webnovel

LOVE IS A SONG

4/9

jadeatienza · Urban
Not enough ratings
29 Chs

Music

Prologue. Music

   

    

FROM THE beginning, Acel believed that she should never give up.

Vivace Laine Mariano was only seven when she decided that she wanted to be a professional singer. Kaya naman nang mag-college siya ay pinaglaban niya sa kanyang mga magulang na Music-related course ang kukuhanin niya, kahit pa nga gusto ng mga ito na maging pharmacist siya dahil mayroon silang Pharmaceutical Company.

"We will not support your whims, Acel. Titigil ka sa pag-aaral kung hindi ka magsi-shift ng kurso sa susunod na semestre."

Being the oldest, she grew up having her life dictated. Yes, she was pampered but not to the extent that she wished for it. Ang mga magulang ang nagdedesisyon ultimo sa mga damit na dapat niyang isuot. Ibinibigay ng mga ito ang pangangailangan niya kahit hindi naman niya sadyang ginusto o kailangan. Pero bakit pa siya magrereklamo? Ang ibang mga bata nga'y lumaki na hindi napupunan ang mga pangangailangan. Hanggang sa naging sunud-sunuran siya sa gusto ng kanyang mga magulang mula pagkabata. Ngayon lang niya ipaglalaban ang kaniyang nais.

"I will pursue my course, 'Dy."

"Acel..." ang kanyang mommy.

"Hindi ka namin pinalaking suwail!"

"But I want to be a singer! I've been telling you that since I was a kid."

"How can you be one if you always sing out of tune?!" sagad sa buto ang pagsigaw ng kanyang ama.

That's the sad reality, she couldn't even sing a stanza on tune. That no matter how she practiced hard with countless vocal instructors, she just couldn't sing well. Hindi gaya ng ibang tao na nahahasa ang pagiging sintunado nila, hindi iyon nangyari sa kanya. She may be gifted having a perfect pitch but never with a beautiful and soulful voice. Thus, she could never be a singer just as her father stated.

"Please, listen to us. Para sa iyo rin naman ito—para sa kinabukasan mo." Maluha-luha ang kanyang mommy nang gagapin nito ang kamay niya.

"Ipagpapatuloy ko ang kurso ko," buo ang loob niyang hayag. Her father sighed harshly.

"Get inside your room. I don't want to talk about it. My decision is final and you will take Pharmacy."

Nanlalabo na ang kanyang mga mata dahil sa namumuong luha. Patakbo siyang pumanhik sa kanyang kwarto at ikinulong ang sarili. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang umiiyak hanggang sa makatulugan na lamang niya iyon.

The next day, she went to the University with her eyes obviously swollen. She could just be absent today but that would mean she already considered her parents' plan for her. Hindi niya isusuko ang musika sa pagsubok na iyon. Ipaglalaban niya ang kanyang pangarap at walang makapipigil sa kanya.

Maaga siyang gumising para maglakad-lakad sa unibersidad kung saan siya nag-aaral. Sumisinag pa lamang ang araw nang makarating siya roon. She decided to take a walk on the wide Botanical Garden.

Natigilan siya nang marinig niya ang malamyos tunog na nangagaling sa isang violin. Wala sa sariling tinahak niya ang daan patungo sa kung saan niya naririnig ang tugtog. Huminto siya nang mamataan ang isang nakatalikod na lalaki, kung saan nakatayo at nakaharap sa hilera ng mga orkidya, at ito ang tumutugtog ng violin.

The way he played the violin has his own style. She couldn't point it out but she felt that his music touched her heart.

She knew the piece he's playing. Afterall, it's her favorite above all—Liebesträume No. 3.

Kinuha niya ang plawta sa kanyang bag at walang pag-aalinlangang sinabayan ang tumutugtog ng violin. Natigilan ito at mabilis na lumingon sa kanya pero hindi siya natinag at nagpatuloy sa pagtugtog.

Bakas ang pagkagulat sa mga mata nito. And the way his midnight black eyes softly stared directly at her butterscotch eyes made her want to finish playing the music with him no matter what it takes. Kalauna'y ngumiti ito sa kanya. That genuine smile of him reached her crying heart. She suddenly felt lighter seeing him smile so brightly at her. Like he's telling her that everything's going to be alright even if he's a complete stranger.

Napapikit siya nang mariin habang hinihipan ang flute, at nang magmulat siya'y tumango ito ng isang beses saka inayos ang violin.

Nagpatuloy ito sa pagtugtog at sinabayan siya hanggang sa matapos nila ang pagtugtog sa malamyos na musika.