webnovel

Love Me or DIE

DISCLAIMER: This story is written in English-Filipino language. An original story of Oleen Pau also known as Snow Wynter.

snowy_wynter · Teen
Not enough ratings
35 Chs

Chapter 5

Unlocked

Habang nagsusuklay may bigla namang kumatok sa pintuan ko. Inisip ko pa kung pagbubuksan ko pa ba ito o hahayaan na lamang. Baka si Kuya ito at ayaw ko na siyang papasukin sa kwarto ko. Baka kung ano pa ang masabi ni Tiya kung madatnan niya kami sa kwarto ko.

"Serina?" boses ito ni Nanay Saling. Ang nag iisang kasambahay nila ante at ang naging nanay ko simula ng mapunta ako dito.

Dali naman ako lumapit sa pintuan at iniusog ang upuan. Saka binuksan ang pinto.

Pagkakita ko kay Nanay Saling dagli ko itong binigyan ng yakap. Isang linggo din kasi siya nawala dahil nauwi siya sa kanila. Birthday daw kasi ng panganay niyang anak at may reunion na naganap sa kanilang pamilya.

Gusto ko nga sana sumama sa kaniya kaya lang may pasok ako. Kaya naiwan nalang ako at nangulila ako ng lubos sa kaniya.

"Naku namang bata to, napakalambing. Oh siya, sabi ng Tiya mo bumaba kana at pumunta sa hardin. Mukhang doon kayo nais pagmeryendahin." tumango nalang ako at nakakapit parin sa braso ni Nanay hanggang sa makababa.

Sinamahan ko na din siya magdala nang mga pagkain sa hardin. May parisukat  na mesa doon at ang kasya lamang ay apat na tao. Hindi naman madami ang pagkain dahil meryenda lang ito.

Nakaupo na dito si Tiya at Uno na nangingiti habang nakatitig sa cellphone na hawak nito. Tinignan ko naman ang hawak nito ng mapansing cellphone ko pala ito.

Umangat ang tingin nito sa akin at mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito.

Hindi naman ito napapansin ni Tiya dahil nagsimula na silang mag usap ni Nanay Saling. Lumayo pa sila ng unti sa amin.

Umupo naman na ako sa isang upuan katapat ng upuan niya. Ayaw ko ito tabihan at baka may magawa ito makita pa ni Tiya at pagalitan ako.

Andali, ilang ulit ko na itong sinabi?

Basta ganon na lamang. Alam ko naman na kung sakaling makahalata na rin si Tiya ay pagsasabihan na lamang ako nitong lumayo kay Uno. Ako na lamang ang mag-aadjust sa pag uugali ni Uno.

"Bakit dyan ka naupo?" ang ngiti niya ay napalitan ng ngiwi. Nawala na ang masigla nitong awra at sumeryoso na uli.

Imbes na sagutin ay tinanong ko na lamang din siya.

"Kailan mo ba ibabalik ang cellphone ko?"

"Mamaya. Kumain ka muna bago mag-aral." sagot naman nito. Buti nalang matino ito sumagot ngayon. Kaya tumango na lamang ako at inantay si Tiya.

Hindi naman nagtagal ay lumapit na sila Tiya dito sa mesa at umupo na uli ito sa dating upuan niya. Si Lola naman ay umupo na din sa isa pang upuan katapat na Tiya.

"Mag umpisa na kayong magmeryenda." ganito ka strikto sa bahay ni Tiya. Walang mag uumpisang kumain hangga't wala pang pahintulot na galing sa kaniya.

Medyo karaanan ang pag uugali ni Tiya at di ko din alam kung bakit. Walang magtatanong.

Habang nakain ay napapansin ko talaga ang masamang tingin sakin ni Uno. Tumingin naman ako dito at kinunutan ng noo. Inirapan lang ako nito pero bumalik ulit ang masama nitong tingin. Nagkibit na lamang ako ng balikat at binusog na ang sarili sa pagkain.

Nang matapos na kami ay niligpit na agad ito ni Nanay Saling. Nagulat naman kami ng tumulong si Uno.

Doon napataas ang kilay ko. Nakakapagtaka. Napakabatugan kaya non.

Tumayo na si Tiya kaya tumayo na din ako. Pero bago ako makaalis ay nagsalita siya.

"Nalalapit na ang bakasyon niyo. Nais ko sanang doon ka muna kila Nanay Saling. Uuwi din kami ni Uno sa Lolo niya at wala ka makakasama dito."

Ngumiti naman ako ng pagkalawak lawak.

"Opo. Masaya kong tatanggapin ang alok na iyan Tiya." lumabas naman ang unting ngiti sa labi ni Tiya saka na umalis.

Kung sakali man kasing magbabakasyon ulit sila Tiya sa kamag anak nila ay hindi na ako sasama at papaiwan nalang talaga. Pero ngayon na payag na sila na magbakasyon ako kila Nanay Saling ay hindi na ako malulungkot.

Ramdam ko kasi na ayaw sakin ng kamag anak sakin nila Tiya. Rinig ko ang pagkutya nila sakin at ang harap harapang insultong natatanggap ko.

Hindi ko naman alam kung bakit pero ganoon siguro kung hindi ka naman talaga belong sa pamilya nila.

Tanging ang lola lamang ni Uno ang masaya na makilala ako. Namimiss ko na nga din ito e. Pero ayaw ko naman na ma stress sila sa akin doon. Saka baka magsasaya sila e di nila magagawa kung makikita nila ako. Kaya mabuti na lamang ito.

Kinuha ko naman na ang pandilig sa mga halaman at nilagyan ng tubig. May drum dito sa labas at may hose. Medyo malayo ito sa bahay kaya kailangan talaga ng hose para malagyan ng tubig.

Wala din kasing poso dito di katulad doon kila Nanay Saling.

Nag umpisa na akong mag dilig dilig. Nasa pagbabalik na ako para kumuha ulit ng tubig ng makita ko doon si Uno.

Wala naman itong sinasabi nakatitig lang. Kaya hinayaan ko nalang at tumuloy lang sa ginagawa.

Bigla naman may kumuha sa buhat buhat kong pandilig.

"Bakit ka nagbubuhat ng mabigat?" iritado nitong sabi sa akin.

"Hindi naman po. Sakto lang. Saka sanay na po ako."

"Bakit ka ba lagi inuutusan ni Mama?" iritado parin talaga ito. Pero inuumpisahan na niyang magdilig.

Nakatayo lang naman ako sa tabi niya dahil wala ng ibang pandilig dito.

"Hindi naman. Tinutulungan ko lang si Nanay Saling. Matanda na siya at di na niya halos kayanin ang pagdidilig. Kaya nagkukusa na ako."

"Akala ko si Mama na naman ang dahilan. Kung di ka niya inutusan, ano ang sinabi niya sayo?" bakit lahat nalang ba napapansin nito?

"Tinanong lang po kung saan ako magbabakasyon."

"Magbabakasyon kami kila Ama at Ina. Doon kana rin." Ama at Ina ang tinatawag nila sa Lolo at Lola nila.

"Hindi na. Magalit lang sa inyo kamag anak niyo. Kila Nanay Saling na muna daw ako." nag stay na lamang ako sa tabi ng drum habang kausap siya.

Siya na din naman ang nagdidilig e.

"Bakit doon pa? Napakalayo." nakabusangot nitong saad.

"Kaysa naman po mag stay ako dito sa bahay?"

"Edi mag i stay nalang ako dito para may kasama ka." Nanlaki naman bigla mata ko at dali dali siyang tinutulan na may kasama pang pagkuway.

"Hala hindi na. Wag na. Di na kailangan. Wag kana mag abala. Saka hahanapin ka ng mga kamag anak niyo. Imagine, ang paboritong apo ay wala." Nakasanayan kasi na umuwi ang bawat pamilya nila tuwing bakasyon. Eto ang hiling ng Lolo at Lola niya nang payagan silang bumukod na dito.

"Hindi naman halatang ayaw mo ako kasama ah. Hindi bale. Papakita lang ako don tas susunod nalang ako sa inyo." mas lalo naman nanlaki ang mata ko.

"Mapapagod kalang po." saglitan siyang natigilan. Marahil ay tama ako. Nasa Batangas kasi kami. At ang Lolo at Lola niya ay nasa Pampanga. Habang sila Nanay Saling naman ay taga Cebu. Napakalayo nga.

"Nag aalala ka sakin o ayaw mo lang ako kasama?" mariin nitong saad ng matapos na ito sa pagdidilig. "Serina, kahit anong gawin mo di mo na ako maaalis sa tabi mo. Tandaan mo yan." nangiti naman siya sakin at hinawakan ang pisngi ko.

Umiwas nalang ako sa kaniya at kinuha ang kagamitang pandilig. Hinugasan ko na muna ito bago punasan at ibalik sa lagayan nito.

Pabalik na akong bahay. Kami pala. Pero di ko parin siya sinasagot. Ayaw ko kasing seryosohin ang sinasabi niya.

Likas na siyang maloko, yon ang tumatatak sa isip ko.

Paakyat ko papuntang kwarto ay sumasabay parin siya sa akin.

Kahit sa pagpasok sa kwarto ko ay pumasok rin siya. Dito bumalik sa ala ala ko kung paano siya nakakapasok sa kwarto ko kahit nakalock ito.

"Paano ka nakapasok sa kwarto ko kanina?"

"Hindi naka lock." diretso nitong sabi pero di nakatingin sakin.

Anong hindi naka lock? E sa pagkakatanda ko nilocked ko talaga yon.