webnovel

Chapter Six: Pain

NAG-ENJOY ng sobra ang anak ni Ynna sa buong araw at hindi niya akalain na magiging ganoon itong kakomportable sa taong unang beses pa lang nito nakikilala.

Madalas kasi ilang ito sa mga bagong nakikilala pero pagdating kay Vincent? Ayun daig pa niya ang may dalawang alagain isang eight years old at ten years old na bata sa katauhan ng thirty years old na si Vincent.

Hindi niya maiwasang ma-amaze kung paano nito nasabayan ang energy ng anak niya. Pagkatapos kasing kumain ito pa ang nag aaya na maglaro ng arcade games na talaga namang kinawilihan ng anak niya madalas kasi puro musical instrument lang ang laruan nito tuwina kasi na gusto niyang bilhan ito ng mga laruan usually ay tumatanggi kaya kapag tinignan ang bahay nila masasabi lang na may batang nakatira 'don ay base sa mga picture frame na nakakalat sa buong paligid at mga drawing ni Van na ibinibigay nito sa kanya pagkatapos ng school.

Kaya nga kahit na gusto na niyang awatin ito hindi niya uawat hindi niya magawa.

Isa pa 'tong si Vincent 'yung stufftoy na pinapabili sa kanya ni Van? Ayun ito ang nagbayad kahit na anong pilit niya sa huli wala rin siyang nagawa.

Kaya ngayon ito sila nakasakay sa kotse ng lalaki pauwi dahil kasi sa kapaguran ay nakatulog na si Van at nagprisinta na ang una na iihatid sila.

"Dito mo na lang kami ibaba sa may kanto." Aniya.

"I insist saka panao mo mabubuhat si Van? Tulog na tulog 'yan."

Napatingin siya sa anak hindi naman niya maatim na putulin ang tulog nito kaya napabuntong hininga na lang siya saka itinuro kung saan sila ibababa.

"Parang familiar sa'kin 'tong lugar," Anito parang gusto niyang sabihin na kakapunta lang nito doon noong isang araw naitiik niya ang mga mata sa itaas.

Itinabi na nito ang kotse sa umibis sa gabi niya at pinagbuksan siya ng pinto kasunod 'non ay binuksan nito ang passenger seat saka maingat na binuhat si Van agad naman niyang kinuha ang stufftoy ng anak saka ito iginiya sa hagdanan paakyat sa bahay.

Walang kibong binuksan niya nag pinto saka ito pinapasok sa kwarto ni Van. Pagkababa nito sa anak niya ay agad niyang tinanggal ang suot nitong sapatos at kinumutan bukas na lang niya ito paglilinisin ng katawan dahil himbing na himbing ang tulog nito.

Sa pagkakataon na 'yon ay hinarap na niya si Vince. "Thank you for everything," Kiming nginitian niya ito.

"You're welcome," Anito saka iginala ang paningin sa simple pero makulan na kwarto ng anak niya bago siya hinarap. "Anyway asan ang father niya?"

"Matagal na kaming hiwalay I'm a single parent."

"No wonder wala kang singsing."

Napapikit na lang siya buti na lang pala at hindi na isa nagimbento ng kwento na kung ano-ano dahil wala naman siyang mapapala.

"Yeah, ah, sige na lumalalim na 'yung gabi magda-drive ka pa you can go."

"Okay, pero can I have your number?"

"Why?" nagtatakang tanong niya.

"I don't know just to catch up things? I know I was a jerk in the past saying hurtful things about us pero—"

"Vince kung anuman tayo dati matagal na 'yon I've already moved on, pero mas maganda sigurong hanggang ditto na lang tayo just a mere acquaintance we have nothing to do with each other so I just want to keep it at that."

Nang marinig ang sinabi niya daig pa nito ang itsura ng isang tuta na sinipa pero mas mabuti na siguro ang ganito mas maaganng sabihin niya kung ano ang stado nito sa buhay niya mas mabuti bago pa kung ano-ano ang pumasok sa utak niya.

"Yeah, yeah I understand, I'm sorry," Anito saka napahawak sa batok. "Una na ko thanks for accompanying me out of whim."

"You're welcome Vince, Goodbye," Hinatid niya pa ito hanggang sa pinto saka sinaraduhan bago siya napasandal sa hamba ng pinto.

Napapikit siya akala niya, okay na akala niya napatigas na niya ang puso niya pero nang makita niya kung gaano kasaya ang anak sa piling ng isang tao na ngayon lang nito nakilala ramdam niya ang pagkukulang sa buhay nito pero hindi niya kaya, ayaw na niya. Bwisit naman kasi bakit ba kasi hindi na lang niya kalimutan ang lahat?

Gusto niyang umiyak pero alam niyang hindi masosolusyunan ng luha niya ang problema na nararanasan niya ay ano pa nga bang pwede niyang gawin kung hindi harapin at gawin ang lahat ng makakaya niya para sa anak niya at sa puso niyang matagal nang sumuko sa pag-ibig.

Nadia Lucia