webnovel

Chapter Four: Accident

NAG-INAT ng katawan si Ynna matapos niyang ilock ang glass door ng Harmony studio tapos na kasi ang trabaho niya at dahil wala naman siyang gig sa Cosmic Bar mahaba ang bakante niya ngayong araw.

Sa tabi lang ng studio nila ay may isang hagdanan na magdadala sa second floor kung saan siya nakatira.

Pagbukas niya ng pintuan ay napangiti siya nang maramdaman niyang may yumakap sa kanya.

"Hello baby."

"Mommy I'm already eight hindi na ko baby." Agad na reklamo sa kanyang anak na si Van.

Marahan siyang kumawala ditto. "Sus kahit na maging thirty years old ka pa baby pa rin kita 'no." kinintalan niya ito ng halik sa pisngi saka hinubad ang suot na sapatos saka pumasok sa simple pero homey nilang bahay. Silang dalawa lang ang nakatira 'don pero minsan ay pinapakiusapan niya ang assistant niyang si Dara na mag babysit sa anak niya tuwing kailangan niyang mag trabaho sa cosmic bar.

"Mommy talaga." Nakangusong sabi nito saka bumalik sa pagkakaupo sa sahig habang ginagawa nito ang assignment nito sa center table.

Umupo siya sa tabi nito saka hinalikan ito sa ituktok ng ulo. "Anong gusto mong ulam?" agad na lumiwanag ang mukha nito pagbanggit sa pagkain napailing na lang siya ang bilis talaga nitong masuhulan no wonder masyado itong spoiled pagdating sa mga kaibigan niya.

"Hamburger steak Mommy." Tukoy nito sa paborito nitong pagkain.

"Sige sige." Tinungo niya ang kusina saka may naalala. "Ah, free pala ko this weekend Van where do you want to go?" aniya habang naksilip ditto.

Kitang-kita niya ang pagningning nag anak niya napangiti na lang siya masyado yata siyang naging busy nitong mga nakaraang linggo at tuwing dinner na lang silang nagkakasama.

"Pwede ba tayong manuod ng sine?"

"Sure baby anything you want."

"Yes!" sa tuwan nito atpumunta pa ito sa kusina para lang yakapin at halikan siya sa pisngi. Minsan talaga wala siyang panalo pagdating sa paglalambing ni Van.

KINABUKASAN ay maagang sina umalis sina Ynna papuntang mall malamang na hanggang hapo sila doon depende siguro sa kaya ng energy ng anak niya pero knowing its capacity baka siya pa ang maunag sumuko sa kanilang dalawa.

Pagkatapos nilang kumain ng breakfast ay agad na silang dumiretso sa sinehan. Matagal na rin simula noong hui siyang manuod ng sine kadalasan kasi ay nanunuod lang sila sa cable o kaya sa internet.

Pagkatapos nilang makabili ng popcorn at drinks ay pumasok na sila sa sinehan. Sa totoo lang ay pagdating ata sa mga movies pareho sila ng taste ng anak niya madalas na fantasy at pambata katulad na lang ngayon na ang last installment ng Toy Story ang pinapanuod nila.

Ilang oras din na tinagal 'yon at talaga naman walang tulak bibig ang anak niya kung hindi ang napanood nila. Hanggang sa napadaan sila sa isang toy store at napansin nito ang isang stuff toy na Buzz Lightyear.

"Mommy can we buy one? Please?" sa totoo lang hindi maluho ang anak niya maliban lang siguro sa music na kinahihiliga nito ay wala itong masyadong demand sa kanya.

"Sure." Nakangiting sabi niya, napalakpak naman ito saka agad na tinakbo ang estante ng stufftoy.

Narinig niyang tumunog ang cellphone niya kaya sandali siyang nalingat sa kanyang anak tumawag si Dara tungkol sa studio. Nang lingunin niya ang anak ay nakita niyang kumakaway ito sa kanya.

Patakbong lumapit ito sakanya hindi tuloy nito napansin ang babaeng may hawak na cup na parating kaya nagkabanggan ang dalawa at nabuhos ang hawak nito sa sariling damit.

"Oh my god, my dress!" tili nito parang gusto niyang ipaikot ang mata sa dami ng pwedeng makabangga ng anak niya sa isang maldita pa na mas inuna na tignan ang nabasa nitong damit kaya sa anak niyang nakalumpaig sa sahig.

Agad niyang tinapos ang tawag saka lumapit sa dalawa agad niyang inalalayan ang anak.

"Are you okay?"

"Yes Mommy," And like a responsible child that she raise him ay agad nitong hinarap ang babae. "I'm really sorry Miss."

"Sorry? Do you think matutuwa ako sa sorry mo?" anito sa mataas na boses saka lang niya ito nakilala pero mukhang katulad ni Vincent ay hindi na rin siya nito nakikilala.

Itinago niya si Van sa likuran niya "Miss my son already said sorry no need to raise your voice like an uncivilized person. As for the cleaning we can just settle it with enough money right?"

"Ikaw ba ang nanay ng batang 'yan?" tinignan siya not mula ulo hanggang paa. "No wonder bastos 'yang anak mo, besides sa tingin mo ba mababayaran mo ang pang cleaning ng dress ko? Hindi 'to pwedeng sa basta-basta cheap cleaner lang ipalinis."

Tinaasan niya ito ng kilay ilang taon na ang nakakaraan pero matapobre pa rin ito hanggang ngayon.

"Kaya namin bayaran ang pagpapalinis ng damit mo Miss kahit na gaano pa kamahal 'yan. Besides, can we simply settle this? Pinagtitinginan na tayo ng mga tayo especially you who screech like a banshee."

"You bi—"

"What's happening here?" nanigas siya sa kintatayuan bakit ba palagi na lang niya itong nakikita kahit ayaw niya?