webnovel

Love Me or DIE

DISCLAIMER: This story is written in English-Filipino language. An original story of Oleen Pau also known as Snow Wynter.

snowy_wynter · Teen
Not enough ratings
35 Chs

Chapter 27

Buong umaga ay nagkulong lang kami ni Uno sa kwarto. Tinapos ko pa kasing ipass ang mga papers ko. Tapos bumaba kami at sinamahan niya akong magluto.

Sa hapag naman, tahimik lang kaming kumakain nang tanungin ulit ni Tiya si Uno tungkol sa pag bakasyon nila. Hindi sumagot agad si Uno at tuloy tuloy lang siya sa pagkain, kaya naman sinipa ko siya tsaka pa lamang siya sumagot sa Mama niya.

Oo napapayag ko nga siya pero may kapalit naman yon.

Manliligaw ko na siya.

Meaning, may posibilidad na maging jowa ko na siya o di kaya'y mabasted ko siya.

Pero hindi ko pa iyon masyadong iniisip. Gusto ko naman siya, pero di ko pa sure kung sasagutin ko siya o patitigilin ko.

Siguro kailangan ko muna ng time para kilalanin siya.

At makita kung ready na ba kami sa ganong bagay.

Hindi naman kasi porque gusto na namin ang isa't-isa ay pasok na agad kami sa isang relasyon. Base sa mga nababasa at napapanuod ko, tila ba mahirap ito at hindi basta-basta.

Pero gayon pa man ay nais ko itong subukan.

Mas magandang bigyan ng chance ang isang bagay kaysa pagsisihan ito sa huli. Ang hirap magkaroon ng madaming tanong. Madaming 'what if's' ang gugulo sa iyo.

At ayaw ko naman iyon. Hangga't may oportunidad, gusto ko itong sunggaban.

It can add to my book of experiences and may gave to me a very beautiful lesson.

Iyon naman talaga e'. Since, life is full of lesson, might as well learn everything from it. Para naman hindi masayang ang bawat experience and lesson ko. Para naman wala kang masayang sa buhay ko.

You live everyday and leave a signifacant trace wherein people you'll left will always remember.

At sa hinaba haba ng pag-iimagine ko, kanina rin pa nakatulala sa harap ko si Uno. Doon lamang natigil ang pagkatulala ko sa labas ng bintana at tumingin sa kaniya.

"Bakit?" casual lang na tanong ko sa kaniya.

"You look fascinating." I look into his eyes and it shows many emotions, but only one stands out. Adoration.

Napangiti naman ako, "Inlab kana naman sa'kin."

"Nakaka-inlove ka kasi." pagbabalik-asar niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Baka naman dahil lang sa maganda ako kaya mo ako gusto?"

Hindi naman siya nagpatalo at nagtaas din ng kilay. Pinagkrus niya pa ang dalawang braso niya.

"Maganda ka pala? Sorry, I'm not informed." mayabang niyang pagkakasaad.

Sinipa ko naman siya.

"May 'fascinating fascinating' ka pang nalalaman tapos sasabihin mong hindi mo alam na maganda ako? Aba! Iba ka!" bigla atang tumaas presyon ko sa sinabi niya.

First time ko atang nainis dahil lang sa sinabi niyang 'yon?

"Fascinating means kaakit akit. I didn't directly told you you were beautiful." pagpapaliwanag niya at hindi ko ito sinagot dahil...well tama siya.

Nakakainis lang dahil napahiya ata ako doon.

"Hahahahahahahahaha!!" he laugh so hard. Hawak hawak niya pa ang tiyan niya na akala mo hindi na makahinga dahil sa sobrang katatawa.

"Hindi kana sana makahinga." ako naman ngayon ang nag crossed arms na may kasama pang pag-irap.

Tumingin naman siya sa akin. Pero saglit lang dahil tawa parin siya ng tawa.

Sinipa ko nga, "Tumigil ka nga."

Doon naman ay tumigil na siya. May papunas punas pa siya sa mata niya.

"That's too much laugh. I never imagine I could laugh so hard like that."

"E sa akin ka pala masaya 'e." umirap pa ako at sinipa pa siya ulit ng mahina pa siyang natatawa. Loko lang, nasa harap niya lang ako edi syempre maririnig ko pa rin kahit mahina ang pagtawa niya.

"That's the reason why I like you. Why I fall in love with you. Because I'm happy when you're around. I'm happy just because of your existence. You make my heart beat fast when you talk. I feel so comfortable talking with you too. And I feel home whenever I hold your hand and I embrace you in my arms.

You're my safest place where I can show all of my hidden self."

***

Short update. I'm sorry✌️

Bawi ako sa susunod😘