webnovel

Lost in Lust

Lana was an abandoned child and rescued by a tomboy. She grew up beautiful but lacking on ladylike manners. Devlin was commissioned to find her. He found her and felt an instant desire for the rough beauty. He seduced her with every kiss. She became addicted to his kisses. But she balked when he said: Marry me. How could he convince her that they were destined to be together?

ecmendoza · Urban
Not enough ratings
17 Chs

Chapter Two

HABANG nagaganap ang pustahan, nagko-concentrate naman si Lana sa kanyang kalaban.

Her beautiful eyes stared deeply into a pair of beady eyes.

She was mesmerizing her enemy with her beauty.

Pamaya-maya, binasa ng dila niya ang mga labi.

Ganoon ang nakikita niyang paraan ng pang-aakit ng mga babaeng nakatambay sa labas ng mga night club.

She hid a smile when the opponent started sweating.

Nababasa na niya ang pagnanasa sa mga mata ng katunggali.

Alam niyang nabibighani sa kanya si Boy.

Palagi niya itong nahuhuling nakatitig sa kanya kapag nakikita siya.

And she was using this attraction to her advantage--shamelessly.

"Kapag natalo kita, magiging akin ka, Val!" ang pagaril na banta ni Boy.

"Ikaw naman ang titihaya at kukubabawan! He! he!"

"Kasing baho ng hininga mo ang laman ng utak mo!" ganting-wika naman ni Val habang pilit na ngumingiti.

Dahan-dahan lang para maging kaakit-akit.

Hindi niya ipinakikita ang pandidiring nadarama.

Kilalang takot sa tubig si Boy Bustos. Kaya ang lagkit-lagkit ng balat nito dahil sa dumi.

"Kapag natikman mo ang romansa-brutal ko, tiyak na magiging tunay na babae ka na, Val! Ako na lang ang hahanap-hanapin mo, he! he!"

Ipinangako ni Val sa sarili na tatadyakan niya ang mabahong mukha ng kaharap--mamayang nanalo na siya sa laban.

"Tingnan natin, Baho. Kapag hindi ako nasarapan, putol ang kaligayahan mo!"

Nanlaki ang mga mata ni Baho. Muli na naman itong napalunok.

"T-tiyak na masisiyahan ka," pangako nito sa nanginginig na boses. "Hinding-hindi mo ako makakalimutan!"

"Hmmm, tingnan natin," sambit niya, sabay kindat nang pasimple. "Mamaya na ba...?" pambibitin niya.

Lihim siyang nasiyahan nang mabawasan ang lakas at tigas ng brasong nakasingkaw sa bisig niya.

Malapit nang matalo ang kalaban! bulong niya sa sarili.

Siya lang ang nakakaalam niyon.

Wala pang malay ang mga miron sa paligid nila na malapit nang tumaob sa mesa ang kinatatakutang siga sa bodega ng West-East.

Na si Val Guerra na ang tatanghaling bagong kampeon!

Binigyan pa niya uli si Baho ng mapang-akit na ngiti bago niya ibinuhos ang buong lakas.

Sa isang kisapmata, biglang tumumba ang braso ng lalaking bastos. Gulat na gulat ito.

Maging ang mga manonood.

"P'ano nangyari 'yun?" hiyawan ng mga miron.

"Sabi ko sen'yo, champion ang anak ko! Ha! ha!" Nangingibabaw ang boses ni Daddy Baldo. "O, akina ang mga pusta n'yo. Kami ang nanalo!"

Sa saliw ng pagkakaingay na iyon, magkalaban pa rin ang mga mata nina Val at Baho.

"Hindi ako papayag na matalo sa 'yo, Val! Babae ka lang!"

Hindi na niya itinago ang galit. Umigkas ang isang kamao niya. She gave her a sharp jab on the jaw. And a left hook.

Talsik ang laway at dugo sa bibig ni Baho. May nakasama pang ngipin na nangingitim na sa nicotine.

"'Yan ang napapala ng mga katulad mong mahilig mangmaliit ng mga babae!" bulyaw niya rito bago tumalikod.

"Tena, anak. Magpahinga ka na," aya ni Daddy Baldo sa kanya.

"Oo, Dad," tugon niya sa mas malumanay na tono. Itinago ang pananakit ng kamao.

Tinapunan pa niya ng matalim na sulyap si Baho bago tuluyang lumakad palayo.

"Tamang-tama ang pagkapanalo mong ito, anak. May panghanda na tayo sa Pasko," ang tuwang-tuwang sabi ni Baldo.

Tumango si Val. Tuluy-tuloy siya sa katre niya.

"Magtitimpla ako ng kape, anak," wika ng tomboy na kinikilalang magulang habang nagbubukas ng gripo para lagyan ng laman ang lumang takuri. "Gusto mo ba?"

"Hindi na, Dad. Mamaya na lang ako babangon. Gusto kong matulog."

"O, magpalit ka muna ng damit. Basa ka ng pawis," paalala nito.

Hinubad ni Val ang suot na pulang t-shirt. Naka-sports bra siya sa ilalim ng sandong manipis.

"Oo, Dad," aniya. Isinampay niya ang mga saplot sa likod ng silya bago pabagsak na nahiga sa manipis na kutson.

Tumingin siya sa kisame. Naaalala niya ang malaswang kislap sa mga mata ni Baho. Hindi pa iyon ang katapusan ng pagtutuos nila. Alam niyang napagtanto na ng nakatunggali ang ginawa niyang pandadaya kanina.

Kilos- at asal-tomboy si Val, pero hindi siya lesbian. Hindi siya nagkagusto kailanman sa kapwa-babae.

In fact, she regarded herself as sexless. Dahil hindi rin siya naaakit sa lalaki.

She scorned the male population who always looked down at them females.

Palagi na lang silang sinusukat at minamata ng mga lalaki—at ng mga nag-aastang lalaki. Maliban syempre kay Daddy Baldo.

Pero gayundin sa ina-inahan. Palagi na lang itong minamaliit ng mga lalaking kasamahan sa trabaho. Kaya hindi siya nahihiyang aminin sa sarili na ginamitan niya ng feminine wiles si Baho.

Kung hindi niya matatapatan ng lakas sa lakas ang kalaban, mayroon pa siyang ibang sandata--ang kanyang kariktan.

A hard smile curved her voluptuous lips.

Wala namang masama sa ginawa niya--pero humanda lang sana siya sa magiging ganti sa kanya. At hindi mabuting tao si Baho...

This was her last thought before she drifted into a tired sleep.

*****

SINIPAT ni Devlin Santana ang letrato.

Ilang ulit niyang tinitigan ang hawak sa iba't ibang anggulo bago siya nagtaas ng tingin sa kaharap na may edad na babae.

"Misis, ito lang ba ang picture ng anak n'yo?"

Tumango ang tinanong. "I-iyan lang ang naitabi ko."

"Wala na ba kayong latest?"

Umiling ang ginang na mala-donya ang dating.

"Kailan n'yo siya huling nakita?"

"T-twenty-one years ago."

"Twenty-one years ago," ulit ni Devlin. Hinimas-himas niya ang baba at panga. "Ano'ng edad niya rito, misis?"

"Five months old pa lang siya diyan."

Tumangu-tango siya. Kapagkuwan, tumindig siya upang kamayan ang bagong kliyente.

"I'm very honored, ma'am. Sa akin n'yo ipinagkakatiwala ang paghahanap sa anak n'yo."

The older woman looked at him beseechingly. "Tell me the truth, Mr. Santana. Ilang porsiyento kaya ang magiging tagumpay mo?"

Nagkibit ng malalapad na balikat si Devlin.

"Hindi ko pa alam, misis. Marami pa akong kailangang gawin para masagot ko nang eksakto ang tanong na 'yan."

Habang nagsasalita, kinakalabit niya ang mga switch ng computer set. Binuksan niya ang scanner machine at inilatag sa ibabaw niyon ang letrato.

"Kamukha ba kayo ng anak n'yo, misis?" he asked her idly.

Tumango ang tinanong.

Tinitigan niya ang image na rumehistro sa computer screen.

Ilang minutong naghari ang katahimikan.

"Tingnan n'yo ang ginawa kong magiging hitsura sana ng anak n'yo, misis," alok niya habang ibinabaling nang bahagya ang screen padako sa kinatatayuan ni Mrs. Esguerra.

Napabulalas ang ginang nang makita ang resulta ng ginawa niya.

"Oh, you're such an expert, Mr. Santana! Napakagaling ng ginawa mo!"

Devlin just inclined his dark head. "Ganyan ba ang hitsura n'yo nung dalaga pa kayo?"

Tumango nang sunud-sunod ang kaharap niya. Maluha-luha na nga.

"G-ganyang-ganyan nga ako nung kabataan ko, iho!"

"Mayroon ba kayong picture diyan?"

Nagdudumaling dumukot sa bag ang ginang.

Isang maliit at lumang album ang hinugot nito.

"Heto," anito habang iniaabot sa kanya.

Binuklat-buklat ng binata ang album.

"Bakit nga pala siya nawalay sa inyo, misis?" ang pakaswal na tanong niya kapagkuwan.

Napabuntong-hininga ang tinanong niya. Wari ba'y inaasahan na nito ang pagtatanong niya.

"Maaari bang dito ako maupo, iho?" she asked first before pulling one of the chairs nearer his computer.

"Please," tugon naman niya.

"Nagsimula ang lahat dahil sa kayamanan," umpisa nito nang makaupo na.

"Panganay ang aking asawa sa apat na magkakapatid kaya sa kanya naipamana ang malaking bahagi ng yaman ng Pamilya Esguerra."

"Nang mamatay ang asawa ko sa isang aksidente, naghari-harian na ang mga kapatid niya sa aming bahay. Hindi pa man naililibing ang labi ng aking asawa, nilulustay na ng mga bayaw ko ang kabuhayang iniwan ni Augusto." Dinampian ng isang lace handkerchief ang mga matang namumula.

Hindi umimik si Devlin upang huwag masira ang kuwento ng kaharap.

"Nanganib ang buhay ng anak namin, nang malaman nilang nalipat na dito ang lahat ng mga ari-arian ng asawa ko. Tinangka nilang patayin ang walang laban na sanggol--" Napahinto ito upang kontrolin ang paghagulgol. "K-kaya napilitan akong itapon siya para mailigtas siya!"

"Itinapon n'yo ang bata?" Devlin repeated in amazement.

"Oo, pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa kong 'yon," salo nito. "Gan'on pa rin ang gagawin ko kung mauulit ang kahapon!"

Nag-print ng isang kopya si Devlin.

Creation is hard, cheer me up!

ecmendozacreators' thoughts