webnovel

Love Bites

Caitlin grew up in a normal family. For her, her life is nothing but normal. Atleast, that's what she is trying to achieve. Hindi niya aakalain na sa isang simpleng maling desisyon ay magbabago ng tuluyan ang buong buhay niya. Ang normal na buhay na pinakaka-ingatan niya ay nawalang parang bula. Her world was turned upside and down and she finds herself spiralling down the abyss, completely out of control. If only she could turn back the time. She shouldn't have succumbed to her desires.

Sharelvandor · Fantasy
Not enough ratings
22 Chs

CHAPTER ELEVEN

"Sa wakas nagising ka rin. Halos buong araw ka natulog" nakakunot ang noong turan ng kanyang ina habang hawak hawak ang basket na may lamang maruruming mga damit niya. Binaba nito iyon saglit pagkatapos ay nakapamaywang na pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Napahawak si Caitlin sa sentido niya. Hindi pa man siya tuluyang nakakatayo mula sa kama niya ay agad na siyang naliyo. Napahigpit ang kapit niya sa gilid niyon.

Crap! Bakit ang sakit ng ulo ko?

"Bakit ka kasi naglasing? Alam mo naman simula pa umpisa na hindi mo kaya ang uminom ng madami" patuloy na litanya nito. Napakurap siya sa huling tinuran nito. Wala siyang natatandaang uminom siya. Ang totoo nga niyan—parang ang labo ng mga alaala niya. Siguro dahil sa sobrang sakit ng ulo niya kaya ganoon. Bakit nga ba masakit ang ulo niya? Sigurado siya na hindi siya uminom ng alak pero ano nga bang ginawa niya?

"Mama, hindi ako uminom" nanghihinang tanggi niya sa tinuran nito. Walang balak si Caitlin na maging tumadora.

"Caitlin, don't lie to me. You stunk of alcohol. Kahit pati itong damit mo. Amuyin mo pa" nakangusong turan ng ina sa may direksyon ng basket na nakalapag sa semento ng kwarto niya.

"Pero wa—" as if one cue, biglang may sumulpot na dayuhang alaala kay Caitlin. Sa naaalala niya maraming beses siyang uminom ng alak. Nakipagsayaw sa kung kani-kanino pagkatapos ay ng makailang ulit siyang matapilok dahil sa sobrang kalasingan. Nang sumuka siya sa may harap ng bahay nila pagkababa pa lamang niya ng sasakyan at ng salubungin siya ng ina sa may labas ng pinto nila. Hindi pwede. Imposible!

"Anyway, bakit may dugo sa damit mo? Nang tinignan naman kita kagabi wala naman akong nakitang sugat" muling tanong nito. Naguguluhang napatitig siya sa mukha ng ina—lalong sumasakit ang ulo niya sa mga tinatanong nito lalo na't paulit-ulit niyang iniisip kung saan nanggaling ang mga alaalang alam niyang hindi nangyari kagabi at bukod pa doon—pakiramdam niya may nakalimutan siyang mas importanteng bagay kaysa doon kaya lang habang lalo niyang iniisip mas lalong dumudulas palayo sa utak niya iyon. Ano bang nangyayari sa kanya?

Dugo? Sinabi ba ng Mama niya na dugo? Awtomatikong lumipad ang tingin niya sa basket ng madudumi niyang damit. Nagkandasala-salabit ang mga paang lumapit siya doon at agad na hinalukay ang damit na tinutukoy ng kanyang ina na may dugo. Nanlalaki ang mga matang napako ang tingin niya doon. It's blood. No doubt about it. Though not much, splotches of blood is evident against the soft material.

Then suddenly flashes of memory bombarded her senses in full blast. Isang Goth like underground party in an abandoned building. Ang mga bisita nang party na iyon ay nakasuot ng mga mamahaling damit, napapalamutian ng mamahaling mga alahas. It was actually more like a formal party instead of a club party. At hindi siya uminom ng alak. Hindi siya nakipagsayaw. Ang natatandaan niya agad siyang naghanap ng tahimik na lugar para makalayo sa crowd---only to meet a weird grandpa who claimed to know her and then she also met a weird guy na hindi man lang natinag matapos itong masaksak ng isang baliw na lalaki na kung makatingin sa kanya para siyang kakainin ng buhay. She woke up in a room full with flying candles and Luce telling her that vampires are true. The last thing she heard is Luce screaming in pain, then someone held her tight and bit her neck. She was bitten.

Nagmamadaling dumiresto si Caitlin sa harap ng salamin at agad na ininpeksyon ang leeg niya. No bite mark. None at all. Sinunod niyang tingnan ang kanyang parehong kamay na sigurado siyang nasugatan kagabi ngunit kung saan mayroon dapat na malalalim na sugat ay nanatiling spotless. There's not even a tear in her skin. What the heck is going on?

"Baby what's wrong?" magkahalong pagtataka at pag-aalala ang nangibabaw sa boses ng ina. Lalo ring lumalim ang gatla nito sa noo.

"Everything—everything's wrong" Caitlin mumbled breathless. Anong sasabihin niya? Na may nakilala siyang bampira? Na muntikan na siyang mamatay kagabi? Na may mga naaalala siyang ginawa niya kagabi pero alam niya sa sarili niya na hindi naman talaga nangyari? At paano siya nakauwi sa kanila? Ang akala talaga niya mamamatay na siya kagabi. Nanaginip pa rin ba siya? She slapped her cheeks instead.

"Ow" she cried out. Namumula ang mga pisnging napatda siya ng may biglang maalala—"Luce? Nasaan si Luce?" hindi na napigilang hiyaw ni Caitlin sa ina

"Nasa bahay nila" puno ng pagtatakang turan nito. Hindi mapalis ang tingin ng Mama niya sa kanya at patuloy na iniinspeksyon ang kabuuan niya. Marahil naghahanap ito ng posibleng dahilan kung bakit parang nasisiraan na ng bait ang anak nito.

"Nasa bahay nila?" naguguluhang ulit ni Caitlin. "Nasaktan ba siya?"

"Bakit naman siya masasaktan?"

"Ma!" frustrated nang saad niya sa ina

"Nakipag-away ba kayo kagabi?" She shook her head. Biglang nanuyot ang lalamunan niya.

"Nakalimutan mo na ba? She drove you home. I insisted na dito na siya muna siya matulog pero dahil hinahanap na siya sa kanila kaya hinatid ko na lang siya pauwi sa kanila" mayamaya ay malumanay ng imporma nito.

Nalaglag ang panga ng dalaga. It can't be. She's not in a sound state to be able to drive me home. She probably passed out because she lost a lot of blood.

Paulit-ulit na napailing siya sa sinabi nito.

"Si Lors? Is she alright?" napapikit na lamang na tanong niya. Parang pakiramdam ni Caitlin tatalon na palabas ng ribcage and ang puso niya dahil sa sobrang lakas ng tibok niyon habang hinihintay niya ang sagot ng ina. Blood rushes to her ears— the rapid beating of her heart and her ragged breathing that's all she can hear. Caitlin mumbled a silent prayer. Sana nasa ligtas na kalagayan si Lors. Sana nakauwi rin ito ng ligtas katulad nila. If her Mom said yes to all of that—she'll forget about everything. She'll pretend that she really drunk herself to death instead na isipin na may na-encounter nga siyang bampira kagabi. She'll pretend ...she'll pretend that everything is alright.

"Lors? Hindi niyo naman siya kasama kagabi ah"

''Wh—at'' Caitlin croaked out... ''Hin—di Ma, kasama namin siya kagabi'' Caitlin insisted almost hysterically.

''No, well—yes dapat kasama niyo siya kagabi pero biglang nagkaroon siya ng dinner date with her Dad.'' mahinahong pagpapaliwanag naman nito sa kanya.

"Hindi Mama, iba ang naaalala kong nangyari and besides sinong Dad ang tinutukoy mo?"

''Of course it's Martin. Lorelei's biological father who else? ''

''Crap. You're kidding right? '' Sa pagkakataong iyon, ang Mama naman niya ang napahawak sa sentido nito. Mayamaya lamang ay marahas na napabuntong hininga na lamang ito.

"Mukhang hindi pa nakatulong sayo ang pagtulog mo ng halos buong araw. You still have hangover. Don't ever drink too much again Caitlin Rose, do you understand?" kalmado ngunit matatag ang boses na saad nito.

Of course, it's a warning. She can't afford to make her angry. Not when everything is a mess right now—hindi niya kakailangan ang paghihigpit nito sa bawat kilos niya.Kaya walang ibang nagawa si Caitlin kundi sumang-ayon dito.

"Then what about the blood?" biglang muling tanong nito. Something flashed in her mother's eyes. Napaungol si Caitlin. She probably knows what she's thinking.

"It's not mine" she denied quickly. Too quickly. Crap! Lalong tumikwas lamang ang matagal ng nakatikwas nitong kilay. She mentally kicked herself.

Calm down Caitlin! "It's a cat alright! Last night a cat was run over by a motorbike. I tried saving it but—"

"Stop"

Crap! Nahalata ba nito na nagsisinungaling siya? Nag-iwas siya ng tingin dito.

"I'll cook something. Get down after taking a cold shower. Maybe that will wake you up" maikling utos nito pagkatapos ay nagmartsa na ito palabas ng kwarto niya habang bitbit ang basket ng may lamang duguang damit niya

What the heck?! Did she believe me or not? Nanghihina ang mga tuhod na napaupo na lamang siya sa semento.

Dinner date my ass. It's a lie. It's a freaking lie for crying out loud! Pwera na lang kung bumangon mula sa hukay ang Papa ni Lorelei para lang makipag-dinner date sa anak. Lorelei's father died two months ago in car crash. At hindi pa iyon alam ng Mama ni Lorelei dahil busy ito sa pagbabakasyon sa kung saan-saan kasama ang iba't-ibang boyfriends nito. Lorelei didn't bother to tell her because she knew her Mom couldn't care less what happened to her ex-husband.

Since then, slowly, Lorelei changed. It may only be a subtle change but she noticed it nonetheless. That's also the start of her following Sebastian Mercer everywhere. It's a distraction at first but growing into an obsession the next.

Now, what am I supposed to do?

Nagmamadaling hinablot ni Caitlin ang phone niya na nkalagay sa side table at agad na tinawagan si Lors ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Paulit-ulit lang ito nagri-ring. Pakiramdam ni Caitlin sinisilihan na ang pwet niya habang paroo't paritong siyang naglalakad sa loob ng kwarto niya at hinihintay na sagutin ang tawag niya.

What the heck! Answer the phone you doofus! I'm dying here! Please answer me! Ngunit wala pa rin.

Pakiramdam ni Caitlin madudurog na niya ang cellphone niya sa sobrang higpit ng hawak niya dito. Pinagpapawisan na rin siya ng malagkit kahit todo na ang bukas ng aircon niya.

Answer the phone Lors, Caitlin silently prayed.

Nothing. Caitlin can only hear Lor's lousy ring back tone assaulting her ears. She can also only hear the loud thud of her heart as it thrashed wildly against her chest. It feels like she's going to pass out anytime soon—kung hindi niya makokontrol ng maayos ang nararamdaman niya

Tick. Tock. Tick. Tock. Tick. Tock.

Caitlin groaned out loud. Even the sound of the clock is driving her nuts. Bago pa niya mapigilan ang sarili namalayan na lamang niyang pinapaulanan na niya ng sipa ang kama sa sobrang inis niya. And when she landed a fierce final blow—Caitlin found herself limping towards her bed and dive for it.

Caitlin scrolled down the names in her contacts and stopped short. Napapailing na tinapik niya ang sariling noo. She dialed the number of Lorelei's mother. Muntikan na nga siyang tubuan ng ugat sa kakahintay bago ito sumagot. Or maybe she's just being too impatient at the moment?

"Hello? Caitlin napatawag ka" bungad na saad ni Tita Leticia. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Caitlin ang malamyos na musika na nanggagaling mula sa kabilang linya. And a man's voice. No doubt about it.

Honey! Nasaan ka? Everything's ready.

Wait lang Honey! May kausap pa ako sa phone.

Ok. Just don't take too long. I badly want to ea—

Naeeskandalong agad inilayo ni Caitlin ang cellphone mula sa tainga niya. She really did call at a very bad time.

"Hello? Caitlin? Are you still there?"

Caitlin cleared her throat. "Yes Tita. Uhmmm...ano po kasi Tita si Lors hindi po sinasagot ang tawag ko. Ayos lang po ba siya?"

"Ganun ba. She's probably still asleep. Try calling her again later. She called me late last night. Hindi na siya nakauwi mukhang napagod ng sobra sa pakikipag-bonding sa Papa niya kaya sabi niya doon na rin daw muna siya matutulog"

"Kay Tito po?"

"Yeah. Sinabi naman niya sa inyo na makikipagkita siya sa Papa niya hindi ba? Actually, nagpaalam na rin siya sa akin na she's going spend the rest of her school break with him"

Ano ba talagang nangyayari? Kahit si Tita Leticia ang alam kasama ni Lors kagabi ang Papa niya. Paano nangyari iyon? Nagsinungaling ba si Lors kay Tita? Kung ganoonn, bakit ang pagkakaalam din ng kanyang ina na hindi nila kasama si Lors kagabi? When in truth her Mom knew that she's going to have night out with her. Things just wont match up and Caitlin's pretty sure about her memories last night though some were a bit blurry and foreign memories also keep popping up in her mind—shes sure as heck that shes with Lors last night.

Is it possible that their memories were altered by someone?

Kung ganun sino ang gagawa nun?

Is someone even capable of doing that?

Caitlin snorted. She met vampires last night—hindi na siya dapat magtaka kung meron mang taong kayang baguhin ang memories nila. But of course, she can't say that to Tita Leticia. She'll think she's nuts.

"Hindi niya ba sinabi sayo?" mayamaya ay tanong ni Tita Leticia. Caitlin almost forgot that she's still talking to her. She bit her lip hard.

"Hindi po e. Baka nakalimutan lang. I'll try calling her again. Thank you po. Pasensiya na po sa abala"

Mabuti na lang they're talking over the phone or she wont be able to lie to her.

"Caitlin? May problema ba? You sound weird"

"Wala po Tita. Everything's fine. Sige po. Bye"

"Alright... Bye"

Pagkatapos tawagan si Tita Leticia, sunod niyang tatawagan si Luce. Kailangan niyang makumpirma kung totoo nga nakauwi ito ng maayos kagabi—kapag nagawa niya iyon tsaka lang kaya ni Caitlin gumawa ng ibang bagay—ibang normal na bagay katulad na lang ng maligo. As if on cue—biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at sumilip mula doon ang Mama niya.

"What's taking you so long? Bakit hindi ka pa naliligo?" nakakunot noong tanong nito. Napangiwi siya.

"May tatawagan lang ako saglit Ma, I'll be down in 30 minutes" Hindi ito sumagot bagkus nagpatuloy lang ito sa pagtitig sa kanya. She knows that look. Iniisip siguro nito na may balak siyang takasan ito sa napipinto nitong sermon sa kanya.

Caitlin sighed. "Don't worry Ma, I'll be fast" It's her mother's turn to sigh this time. She's clearly worried about her—that was obvious—pero bakit parang pakiramdam niya may iba pa itong inaalala bukod sa kinasangkutan niya kagabi? Nang makaalis ang ina agad na niyang tinawagan ang kaibigan. Mabuti na lang sumagot ito kaagad.

"He—llo?" animo'y namimilipit ang boses na saad ng nasa kabilang linya . Muntikan na niyang hindi makilala ang boses ng kaibigan.

"Luce? Si—"

"Caitlin?!" natatarantang tanong nito. Bago pa makasagot si Caitlin—she heard a loud crash over the phone.

"Is everything alright?"

"O—o naman—e—verything's fine"

"Thank God. Teka nga pala! Bakit ganyan boses mo?"

"Kasi—" Biglang nawala ang boses nito sa kabilang linya at hindi nakaligtas sa pandinig ni Caitlin ang animo'y namimilipit na ngiyaw sa sakit ni Cleopatra—ang pusang ini-regalo niya kay Luce noong last birthday nito.

"Luce? Anong nangyayari sayo? May sakit ka ba? And what's going on with Cleopatra?"

"Ha? No—I mean...ano kasi...Can you call again later? I'm actually in the middle of—"

Luce voice was cut off again and the next thing she heard is a low animalistic growl over the phone. And a wild scratch of paws—like Cleopatra is struggling or something. What's going on? Why is Luce acting weird? Bago pa mapigilan ni Caitlin ang sarili, she started bombarding Luce with lots of questions. Almost sounding like a nagging mother. Kahit pilit isipin ni Caitlin na everything's fine—or that she's overreacting—her gut feelings is telling her otherwise and she can't ignore it. She can't ignore it especially kung involve ang kaibigan niya.

"Just what the heck is going on? Ayos ka lang ba? What about Cleopatra? At ano yung narinig kong tunog kanina? You better start talk—"

"Shut up!" Luce yelled in a guttural growl. Caitlin was frozen in her spot. She can feel the cold hard case of her phone stinging her palm. Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa phone niya ng mga sandaling iyon that it feels like it's going to snap in half. Just as she thought—Luce is the one making that weird sound. Caitlin swallowed the humongous lump in her throat.

"Luce?....are—are you sick?" Caitlin asked in a strained voice.

"I—Ibababa ko na ito...just...just call me later when I'm more—more like myself. You're right, I'm sort of sick right now...so—"

"Pupuntahan na lang kita diyan sa inyo"

"No!!!!" Luce yelled again—but this time around Caitlin feels like Luce voice is choking her adding fuel to her barely contained cold fear just bubbling beneath the surface. Sweat trickled down the side of her face. Caitlin knew she should just drop it or else Luce is going to choke her to death but—she just can't.

"You don't need to shout you know. I'm just—worried about you"

"Then stop worrying! You're not my mother. Listen to me! Wag kang pumunta Caitlin. Ako na ang nagsasabi sayo wag kang pupunta dito. Naiintindihan mo ba?" Luce said angrily—Caitlin could almost taste the threat behind her words.

Hindi siya nakasagot. A deadening silence hung over the phone and Luce was the first one to smash it cruelly with her cold voice.

"If you understand, then bye"

"Wai—" Luce cut of the call before Caitlin could even talk back. At naiwang tulala ang dalaga habang walang tigil siyang sinasalakay ng hindi niya mapigilang panginginig ng katawan. Before Caitlin knew it—tears started falling down her cheeks like a waterfall. The torrent is taking a toll on her body and mind festering her with uncontrollable pain. Why does it feel like her emotions are heightened since that dreadful night? She can't help but think that she doesn't know herself anymore.