webnovel

Love Me or DIE

DISCLAIMER: This story is written in English-Filipino language. An original story of Oleen Pau also known as Snow Wynter.

snowy_wynter · Teen
Not enough ratings
35 Chs

Chapter 29

Nakauwi na kami ng bigla nalang akong akbayan ni Uno. Pagod ang nararamdaman ko at sa braso niya na nasa balikat ko ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko.

Kaya naman inalis ko ito.

"Tiya, papahinga po muna ako." paalam ko kay Tiya. Tumingin naman siya sa akin at tumango.

"Sige lang ija, wala namang gagawin." pormal na sagot ngayon ni Tiya. Walang halong sarkasmo o ano pa man. Pero hindi ko na ito masyadong pinansin dahil anumang oras ay alam kong makakatulog na ako.

Kaya nagmadali na akong umakyat. Saka lamang ako napatingin kay Uno na nasa ibaba pa rin at kasama sila Tiya. Hindi na lamang ako nagpaalam dito dahil napahikab ako.

Mas binilisan ko na lamang ang maglakad.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay siyang pag sarado ko ng pintuan. Itinapon ko lang din ng basta basta ang bag ko at binagsak na lamang ang katawan ko sa kama ko.

Kahit sa hindi komportableng posisyon ay nakuha ko ang tulog ko.

Mula sa mahimbing na pagkakatulog nagising ako ng maramdamang naiihi ako. Nakapikit akong babangon na sana ngunit napabalik ako muli sa pagkakahiga. May nakadagan sa aking mabigat kaya hindi ako makaangat.

Minulat ko ang parehong mga mata ko only to find out Uno was sleeping beside me. Halos kalahati ng katawan niya ang nakadagan sa akin.

"Kaya pala." I whispered, na narinig din ni Uno dahil sa paggalaw niya. Hindi siya nagising at mas lalong sumiksik pa ang mukha niya sa leeg ko. Ang kamay niyang nakayakap sa bewang ko ay humigpit pa.

Itinulak ko siya, "Naiihi na ako, alis!" utos ko sa kaniya. Gumalaw naman na siya at tumalikod sa akin. Ang unan na nasa likuran niya kanina ang kaniyang niyakap nalang.

Hinayaan ko na siya at dali-dali na akong tumakbo sa banyo. Ihing ihi na kasi talaga ako.

Habang naghihilamos ako, may napansin akong mapula sa bandang leeg ko. Dalawa ito at nasa magkabilang gilid.

Hindi kaya to... Ay baka kagat lang ito ng insekto. Ipinilig ko na lamang ang gumugulong ideya sa isip ko. I shouldn't have delusional thoughts.

Lumabas na ako ng banyo at naabutan ko si Uno na nasa ganoong posisyon. Napansin kong nakapagpalit na siya ng damit. Marahil ay pumunta muna siya sa kwarto niya bago ulit pasukin ang kwarto ko.

Habang ako'y hindi pa nagpapalit. Kaya naman pumunta ako sa aparador ko at kumuha ng bagong damit. Bumalik ulit ako ng banyo at nagpalit.

Bumaba na muna ako at tinignan kung anong magagawa ko. Ayaw ko kasing manatili sa kwarto ko habang andoon pa si Uno. Ayaw kong maistorbo ang tulog niya dahil alam ko namang pati siya ay kulang sa tulog.

Dapit-hapon na, at kasalukuyang nagluluto na sila Tiya at Tiyo.

"Lucy, pakiabot ang rekado." utos ni Tiyo na aligagang sinunod ni Tiya.

"Sarapan mo yan ha? Kapag yan hindi masarap, ikaw ang iluluto ko." pananakot ni Tiya pero natatawa.

Humarap naman sa kaniya si Tiyo habang may hawak hawak na tiyansi. Napansin ko ding naka apron si Tiyo na kulay pink.

Hala? Hahaha.

"Baka nakakalimutan mo? Nainlove ka nga sa akin dahil sa galing ko sa pagluluto." mataas ang noong nagsalita si Tiyo.

Tumaas naman ang kilay ni Tiya, "Sino nagsabi? Binabaliktad mo ata ako. Baka ikaw ang nainlove sa akin dahil sa sarap ko magluto?" balik sagot ni Tiya. Hindi naman na nakaimik si Tiyo at bumalik nalang sa pagluluto habang natatawa.

Umalis na lamang ako doon sa kusina. Napatagal ata ang pag-iimagine ko sa kanila.

Pagkatalikod ko palang ay naabutan ko na si Uno na nasa likod ko.

"Ganyan din kaya tayo kapag mag-asawa na?" tanong niya sa akin ng nangingiti.

Napanganga na lamang ako at hindi nakasagot agad. Kasasabi ko lang kanina na huwag ako magkaroon ng mga delusional thoughts, si Uno naman ngayon.

Hinayaan ko na lamang siya doon na parang tangang nangingiti. Pumunta ako roon sa garden at tinignan kung malinis ba.

Mukhang malinis naman na. Kaya bumalik nalang ulit ako sa kwarto ko. Malinis din ang kwarto ng datnan ko ito. Hindi magulo ang kama na siyang kinatuwa ko.

Umupo na lamang ako ulit doon at nag cellphone nalang dahil walang magawa.

Pagkabukas ko palang ng data ko, nagsimulang umingay ang phone ko. Mga notifications sa facebook at instagram. Pero ikinagulat ko ng mag-ingay din ang sa messenger mo.

Dati naman ay hindi ito nag-iingay kapag bakasyon na. Dahil puro lang naman ito gc sa school, tahimik na ito tuwing bakasyon.

At bakasyon na.

Nagchat si Heidi. Oo nga pala, naging kaibigan ko na siya.

Heidi: Hello po Binibining Serina.

Serina: Hello din sayo po.

Heidi: Hahaha

Serina: Bakit ka napachat?

Heidi: Bakit bawal ba Bb. Serina?

Inaasar ako ni Heidi dahil ang pangalan ko sa facebook at instagram at Bb. Serina. Mukhang bentang benta sa kaniya.

Serina: Nang-aasar kana naman.

Heidi: Sige hindi na. Mapikon ko pa si Bb. Serina e. Hahahahaha

Serina: Nagchat kalang ba para asarin ako?

Heidi: Hindi naman. Nagchat ako kasi imbitahan sana kita sa bahay.

Serina: Ano meron? Kailan yan?

Heidi: Sa Graduation. May kaunting salo salo sa bahay. Invited ka tapos sila Gray.

Serina: Birthday mo?

Heidi: Hahaha oo. Kaya kung pupunta ka kailangan may gift ako ah? No gift no entry.

Serina: Ba, may ganon si Heidi-tot.

Heidi: Dapat lang noh hahaha. Sige usap tayo maya. Kausapin ko muna ang iba.

Serina: Sige Heidi. Papaalam din ako.

Heidi: Bye Binibini😂

Serina: Bye😑

Mukhang papayagan naman ako nila Tiya dahil kilala na nila si Heidi. Minsan na kasing bumisita dito si Heidi at naikwento ko na rin siya sa kanila.

At sa graduation naman yon e, pwede ulit akong ipaalam nila Heidi kila Tiya.

Paniguradong papayag naman sila.

Siguro? First time ko tong pupunta sa birthday ng isang kaibigan. Sana naman ay payagan ako diba?

Sana nga.

Pumasok naman bigla si Uno sa kwarto ko. Napatingin ako dito at natulala. Ang fresh ulit ng mokong. With his white shirt and jersey short, hindi nagmukhang pambahay ang datingan niya. Todo ngiti pa siya na siyang nagpadagdag ng karisma niya.

Tuloy hindi ko namalayang nakatulala na ako sa kaniya. Lumapit siya sa akin isinara ang bibig kong nakanganga na din.

"Hehe." para siyang batang nag 'hehe'. Napakunot naman ako ng nuo dahil sa nakikita kong expression ng mukha niya.

"May sasabihin ka?"

Ibinaba niya ang phone ko na hawak ko at pinihit ang katawan paharap sa kaniya.

"Nasa'n reward ko?" malaki ang ngiting pagkakasabi niya.

Bigla naman ay pumasok sa isip ko ang sinabi ko kanina sa kaniya. Oo nga pala.

"Hmmm, ano ba gusto mo?"

Bigla naman ay umayos siya ng upo at animo'y nag-iisip talaga.

"Talaga? Bibigay mo?" may pagdududa sa tono niya pero kapansin pansin ang pilyong ngiti.

"Hindi pala. Ako na bahala sa reward mo." sabay ngiti ko ng malaki.

Napasimangot naman siya at ngumuso, para tuloy siyang timang sa paningin ko.

"Aba walang bawian. Nagtanong ka anong gusto ko diba?" bumalik na muli ang ngiti sa labi niya. "May naisip na ako, hehe."

"Parang timang po." nag rolled eyes pa ako.

"Tsk! Ang sungit mo! Halikan kita dyan." pananakot niya. Nangamba man ako na baka totohanin niya, pinagsawalang bahala ko na lamang.

Kukunin ko na sana ang phone nang magsalita na siya, "Date me:)"

"Ayoko nga!" mabilis kong sagot.

"You date me, by hook or by crook." madiin niya na ngayong sabi.

"Ano ba yan. Nananakot ulit."

"Well, aayaw ka pa e."

"Tsk!" panggagaya ko sa most used expression niya. Napataas naman ang kilay niya.

"Magready kana nga lang."

"Magready? Bakit?"

"Coz we'll date tonight."

Buong kumpyansa na siyang nagsalita. Kaya wala nalang akong nagawa ng hilahin niya ako patayo.

Nakatayo na kami pareho at magkaharap.

"Ang kulit mo po." sambit ko sa kaniya at pinisil ang magkabilang pisngi niya.

Natawa na lamang siya at bigla akong tinulak papasok ng banyo.