webnovel

Chapter 38: Pacify His Anger

Brielle choked back his words when his son immediately mediated between them. Ayaw niyang dagdagan ang mainit na alitan nilang mag-asawa sa harapan ng mga anak nila. Si Ivana naman hinintay ang salitang ibubulalas niya ngunit ang kanyang tingin ay lumipad patungo sa mukha ng panganay na tila umastang matanda sa harapan nila.

Ivana wanted to laugh hard when she noticed Brendon's behavior. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang mag-asawa habang nakahalukipkip.

"Whatever! You should scold your Mom, she's being so unreasonable here," Brielle pursed his thin lips and gave an annoying facial reaction.

"Nakita mo anak? Tingnan niyo nga ang inasal ng Daddy ninyo, sa halip na pag-usapang mabuti at maayos ang sinabi ko sa kanya kanina, bigla nalang nagagalit," Umismid si Ivana at tinapunan ng mapang-usig na tingin si Brielle.

"I saw it, Mom, but why no one between the two of you would lower down first. Lagi nalang pinapairal ang pride ninyo eh, parang nakalimutan ninyong dalawa na tinuturuan ninyo kami ni Brianna na dapat magpapakumbaba. Alaming maigi muna ang katotohanan bago magsalita. Did you both forget what you've taught us?" Brendon blurted out an insight that abruptly knocked down his parents' dense mood.

Brianna cleared her throat before giving her opinion, "Dad, Mom, ano na, di pa rin kayo mag-uusap ng mahinahon? Tama naman ang sinabi ni Kuya. Lagi ninyo kaming pinapaalalahanan kapag nagbabangayan kaming dalawa, tapos kayo naman biglang nagtatalo sa maliit na bagay,"

Ilang saglit na katahimikan ang namayani bago tumayo si Brielle at humakbang paakyat ng hagdan. Di nilingon ang pamilya niya na naiwang nakatulala dahil sa biglaan niyang pagtalikod.

"Sa study room tayo mag-uusap, baby. 'Wag dito dahil ayokong marinig ng kambal ang usapan natin,"

Napaawang ang labi ni Ivana ng marinig ang sinabi ni Brielle. Sinundan niya ng tingin ang papaakyat na asawa at saglit na tinapunan ng tingin ang kambal.

"Sorry, I felt so pressured with what happened to your Tita Denise. Mas dobleng sakit at sama ng loob ang kinimkim ng Daddy ninyo kaya ganon na lamang ang iritasyon niya, na agad ko namang pinatulan. Kids, I sincerely apologize. Susundan ko ang Daddy ninyo sa study room para makapag-usap kami ng maayos. Kumain na kayo ng tanghalian at pumanhik kayo kaagad sa kwarto ninyo pagkatapos,"

Tumayo na siya ngunit mabilis na hinawakan ni Brianna ang kamay niya. "Mom, can I let my best friend play with me in the garden. Papupuntahin ko po si Caroline, wala naman po akong assignment today,"

Ivana smoothed Brianna's hair and gave a pleasant smile, "Of course, you can invite your best friend to come here,"

Brendon smirked and threw a horrible gaze towards his twin, "Maglalaro kayo tapos ang ingay niyo na namang dalawa,"

Resisting the urge to argue with his brother, Brianna blinked her eyes and gave a meaningful smile to Brendon, "Would you like to join us? We can take you in,"

If looks could kill, Brianna must have fallen down the floor breathless as Brendon gave her another sharp gaze. " Oh, never mind, little sister. I'm not interested in your childish game. Tuloy mo lang ang plano mo dahil isip bata lang ang naglalaro ng ganong trip ninyong laruin,"

Bago pa makasagot si Brianna, nagmartsa na papasok ng dining room si Brendon.

"Hoy! Ang yabang mo talaga!" Inis na pahabol niya sa kambal. "Mommy, kita mo ugali non, manang-mana kay Daddy,"

Ivana just smiled and pinched her daughter's cheek, "Huwag mo ng pansinin ang kuya mo. Pinayagan na kitang maglaro kayo ni Caroline, basta doon lang kayo sa garden area at iwasan mong asarin lagi ang kuya mo. Sige na anak, kumain ka na muna. Aakyat lang ako sa study room para kausapin ang Daddy ninyo,"

Brianna pouted her lips and strides towards the dining room without giving a response to her mother. Sinundan ng tingin ni Ivana ang anak niya at napapailing na lamang siya dahil sa inasal ng kambal. Pumanhik na rin siya sa study room at nadatnan niyang tahimik na nakatayo si Brielle sa gilid ng bintana at nakatingin sa malayo ng itinulak niya ang pintuan. Dahan-dahan siyang lumapit rito at ilang pulgada ang pagitan nilang dalawa ng magsalita siya.

"I'm sorry! I know, I shouldn't talk harshly against you," Her voice was a bit low and apologetic.

Upon hearing his wife's sincere apology, his anger disappeared suddenly. Without turning his back to her, he gradually replied in a soft tone, "I should have controlled my anger too. Masyado lang akong nagpadala sa sobrang pressure at nakalimutan kong madali kang magtampo. Hearing our eldest scolded us, it made me realize he's a grown-up little guy now. He is never afraid to burst out his opinion, and that sobers us and take back our unpleasant words that we are supposed to say against each other. Malalaki na sila at di na tayo dapat magtatalo sa harapan nila dahil maaari itong magkaroon ng malaking epekto sa kanila habang lumalaki sila,"

Ivana walked towards him, snaked her arms around Brielle's waist, and hugged him tightly behind his back. "He inherited your attitude. A responsible man and tend to roll your own empire with your knowledge and great ideas. I'm so sorry, I didn't want to hurt you; instead, I wanted to make you feel that I'm just here, willing to help you as much as I could. Nakalimutan ko rin na nasa gitna tayo ng malaking pagsubok at lahat tayo walang ibang hangad kundi makitang bumalik si Denise sa piling ni Carl na ligtas at maayos,"

Brielle feels a warm liquid behind his back. He turned around and saw Ivana's tears streaming down her cheeks. He wiped her tears and lowered down his head. A warm kissed landed on Ivana's lips. "Baby, I'm sorry, I made you cry. I lost my temper, and I regretted it. Mahal ko kayo ng mga anak ko, ayokong may mangyaring masama sa inyong lahat. Pagod na rin akong makipag-away sa pamilya ni Simon ngunit ito na naman, hindi nila kami tinatantanan. Maaaring tama ka, walang kinalaman si Simon sa ginawa ng kapatid niya at gayon na lamang din ang takot ni Samantha na idamay ko si Simon sa galit na nararamdaman ko sa kapatid niya, kaya't nagkukumahog na pumunta rito ang pinsan mo para pakiusapan ka na iparating sa akin na huwag idamay ang asawa niya,"

Nag-angat ng mukha si Ivana at sunud-sunod na iling ang ginawa niya, "Brielle, mali ka ng hinala, hindi nakiusap si Samantha sa akin para sa asawa niyang si Simon, sa halip sinabi niyang nakita ni Nate ang kapatid ni Simon sa mismong venue ng engagament party nina Carl at Denise. Naghinala siyang malaki ang kinalaman ni Reymond sa nangyaring pagtangay kay Denise dahil ayon kay Nate binalaan siya nito na huwag banggitin sa ina niya,"

Napaawang ang labi ni Brielle ng marinig ang sinabi niya, humulagpos ang malalim na paghinga mula sa kanya bago muling nagsalita, "Ganon ba? So, ibig mong sabihin, pumunta rito ang pinsan mo at sinabi ang kinuwento ni Nate para tulungan tayo?"

Magaang ngiti ang sumilay sa labi ni Ivana at bakas sa mga mata ni Brielle ang unti-unti paglambot ng mga titig nito ng tumingin siya rito, "Oo. Kaya sana 'wag ka na magalit, sa halip, sikapin mong mahanap ang lokasyon nina Reymond at Denise para mabawi mo na ang kapatid mo. Paalala lang, huwag kang gumamit ng dahas kapag nahanap mo na sila dahil lahat ng bagay nadadaan sa maayos na usapan. Maaaring may malalim na dahil si Reymond kung bakit niya ginawa ito,"

Bumuntong huminga muna si Brielle at marahang pinisil ang pisngi ng asawa, "Ano pa nga bang magagawa ko kundi ang sumunod kay kumander. Talo ka na naman Brielle, nadaan ka sa ngiti at lambing," bakas sa huling sinabi nito ang pagsuko.

Malutong na tumawa si Ivana bago hinila si Brielle at matamis na halik sa labi ang binigay niya rito, "Sira! Kala mo naman inaapi kita. Sinasabi ko lang na daanin sa tamang usapan hindi sa dahas. Ikaw na rin ang maysabi na pagod ka na sa alitan ng pamilya ninyo. Ilang dekada na rin iyan at di pa natatapos, kung walang magpapakumbaba lalong lalalim ang alitan sa pagitan ninyo at ng pamilya ni Simon hanggang sa mauwi sa marahas na trahedya. Mahal ka namin Brielle, ayaw naming may mangyaring di maganda sayo dahil ikaw ang lakas namin ng mga anak mo,"

Gumaan bigla ang hangin sa loob ng study room at tila umaliwalas ang buong paligid habang nakatingin si Ivana sa asawa.

"Oo na, gagawin ko ang sinabi mo. Takot ko lang sayo,"

Kumawala si Ivana sa pagkakayakap kay Brielle at hinala niya ito paupo sa sofa na naroon sa loob ng study room. Nagpahila naman si Brielle sa kanya at ng makaupo na, hinintay niyang muli itong magsalita.

"Sasabihin mo ba kina Mommy at Daddy Brent ang nakuha mong impormasyon?" Nananantiya ang tingin na ipinukol niya kay Brielle.

Ilang saglit na tumahimik si Brielle at marahang umiling, "Sa ngayon di ko muna sasabihin sa kanila dahil wala pa akong sapat na impormasyon sa kinaroroonan ng kapatid ko. Kapag sinabi ko kaagad sa magulang ko na may kinalaman na naman ang mga YUN sa pagtangay kay Denise, tiyak akong kikilos agad si Dad,"

"Yeah, you knew your Dad's attitude. Besides, he is desperate now to take back his unica hija from the person who took her away,"

"Baby, aalis lang ako. Pupuntahan ko sina James, kailangan naming magplano ng maayos. Iiwanan ko ang cellphone ko para di ako maabala sa tawag ni Mommy. Kapag hinahanap niya ako, sabihin mo lang may nilakad ako para mahanap si Denise," ginagap ni Brielle ang kamay ni Ivana at agad na siyang tumayo.

Sumunod si Ivana rito palabas ng study room at habang nasa hagdan na sila pababa muli siyang nagsalita, "Sasama nalang ako sayo Brielle. Gusto kong marinig ang mga plano ninyo,"

Huminto saglit ng hakbang si Brielle ng nasa ibabang baitang na ng hagdan silang dalawa, "No! Stay here, our children needed you. Rest assured, I will remember your reminders earlier," He fished out his phone and handed it to Ivana. "Here's my phone, hold it. I will be back home before midnight!"

Tinanggap niya ang cellphone ni Brielle ngunit malungkot na tingin ang ibinigay niya rito, "Magpalit ka muna ng damit, malamig sa labas ngayon, ayokong magkasakit ka,"

Lumipad ang tingin ni Brielle sa manipis na damit na suot at fitted short pants. Nakalimutan na niyang nakapambahay nga lang pala siya. Pumihit siya pabalik ng akyat at hinila ang kamay ng asawa.

"Okay, balik muna tayo sa kwarto natin, ipaghanda mo ako ng maisusuot habang maliligo ako,"

Walang tugon na ibinigay si Ivana rito at agad na silang pumanhik sa master's bedroom. Naliligo na si Brielle habang siya naman ay pumili ng black trench coat, collared thick yellow t-shirt at trouser mula sa walk-in-closet nila. Matapos maihanda ang damit ni Brielle, kinuha niya ang sariling cellphone at agad na nagchat kay Samantha.

"Cousin, I told Brielle about the information you've shared with me earlier. I managed to pacify his anger, and he agreed to find a better way to locate his sister's location. It's a breather that our children meddle during our hateful arguments, otherwise, we end up throwing bad words against each other,"

Ilang saglit pa ang lumipas bago sumagot si Samantha sa kanya. "Tears shed from my eyes as I read your message cous. I couldn't believe Brielle would control his anger and promise not to use harm in case his team would track down Reymond and Denise's location. Salamat ha, malaking bagay na ang ginawa mo para makahinga ako ng maluwag. Pasensya ka na, nag-aalala lang din kasi ako sa maaaring gagawin ng asawa mo laban sa pamilya ng asawa ko. Alam kong malawak ang impluwensya ng pamilya ni Brielle at maaaring kapahamakan ang dadanasin natin lahat kapag umiral ang galit niya,"

Smile emoticon lamang ang sinagot ni Ivana kay Samantha at nagpaalam na siya rito. Biglang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa si Brielle na tanging towel lamang ang takip sa pang-ibabang bahagi ng katawan. Ilang butil ng tubig ang umagos mula sa basa nitong buhok patungo sa matipunong katawan nito.

Next chapter