nga Bamby!!..

"Wala man lang ba akong halik dyan?." Ngayon. Binakuran na nya ako. Kakaatras ko ay sa malamig na pader na ako humantong. Agad nanuot ang lamig nito saking katawan dahilan para medyo napaahon ako rito at di ko alam na sa katawan na pala ni Jaden ang espasyong iyon. Doon nya na rin ako hinapit papalapit na talaga sa kanya. Tumitig sya sa mata ko. Matagal iyon. Tapos pababa sa ilong ko kaya nakagat ko ang labi ko dahil pababa na ang mata nya. "Wala pa ring kupas ang ganda mo."

"Gusto mo, sa'yo nalang." pamimilosopo ko dito. Tumaas na naman ang sulok ng kanyang labi. He then bit his lower lips. Showing me how hot he is today. Damn it!

"Gustong-gusto. Kung gusto mo nga, kahit dito na." out of nowhere. He murmurs this into my left ear. Ang mainit na hininga nya ay agad kumalat sa katawan ko na para bang napaso ako. Biglang nabuhay ang mga ugat na kanina lang ay tulog na parang mantika sa lamig.

"Ano!?." nag-isip pa muna ako kung anong ibig sabihin nya. Nang mapagtanto ko ang sinabi nito, huli na dahil humahalik na sya sa leeg ko.

"I miss you so much babe."

"I miss you too." napapaliyad ako dahil sa init na dulot ng halik nya. "But babe, wag dito. Baka makita tayo ni Tita Martha. Nakakahiya."

"Hmm.. I know. I just want to kiss you. Ang damot mo kasi eh."

"Kiss e, seducing na yang ginagawa mo e." angil ko habang nakangiti. Tumigil sya't hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

"So, are you seduced huh?." pinaikutan ko lang sya ng mata kaya siguro ito natawa.

"Duh?. Who's not huh?." sa sinabi ko'y mas lalo lamang syang natawa.

"Oh babe. I love you." anya bigla. Sa pagtitig ko sa kanya habang tumatawa ay di ko napigilan ang sarili kong yakapin sya. "I love you more Jaden ko."

"Oh darn it! Why you so sweet my lovely wife. I'm missing you more." anya rin na para bang nasa magkabila kaming dimension at hindi magkayakap ngayon. I give him a soft and gentle kiss bago kami pumasok sa loob. Magluluto pa kasi ako ng hapunan at baka hanapin na kami ni Knoa. Alam nyo kapag may bata. Mahirap umiskor. Kidding!.

avataravatar
Next chapter