webnovel

LDR

HANNAH's POV

"I love you." Huling katagang sinabi ko bago kami mag bitaw ng kamay. Ngayon ang alis ng nobyo ko papuntang America upang mag aral ng kolehiyo.

"Love you too." sambit nito at umalis na. Labag sa kalooban ko na umalis siya dahil gusto kong mag kasama kaming gagraduate sa kolehiyo. Gustohin ko mang sumunod

sakanya pero hindi pwede dahil hindi naman kami legal sa pamilya ko, at isa pa hindi kaya dahil single mom si mama. Mahirap mang nasa LDR pero wala naman

na akong magagawa.

"Tara na Hannah." Sambit ni Tita, ang mama ni Jacob.

"Ah sige po, una na po kayo. Aantayin ko pong makaalis po yung eroplano niya." sagot ko naman.

tumago lang ito at yinakap ako. At umalis na sila.

- Makaraan ang 30 minuto umalis na din ako ng Airport.

May 2 linggo pa ako bago ako mag pa-Manila. Sa Manila narin ako mag aaral ng kolehiyo.

_________

2 LINGGO ANG NAKALIPAS

"MAG AARAL ka ng mabuti Nana ah. wag muna mag boboyfriend." Pag papaalala ni Lola.

"Opo lola... Sige na la. Byebye na. Mamimiss ko kayooo..." Sabi ko naman. Hindi pa nila pwedeng malaman na may bf ko, o hindi ako makakapag tapos.

____

Bago ako mag board nag chat ako kay Jacob.

"ASAWA KOO... Paalis na po ako. Mag boboard na po hehe. Ingat ka po jan ah. Wag mo po kakalimutan kumain sa oras ahh.. I love you po. I miss you so much."

At sumakay na ko sa eroplano.

45 minutes*

__________

Nag punta na ako sa condo ko.

Malapit lang ito sa school ko, wala na kasing available na dorm sa loob ng school dahil late enrollee ako.

tinignan ko ang oras 2:40 pm na pala. Pinasok ko muna mga gamit ko sa loob sa room ko. Marami rami din kaya nag patulong ako sa grab driver.

4-5 years rin ako maninirahan kaya marami talaga. At masyado akong matipid kaya ayoko ng bumili ng mga bagong damit kung meron namang pwedeng magamit pa.

Pag tapos ko mag lagay ng mga gamit sa loob nag pahatid ako sa pinaka malapit na mall. Dinagdagan ko nalang bayad kay manong, shempre ginawa ko siyang taga tulong eh.

Kumain ako sa McDo. Naalala ko bigla si Jacob, dahil sa McDo kami palagi nakain pag tapos ng pasok namin.

Naalala ko tuloy ichat siya. Madaling araw duon kaya baka di niya makita chat ko agad.

Pag tapos ko mag chat sakanya kumain na ko.

nasa kalagitnaan ako ng pag kain ko ng may biglang nag approach saakin.

"Hi, ikaw ba si Hannah?" tanong ng isang babae.

Napatingin ako sakanya at tumango. Parang nakikilala ko to ah.

"Ako nga pala si Jemie, sister-in-law ni Jacob." sabi nito.

"Aww kayo po pala, upo po kayo." pag aalok ko rito.

umupo ito sa harapan ko na upuan.

"May kasama po ba kayo?" tanong ko rito.

"Wala ako lang mag isa, ikaw?" tanong din nito.

"hehe ako lang din po mag isa." sagot ko.

"Oo nga pala nakaalis na si Jacob, nga pala anong ginagawa mo dito sa manila?" tanong nito.

"Dito na po ako mag aaral hehe." sagot ko rito.

"Talaga? Saang school?" -Ate Jem

"Sa Xavier University po."

"Ahh ganon ba, doon din nag aaral yung anak ko. High school."

"Ahh ganon po ba, mag fi 1st year college palang po ako, civil engineer po." sagot ko dito.

"Wow, pag butihan mo ang pag-aaral." sabi nito, kumain kami at nag usap tungkol sa ibat ibang bagay. Nalaman ko rin na sa iisang condominium kami nakatira.

Hindi ako sumabay sakanya umuwi dahil bibili pa ko ng mga gagamitin ko sa bahay tulad ng mga pinggan at pang luto.

Gabi na rin ng makauwi ako. Sinimulan ko muna sa kwarto dahil mas kailangan ko yun. Nag order na ko ng kama at bukas pa yun darating kaya sa

sahig muna ako matutulog. Inayos ko ang tutulugan ko at pumunta na akong kusina para mag luto ng instant noodles. Yun muna hapunan ko, habang nag luluto

ako tumunog yung call sa messenger.

Tumatawag si Jacob.

"Hi baboy kooo!" bati ko rito.

halatang bagong gising ito, magulo ang mga buhok, mapungay ang mata at naka higa pa ito.

"Good morning asawa koo." sabi nito.

"hay nako, gabi na dito noo."

"ayy oo nga pala" habang nakamot sa batok.

"BTW kumain ka na ba?" dagdag nito.

"Hindi pa, nag luluto palang ako hehe. Ikaw, kumain ka na jan." sabi ko.

"Opoo. Sige na, tatawag nalang ako ulit, papasok na ko sa school. Tatawag nalang ako pag papasok na ko sa work." sabi nito.

nag papart time kasi siya doon para dagdag sa financial support niya for school.

"Sige poo, iingat ka jan ahh. Wag ka masyadong mag papagod, mag aral ng mabuti. Wag kang mag loloko ahh." paalala ko dito.

"a-ano ba? Hahaha hindi ako mag loloko no, loyal ako sayooo." sabi nito.

"Sira, loloko na sa school, yung cutting at mga ganon. Abaa baka lang ahhh." sabi ko ditoo ng may pag dududa sa boses.

"Ano ba yan?! wala ka bang tiwala sakin?!" galit na tanong nito.

"Abno, bat po galit agad? Joke lang naman po ehh."

"Sige na, mamaya nalang. Bye." sabi nito.

"Sige po, I love y--" pinatay niya yung call.

nakooo,... pag ito nag loko sinasabi ko talaga...

Hays hayaan na nga. Baka stress lang tas dinagdagan ko pa ng pag hihinala.

Sa monday yung klase namin, saturday ngayon kaya may 1 day pa ko para ayusin mga gamit ko dito sa bahay bukas.

Kumain ako at natulog na. Nalimutan ko na mag palit ng damit.