4 Kabanata 3

"CONGRATUALATIONS SAM!" sigaw ni Cindy. Sinalubong siya nito ng yakap. "Ang galing-galing talaga ng best friend ko."

Gr-um-aduate siyang Magna Cum Laude sa kursong Accountancy. Si Cindy naman ay noong isang taon pa gr-um-aduate dahil apat na taon lang ang pag-aaral ng Business Management. Madalas pa rin silang magkita dahil sa Maynila ito nagtatrabaho iyon nga lang hindi na sila magkasama sa boarding house.

"Thank you!"

Madaming bumati sa kanya at nagpa-picture na classmates at schoolmates. Nagpaalam siya sa mga ito nang hindi niya makita ang isa niyang matalik na kaibigan. Nilapitan niya ang mga magulang at si Cindy baka sakaling alam nila kung nasaan si Jeffrey. Ngunit hindi rin nakita ng mga ito ang binata kaya nagpaalam siyang hahanapin muna ito.

Nag-aalala siya sa binata. Hindi kasi um-attend ang magulang nito sa graduation. Ang ina nito ay busy sa negosyo samantalang ang ama nito ay busy sa pambababae. Ang parents niya ang kasama nitong nagmartsa sa stage. Mabuti na lang magkalayo ang apelido nilang dalawa.

Dapat noong isang taon pa gr-um-aduate ang binata kasabay ni Cindy. Business Administration din ang kinuha nito pero magkaiba ng major ang dalawa, si Cindy ay Finance, si Jeffrey ay Marketing.

Madaming bagsak na subject si Jeffrey noong first year kasi bulakbol ito kaya na extend pa ng isang taon ang pag-aaral nito dahil ayaw nitong mag-summer class. Nakilala niya ito dahil kay Cindy dahil nagpapahanap ito ng tutor. Kailangan niya ng ekstrang pera kaya pinatulan niya ang offer nito.

"Sinong hinahanap mo?" nagulat siya nang bigla na lang itong sumulpot mula sa likuran niya.

"Jeffrey naman!" kinurot niya ito sa tagiliran. "Saan ka ba pumunta? Kanina pa kita hinahanap."

Inakbayan siya nito. "Sa tabi-tabi lang." maikling tugon nito. "Bakit mo ako hinahanap?"

"Wala pa tayong picture na magkasama. Gusto kong may remembrance tayong dalawa."

"Ang dami mong pictures at saka di mo na kailangan ng remembrance nating dalawa. Hindi naman tayo maghihiwalay."

Parang may humaplos sa puso niya dahil sa sinabi nito but at the same time may dulot din iyong kaba. Magtatapat kaya ito sa kanya?

Tinupad nito ang pangako na hindi na ito makikipag-relasyon pagkatapos nitong makipag-break kay Andrea. At nang gr-um-aduate si Cindy, palagi na itong nakadikit sa kanya. Hatid sundo siya nito papunta sa school at sa boarding house at kahit noong nag-o-on the job training na siya. Palagi rin siya nitong ipinagluluto ng pagkain na ipinapabaon sa kanya.

"Anong assurance na hindi tayo maghihiwalay?"

"Ito," may dinukot ito mula sa bulsa, isang maliit na box. Binuksan iyon ng binata, tumambad sa kanya ang isang singsing. This is an infinity ring. Always wear this. Huwag mong huhubarin kahit maligo ka o maglaba." Itinaas nito ang kaliwang kamay. "I also have mine."

Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang sayang nararamdaman nang isuot nito sa daliri niya ang singsing. "'Di ba para lang 'to sa couple?"

"Sinong may sabi? In my opinion, ginawa ang infinity ring para sa mga taong hindi maghihiwalay kaya para sa atin iyan."

She wanted to clarify kung ano ba sila but she remained silent. Siguro sapat na muna kung anong mayroon sila, ang mahalaga palagi silang nasa tabi ng isa't isa.

"Gusto ko pa ring magpa-picture." Hirit niya. "Puntahan natin sila Nanay, magpa-picture tayong lahat." Hinila niya ito.

"Okay!" napipilitang tugon nito. "May magagawa pa ba ako?"

"Wala," nakangising tugon niya.

"Wait!"

"Bakit?" napilitan siyang huminto sa paglalakad.

Kumuha ito ng panyo sa bulsa, pinunasan nito ang pawis na tumutulo sa kanyang mukha. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. Palagi iyong ginagawa ni Jeffrey sa tuwing magulo ang buhok niya.

"I love your hair. Huwag mong papaiklian ang buhok mo."

"Ilang beses mo nang sinabi sa akin iyan."

"I know, I'm just reminding you."

"Yes, Sir!" sumaludo siya dito. "Tara na, baka nag-aalala na sila Nanay dahil hindi pa tayo bumabalik."

"Sam, puwedeng sumama ako sa inyo sa Bulacan?"

Hindi man nito sabihin ay nararamdaman niyang malungkot ito. Nadudurog ang puso niya sa tuwing nakikitang ganito ang binata.

"Oo naman, I'm sure matutuwa sila. You're always welcome in our family, anytime."

"Salamat!"

Soon to be published under Bookware Publishing Corp.

Love Me, Jeffrey is also available on other writing platforms.

Love Me, Jeffrey by Carmie Lopez

https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311

https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez

Booklat UN: Carmie Lopez

Webnovel UN: carmielopezmckay

Please leave a comment. It's highly appreciated. Thank you! 😊

Available na po ebookware.

Click link below

https://www.ebookware.ph/product/love-me-jeffrey/

FB Name: Carmie Lopez

W*ttp*d username: Carmie_Lopez

G00DN0VEL name: J.R. McKay

avataravatar