webnovel

MATH 2

Couz, What's up! " biglang tawag ng isang lalaki sa likuran sabay akbay kay Hero.

"Parang di tayo  nag jamming kahapon aa. " tawang sagot naman nito.

Mariin kong tinitigan si Hero tska ako bumaling sa kasama niya.

Gwapo rin ito kahit may pagkamoreno.Just like Hero, he also has a pointed nose.

And ow,  did he just smiled? Look at those dimples, how adorable!

and his eyes?They're round and--

Natigil ako nang magtama ang aming mga mata. He looked at me with disgusted looks.

Omo!How embarassing! Baka akalain niyang pinagnanasaan ko siya!

"Hey! " narinig kong tawag niya pero diko na siya pinansin dahil pasimple ko nang binilisang maglakad.

ALIWAN'S POV

"Hey! " tawag ko sa babaeng kanina pa nakatingin pero bigla nalang itong nawala.

Her face looks familiar.

Kahit sa picture ko lang siya nakita ay hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga iyon.

"Whom are you calling,couz?" untag sa akin ni Hero.

Hero is my cousin and I am particularly closer to him than all our other cousins.

"There's this girl who kept on staring so I called her attention." I replied.

He is grinning wickedly.

"I bet it's a girl who's in to you again. Why don't you pursue her? " he coaxed.

"Stop the silliness.I am starting to get offended!"

"Okay. I'll stop,couz!" he said with his hands raised in the air.

I just shook my head as we walked toward our rooms.

***************************************************************************

MADULIMAY'S POV

I felt relieved nang mahanapan ko kaagad ang room ko.

May nakita akong bakanteng upuan sa bandang likuran kaya doon ako dumeretso at umupo.

"What do you think are you

doing?" narinig kong tanong ng katabi ko.

"Sitting down. " sarkastikong sagot ko.

"Are you dumb?  Get your ass out of that chair!" sigaw niya.

Omo.

Nakakagulat naman ang lalaking ito.

Kailangang pasigaw?

Tska bakit niya ako pinapalayas dito, sa kanya ba itong upuan?

Napukaw namin ang atensyon ng aming mga kamag aral dahil lahat sila ay nakatingin na sa amin.

This is my first day of school and I can't stand to be treated like this! 

Tumingin ako sa katabi ko at sinalubong ang kanyang mga mata.

"You are dumber! I won't! Bakit? Do you own this chair? "sigaw ko rin.

Bakit siya lang ba ang may kakayahang manigaw?

Hm! Why does he looks familiar to me?

I think I've met him before.

I'm sure of it but I just can't remember when and where.

Nag umpisang nagbulungan ang mga classmates namin.

"You call me what? " tumayo siya sa kanyang upuan.

"Mr. Sitti Montagni!Are you planning of ruining my day again?" sigaw ng babaeng nasa mid 50's na sa tingin ko ay siya ang professor namin sa subject na yon.

Biglang nagsiupuan ang lahat.

"I don't have any plans at all unless you want me to. " he said and after giving a bored look to our professor, he threw himself in his chair.

The nerve of this guy!

Wait. Sitti Montagni?  Yes,  I remember it all now.

He's the theft! 

After being grilled for an hour ay natapos din ang klase.

Tinapik ko agad ang balikat ng mokong na sarap na sarap sa tulog.

"Do you really want a taste of my knuckles? " pasigaw nitong sabi sabay suntok sa kanyang arm chair.

"Where is my coin purse?  The one that you stole from me 5 years ago? " patay malisyang tanong ko.

Narinig ko na namang nagbulungan ang mga classmates namin.

I was afraid but now is not the right time to back out. Sobrang special kasi ng coin purse na yon kasi gawa yon mismo  ni Mama at andun din yung nag iisang picture na ala ala ko sa kanya.

"Your way of getting my attention is such a cliche but I'm gonna give you a piece of my time later. " he jerked as he moved outside the room.

"Ibalik mo yung coin purse ko kung hindi malilintikan----" paglingon ko ay wala na ang mokong.

"Hi girl! You really amazed me! " tapik sa akin ng boses babae na nagbalik sa akin sa hwistyo.

Nilingon ko siya. Whoa?  Am I seeing a real doll?

But why would she be amazed of me?

"Huh? " I asked, confused.

"I really salute you for being brave. You know what,  that jerk really deserves a great slap. Uhm, by the way, I am Sabina Perez. "

ngiti niya sabay lahad ng kanyang kamay.

"Ako rin si Madulimay Pejero. "

nginitian ko rin siya pagkatapos kong tinanggap ang kanyang kamay.

"T'was nice meeting you. Mauna na ako kasi may next subject pa ko. See you around. "ngiti ulit niya at saka naglakad palayo.

Para siyang beauty queen.

Pansin ko lang, bakit lahat nalang ng tao dito, may looks? 

Ako lang ata ang hindi.Typical lang naman kasi ako at hindi naman. kagandahan.

Teka...

Salute?

Big catch ba ang seatmate ko para ma amazed yang si Sabina sa akin?

E magnanakaw nga yon e!

But how come a theft manage to enter this exclusive institution?

Nagkamali ba ako sa paghusga sa kanya? 

...but he didn't react kanina. so,  I'm confident that he is the culprit.

***

Dumeretso na agad ako sa canteen para magmerienda.

Hindi kasi ako nagbreakfast kanina.

Dibale at may dalawang oras pa bago ang next subject ko.

Pagkarating ko sa canteen ay punong puno ng tao ang ground floor.

Sinuri ko kung may pwede pang upuan at nahagip ng mga mata ko ang second floor ng canteen.

Nagbababaan na ang mga estudyante.

Tamang tama!

Bumili kaagad ako ng carbonara at pineapple juice tsaka ako pumanhik pataas ng second floor.

Nakapagtataka lang na wala nang naiwang tao.

Komportable akong naupo sa isang sulok at sinimulan kong nilantakan ang aking pagkain.

"Vacate the area at this time of the day. The sign reads. Where did you earn the guts to still sit here?!"

lumagapak ang tray ng food sa harapan ko.

"Ay tuna! "

sigaw ko dahil sa mabigat na paglagapak ng food nito.

Sino ba ang garapal na to na istorbo sa eating moment ko?!

Tumingala ako upang tingnan kung sino ang walang modong tao at natigilan ako ng mapagsino ito.

Siya yung kasama ni Hero kanina!

"Move out. NOW?!" he hissed as he gestured the way out.

Nanlilisik ang kanyang mga mata na parang lalamunin na ako ng buo.

Ganito ba talaga ang lahat ng lalaki sa school na ito? Walang respeto at bastos?

Ang amo ng mukha ng taong ito pero saksakan ng bastos!

Wala na akong energy para kastiguhin din siya. Gutom ako kaya itinuon ko na lang ang aking pansin sa kinakain ko.

Okay. Talk all you want. Basta ako. Kakain lang. Ang sarap kaya ng Carbonara na kinakain ko.

Natigil ako nang maramdaman ko ang   mainit init pang carbonara sa ulo ko.

Urgh. Itinapon niya ang isang platito ng Carbonara sa ulo ko!!!!!?

Matalim ko siyang tinitigan at awffff*

pumasok ata ang iba sa ilong ko dahil sa itinapon niyang pineapple juice sa mukha ko.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya..

And what a jerk he really is!!!

Wala man lang akong maunanig na pagsisisi sa kanyang mukha bagkus ay parang pinipigilan pa nito ang pagtawa.

Can anybody help me out?

I look around but to my dismay,pinagtatawanan pa ako ng mga tao sa paligid.

Hindi ako nakagalaw.

Hindi ko alam kung bakit.

Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng aking mga luha.

Para akong basang sisiw.

Nag-iisa...

Nanghihina...

mistulang kaawa-awa...

Pinilit kong tumayo. . .

Pinilit kong tumakbo. . .

Di ko na alintana ang paligid. I need to breathe because any time I could die.

Habang ako ay tumatakbo ay muling gumuhit sa aking isipan ang madilim na ala ala ng kahapon.

Flashback***

Abot hanggang tainga ang aking ngiti habang pabungad ako sa bahay.

"Tama na ang kahibangan mo Rowena! Tingnan mo nga ang nangyari sayo dahil sa pagiging suwail mo? Iniwan ka ng lalaking mahal mo at ngayon ay tinitiis mo ang kahirapan sa loob ng barong barong na ito."

Nagtago ako sa labas ng pintuan.

Bigla akong natakot nang mamukhaan ko kung sino ang matandang nakatayo at dinuduro si Mama habang impit na impit ang mga hikbi nito.

Hindi ako nagkakamali.

Siya si Amang!

Malakas ang kutob ko na siya nga ang mayamang lolo ko kahit sa litrato ko lamang siya nakita.

Namatay ang lola ko matapos ipinanganak si Mama kaya siya lang ang bugtong na anak ni Amang.

Ayon kay Mama,  pinalayas daw siya ni Amang nang umamin siya na nobyo na nito si Papa noon.

Lumuwas sila ni Papa dito sa Manila at nangupahan.

Naging masaya daw ang mga unang buwan ng kanilang pagsasama pero isang araw nalang daw ay umuwi si Papa na basag basag ang mukha.

Hanggang sa isang araw noong magtatatlong buwan na daw ako sa sinapupunan ni Mama ay hindi na ito umuwi pa.

Hanggang ngayon ay hindi alam ni Mama kung buhay pa ba siya o patay na.At kung buhay pa siya,  alam kaya niyang ako ang bunga ng kanilang pag iibigan?

Sobrang naaawa ako kay Mama dahil may mga gabing naririnig ko ang kaniyang pag iyak.

Nagtrabaho si Mama bilang call center agent para maitaguyod ang aking pag aaral.

Kahit hindi ko pa nakikita si Amang ay batid ko na kung gaano siya kahigpit at nakakatakot ayon na rin sa mga kwento ni Mama.

"Hindi ko na hahayaang maulit pa ito sa apo ko.Hwag kang mag alala at pla-planuhin kong mabuti ang kanyang kinabukasan upang hindi siya magaya sayo. Kapag narating na niya ang tamang edad ay ipapakasal ko na siya sa Apo ng mga Montagni."

"Ka-kayo po ang bahala, Amang." hagulgol ni Mama.

A..ano? Tama ba yung narinig ko?

Gusto akong ipakasal ni Amang sa lalaking hindi ko naman kilala?

at... pumayag si Mama?

Napasandal ako sa pintuan dahilan para ito ay bumukas at gumawa ng ingay.

"Madu... limay.. a.. anak?"

narinig kong tawag sa akin ni Mama.

"Ito na pala ang Apo ko. Napakagandang bata!" bulalas ni Amang na sumalubong sa akin.

"Magandang hapon po."

bati ko habang kinukuha ang kanyang kamay para magmano.

"Anak, siya ang lolo Anselmo mo.Diba matagal mo na siyang gustong makita? " narinig kong tawag sa akin ni Mama.

Galit na galit ako pero kahit papano ay pinalaki ako ni Mama na may respeto.

Lumingon ako sa kanila habang umakto akong nanghihina.

"Lo, Ma. Masama po ang pakiramdam ko. Gusto kong magpahinga. "

"Oo naman. Apo.Sige magpahinga ka muna at magku kwentuhan muna kami ng Mama mo. "

Tinungo ko agad ang kwarto at umiyak ako ng umiyak.

Kinaumagahan ay nagising ako sa pagkatok ni Mama.

"Madulimay.Anak.Buksan mo naman ang pinto please. Hayaan mong makapag explain ako sayo. "

Kilala talaga ako ni Mama.

Binuksan ko ang pinto saka ako naupo sa aking kama.

Pumasok si Mama at umupo sa bedside.

"Anak,  alam kong narinig mo ang mga pinag usapan namin ni Amang kahapon."

I gave her a blank expression.

Hindi ako nakakain kagabi sa sakit ng loob ko kahit pinipilit ako ni Mama.

"Ma, inimbitahan mo ba siya dito sa bahay para pumayag sa arranged marriage na iyon? " tukoy ko kay Amang.

Alam kong oo dahil alam kong  hindi si Amang ang klase ng tao na unang manghihingi ng tawad.

"Anak,yung tungkol sa arranged marriage___________"

di pa man siya tapos makapagsalita ay pinutol ko na siya dahil feeling ko sasabog na ang puso ko.

"Bakit ka pumayag ma? Bakit ka pumayag sa arranged marriage na iyon!?Hindi mo ba naisip kung anong mararamdaman ko?" nangingilid ang luhang sambit ko.

Malinaw kasi sa akin na kapag si Amang ang nagdesisyon ay hindi na ito pwedeng labagin dahil lahat ay pwede niyang gawin.

"Madulimay. Patawarin mo sana ako. Masakit din ito para sa akin pero wala akong choice,  anak. " hagulgol niya.

"Natatakot ka ba na mawala din ako kagaya ni Papa?  Hanggang kailan ka magpapabilanggo sa takot mo sa kanya, Ma? Pinalaki mo akong maging independent kaya patawarin mo rin ako pero hindi ko papayagang may kokontrol sa buhay ko! "

"Apo, may cancer ang Mama mo. "

para akong binagsakan ng langit ng marinig ko ang mga katagang iyon galing sa mga labi ni Amang na kakapasok lamang sa kwarto ko.

Hindi ako nakapagsalita.

Hindi. Hindi totoo yan!

Tinatakot lang ako ni Lolo!

"Amang. Please! " pagmamakaawa ni Mama.

"Malaki na ang apo ko Rowena at hindi na natin ito maililihim sa kanya.Bilang anak mo, karapatan din niyang malaman ang totoo."

bumaling siya sa akin at marahang hinawakan ang aking mukha.

"Apo,may leukemia ang Mama mo at nasa stage 3  na. "

"May mga tauhan akong naatasang i monitor ang mga gawain ninyong mag ina.Kaya nang mabigyan ako ng impormasyon na may cancer ang Mama mo ay agad ko na siyang pinuntahan. I am a cold hearted man but I cannot stand the sight of my daughter in pain.I will be bringing her to the U.S for medication anytime soon.

Tinignan ko si Mama pero hindi ko siya magawang tanungin.

Niyakap ako ni Mama at tska kami humagulgol ng iyak. Nang mga pagkakataong iyon ay feeling ko nagdilim bigla ang aking mundo.

*****

Lumuwas kami patungong America upang ipagamot si Mama.Nag undergo siya ng chemotherapy.

Diko mabilang kung ilang beses niyang tiniis ang bawat shots at mga radiation sa kanyang katawan.

Isang araw ay kinausap ako ni Mama. Nakikita kong pinipilit niyang magsalita kahit napipilitan siya.

"Anak, patuloy kang lumaban ha?Pasensya kana at mukhang hindi kana masasamahan ni Mama sa pagtupad ng mga pangarap natin. Si Amang, kahit ganun yon, mahal ka nun. Mag aral kang mabuti at maging matagumpay para hindi ka niya itali sa mga desisyon niya."

"Ma, tama na po. Huwag na muna kayong magsalita dyan at baka mabinat ka. Hwag kayong mag alala at andito lang po ako. " sabi ko habang  hinahalikan ang kanyang mga kamay.

"Anak, pasensha na,ha?"pagpapatuloy niya habang hinihimas ang aking pisngi.

"Mukhang di na kita masasabayan sa hinaharap. Hwag kang masyadong mabahala,  mabait si Amang. Kahit nagmana ako sa kanya na bato ang puso, mabait yun at hinding hindi ka niya pababayaan. Mahal kita anak ko. " nangilid ang luha niya.

"Mahal na mahal din kita,Ma."sambit ko habang niyayakap siya.

Ganun na lamang ang kagustuhan kong mabuhay siya...

pero.

Sobrang sakit na makita siyang nahihirapan...

kaya I let her go.

Hindi ko alam na yun na pala ang huling pag uusap namin.

***********************************

"Lady, are you okay? " ani ng isang baritonong boses.

Naramdaman ko ang unti unting panghihina nang aking tuhod. Pinilit kong inaninag kung kaninong boses ang naririnig ko but everything became blurry

until....

All I can see are shades of black.