webnovel

Prologue

"It would have been better if we never met" usal niya. Namamalisbis ang luha niya. And he.. he look taken aback and then he nodded.

"You are right" He agreeed. "Mas mabuti na hindi na tayo nagkakilala, ginawa lang nating miserable ang buhay ng isa't isa"

"well then.... hayaan mong tuparin ko ang hiling mo.." Humigpit ang hawak niya sa palawit na bato ng kwintas niya. "Para hindi natin pagsisihan ulit ang magiging buhay natin.."

"Anong ibig mong sabihin?" Napatitig ito sa kanya.

Huminga siya ng malalim.

"Asmaris..." Nanginginig ang boses niya at sa nanlalabong paningin dahil sa luha ay sinabi niya ang hiling. "Gusto kong bumalik... bumalik sa panahon na hindi pa kami nagkikita, make it so that our paths will never cross again. I will not make the same mistake."

Naramdaman niya ang pag-init ng asmaris sa palad niya.

"Hindi na kita mamahalin, kalilimutan ko ang lahat ng masasakit na nangyari at magsisimula ulit ako ng panibagong buhay. Hinding hindi mo na uli ako masasaktan.."

"Anong ginagawa mo??" Titig na titig ito sa kanya. Nagsisimulang umilaw ang asmaris sa palad niya. Pumikit siya at humiling na sana pagbigyan ng asmaris ang hiling niya. Gaano man makasarili ang kahilingan niya.