webnovel

CHAPTER 7

AN: Pasensya na matagal na paghihintay, at sana'y magustuhan niyo ang aking update. Salamat! ;)

==========================================

BONITA P.O.V

HINDI KO alam kung namalikmata lang ba ako dahil sa pagkurap ng mata ko wala na sa harapan ko si Dexter.

"Bonita, may problema ba?"

Napaangat ang balikat ko dahil sa boses ni Dexter at sunod-sunod na napatango ako sa kanya. Bakit ganun? Nakita ko kanina na nasa harapan ko siya at balak niya ako'ng halikan. O nag-aasume lang siguro ako kaya ganun. Ipinilig ko ang ulo ko ng ilang beses, baka dala ito ng mga ilang araw na nangyari sa akin.

"Ok, Bonita. Siguro magpahinga ka na lang muna sa ngayon, siguro napagod ka sa biyahe." muling salita ni Dexter na nakatayo na sa kanyang kinauupuan.

Tumango na lang at gumala ang mata ko sa kabuan nang club, napansin ko sa labas pala kita mo mga building na nagtataasan at mga sa sasakyan na paroon at parito. Pero kapag na sa labas ka pala hindi mo kita ang loob, ang galing!

"Hoy! Ano pang tinatanga-tanga mo diyan? Halika na!"

Nagulat naman ako dito sa babaeng halos mangitim na ang kulay ng mukha dahil sa make-up nito na puro itim. Sandali makasigaw to ayos ah!

"Ano? Tatanga ka lang diyan o gagalaw ka na? Ano'ng gusto mo may bumuhat pa sayo?" nakaka-insulto na muling singhal nito sa akin.

"Ikaw kanina mo pa ako sinisigawan, hindi naman ako bingi ah? Masyado ka naman hayblad diyan." sagot ko lang pero siya inirapan ako.

Nagsimula na siyang maglakad at sumunod na ako sa kanya, habang papasok kami sa may kadiliman na pasilyo nakaramdam ako ng kakaiba. Yung tipong magtatayuan talaga ang lahat ng balahibo mo sa buong katawan dahil sa  kakaibang pakiramdam.

Maraming pinto ang dinaraanan namin at may nadaanan kaming nakabukas na pinto. Napakapit ako sa bibig ko dahil muntikan na ako'ng mapasigaw dahil sa nakita ko na may magkapatong na babae at lalaki. Mga nakangiti lang sila sa akin nang makita nila ako kaya napabilis ang lakad ko. Nawala 'yung babae na sinusundan ko kaya naman sumalakay ang kaba sa dibdib ko.

"Te, Ate? Uy, nasaan ka na?" Mahinang tawag ko na may nginig ang boses ko.

Nagpatuloy ako sa paglakad ng may makita ako'ng kuwarto na nakabukas rin at hinahangin-hangin pa ang kurtinang puti na nakatabing dito sa pintuan. Dala ng kursyunidad unti-unti kong hinawi ang kurtina at hindi ko alam pero kusang napapikit ang mata ko.

"Huwag! Huwag... A-aayoko na. Demonyo ka!"

Pakiramdam ko nahihirapan ako huminga ng makita ko ang malabong eksena na may isang babae at lalaki. At pilit nitong pinupwersa ang babae, tapos nagbago ang anyo nang....

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

Halos lumandag ang puso ko sa gulat dahil sa biglang may nagsalita sa likuran ko. Lumingon ako at salubong na kilay ni Dexter ang nabungaran ko.

"A-aa... W-wala! H-hinahanap ko kasi 'yung babae na kasama ko kanina, nawala kasi siya." sagot ko na pautal-utal dahil sa nerbyos.

"Boss! Pasensya na,"

Pareho kaming napalingon ni Dexter sa nagsalita sa likuran namin, 'yung babae kanina na kasama ko.

"Sa susunod huwag mo siyang iniiwan lang basta." malamig ang boses na sagot lamang ni Dexter at tinalikuran na kami.

Iniwan ni kami ni Dexter sinundan ko na lang nang tanaw ang likuran niya na papalayo na sa amin.

"Halika na at sumunod ka lang sa akin, mapapagalitan pa ako dahil sa'yo." nakairap na baling sa akin nitong babae.

Tahimik na sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa makarating na kami sa sinasabi nitong magiging kuwarto ko.

Nilibot ko ang mata ko sa kabuan ng silid hindi naman ito kalakihan na kuwarto, may higaan na pang-isahan lang talaga pero mukhang malambot naman ito. Malinis ang paligid ngunit may kakaiba na naman ako'ng naramdaman ng muling mabaling ang paningin ko sa higaan.

Biglang naging kulay pula ang puting sapin nito at unti-unting umaagos ang dugo pababa sa laylayan nang sapin nito. May babae akong nakita na nakahiga dito at duguan ang leeg nito.

"Ganon rin 'yung babae na nakita ko doon sa kabilang kuwarto."  mahinang sambit ko.

Sa pagkurap ng mata ko muling nagbalik ang malinis na higaan at wala ng dugo rito. Sandali, bakit lagi kong nakikita ang ganon na eksena?

Hindi ko na namalayan na iniwan na pala ako nang babae na kasama ko kanina. Hinayaan ko na lang at isinara ko ang pinto dahil sa malamig ang hangin mula sa labas.

Habang nakahiga ako muling pumasok sa isip ko si Rius ang lalaking may napakagwapong pagmumukha. At hindi lang 'yon ang ganda pa ng katawan niya pero napakasama niya talaga, nakatulugan ko na ang pag-iisip.

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa may humawak sa leeg ko, kapit-kapit ang leeg at nilingon ko ang paligid. Walang bakas na may pumasok dito kaya naman napailing na lang ako. Bumaba ako ng higaan at tinungo ang pintuan at sa pagpihit ko ng seradura malalakas na tugtugin ang sumalabong sa aking tenga.

Marami akong nakitang mga babae na palakad-lakad sa pasilyo at ang kanilang mga suot 'ay puro itim. Halos makita na ang mga panty nila dahil sa sobrang ikli nito.

"Hey, are you free tonight?"

Alanganin naman akong napangiti dito sa kanong ngiting-ngiti sa akin at nangangamoy alak ang bibig nito.

"H-hindi po ako free," sagot ko na medyo kinabahan at nagmamadali na nilagpasan ko siya.

"Hey, wait!"

Hindi ko na nilingon pa ang pagtawag sa akin ng kano, malalaki ang hakbang ng aking mga paa at hanggang sa.

"Aw! S-sorry!" malakas na sambit ko dahil may nabunggo ako. Napaangat ang ulo ko kasabay ng mata ko, natigilan ako. "R-Rius?" mahinang usal ko.

"Rius? Sorry miss pero hindi Rius ang pangalan ko. Pero kung gusto mo ako makilala wala namang problema." nakangising salita nito at dahan-dahan na lumapit.

"P-pasensya na akala ko lang kasi, sige punta lang ako doon." kinakabahan na sagot ko at iniiwasan ko ang mapang-akit na tingin nito.

"Gusto ko dito lang." salitang muli nito sa tono na napapaos.

Namilog naman mata ko at ngumiti ng kaunti. "Ah, kasi may gagawin pa kaya-"

"Bonita, may problema ba?"

Nakahinga ako ng maluwag nang mabosesan ko si Dexter.

"Halika na at may ipapakilala ako sa'yo." malamig ang boses na sambit nito.

Nakita ko naman ang pagkulimlim nang mukha nitong lalaki habang masamang nakatingin kay Dexter. Hinatak na ako ni Dexter palayo doon sa lalaki at dinala ako kung saan, may pinasukan kami na babasagin na pinto at napakalamig sa loob kaya kusang napayakap ako sa braso ko.

Pagpasok sa loob may nakita akong isang may edad na lalaki at ang kanyang awra ay nakakatakot. Parang kakainin niya ako ng buo nang pasadahan niya ako mula ulo hanggang paa ko.

"Mr. See, ito ang bagong babae namin. Siguradong mag-eenjoy kayo sa kanya." masayang wika ni Dexter.

Napalingon naman ako 'kay Dexter dahil naguluhan ako sa sinabi niya na mag-eenjoy.

"S-sandali, Dexter. Ano ang ibig mong sabihin?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya.

"Kailangan mo ng trabaho, tama?" seryoso na salita nito.

"Oo, pero sabi mo dancer ako. Pero huwag mo naman ako ibigay sa iba para magsayaw." malungkot na sagot ko, kumunot noo naman si Dexter sa akin.

"Sige na, Dexter iwan mo na kami." utos naman nitong may edad na lalaki.

Tumango si Dexter at hindi na ako muling sinulyapan nito, nakalabas na si Dexter pero ako ito halos hindi pa rin makagalaw sa kinakatayuan ko.

"Dito ka," malamig ang boses na aya sa akin sa may kandungan niya.

"Ah, tay. Kasi ho sasayawan ko lang naman kayo diba?" nangingiting sagot ko sa kanya.

"Halika rito, huwag mo na ako patayuin pa sa upuan ko." seryoso na salitang muli nito.

Dito kinabahan ako bigla dahil sa pagbago ng tono nang boses niya. At parang may naalala ako sa boses niya hindi ko lang alam kung sino.