webnovel

Chapter 1

"Natapos mo na ba yung written report na pinapagawa ni Sir Ocampo?" natatarantang tanong ni Lovely sa akin. Kakarating lang niya at bakas pa sa mukha na hindi naghanda para sa recit mamaya sa Law1. Sa tingin ko palang ay alam na niya na naturned in ko na ang online activity sa pinagawa ng prof namin sa Ms Team kaya lalo tuloy siyang napadaing. She lamented on how we are short in time to finish such long-written report. I can't agree on her, so I let her. 

Nagpalumbaba na lang ako at tumingin sa labas ng bintana habang walang tigil siyang nagmumura sa aking tabi. Tumigil na ako sa pagbabasa ng ObliCon dahil sumasakit na ang ulo at mata ko. Feeling ko nagsasayaw na ang mga letra sa aking mata at wala na talagang pumapasok sa isip ko.

Outside the gymnasium, a crowd of student is walking towards to the near benches. Some of the students sat on a nearby bench that was just opposite of our room. Behind them, a girl caught my attention. She was wearing a different uniform. My eyes are suddenly glued to Anaiah, who is sitting in a bench under a tree. She was a bit far, but I can see how serious her face is. Her eyes are fixated on a piece of paper that she's holding while her lips are moving. She is muttering some words. Siguro ay nagkakabisado dahil balita ko ay malapit na ang kanilang exam. 

As sunset was approaching, Anaiah looked toward the horizon. The sun kissed her skin with its final rays. Bahagyang hinihipan ng hangin ang kanyang tuwid na mahabang buhok. Ang mala-anghel niyang mukha ay natatabunan ng kaonti dahil sa pagyuko. She is really beautiful so It's understandable na makitang halos patisod na ang mga lalaking estudyante sa school na ito sa kakatitig sa kanya.

"Huy! Reuel! Ano ba yan?! Kanina pa ako nagtatanong sayo! Ano nga kasi ito?!" naiinis na pangungulit ni Lovely. Iritado ko siyang binalingan. 

 "Bakit ba ako ang ginugulo mo? Kay Luis ka magtanong." 

"Lumabas siya! pupuntahan daw ang kanyang kapatid!" ngumuso ito. Marahas kong ibinalik ang tingin ko kay Anaiah.

Nakita ko sa gilid ng aking mata na papalapit na ang kuya na maangas na nakatingin sa mga lalaking nakapaligid. Wala mang isang minuto, mabilis na nawala ang mga students.