webnovel

Love Me or DIE

DISCLAIMER: This story is written in English-Filipino language. An original story of Oleen Pau also known as Snow Wynter.

snowy_wynter · Teen
Not enough ratings
35 Chs

Chapter 17

Kaya naglagay na ako sa malaking mangkok at inilagay ito sa lamesa. Tinulungan na din ako ni Uno na magprepare ng lamesa. Naabutan ko doon si Tiya na kaharap ang laptop niya.

"Nagluto na po ako Tiya." paggalang ko dito. Tumango lamang ito. Kaya ipinatong ko na ang mangkok sa mantel. Kasunod ko din si Uno.

"Tinulungan ko siya, Ma." proud pa nitong sabi habang nakangiti. Dahilan naman nito para matigil si Tiya sa ginagawa niya.

"You helped? How?" natatawa naman si Tiya. Marahil iniisip niya na walang alam si Uno sa kusina. Dahil never naman niya ito nakitang nagtrabaho ng kung ano sa kusina.

"Secret." natawa din si Uno. At mas lalong naguluhan si Tiya dito. Base na din sa expression ng mukha nito.

"Sige maupo na kayo at may sasabihin ako pagkatapos nating kumain." utos ni Tiya.

Kaya kinuha ko na ang ilang kubyertos at ang tubig. Nang matapos ako ay naupo na ako.

Nagbigay kami ng maikling panalangin at kumain na ng magbitaw si Tiya ng salita na pwede na.

Tahimik naman naming sinimulan ang pagkain. Maliban kay Uno na masiglang kumakain. Mukhang mauubos niya ang niluto ko.

"Dahan dahan Uno, walang aagaw dyan." pagsusuway ni Tiya kay Uno.

Nangiti lang naman si Uno.

Hindi na lamang ako nagsalita. Pansin ko kasi lagi na kapag ako ang nagluto, masigla siya nakain. Pero baka nagkataon lang yon. Wag tayo masyadong assuming.

Nang matapos kami ay saka ulit nagsalita si Tiya.

"Uno, bukas pagkatapos ng misa, pupunta tayo kay Dr. Cosadas." mukhang eto na ung sinasabi ni Tiya na papa check up niya si Uno. Kinakabahan naman ako sa magiging reaction ni Uno.

Pero tumagal pa ang ilang segundo, hindi siya naimik. Sumeryoso din ang ekspresyon ng mukha niya.

Doon ay muling nagsalita si Tiya. Naramdaman siguro niyang hindi magsasalita si Uno.

"Huwag kang mag alala. Kasama natin si Rina. At pareho kayong ipapatingin ko."

Kasama ako?

"Bakit pati siya ipapatingin mo?" seryoso na din ang pananalita nito.

"Bakit? Ayaw mo?" tanong dito ni Tiya.

"Hindi na kailangan. Wala naman akong nakikitang deperensya sa kaniya. At kung akala niyo na may sakit ako, sige magpapatingin ako." malamig nitong sabi sa amin habang mariin na nakatingin sa akin. "Mauna na ako." huling salita nito bago umalis sa hapag kainan at pumanhik paitaas.

Sinundan ko ito ng tingin. Wala namang bago sa paglalakad niya. Normal parin. Pero ramdam ko ang bigat ng awra nito. Naoffend ata siya sa sinabi ni Tiya.

Kung ako din, ganon din ang maiisip ko.

"Maghugas kana ng pinggan Rina. Kakausapin ko na si Uno."

"Sige po Tiya."

Naghugas na ako ng pinagkainan namin. Pero ung isip ko na kay Uno. Sana naman hindi siya magalit kay Tiya. Concern lang naman si Tiya sa kaniya.

Pero nakakaguilty din kasi sumang ayon ako sa gusto ni Tiya.

Masakit din na makita siyang bumalik sa dati niyang ugali gayong natututo na siyang ngumiti at tumawa.

Kaya buong paghuhugas ko talaga ay iniisip ko lang si Uno.

Ano ba yan.

Minadali ko na ang paghuhugas at pumunta na agad sa taas. Naabutan ko naman sa labas ng pintuan si Tiya.

"Tiya? Bakit po kayo nandyan?" tanong ko dito. Tumingin naman ito sa akin. Pansin ko ang pamumuo ng luha sa mata ni Tiya.

"Maaari mo bang kausapin si Uno?"

"Bakit po Tiya? Nag away po ba kayo?" nag aalala kong tanong kay Tiya. Saka ako lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay.

"Hindi naman. Sige na pumasok kana sa kwarto niya. Baka inaantay ka niya." ngumiti naman si Tiya sa akin. Saka na ito umalis at pumunta ng kwarto nito.

Naiwan tuloy ako dito sa labas ng pintuan ng kwarto ni Uno.

Kung kanina halos gusto ko na talagang pumasok sa kwarto niya. Ngayon naman ay halos di ako pumasok. Kinakabahan ako.

Pero nakakagulat na gusto ni Tiya na pumasok ako sa kwarto ni Uno.

Bahala na nga.

Kumatok muna ako sa pintuan niya bago pumasok. Naabutan ko siyang nakaupo sa kama niya at nakayuko.

"Uno?" nag angat naman ito sa akin ng tingin. Inangat nito ang kamay nito na parang inaabot ako. Kaya lumapit ako sa kaniya.

Pagkalapit ko ay siya ring hapit niya sa bewang ko at niyakap ako. Dinikit niya ang pisngi niya sa bewang ko. Para tuloy siyang bata.

Ramdam ko ang tensyon sa kaniya dahil na din sa higpit ng yakap niya. Kaya sinuklay ko ang buhok nito gamit ang kamay ko. Mabawasan man lang ang tensyon na nararamdaman niya.

"Kinakabahan ka ba?" tanong ko dito.

Umiling lamang ito at hindi nagsalita.

Patuloy ko na lamang ang sinusuklay ito. Hanggang sa bumitaw na ito sa pagkakayakap sakin.

Nabigla naman ako ng iupo ako nito sa isang binti niya. Nakaupo ako patagilid at napayakap ang isang braso ko sa batok nito.

"Hala!" tatayo na sana ako ng yumakap ito sa akin. Iniyakap niya ang dalawang braso niya sa bewang ko. Tinanggal ko naman ang braso ko sa batok niya. Pero naging dahilan naman nito para isubsob ang mukha niya sa leeg ko.

Nakiliti ako kaya pilit kong umiiwas. Pero ganon na din ang paghigpit ng hawak niya sa bewang ko.

"Uno, nakikiliti ako." inilapat ko pa ang mga kamay ko sa dibdib niya at tinutulak ito. Malaking tao na si Uno kahit binata pa lamang siya. At may kalapadan na din ang dibdib niya.

"Nagtitiwala kaba sa akin, Serina?" napatigil naman ako sa pagtulak sa kaniya dahil sa tanong niya.

Matagal bago ako nakasagot. At parang kusa na lamang itong lumabas sa bibig ko.

"Opo." napangiti naman na ito at sa bumitaw. Dali dali naman akong tumayo.

"Sige, kita tayo bukas. Goodnight, Serina." sambit nito ng nakangiti.

Napangiti na lamang din ako. Atleast hindi na mabigat ang pakiramdam niya.

"Goodnight din Uno." huli kong sabi bago lumabas na ng kaniyang kwarto.