webnovel

Loved (Series #2)

Meet Elise Shane Mendez. Isang babaeng nabigo sa pag-ibig dahil mas pinili ng kanyang minamahal na piliin ang taong mahal nito. Pero what if. She meet a guy that totally opposite of her. What will happen?

missHYchii · Teen
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 1

(Elise Shane Point of View)

Ang sakit pala masaktan. Pero mas masakit ang makita siyang masaya sa piling ng iba. Pero sa bandang huli tinaggap ko na lang. Wala naman akong magagawa para mapalitan ang puso niya.

Kilala ako bilang bitch, mataray at palaban. Pero hindi nila alam kung sino talaga ako?

Sabagay maraming tao ang hilig mag-judge, hindi pa nga nila kilala ang isang tao kaya sige pa rin sila sa ka-judge.

Mahirap rin kapag wala kang kaibigan dito. Naglalakad sa daan na wala sa sarili. Nagmumukha na yata akong zombie sa ginagawa ko.

Parang sarili ko lamang ang pinapahirapan ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Hanggang sa.

[*Bogsh*]

Langya. Taenang tao 'to.

Sino 'tong bumangga sa akin? Ang sarap itapon sa kanal o sa mars.

"Pwede ba tumingin ka sa dinadaanan mo?!" Bulyaw ko sa kung sino mang bumangga sa akin.

Hindi man lang ako tinulungan tumayo. Kaya ako na lang ang nagkusang loob na tumayo.

Humarap ako sa bumangga sa akin.

Sh*t!

Shemay na anak ni siomai.

Ba't ang gwapo? Pero mukhang masungit kaya turn-off ako.

"Miss get out of my sight" Masungit niyang sabi habang hindi ako tinitingnan.

Wait?

Sinong kausap niya?

Lupa or bato?

Pucha!

Ang sungit. Umalis ako sa harapan niya at dumaan naman siya. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko baka nasapak ko na. Aanhin ko ang kagwapuhan niya kung ubod ng sungit.

Pinaglihi yata sa sama ng loob.

Makabalik na nga sa room. Kaysa naman isipin ko siya baka mabaliw pa ako tuluyan.

Habang naglalakad ako pabalik ay may naririnig akong bulungan.

Chismosa nga naman.

["Kawawa naman siya"]

["Iniwan ng taong mahal niya"]

["Poor girl"]

They getting to my nerves. Kundi na lang at makakasampal ako ng mga chismosa. Masarap pa naman sumampal ng mga chismosa.

"Pag hindi kayo tumigil! Itatapon ko kayo! Mga chismosa talaga, akala mo kung sinong mga prepekto. Kaya get out to my sight b*tches kung ayaw niyo makatikim ng hell" Banta ko sa kanila at sinamaan pa ng tingin.

Nagsialisan naman sila.

Tsk asa naman silang magpapatalo ako? Ang katulad kong masungit na babae ay dapat palaban.

Nakarating ako sa room namin. As usual may mga PDA at maiingay.

Well wala akong pakialam.

"Elise pwede ba tayo mag-usap?"

Napalingon ako kay Trisha na nandito na sa harapan ko.

"Sure"

Pumunta kasi sa may garden.

Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Tungkol ba naman ito kay Marco?

"Gusto ko lang magpasalamat sa iyo sa tinulong mo kay Marco"

Pinalaya ko na kasi si Marco dahil hindi naman niya masusuklian ang pagmamahal ko at ayaw kong maging matryr.

"Okay lang saka hindi ko naman mapapalitan ang puso niya lalong-lalo na harap-harapan niyang sinabi sa akin na ikaw ang mahal niya"

Masakit ang mga sinabi ni Marco pero narealize ko kung gaano niya sa akin ipinatindi na mahal niya si Trisha.

"Huwag kang mag-aalala. Pwede mo kaming magkaibigan"

Hindi ko maitago ang saya kasi ngayon ko lang naramdaman na may mag-aya sa aking makipagkaibigan.

Alam kong hindi sila plastic na mga tao.

"Talaga?"

Naninigurado lang ako baka mali ang dinig ko.

Tumango siya at ngumiti.

"Oo naman. Ipakilala kita sa mga kaibigan ko"

Kinabahan ako. Kasi bakit kailangan pa ako ipakilala sa kanila?

Taena, alam kong galit sila sa akin. Kasi akala nila aagawin ko si Marco kay Trisha.

Hinila ako ni Trisha palapit sa mga kaibigan niya. Tumaas naman ang kilay ni Ange habang nakangiti lang si Allianne. Tahimik naman ang mga lalaki.

"Guys meet Elise my new friend. Sana maging kaibigan niyo rin siya"

Pinkalala ako ni Trisha sa mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon nila sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanila. Sana hindi sila magalit sa akin ng husto.

"Hi Elise. My name is Allianne and you're welcome to our group" Pakilala sa akin ng asawa ni Azrael.

Nagshake hands kami ni Allianne.

"Salamat pala sa pagtulong kay Trisha, by the way ako nga pala si Angeline. But you can call me Ange" Pakilala sa akin ng syota ni Porsche.

Nakipagkilala narin sa akin si Porsche at Azrael.

Akala ko hindi nila ako magugustuhan.

Akala ko lang pala.

Mababait at masarap silang kasama. Mga joker rin sila and I'm glad na nakikila ko sila.

Tumahimik kami ng biglang pumasok si ma'am. 'Yung Advicer namin na hindi ko alam ang pangalan.

"Class. May bago kayong classmate. Taga kabilang section siya pero dahil matalino siya. Nalipat siya sa section niyo"

Nag-ingay naman silang lahat.

["Sana lalaki"]

["Oo nga at sana gwapo. Taken na kasi ang mga gwapo sa classroom."]

["Sa akin siya maiinlove"]

["Hindi sa akin!"]

Mga impakto 'to, ang lalandi tapos ang lakas pa tumili.

Bahala na sila dyan. Pake ko ba kung sino ang transferee. Baka nerd ang transferee. Sabi ni ma'am matalino kaya panigurado na nerd ito o babae.

"Quiet! Ang iingay niyo! Sana maging mabait kayo sa kanila. Mr. Cortes come in" Medyo pagalit na sabi ni ma'am.

Mr?

Means lalaki.

Mas lalo silang nag-ingay. Mga gutom sa lalaki ang mga classmate ko.

"Pumasok ka na hijo at magpakilala"

Sinubsob ang mukha ko sa table ko. Matutulog na ako. Hindi naman ako interesado sa transferee na 'yan. Alam ko na nerd 'yan.

"My name is Raffy Gabriel Cortes" Nagulat ako dahil pamilyar sa akin ang boses niya.

Nagkita na ba kami dati?

"Pumili ka na ng upuan"

Nagsigawan naman ang mga classmate ko.

Narinig ko pa sila na may sinasabi na 'swerte siya'. Narinig ko na gumalaw ang nasa tabi ko.

Wait?

Gumalaw ang tabi ko?

Minulat ko ang aking mata.

What the fudge?

Siya ang katabi ko?

Why oh why?

Nakatingin sa akin ito ng seryoso saka nakataas pa ang kilay niya.

"Why are you looking at me like that?" Cold niyang sabi.

Ngayon ay nakita ko na tuluyan ang pagmumukha niya dahil nakatingin siya sa akin.

'Yung nakabangga kong lalaki na walang modo ay siya 'yung.

Seatmate ko?

What to do?