webnovel

Loving You No More

Lahat tayo, galit sa mga kabit. Sino ba naman ang hindi? Kung may ilaw at haligi sa tahanan, yung mga kabit ang mga anay sa tahanan dahil sila yung sumisira sa buo sanang pamilya. Pero ang hindi ko inakala ay magiging isang kabit pala ako. Hindi ko naman kasalanan kung ayaw saming dalawa ni tadhana. Pero hindi ko hahayaan na pati siya ay paghihiwalayin kaming dalawa. Subalit, paano kung may taong mahal ako at handang gawin ang lahat maisalba lang ako sa kasalanang to? Sa pagkakataon bang ito ay hahayaan ko na siyang gawin ang gusto niya? O dapat ko bang kalabanin siya, makasama ko lang ang taong tinitibok ng aking puso?

tinypotatooo · Urban
Not enough ratings
1 Chs

The Mistress

SHIELA's POV

"G-going home?"

Natataranta kong tanong nung nakita ko na si Ivan na nagbibibis.

"Yes babe, I gotta go. Ayokong magsuspetsya sakin si Mimi. Alam mo naman yun."

Mimi na naman?

Bakit hindi ako? Bakit hindi mo ako piliin, kahit minsan lang?

But instead of saying these words, nanahimik nalang ako. Ipinikit ko ang aking mga mata, pilit na kinakalma ang aking nadarama. Baka kasi kapag hindi ako pumikit, bumigay ako sa sakit at umiyak mismo sa harap niya. At ayokong mangyari yun.

Ayokong umabot kami sa puntong yun. Ayokong makita yung magiging reaction niya at baka tuluyan pa akong iwan ni Ivan.

No. I can't.

Last thing I know, naramdaman ko nalang yung pagdampi ng mga labi niya sa pisngi ko sabay sabing ,"Goodbye love. I'll see you soon. Don't forget our rules."

I did not reply. I pretended that I fell back to sleep.

Soon? Kailan ba ang soon mo this time Ivan? Maybe three months later again?

When I heard the door closed, tsaka ko na ulit binuksan ang aking mga mata.

I wandered my eyes around, hoping that the sound of the door closing was just an imagination. But to see that his things were no longer around, it's obvious that he's gone.

He left me again, for his wife. It's always his wife. And I am just his mistress.

And who put you into this hellhole again Shiela? Yep, it was you.

And this started two years ago.

We were in an open relationship for five years. We were so inlove at akala ko, ganoon na kami forever. Ang hindi ko alam, marami na palang namatay sa maling akala.

Mimi, she was my ex best friend. We've known each other since we were six years old. And the reason why we became friends was because she was bullied by the boys around our neigborhood. It was me who helped her and defended her against these boys. Since then, naging friends na kami hanggang sa grumaduate kami ng college. Who would have thought though na the day before graduation day namin ay aahasin niya si Ivan, at sa mismong harapan ko pa talaga? I mean, not literally but... the three of us were in my home.

I was sleeping beside Ivan when she entered our room at tsaka niya ito inahas. Ito namang si Ivan, ang bilis nagpa-ahas, ayon, nabuntis niya si Mimi.

At ang lakas pa talaga ng loob ni Mimi para sabihin yun lahat sakin nung nalaman niyang buntis siya.

Sa panahong yun, parang tumigil yung pintig ng puso ko. Nag black out yung paningin ko at naging statwa ako sa kinatatayuan ko. I was so shocked, to the point that it took me hours before I could finally move.

At ayun nga, dahil sa nabuntis niya si Mimi, sinugod si Ivan ng parents ni Mimi at pinilit siyang pakasalan siya.

Ang bilis nga ng mga pangyayari eh. Tanging nagawa ko na lang ay ang lumuhod sa harapan niya, nagmamakaawa, sa araw mismo ng kasal niya.

I begged him to not leave me, even if it means na maging mistress niya ako.

Wala na akong pakialam. Mahal ko siya. Mahal na mahal.

Alam kong mali tong ginagawa namin pero hindi ko kaya.

Mamamatay ako sa sobrang sakit kapag nawala siya.

Ayoko!

Ayoko.

"Oh ano na? Kailan mo pa balak gumising? Huh?"

Napatalon ako bigla dahil sa biglang pagsalita ni Jocelle, bagong friend ko na kasama ko rin sa trabaho.

"K-kanina ka pa dyan?"

"Oo miss, kanina pa. At kung hindi lang talaga kita kaibigan ay sooos! Matagal na kitang sinampal dyan sa kahibangan mo! Hanggang kailan ka ba magpapakamartyr huh? Tingnan mo nga yang sarili mo, sayang yang ganda mo kung ipagpapatuloy mo pa to."

"Oo na. Oo na. Ikaw nga din, maganda ka, bakit NBSB ka?" I teased bago tuluyang tumayo. The cold wind embraced my naked body as I went inside my bathroom.

"Paki mo? Ang alam ko lang, lahat ng lalaki sa mundo, gago! Gaya ng ex mo!" Inis na nilabas niya yung dila niya sabay bilat sakin.

"Tsaka next time na pumunta dito si Ivan, make sure na nakabihis ka na before I arrive. Ayokong maamoy yung love juices niyo early in the morning! Yuck!" Pahabol niyang complain when I got inside. Natawa nalang ako kasi ganito palagi yung scenario everytime na bumisita si Ivan dito.

Jocelle has the same job as me, a primary teacher in ABC Academy. She's one year younger than me yet she acts like my older sister. Kaya naging close kami.

Mas naging close pa kami after kong sinabi sa kanya yung pinagdadaanan ko. Kasi, instead na husgahan niya ako at iwan, she chose stay with me and be with me through this hell.

Kaya nga may susi siya sa bahay ko, that just shows na hindi lang kami basta basta na magkakaibigan. Not just my secret but I also entrusted her with my house.

~☆~

"Good morning beautiful ladies."

Bati ni Miguel samin ni Jocelle pagkapasok namin sa Faculty room. Si Miguel ay isang primary teacher din dito sa ABC Academy. Hindi siya ganoon kaputi pero malakas yung sex appeal niya. Mas matangkad siya sakin at palaging nakangiti sa tuwing nakikita niya ako.

Kagaya ngayon, sobrang laki ng ngiti niya.

"Good morning din Miguel." Sagot ko which made him smile more.

"Mamaya na PDA, malapit na mag Flag Raising Ceremony." Tukso ni Jocelle samin habang papunta siya sa cubicle niya.

Natawa nalang kaming dalawa ni Miguel sa sinabi niya.

Sa pagkakaalam ko, may gusto si Miguel sakin. His only problem is, nahihiya daw siyang sabihin sakin yung nararamdaman niya, balita sakin ni Jocelle.

Wala namang problema sakin kung may gusto siya sakin pero wala pa akong balak makipagrelasyon sa ibang lalaki. Ayokong saktan si Ivan. Kaya mas mabuti na rin yung hindi niya naamin sa akin yung nararamdaman niya.

The day went on at syempre, hindi nawala yung panunukso ni Jocelle saming dalawa ni Miguel. Lalo na nung niyaya niya akong mag lunch. Mas naging pushy pa si Jocelle, obvious na obvious yung pagiging atat niya na magkajowa ako.

Gusto ko sanang i reject si Miguel kaso yung kilay ng lola niyo. Nakaka-pressure, sa totoo lang.

So ayun, pumayag nalang ako.

Nung uwian na, nagmadali akong nagpaalam sa kanilang dalawa. May gusto kasi akong puntahan at ayokong pigilan ako ni Jocelle kasi alam na niya yung iniisip ko. Iniiwasan ko din si Miguel, alam ko kasing yayayain niya naman akong ihatid sa bahay.

I just needed to be alone and get some fresh air.

At perfect ang tabing dagat para dyan. Dagdagan mo pa ng san mig light.

Feeling ko, magiging mahaba-haba na naman yung litanya ko this time kaya bagay na bagay talaga ang san mig!

Wala pang limang minuto mula nung nakarating ako dito ay nagsimula na akong umiyak. Naaalala ko na naman kasi yung panahon na kami pa ni Ivan. Yung panahon na masaya pa kami. Yung panahong meron pang kami.

Kung pwede ko lang sanang balikan yung panahong yun, gagawin ko talaga lahat, maranasan ko lang ulit yung init ng pagmamahalan naming dalawa.

Pero dahil pala sa sobrang init na yun, hindi ko napansin, unti-unti na palang napapaso yung puso ni Ivan.

Kaya nga nagawa niya akong saktan diba?

Pero kahit ganun yung nangyari, itong bobo kong puso mahal parin siya! Mahal na mahal!

Hay... Bakit ba nakakabobo ang sobrang pagmamahal?

"Uhh- miss? Are you okay?"

Sa sobrang iyak ko, hindi ko tuloy namalayan na may lumapit na pala saking lalaki at nagmagandang loob na mag offer sakin ng panyo.

I never bothered to answer him nor give him my time. Naka-focus lang kasi yung isip ko dun sa sakit. Sakit na unti-unting kumakain sakin.

"Miss? I don't think you're okay. Let me bring you to the nearest hospital!" Pag-insist ni kuya stranger. Nagalit tuloy ako kasi sinira niya yung moment ko.

Before his hands could lay on me, naitulak ko na siya palayo sakin.

"Ano ba?! Leave me alone!"

I stood and left without glancing at him.

Kung minamalas ka nga naman oh. Kung kelan gusto mong mapag-isa, tsaka ka naman ginugulo ng ibang tao! Ugh.

Nakarating ako sa bahay na sobrang pagod. Hindi lang dahil sa mga studyante ko na matitigas ang ulo kundi dahil na rin sa bugbog kong puso. Sa sobrang pagod ko, nakatulog ako na walang laman yung tiyan ko.

I never realized, nawawala na pala yung wallet ko. Not until the next morning...

Hello readers! I would like to say thank you for reading my story. Sana, wag niyo kalimutang magbigay ng feedback.

Update is DAILY if hindi magkaka-mental block si me. I will do my best.

First story ko to kaya medyo pressured si author. Haha Tsaka, hindi Filipino main language ko. I am sorry pag medyo nahihirapan kayong basahin yung story. Until next chapters, my lovely readers!

tinypotatooocreators' thoughts