3 Kabanata 2

JEFFREY IS WITH his soon-to-be-ex-girlfriend. Kasalukuyan silang nasa bakeshop, ang magkasintahan ay namimili ng cake samantalang siya ay nasa labas. Humahanap siya ng tamang timing bago pumasok sa bakeshop para tapusin ang relasyon ng dalawa. Hindi magandang pakinggan pero iyon ang gagawin niya.

"Jeff!" kunwari ay nagulat siya pagpasok sa loob nang makita ang binata sa bakeshop. "Babe, what are you doing here?" maarteng tanong niya sabay halik sa pisngi nito.

She's wearing a red off-shoulder top, white fitted jeans, and stiletto. Ang mahaba niyang buhok na palaging nakapusod ay inilugay niya. Ang suot na salamin ay pinalitan niya ng contact lens. Naglagay siya ng konting make-up at lipstick. Ibinagay niya sa kasuotan ang pagkilos. Mukha siyang sosyal at anak mayaman ngayon.

Sa tuwing nagpapangggap siyang nobya ni Jeffrey ay kailangan niyang mag-transform. Wala namang problema sa kanya dahil ito naman ang bumibili ng mga kasuotan niya. Madami-dami na rin siyang naipong damit at sapatos dahil sa pagpapanggap niya.

"Samantha…"

Imbes na umarte ito na nagulat dahil naroon siya ay kabaliktaran ang ginawa nito. Natulala ito pagkakita sa kanya na para bang siya lang ang nakikita ng mga mata nito. Sa parteng iyon ng pagpapanggap nila ay palagi itong sumasablay. Hindi niya alam kung bakit ganoon palagi ang reaksyon ng binata sa tuwing nagsusuot siya ng magagarang damit.

"Babe, I thought that you forget about our monthsary." Pinulupot niya ang kamay sa braso nito. "Hindi mo man lang ako binati iyon pala isu-surprise mo ako. Bumili ka pa talaga ng paborito kong cake. Ang sweet mo talaga." Hinalikan niya ulit ito but this time ay sa sulok na ng labi nito. "I love you." At totoo iyon. Hindi niya lang puwedeng sabihin dahil hindi na sila.

"Anong ibig sabihin nito?" galit na tanong ng nobya ni Jeffrey. "Miss, sino ka ba?"

"I'm Samantha, his girlfriend. How about you? Who are you?"

Habang tinitingnan niya ang nobya ni Jeffrey ay may napagtanto siya. Lahat ng ex-girlfriend nito ay mapustura at malaki ang hinaharap. Well, of course, maliban sa kanya dahil simple lang siyang manamit at katamtaman lang ang laki ng kanyang boobs. Siya lang ang naiiba sa mga naging nobya nito.

"Girlfriend? Ako ang girlfriend ni Jeffrey. Nagpasama siya sa akin bumili ng cake dahil birthday ng pinsan niya."

Binitawan niya si Jeffrey. "Totoo ba ang sinasabi ng babae na iyan?" kalamado ang boses niya pero may gigil sa bawat salitang binibitawan niya. "Totoo ba?" Pinagtitinginan na sila ng mga customer sa bakeshop. 

"Samantha let me explain."

Sinampal niya ito. "Anong ipapaliwanag mo sa akin? Ipapaliwanag mo kung bakit ka nangaliwa?" hinawakan siya ng binata sa kamay ngunit iwinaksi niya iyon.

"Jeff, sabihin mo sa akin na nagsisinuwaling lang ang babae na iyan. Sabihin mo sa kanya na ako ang girlfriend mo." Wika ni Andrea.

"I'm sorry Andrea."

"No. "You're just kidding, right?" Ayaw nitong maniwala.

"I'm sorry Andrea but Samantha is my girlfriend. My real girlfriend. You're just a fling."

Rumihistro ang sakit sa mga mata ni Andrea. Poor girl. Halatang shocked ito sa nangyari. Hindi siguro nito inaasahan na sasabihin iyon ni Jeffrey.

"Pumili ka sa amin Jeff, ako o siya?" Naghahamong tanong niya sa binate. Ipinapangako niya na huli na ito. Kabaro niya ang nasasaktan sa tuwing pumapayag siya sa request ni Jeffrey. Ayaw naman niyang mangyari iyon sa kanya balang araw.

"Hindi na niya kailangang mamili sa ating dalawa dahil malinaw naman kung sinong pipiliin niya." Binalingan nito si Jeffrey. "Thank you for huting me." Isang malakas na sampal ang ibinigay nito kay Jeffrey bago ito nagmartsa palabas.

Hanga siya kay Andrea dahil taas noo itong umalis at hindi nagmakaawang piliin ni Jeffrey. Madalas kasing nai-encounter niyang ex nito ay nagmamakaawa sa binata na piliin nito o balikan.

"Masaya ka na Mr. Samaniego?" tanong niya pagkaalis ni Andrea ngunit wala siyang nakuhang sagot mula rito. Busy ito sa paghimas sa pisnging nasampal kay dumiretso na lang siya sa counter. "Miss, nabayaran na ba 'tong in-order niyang cake?" tinuro niya si Jeffrey.

"Opo Ma'am."

"Thanks!" kinuha niya ang naka-box na cake. "Iuuwi ko sa bahay itong cake." Sabi niya nang madaanan ang binata. "Umalis na tayo." Nauna na siyang maglakad papunta sa parking lot at sumakay sa kotse nito. Walang kibong sumunod sa kanya ang binata. Pagpasok nito sa kotse ay tinitigan lang siya nito at mukhang wala itong balak na magmaneho.

"What?" paasik niyang tanong.

"Ihahatid kita sa Bulacan."

"Hindi na kailangan, ihatid mo na lang ako sa terminal ng bus."

"I insist baka may masama pang mangyari sa'yo." Tinitigan ulit siya nito mula ulo hanggang paa.

Gets niya kung bakit ganoon ito makatitig sa kanya. "Malaking hikaw na lang ang kulang mukha na akong prosti sa suot ko, ganoon ba? Sino bang may gustong isuot ko 'to, 'di ba ikaw?" kumuha siya ng tissue sa bag. Pinunasan niya ang mukha at labi na may kolorete. "Alam mo bang hahabulin ako ng itak ni Tatay kapag nakita niyang mapula ang labi ko?"

"Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako." Depensa nito sa sarili. "You look pretty. Bakit ka naman hahabulin ni Tatay?" Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakatabon sa mukha niya. "Nag-aalala ako sa'yo kaya gusto kitang ihatid."

So, maganda lang ako kapag may make-up? "Hindi ako maganda." Naiinis na sabi niya.

Pagkatapos niyang magpunas ng mukha ay hinubad niya ang stiletto at nagsuot ng sneakers. Tinanggal din niya ang contact lens at sinuot ang salamin. Hinayaan na lang niyang nakalugay ang buhok upang matakpan ang balikat niya.

"Jeff, matagal na akong nagku-commute kaya sanay na ako. Hindi mo na kailangang mag-alala saka hindi mo naman ako hinahatid sa Bulacan kaya okay lang akong mag-isa."

"Sisimulan ko ngayon." Pamimilit nito.   

"Kung ginagawa mo 'to dahil ginawan kita ng pabor kanina, huwag mo nang ituloy."

"Gusto kong gawin dahil gusto ko." Seryosong turan nito. "At dahil kaibigan kita." Nagsimula na itong magmaneho.

Okay na sana kung hindi nito dinugtong ang salitang kaibigan. Ano bang ini-expect niya, na gusto nitong gawin iyon dahil mahal siya nito? Imposible namang mangyari iyon. Eh, di sana sila pa hanggang ngayon kung mahal siya nito.

Pero umaasa pa rin ang puso niya.

Soon to be published under Bookware Publishing Corp.

Love Me, Jeffrey is also available on other writing platforms.

Love Me, Jeffrey by Carmie Lopez

https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311

https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez

Booklat UN: Carmie Lopez

Webnovel UN: carmielopezmckay

avataravatar
Next chapter