webnovel

Lost 2

 Day 1

"H-hello?" bungad ng isang di pamilyar na boses ng babae.

"Sino ka?" tanong ko.

"H-help me p-please. Natatakot na ako dito. M-my name is Kath. K-Katherine Flores." nanginginig na sabi niya.

"Ok Kath. Siguraduhin mong hindi ito prank lang dahil tutulungan kita ngayon."

"Thank you. Thank you po talaga." she said.

"Ngayon. Sundin mo ang I-uutos ko sayo." 

"Sabihin mo saakin kung ano ang nakikita mo sa paligid mo at kung nasaan ka." utos ko sa kanya.

"Uhm...n-nandito a-ako m-malapit sa pinagbagsakan ng eroplano. M-maraming nagkalat na katawan ng patay na tao dito. Tapos m-may nakikita akong bulkan sa likuran ko. Gubat naman sa harap at m-may dalawang ilog sa magkabilaan ko." sabi niya.

"Good. May nakikita ka bang babaeng blond ang buhok sa mga patay na tao na yun?" tanong ko sa kanya. Shit. Wag niya sanang sabihin na meron.

"W-wala naman. B-bakit?" sagot niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil don.

Thank God at posibleng buhay pa si Recka.

"Ganito ang gawin mo. Humanap ka muna ng makakain at lalagyanan ng tubig. Tutal, may ilog ka naming nakikita eh."

"In order to survive for a few days hanggang sa makarating ang rescue. Kailangan mo ng makakain." I said.

"O-okay." she said.

"May nakikita ka bang makakain mo diyan?" tanong ko.

"M-meron---blag---"

*call ended*

"Hello? Hello? Anong nangyayari? Hello?!"