1 Chapter 1

Rodriguez Academy of Excellence

Kumislap ang mga mata ko nang mapansin ang pamilyar na bulto ng lalaking na nauuna sa akin sa paglalakad.  Nakasabit sa kanang balikat nito ang isang sling bag habang kalmadong naglalakad papasok sa tarangkahan ng paaralan.

Pasimpleng nagnanakaw ng tingin ang mga kababaihan habang ito naman ay deretso lamang ang tingin at walang balak pumansin sa kahit sino.

Napangisi ako.

what a snob.

Binilisan ko ang paglalakad at hindi inalis ang tingin sa dito.  Nakalagpas na ang lalaki sa tarangkahan at naglalakad na sa may mahabang daan na napapalibutan ng makukulay na halaman at bulaklak.  Iyon ang daan papunta sa school main building.

Nagmamadaling hinanap ko ang student ID sa loob ng bag at isinuot iyon para hindi masita ng guwardiya.  Pagpasok sa tarangkahan ay lakad-takbong binaybay ko ang malawak na hardin.  Tumigil lamang ako nang ilang dipa na lang ang layo namin sa isa't isa.

Bumaba ang tingin ko sa sling bag nito at napansin na naiwang bukas iyon.  Nasipat ko ang pinakabagong modelo ng iphone doon at hindi ko maiwasang mapangisi nang may maisip na kalokohan.

Lagot ka sa akin ngayon.

Tangkang lalapit na sana ako at mabilis na kukuhanin ang cellphone nito nang may babaeng biglang sumulpot mula sa kung saan at humarang sa dinadaanan nito.

Eh?

Natigil ako sa paghakbang at puno ang kuryosidad na pinanood sila.

Sumulyap ako sa estrangherong babae at hindi ko maiwasang mainggit sa labanos na kutis at magandang mga mata nito na nakita ko lamang sa mga bidang babae sa kdrama. She has a very sweet and pretty face. Bumaba ang tingin ko sa kanang kamay nito na may hawak na hugis kwadrado habang ang isang kamay ay hindi mapalagay.

Nahihiyang nag-angat ng tingin ang babaeng tsinita at nagsalita. "H-hello."

Hindi ito tumugon sa bati ng pobreng babae. Tahimik lamang ito na parang hinihintay na umalis ang babaeng nakaharang sa dinadaanan.

Napasulyap ang mga estudyante sa kanila habang ang iba naman ay interesadong tumigil sa paglalakad. Sa kasamaang palad, dumami ang mga bubuyog sa paligid.

"I- I want to give you this." Nahihiyang inabot ng babae ang isang kahon na sa tingin ko ay naglalaman ng mga tsokolate.

"I hate sweets," tugon nito na nasa tinig ang pagkainip.

Napaawang ang bibig ng babae sa natanggap na tugon.  Bagsak ang mga balikat na yumuko ito at unti-unting ibinaba ang nakaangat na kamay na may hawak na tsokolate.

"What a shameless girl."

"Luna is so pathetic''

Nagsimulang pumagaspas ang mga bubuyog sa paligid. They were also laughing while watching the scene. 

"Yeah, just because she's rich and pretty doesn't mean DJ will like her back."

"OMG! Nakakahiya!"

"Let me take a photo of them and post it on twitter with a hashtag rejected."

Mabilis na lumingon ako sa mga chismosang ilang pulgada lang ang layo sa akin. Pailalim na tinitigan ko ang babaeng may hawak na cellphone at magtatangkang kumuha ng larawan.

Napansin niya ako at mabilis na ibinaba iyon saka masiglang ngumiti.  "Hi, Gaby!"

Humalukipkip ako at ngumiti nang malapad.

"Are we close?"

Napanganga ang babaeng kaharap ko at bago pa siya makapagsalita ay tumalikod na ako at mabilis na lumapit sa dalawang taong sentro ng atensyon.

"There you are!" Bahagyang tumalon ako at inangkla ang kanang braso sa leeg ng lalaking kanina ko pa pinapanood.

"What the heck!" Nanigas ang loko at napasulyap sa akin.

Napahagikgik ako. He was really taken aback.

Nanlaki ang mga mata ng babaeng may hawak na tsokolate sa ginagawa ko.  Ang kaninang pagkamangha ay napalitan ng nahihiyang ngiti nang dumako ang mga mata niya sa akin.

Ibinalik ko ang atensyon sa katabi.

"I told you to wait for me!" singhal ko habang sinasakal siya gamit ang kanang braso.

"Hey! Stop it, Gaby!" saway niya sa akin.

Hindi ko siya pinakawalan. "Apologize first!" saad ko na hindi pa din tinatanggal ang brasong nakasakal sa kaniyang leeg.

"Fine, sorry!"

Ngumisi ako at pasimpleng lumapit sa kaniyang tainga para bumulong. "If you're really sorry, accept that chocolate and say thank you."

Pinakawalan ko siya at tinapik ng bahagya ang kaniyang likod.

Naniningkit na sumulyap siya sa akin na sinuklian ko ng malapad na ngisi.

"Tch." ang tanging lumabas sa bibig niya.

Maya-maya ay sumulyap siya sa babaeng kaharap at seryosong nagsalita. "Hey, can I have that?"

Hindi ko maiwasang mapangiwi. 

Tch, what a polite way to ask for something.

Nagulat ang babaeng kaharap pagkatapos ay napalitan iyon ng nahihiyang ngiti. "Here." Inabot niya dito ang tsokolate. "Happy Valentines."

Siniko ko siya nang mapansin na hindi na sumagot sa sinabi ng babae.

"Hmn Thank you," pilit na tugon niya.

"You're welcome." Namumulang yumuko ang babae at kumaway para magpaalam. Tumalikod ito at pagkatapos ay naglakad nang mabilis.

Napangiti ako. I know exactly how it feels to have a crush on someone that even a little bit of attention from them is a dream come true.

She was brave enough to approach him and I admire her for that.

Lumingon ako sa katabi na ngayon ay naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin. "You're crazy."

Lumabi ako sa kaniya. "You're the one who's crazy David John. How could you embarrass a girl like that."

Pasupladang inirapan ko siya at mabilis na tumalikod para maunang maglakad.  Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapangiti nang biglang maalala si Marcus.  Marcus is my ultimate crush, but I'm not brave enought to confess.

Malapit na ako sa pasilyo nang may biglang maalala. Napahinto ako sa paglalakad at nagmamadaling lumapit sa bestfriend ko na noo'y nahuhuli sa paglalakad.

"What now?" supladong tanong niya sa akin.

Ngumisi ako nang malapad.  "Will Gary be attending your basketball practice after class?" tukoy ko sa kateam niya na pinsan ni Marcus.

Kumunot ang noo niya. "Why do you care?"

Mabilis na binuksan ko ang bag at kinuha doon ang isang maliit na container na naglalaman ng macaroons.

"Can you ask him to give this to Marcus on my behalf?"

Humalukipkip siya at seryosong tumingin sa akin. "What made you think I will do that for you?"

Lumingon ako sa paligid para masigurong walang nakakarinig sa amin. Sumenyas ako sa kaniya na lumapit ng bahagya sa akin.  Inilapit niya ang kanang tainga. Tumingkayad ako at pasimpleng bumulong sa kaniya.

"I have a crush on Marcus." Napangiti ako sa pag-amin at nagpatuloy sa pagsasalita. "Can you help me give this to him? Please."

Tinitigan lamang niya ako ng mataman. "No."

Napalis ang ngisi ko at napalitan iyon ng ngitngit. "Seriously?"

Hindi na ito umimik. Silence means he's serious.

Napasimangot ako. "Fine, I will just give this to him."

Binuksan ko ulit ang bag para itabi ang ginawang macaroons subalit nagulat na lamang ako nang mabilis niyang inagaw iyon sa akin.

"What the!"

Binuksan niya ang container at mabilis na kumuha ng isa doon.  Napaawang ang bibig ko nang bigla niyang isubo iyon nang walang paalam.

"Hey! You have yours, and you don't eat sweets!"

Nagngingitngit ako sa inis at sinubukang bawiin iyon sa kaniya. "Give me that!"

Itinaas niya ang kamay na may hawak ng container. "You're not his type. Gary mentioned that he has a girlfriend.  I will just keep this so it won't go to waste."

"But you don't eat sweets and it's not yours!"

Diniin niya ang kaniyang hintuturo sa aking noo nang napakalakas.

"Ouch!" Napahawak ako sa noo.

"You talk a lot," aniya pagkatapos ay itinabi ang container sa kaniyang bag at tumalikod na sa akin. Itinaas niya ang kanang kamay para magpaalam pagkatapos ay naglakad na palayo.

"DJ!" sigaw ko subalit nagpatuloy pa din sa paglalakad ang mokong.

Napabuga ako ng hangin.  Mission failed. Kagabi ay sinipag akong gumawa ng macaroons para ibigay kay Marcus na isang transferee student mula Thompson Institute of Science and Technology. Anim na buwan na ang nakakalipas buhat nang magsimula ang pasukan at ganoon na rin katagal ang pagkimkim ko sa nararamdamang paghanga para dito.

Bagsak ang mga balikat ko habang naglalakad papunta sa unang klase.

Nalungkot ako sa narinig. I didn't know that Marcus has a girlfriend.

Is his girlfriend studying in Thompson?

"Hi, Gaby!"

Nagising ako sa malalim na pag iisip nang marinig ang pangalan ko.

Napaawang ang bibig ko nang madatnan ang tatlong babae na nakatayo sa labas ng silid namin. They were carrying a paper bag.

Dali-dali akong lumapit sa kanila at ngumiti nang malapad. "Hi, girls!""

Dalawa sa kanila ay kilala ko at nakakausap. Si Gwen na kaklase ni Marcus at si Trixie na captain ng volleyball team. Ang isa naman ay kilala ko lamang sa mukha.

Ngumisi si Gwen at magiliw na nagsalita

"Hi Gaby! These are for DJ. Can you please give these to him?"

Napasulyap ako sa mga hawak nila na paper bag. Mukhang matatamis na pagkain ang laman niyon.

Madalas na ipaabot nila sa akin ang mga bagay na gusto nilang ibigay para dito. DJ doesn't like accepting presents from anyone. May pagkasuplado at masungit ito kaya hirap lumapit sa kaniya ang mga babae sa paaralan.

Those sweets look too delicious.

"Yeah.  Sure," nakangiting sagot ko sa kanila. I was too nice to ignore their request.

Nagliwang ang mga mukha nila at mabilis na lumapit sa akin para iabot ang mga mamahalin na minatamis.

Nagpasalamat sila at tumalikod na para maglakad sa unang klase nila.  Hindi pa sila nakakalayo nang may biglang sumagi sa isip ko. "Gwen, wait!"

Lumingon si Gwen sa akin. "Yes, Gaby?"

Lumapit ako sa kaniya at umangkla sa kanang braso niya. Nagtatakang tumingin siya sa akin at mabilis na napalitan iyon ng ngiti nang mapansin niya ang panonood ng ibang babae na puno ng kuryosidad. They wanted to be close to me so they can be close to DJ too, and I will use that for my own benefit.

Ngumisi ako sa kaniya at nagsimulang magkwento.  "My close friend has a crush on Marcus. Don't tell anyone because that's a secret.  Sa'yo ko lang talaga sinabi."

"Oh sure," Napangiti siya sa sinabi ko na parang nagagalak sa tiwalang ibinigay ko sa kaniya.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Well, someone told her that he has a girlfriend.  Schoolmate ba natin o nag-aaral sa Thompson?" I asked while trying my best effort not to look too interested.

Sa nabanggit ay biglang kumunot ang noo niya at napaisip. "I didn't know he has a girlfriend."

"Oh, I thought you knew." Sumulyap ako sa kaniya at nag-antay ng maaari pa niyang sabihin.

Humarap siya sa akin.  "I will ask my classmates about his girlfriend and will get back to you."

Pumalakpak ang tainga ko sa narinig.

Ngumisi ako sa kaniya at magiliw na nagsalita. "Yeah, I would love to know. I mean, My friend would be pleased"

Ngumisi siya. "No problem.  I will let you know."

Nagpaalam na siya sa akin at ako naman ay masiglang pumasok sa klase bitbit ang mga paper bags na naglalaman ng mga regalo para kay DJ.

Perks of having a famous friend.

avataravatar