webnovel

Chapter Eight: Sprain

PARANG naubos na yata ang lahat ng energy niya hindi lang dahil kay Van kung hindi kung paano niya magagawang iwasan si Vincent sa mga simpleng hirit nito hindi talaga niya maintindihan kung bakit ganon na lang ang ikinikilos nito.

Na para bang balewala lang ditto ang mga nangyari noon, na para bang in the first place hindi siya nito sinaktan, at parang wala itong ginawa sa kanyang masama. Siguro nga hanggang ngayon ay nakakulong pa rin siya sa mga alaala niya sa nakaraan kaya siguro sa muli nilang pagkikita parang napakamiserable niya samantalang 'to matagal nang kinalimutan ang lahat.

Nabalik lang siya sa kasalukuyan nang huminto ang sasakyan nito sa tapat ng studio niya. Katulad noong unang tumuntong ito sa kanila ay ito na mismo ang siyang nagdala sa anak niya paakyat hanggang sa kwarto nito.

Sa totoo lang ay ayaw na niya itong makausap ng sarilinan pero sa huli wala na siyang nagawa.

"Anong gusto mong inumin?" kating kati na siyang paalisin ito sa bahay pero magmumukha naman siyang walang modo pagkatapos ng lahat ng ginawa nito para sa anak niya.

"A coffee will do," Nginitian siya nito. "Thank you."

Tumango lang siya saka tinungo ang kusina para lang pigilan ng pagtawag nito sa pangalan niya.

"Ynna," Nilingon niya ito. "Sinong tatay ni Van?"

Nanigas siya sa tanong nito at nang titigan niya itong maiigi pure curiosity lang ang nakikita niya sa mga mata nito. "First of all you are not entitled to ask me questions we're not friends at wala rin akong balak na sagutin ang mga tanong mo."

Iyon lang at tuluyan na niya itong iniwan na nakaupo sa sala habang pumasok siya sa kusina. The less he knows the less problem they can have.

Nagsalang siya ng kape sa perculator hinanap niya ang creamer binuksan niya ang mga cabinet saka niya napansin na nasa pinaka itaas ito ng shelf. Napailing na lang siya siguradong si Renz na naman ang naglagay doon sa kabila ng ilang beses niyang sinasabi kapag tumatambay ito sa bahay niya kasama ang iba pa nilang kaibigan na wag ilalagay ang cremer sa top shelf dahil hindi niya abot.

Mamaya lang ito humanda talaga sa kanya ang sira-ulong kaibigan niya.

Kumuha siya ng umupan saka iyon ang tinungtungan niya para maabot ang creamer hindi masyadong steady ang nakuha niya pero sandali lang naman kaya kaya na naman niya 'yong ibalanse.

"Do you need help?" nagulat siya sa boses kaya nawala sa konsentrayon at naramdaman na lang niya ang kirot sa kamay niya nang mapasama ang bagsak niya at sumalo ng lahat ng bigat niya ang kanang kamay niya.

"Ynna are you okay?" agad siyang dinaluhan ni Vincent.

Kita na ngang nahulo siya mukha ba siyang okay? Kagat labing kipkip niya ang nasaktang kamay, pinagpapawisan na siya ng malamig dahil sa sakit na nararamdaman.

"Mommy?" nakita niya si Van na pupungas pungas na sumilip sa kusina pero na nanlaki ang mga mata nito nang makita siyang nakahandusay sa sahig. Lumapit ito sa kanya, great dalawa na silang nagaalala sa kanya.

Pinilit niyang tumayo pero sa huli ay natalo siya ng sakit na nararamdaman. Sa pagkakataon na 'yon ay pinangko na siya ni Vincent at dali-daling dinala sa ospital.

"NA-SPRAIN ang kamay mo Ms. Jacinto." Napangiwi na si Ynna sa sinabi ng doctor habang naka admit sa isang private room kagagawan ni Vincent. Doon siya nilapatan ng first aid at kung ano-anong test ang ginawa sa kanya para masiguradong wala nang kahit na ano pa siyang pinsala na natamo sa pagkakabagsak niya.

"Mabuti na lang at walang kahit na anong ugat ang naapektuhan sa nangyari sa'yo and I can assure you makakabalik ka sa trabaho within a month kailagan lang natin i-cast ang kamay mo para hindi lumalala 'yan." Iyon lang at nag-excuse na 'to at umalis.

"Hindi ka na dapat nagpa-admit sa ospital lalaki lang ang gastos." Hindi niya mapigilan na sabihin kay Vincent habang payapang natutulog si Van sa sofa di kalayuan sa kanya parang matapos nitong masigurado na ayos lang siya ay saka ito muling iginupo ng antok.

"Ako ang magbabayad don't worry too much."

"Hindi ko kailangan ng pera mo besides I have my own kung tutuusin nga dapat na umuwi ka na kaya ko na ang sarili ko."

Napahilamos ito ng mukha alam niya ang gesture nitong iyon kapag frustrated.

"Pwede bang wag matigas ang ulo mo? You're injured besides kung hinid kita ginulat baka hindi ka nahulog at nangyari 'yan sa'yo." Saka ito bumuntong hininga. "Look siguradong mag-aalala lang sa'yo si Van dahil sa nangyari 'yan sa'yo so just let me help a little, okay?"

Bantulot siyang sumang-ayon ditto saka niya narinig na tumunog ang cellphone niya. Nakita niya agad na nag flash ang number ni Rizza kaya kahit medyo nahirapan siyang gamitin ang kaliwang kamay ay nagawa naman niyang sagutin ang tawag nito.

"Ynna? Where are you? Kanina ka pa namin inaantay ditto."

Napapikit na lang siya nang maalala niyang may gig nga pala siya sa Cosmic Bar ngayon.

"Yeah, sorry nagkaroon lang ng maliit na aksidente kaya mukhang bukas na lang ako makakapasok."

"Ha? Are you okay?" rinig niya ang pagaalala nito.

"I'm okay Riz."

"Nasaan ka ba?"

"Sa Ospital?"

"Bakit parang 'di ka pa sure kung nasaan ka? Tell me the truth Ynna Clara Jacinto anong nangyari?"

Napangiwi siya nang buuin ng bestfriend niyang si Rizza ang buong pangalan niya kapag ganon na ang tono nito siguradong nauubusan na ito ng pasenya.

"Nagkaroon lang ng konting aksidente pero okay na naman ako it's just a minor injury."

"Are you sure? Puntahan ka namin ngayon saan kang ospital?" sandali napasulyap siya kay Vincent na inaasikaso ang nakatulog na si Van sa sofa.

"Okay lang ako punta na lang ako dyan bukas."

Bumuntong hininga ito sa kabilang linya. "Sige, magpahinga ka na and I need explanation tomorrow got it?"

"Fine." Wala na rin naman siyang magagawa kung kindi sabihin ang totoo sa kaibigan niya.

Pagkatapos 'non ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pagod sunod na lang niyang namalayan ay nakatulog na pala siya.

Nadia Lucia