webnovel

Magical Dreamers: wanna explore together?

On-going Hindi akalain ni Claire na pagkagising niya ay iba na ang makikita niyang palagid, hindi siya sigurado kong totoo ba to?. Hindi siya makapaniwala na hindi na ito Pilipinas, sa ibang bansa na ito. Ang malaking tanong sa isip niya ay pano siya napunta rito? Kong tutuusin mabuti narin to kumpara kong ano ang buhay niya noon. Lets join the unbelievable journey of Claire as we read this book. :)

LilyGrow · Fantasy
Not enough ratings
5 Chs

Chapter 1

Claire's POV

Nagising ako sa sigawan nanaman nila mama at papa. Napa kunot ang nuo ko at napahawak ng ulo, "Ano nanaman kaya to?" walang araw na di sila nag aaway, kadalasan ang pinag aawayan nila ay tungkol sa pag susugal ni papa.

Natatakot na ako, patagal ng patagal, nadadapuan na ni papa si mama ng kamay niya. Na suntok niya narin si mama sa pisngi. Nagkaroon ako ng galit kay papa at minsan ay sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko naprotektahan si mama.

Lumabas na ako ng kwarto at mabilisan akong bumaba ng hagdan. Sigawan na ulit ang narinig ko, malala na ito kumpara dati.

Nakita ko silang nagaaway sa sala, galit na galit ang mukha ni mama samantalang, parang wala lang ito kay papa. Pangisi ngisi pa ito sa hindi malaman laman na dahilan, parang hindi na nga siya to.

"Ano to hah! Walang hiya ka!, Ano pa bang kulang?!" Iyak na sabi ni mama nang makita ang kabastusan na mga mensahe ni papa, na pinadala niya sa babae niya.

Malayo ako sa kinatatayuan nila pero kitang kita ko, ang mga malalaswang litrato na sinend din ng babae kay papa. Namumuo na ang galit ko kay papa, gustong gusto ko na siyang sampalin, nawalan na ako ng respeto sa kanya, ang baboy baboy na niya!

"Abay ano nanaman ang pinuputok ng butsi mo ha!" kitang kita sa mga mata niya ang galit at napangisi ulit ito. "Wala kanang paki don!" muling saad ni papa. Pinipigilan ni mama na hindi umiyak at naka sarado na sa ngayon ang kanyang mga kamay. "Tutal losyang ka naman na eh!", pangsunod na sabi ni papa na mas kinagalit ko. Akala ko ay tapos na siyang mag salita ngunit sinundan niya pa ito ng,"Hindi ka na din masarap!" umusok na rin ako sa galit, pinutahan ko na kung saan sila naka pwesto. Agad ko namang sinampal si Papa sa pisngi, nagulat naman siya sa nangyari.

"Abay, gising na pala ang walang hiya kong anak!" ngumisi niyang sigaw at hinawakan niya ang namumula niyang pisngi at agad naman siyang napatingin sa akin ng deretso, "Wala kang pinag bago, ginagago mo parin kami ni mama!" malakas kong sigaw sa kanya at namumuo na ang luha ko, agad ko din naman itong pinunasan. Ayokong makita ako ni mama na mahina ako.

"'Ano ang karapatan mo!', 'Para sabihin sakin yan!'" sigaw niya at mukhang handa na si papa na suntukin ako. Mas ok na nga, na ako nalang ang suntukin niya kesa kay mama. Nasa tabi ko sa ngayon si mama, umiiyak na. Wala man lang akong nagawa para patahanin siya. "Wag ka manghimasok sa usapan ng mga matatanda!", sigaw niya saakin at mabilisan niyang hinatak ang suot kong damit, "Wala ka ding kwenta!, wala akong mapapala sayo!" nang masabi na niya iyon ay tinulak niya ako, napa dapa ako at muntik na masobsob ang ulo ko, buti nalang dahil napahawak ako sa mesa.

"Tama na! Ako nalang ang saktan mo!" sigaw na sabi ni mama, na sa ngayon ay magang-maga na ang mata kakaiyak.

Hindi naman ganito si papa dati, nag bago nalang ito nang mag umpisa na syang mag sugal.

Hindi mapagkaila na may kaya kami, may trabaho na marangal si papa dati. Sa ngayon na walang wala na siyang pera ay tinatakot niya naman si mama na bigyan siya nito ng pera, dahil sa ngayon ay may trabaho si mama. Hindi ko alam na ang pera na binibigay pala ni mama ay napupunta na sa babae niya, hindi man ako sigurado pero nakikita ko sa mga mata niya na parang nakalanghap na siya ng droga.

Ngumisi ulit si papa "'Dapat lang yan sa anak mong walang hiya!', 'baka katulad ka mo din siya na pokpok!', 'Abay na alala ko', 'hindi ka naman na birhen nong nagpakasal tayo'! 'Haha!', 'Di nga ako sigurado kong anak ko talaga yan!', 'Abay malay mo!' 'Sa mga lalake mo pala yan!'", bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa galit, handa na akong patayin ang gago kong ama!, nawalan na talaga ako ng respeto sa kanya.

Napatingin-tingin ako sa gawi ni mama, umiiyak ulit ito at galit na galit na. Mabilisan niyang sinugod si papa at sinuntok niya ito ng makailang beses sa dibdib pero parang wala lang ito kay papa. Hinawakan naman niya ang kamay ni mama at pinaikot niya ang kamay nito, napaiyak si mama sa sakit at napaupo sa sahig.

Bumangon ako sa pag ka dapa, masakit ang impact sa pwet ko ng dahil sa pagka tulak sakin ni papa. "'Ayoko na dito!' 'Tutal wala ka namang na gawang tama!', 'baka nga adik ka pa!'" sigaw ko kay papa pabalik at sabay din ng pagluha ko na kaina pang walang atrasan.

"'Ma sumama ka sakin!', 'lalayas na tayo sa impyernong.. b-bahay na.. it-to!.'", na uutal na ang boses ko kakaiyak. "Anak wag.. dito lang ako" maikli niyang saad na mas kina galit ko. "Ano ba Ma!" galit kong saad.

Tumakbo ako papuntang kwarto ko at nagumpisa narin akong mag impake ng mga damit ko, may kumatok sa pinto ko. "Anak.." saad niya, nabosesan ko siya at si mama iyon. "Pasok!" yon na lamang ang nasabi ko, pumasok naman na siya, "Anak pls wag" alam ko narin ang tinutukoy niya, pinapahiwatig niya, na wag na akong lumayas, "'Ma naman kelan tayo mag titiis dito!', 'Mas lalo ng lumalala si papa!', 'Hihintayin mo pa ba?' 'Na magpatayan kayo ha?!'" sigaw ko at nag cracrack na ang boses ko. Sana naman maunawaan niya ang pinapahiwatig ko, alam ko naman kung bakit, na hindi niya gustong umalis dito dahil mahal na mahal niya si papa kahit na ginagago na siya nito, Hay pag ibig nga naman, hindi ba siya nasasakal sa sitwasyon namin? pwes ako sakal na sakal na.

Nang matapos ko ng maipake ang damit ko ay napatingin ako kay mama, na kanina pa nasa tabi ko, nakaupo siya sa higaaan, namumula na ang mga  mata niya kakaiyak kanina pa. "Hindi ako payag Ma! Sumam-ma k-ka sa-akin" hikbi kong saad. Wala ng magagawa si mama dahil kinuha ko na sa kwarto niya ang iba niyang mga damit at nag uumpisa na mag impake.

Tumahimik na lamang si mama at tumango bilang pag sagot sa tanong ko kanina. Nang natapos ko ng mag impake ng mga damit niya ay tinulungan niya din ako sa iba pa niyang mga damit, alam kong malungkot siya sa disisyon ko, pero ito ang alam kong makakabuti samin.

"Anak malapit na pala ang Birthday mo no!?" masayang sigaw ni mama, pero halata parin ang lungkot sa nga mata niya. Oo nga pala malapit nadin ang Birthday ko, tatlong araw nalang kaarawan ko na at sa Sabado na iyon, sana nga magiging maganda na ang buhay namin, tutal lalayas na din kami dito. Mahigit ilang buwan nadin akong nag tinitiis sa panggagago ni papa samin. Yong pinaghirapan na pera nga ni mama yon di ang winawaldas niya sa mga babae niya na kanina lang namin na laman.

Nang matapos na naming maimpake ni mama ay ngumiti siya saglit sakin at nagsabi ng, "'Anak proud na proud talaga ako sayo.', 'Mag seseventeen ka palang pero mas magaling ka pa sakin mag disisyon sa buhay '" pilit siyang napangiti sakin, tumango ako sa kanya at huminga ng malalim at tumingin ulit sa kanya. "'Ma alam mo naman kung gaano kita ka m-mahal', 'Ayokong masaktan ka.'" ngumiti na lamang ako ng mapait sa kanya.

Lumabas na kami ng kwarto ni mama. Dala dala na namin ang mga na impake namin, na  sangayon ay sa malaki na naming bag.

May narinig akong tawa, nakakatakot ito at dahil sa takot napakurap-kurap ang mga mata ko, bigla akong nanginig. Napatingin ako sa direksiyon ni Papa, papalapit siya saamin., galit na galit na ito at nakita ko na may hawak- hawak siya sa isang kamay n'ya na parang pakete ng droga.

Lumapit siya sa kinatatayuan ni mama, hinatak niya ang damit ni mama at tumingin ng malalim sa kanya. Bigla siyang sumigaw na kinagugulat ni mama, napahawak si mama sa dibdib niya. "Abay sumunod nga naman sa sinabi ng walang hiya niyang anak!" galit niyang sigaw kay mama. "Akala ko naman mahal mo ako?" saad niya at ngumisi, naglakad siya palapit kay mama at dahil sa takot ni mama ay napaatras naman ito, muntik na siyang mahulog sa hagdan buti naman ay agad ko siyang tinulak palayo. Napatingin sa likuran si mama at laking gulat niya ng makita na, isang hakbang niya na lamang sana ay mahuhulog na siya.

"Sesan! Muntik mo ng mahulog si mama!" sigaw ko sa kanya, nag aapoy na ako sa galit, tumawa naman siya ng mala demonyo at agad naman niya akong nilapitan, "Buti nga yon! Haha", saad niya at tumawa ng bahagya.

Sinuntok ko siya ng maka ilang beses sa sobrang galit, namula naman kaagad ang mukha niya at may ka unting dugo narin ito sa ilong at agad naman niyang pinunasan ito at napatawa pa ito. Wala na nga ito sa katinuan.

Tumingin ako sa gawi ni mama, kitang kita ko sa mata niya ang takot. Nagulat nalang ako, nang bigla akong sinakal ni papa, pilit kong kinukuha ang kamay niya sa leeg ko, masakit na ito. "Tama na!", sigaw ni mama, pero hindi ito pinagtuunan ng pansin ni papa.

Masakit na masakit na, baka ilang segundo nalang siguro mawawalan na ako ng hininga. Sinipa ko si papa sa maselang parte niya at agad naman siyang napaatras. Napahawat ako ng leeg ko, namumula na ito sa ngayon.

Pero na gulat ako ng bigla niya nalang akong tinulak, naging dahilan ito nang pagkahulog ko sa hagdan. Tumalbog talbog ako at makailang ulit akong tumama sa mga steps ng hagdan at napahiga sa sahig. Masakit na masakit ang lahat ng katawan ko, unti-unting pumipikit ang mga mata ko, ang huling narinig ko na  lamang ang pag sigaw ni mama "Anak jusko!, Claire!" rinig ko rin ang hikbi niya ng naramdaman ko siyang dali-daling pagbaba niya sa hagdan, hinawakan niya ang kamay ko humagolgol na ito ng iyak.

Nawalan na ako ng malay. Hiniling ko nalang na kong mamatay man ako ngayon, sana maganda ang patutunguhan ko.

A/N sorry medyo dark trip trip ko lang yan haha