webnovel

Magkakaibang Lahi

Ang kwentong ito ay kathang isip lamang. May mga kakaibang nilalang at mga kakaibang kapangyarihan ng bawat tauhan. Sana magustuhan nyo 😊.

Panimula:

May isang Diwata na may tatlong anak, ito ay may magkakaibang uri ng nilalang. Ang panganay ay purong Diwata na si Hev. Ang pangalawa naman ay may lahing Ahas na si Phytona. At ang bunso ay may lahing lamang dagat, ngunit hindi siya isang sirena isa syang pugita na may kalahati katawan tao na si Sula.

Ngunit hindi lumaki ng magkakasama ang magkakapatid, dahil....

Nilusob ng mga Ahas ang Kaharian ng mga Diwata, ang kaharian ng Tala. Dahil ito sa kagustuhan na makuha ng kanilang Hari na si Zam ang anak nito na si Phytona, kaya sa lakas at dami ng pwersa ng mga Ahas kaya naman matagumpay na nakuha ni Zam si Phytona.

Kaya di gaya nila Hev at Sula na lumaking matulungin at mapagmahal, kabaliktaran ito ng nakaugalian ni Phytona. Sya ang naging Reyna ng mga Ahas.

Sa paglipas ng mga taon naging mortal na magkaaway na ang mga Diwata at Ahas. Ngunit sa di kalayuang lugar, may nilalang na sumusbaybay sa kanilang mundo, nilalang na alam ang dapat gawin at mangyari, nilalang na nag ngangalang Freya ang Dyosa ng yelo.

Sya ay handang gawin ang lahat upang magkaroon ng magandang kinabukasan at kabanata ang mundi ng Kristala.