1 CHAPTER ONE

Angela POV

"Daddy!"nagising ako mula sa isang panaginip. Habol hininga ako habang inaalala ko nanaman ang napanaginipan ko.

"Angela"bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang nag-aalalang si titodad

"Napanaginipan mo nanaman ba yun?"Tanong nya at marahang hinaplos ang buhok ko

"Gabi-gabi nalang napapanaginipan ko ang araw na yun, ang araw na namatay si daddy"nagsimula ng tumulo ang mga luha ko na agad din namang pinunasan ni titodad "Hindi ako titigil hanggat hindi ko napagbabayad ang taong pumatay kay daddy pati narin ang kumuha kay Angelo"duktong kopa

"Wag kang mag-alala tutulungan kitang bigyan sila ng hustisya"saad ni titodad at niyakap ako

"Ayos na po ako titodad"nginitian ko siya para maniwala siya na ayos na ako

"Are you sure?" tila hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Niyakap ko siya para ipabatid na ayos lang talaga ako

Kilala nya na talaga ako. Titodad is my stepfather parang tunay na ama ko narin siya dahil siya ang nag-alaga sakin mula 9years old palang ako. I'm very thankful to have him in my life

"Tara bumaba na tayo nagluto ako ng paborito mong Paksiw na bangus" hinawakan nya ang kamay ko at inalalayang bumaba ng kama ko.Lumabas na kame ng kwarto ko at bumaba na papuntang kitchen.

-

Habang kumakain kame pansin ko ang pagiging tahimik ni titodad. Hindi naman siya ganito sa hapag kainan, madalas nagku-kwento siya ng kung ano-ano

"May problema po ba titodad?" bumuntong hininga muna siya bago mag-salita

"Ahm nagkaroon kase ng problema sa kompanya sa Paris kaya kailangan kong pumunta dun"parang nag-aanlinlangan pa siya ng banggitin nya yun.Nalungkot naman ako dahil sa sinabi nya

"Matatagalan po ba kayo dun?" nakasimangot na tanong ko

"Baka matagalan ako marami rin kase akong dapat ayusin dun"hinawakan nya ang kamay ko para siguro hindi ako malungkot dahil aalis siya " but don't worry may makakasama ka naman dito" tumingin naman ako sa kanya ng nagtataka. Sinong tinutukoy nya?

"ang mga kuya mo"ang tinutukoy nya ay ang mga anak nya. Sina khaizer, khalid at khalil. Khaizer is the eldest son of titodad while Khalid and Khalil are twins

"Kailan po kayo aalis?"tanong ko

"Mamaya magche-check in nako sa hotel dahil bukas ng umaga ang flight ko"

"bakit po bukas agad hindi po ba pwedeng next week nalang?"nakasimangot parin na tanong ko

" Sorry pero hindi pwede. Inaasahan na nila na bukas ako dadating " tumango nalang ako saka ko pinagpatuloy ang pagkain ko

-

Nandito ako ngayon sa kwarto ni titodad tinutulungan ko siyang ilagay ang mga damit nya sa maleta

"Ihahatid ko napo kayo bukas sa airport"saad ko habang sinasara ko na ang maleta nya

"Hindi na. Masyadong maaga ang flight ko bukas baka maistorbo lang ang pagtulog mo"lumapit siya sakin at niyakap ako "Tawagan moko kung may problema ok."bumitaw siya sa yakap at hinalikan ang noo ko

"Mag-iingat po kayo dun titodad"tumango lamang siya at ningitian ako

Ilang saglit lang umalis narin si titodad para mag check-in sa hotel. Ako naman umakyat nako sa kwarto ko saka natulog

-

Kinabukasan nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.bumangon ako at tinignan ang orasan

Shit! 11:30 na ng umaga, ang haba naman ng tulog ko.Pumunta muna akong cr para maligo, ilang minuto lang din natapos na ako.Pagkatapos kong magbihis nag suklay naman ako ng buhok ko at bumaba na

-

Nandito ako sa kitchen magluluto kase ako. Tinanong ko kay titodad ano ba ang mga paboritong ulam ng mga anak nya. Si Khalid ang paboritong ulam nya ay Adobong baboy, si Khalil naman ay sinigang na baboy, habang si Khaizer naman ay Paksiw na bangus. Parehas pala kame kaya pala sabi ni titodad noong bata pa si Khaizer gustong gusto nito na pinaglulutuan sya ni titodad ng Paksiw na bangus

Sakto namang pagtapos kong magluto narinig kong may nag doorbell sa labas. Lumabas ako ng kitchen at pumuntang pinto para pagbuksan ang kung sino man ang nag doorbell

Pagbukas ko bumungad sakin ang tatlong lalake, ito na siguro ang mga anak ni titodad. Pinapasok ko muna sila saka sinarado uli ang pinto

Mukang wala sa amen ang may balak na magsalita , pero kalaunan nagsalita narin yung isang lalake

"Hi i'm Khalil Montero and this is Khalid my twins" pagpapakilala nya sa katabi nyang seryosong nililibot ang tingin sa buong bahay, lumipat ang tingin nito saken saka ako ningitian, ningitian ko nalang din ito pabalik. Lumipat naman ang tingin ko sa katabi ni Khalid na pansin kong kanina pa nakatingin sakin"and he is Khaizer"pagpapakila ni khalil kay Khaizer saakin pero nanatiling nakatingin lang ito saakin

"and you are?"tanong ni Khalil, oo nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala

"I'm Angela Velasquez"pagpapakilala ko at bahagyang ningitian sila

"Ahh ikaw pala ang sinasabi ni dad sa amen"tumatango-tango pa siya habang sinasabi yun. Ngayon lang kase kame nagkita-kita kaya hindi nila ko kilala pero sila kilala kona, naiku-kwento kase sila ni titodad saken

Tumango lang ako sa kanya

"Sure"nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin

"Ehem!"napabitaw lang si Khalil ng yakap sakin ng timikhim si Khaizer sa likuran

"Sorry"paumanhin ni Khalil saken

"Mabuti pa ihahatid ko muna kayo sa kwarto nyo para makapagpalit muna kayo ng damit"saad ko. Nauna nakong naglakad paakyat ng hagdan

Nang makarating kame sa tapat ng kwarto nila nagpaalam nako na bababa na at dun ko nalang sila aantayin

Nang makababa sila inaya ko na sila sa dining area

"nagluto ako ng paborito nyong ulam, alam ko kaseng nagutom kayo sa byahe"aniya ko

ng makarating kame sa dining area, agad naman silang umupo na tatlo

"Ikaw ba ang nagluto ng mga ito?"tanong ni Khalil habang kumakain

"Oo ako ang nagluto ng mga yan. Sabi kase ni titodad i mean ng daddy nyo ayan daw ang mga paborito nyong ulam"saad ko habang kumakain din

"Kung ganon ang sarap mong magluto!"Aniya ni Khalil habang punong-puno ang bunganga

"Salamat"

Habang kumakain kame biglang tumunog ako phone ko, tumayo ako at lumabas ng dining area bago ko ito sagutin

("Sorry i disturbed you queen but someone is looking for you here")saad ng kausap ko sa phone

("Who?")tanong ko

("Stephany Chen")pagkasabi nya nun agad kong binaba ang phone at bumalik nako sa dining area

Nakita ko naman sila Khalil na kumakain parin

"Sorry but i need to leave."aniya ko, napatingin naman sila sakin

"Saan ka pupunta?"tanong ni Khalil

"I just have to do something important"saad ko at umalis na ng dining area. Pumunta ko sa kwarto ko para magpalit ng damit

Pagkatapos kong magpalit ng damit bumaba na ako, nakita ko naman sila Khalil na nasa sala

"Aalis kana?"tanong yun ni Khalid, tumango lang ako at lumabas na

avataravatar