1 Panimula

"May pupuntahan ka pa ba after dito, Pa? O diritso na tayo sa bahay?". I looked over at Papa na abala sa cellphone nito. "Are you texting someone, Pa?"

Nag-angat siya ng tingin sa huling tanong ko. "Ah, no. Hinahanap ko yung text ni Mike, nagsuggest siya nang shop nung nakaraan, masarap daw mga pagkain, gusto kong puntahan".

I waited na makita ni Papa kung anong shop ang sinuggest ni Mike. Matagal-tagal akong hindi nakauwi sa amin kaya hindi ko na alam kung anong mga establishment ang nakatayo ngayon dito.

"Ito, Nak! Puntahan natin to". I read the message. Dinatalye na din ni Mike yung direction kaya sinundan na lang namin. Hindi naman din kalayuan sa pinuntahan namin ni Papa kaya mabilis lang kaming nakarating at umorder pagkatapos makahanap ng pwesto.

Wala akong planong lumabas ngayong araw pero nagpumilit kanina si Papa na magpasamang bumili nang mga kailangan niyang gamit sa ginagawa niyang doghouse sa likod bahay.

Wala din naman akong nagawa dahil wala si Mike - nakakabata kong kapatid - para samahan siya.

Papa ordered the foods the shop considered best selling, Frappe yung sa akin. Kumain ako bago kami umalis ni Papa pero nakakatempt yung pagkain kaya nakitikim ako sa inorder niya.

Masarap nga.

As we were eating, napansin kong panay tingin ni Papa sa paligid. As if he was looking for someone.

"May hinihintay ka ba, Pa?" parang nagulat siya sa tanong ko dahil bigla siyang napangiti na para bang ewan at hindi makatingin sa akin ng diritso.

"Wala. Wala. Tapusin na natin to at nang makauwi na tayo." But I doubt it.

Halos isang buwan na, simula nung umuwi ako sa amin. I stayed sa CDO for almost 5 years, bumibisita naman ako kina Papa pero panandalian lang at ngayon ko lang naisipan umuwi, na talagang dito na magstay. Papa's been bugging me, na dito na lang magtrabaho total, online teaching naman ako. Ayoko sana dahil maayos naman na ang buhay ko doon sa CDO pero hindi ko rin matiis si Papa lalo na't taon-taon na lang siyang nagsasabi na umuwi na ako.

We were about to leave the shop nang may biglang bumati kay Papa. Matandang babae. May kasamang lalaki, na kung sisipatin ay nasa kaedaran ko. At malamang sa malamang, anak nung babae.

"Uy, Joseph! Kanina ka pa dito?" tanong nung babae kay Papa. Malaki ang ngiti, halatang natutuwa na makita si Papa. O ako.

"Hindi katagalan, Merna. Kayo?" nakangiti rin na nagtanong pabalik si Papa sa babaeng tinawag niyang Merna.

"Pauwi na. May kailangan pang tapusin na trabaho sa bahay." sagot nito saka umangkala sa braso sa anak nito na alam kong kanina pa nakatingin sa akin kahit di ko tignan.

"Tamang-tama! Paalis na din kami. Sabay na tayo." Nung tumayo si Papa, saka nabaling sa akin yung atensyon nung ginang.

"Ito na ba yung panangay mo, Joseph? May asawa ka na iha?". There was a hopeful look on her face. Like she was expecting something good to happen in her favor. Goodluck diyan.

"Oo, kauuwi lang niyan. At wala pa yang asawa." Gusto kong magrolyo nang mata sa sagot ni Papa. Galing. Ang bilis nang tanungan. Parang pinag-usapan. Tsk.

"Oh, pareho pala sila nitong anak ko, hindi pa rin nag-aasawa. Pero may nobyo ka iha?"

"Wala po." Napansin kong nagkatinginan sina Papa at Merna. Tinginang alam kong may binabalak.

"Kung ganun--"

"Pero wala din pa po akong planong magkanobyo. Excuse me po, C. R. lang po muna ako" I cut her off.

Hindi ko na tinignan kung ano ang reaksyon nilang dalawa sa sinabi ko. Maging nung anak niya. Nagtuloy-tuloy lang akong naglakad papasok sa loob, patungo sa comfort room, kahit wala naman talaga akong gagawin dito, maliban sa maglabas ng frustration. Saka lang ako lumabas nang medyo kumalma na ako. When I looked at our table, wala na doon sina Merna at yung kasama niyang anak, guess nauna nang lumabas.

We paid the bills and pick up my bag. "Tara na, Pa." Hindi umimik si Papa sa akin at naunang naglakad palabas nang shop.

Nung nakasakay na kami sa kotse, I can sense that he's somehow mad. Hindi ko nga lang alam kung saan.

"You were kinda rude earlier, Teinne". Oh, dahil pala sa inasal ko kanina. "Merna was still talking yet you--"

"I know what you're doing, Pa. Stop that before I changed my mind about settling here." Hindi nakaimik si Papa sa sinabi ko. Dalawang linggo ko nang napapansin ang ginagawa niya. At first kala ko, coincidence lang, na may makatagpong mga kaibigan niya na kasama yung mga anak - na mga lalaki, mangangamusta pero kalaunan magtatanong kung may asawa na o nobyo ako. Ipakikilala yung kasamang anak and would make excuses para maiwan kaming dalawa nung anak.

Honestly, their tricks are old. Kahit sino alam agad kung ano ang gusto nilang mangyari. They make me uncomfortable.

"And what? Leave you like this? You're getting older Teinne, naunahan ka pa nina Mike."

"I'm fine with this, Pa. I'm fine with my life. So tama na itong pinaplano mong set-up for dates, okay? Nakakainis na." Hindi siya tumingin sa akin nung sabihin ko yun. Hindi na rin siya umimik hanggang sa makarating kami sa bahay. Kinuha niya yung pinamili naming gamit saka nagtuloy-tuloy na naglakad sa likod-bahay.

Nung pumasok siya sa loob ng bahay at makitang nakaupo ako sa sala lumapit siya sa akin na seryosong-seryoso ang mukha. And offer a deal.

"Have dates with the other five men I've been pinning for you. Kapag wala pa din, titigil na ako. Bahala ka na kung tumanda kang mag-isa."

And I agreed. Nakakasawa na ding sa tuwing lalabas ako ay may lalapit sa aking binatilyo, making excuses para magpakilala with their other motives.

I'm not looking for a relationship. And Papa said only five men. I can just decline them firsthand at first meetings. And after that, I'll be free with this setup dates Papa's been planning ever since umuwi ako.

What could go wrong? Nothing.

Or so I thought.

Oh. My bad.

"Tumahan ka na. Crush mo pa lang naman iyon. Hanap ka na lang ng ibang crush" pakonswelo ko sa kanya habang yakap-yakap si Mera at hinahaplos yung likod para tumigil sa pag-iyak.

"Hindi na lang ako m-magka-crush. H-hindi na rin ako magnonobyo. Tutulad na lang ako sa iyo Ate Teinne" usal nito saka pinahid ang sariling mga luha.

Ay langya, nagawa pang reference. Pero who cares.

"Huwag kang magsalita ng tapos. Sino ba iyang crush mo at iniyakan mo pa talaga?" agad naman nitong binuksan ang cellphone nito saka pinakita sa akin ang picture na nakasave sa larawan niya.

"Maghanap ka na lang talaga ng ibang crush. Mga gago ang mga lalaking iyan" nagtataka namang napatingin sa akin si Mera. "Kilala mo siya?"

"Hindi. Pero may kamukha na kilala kong gago, kaya wag iyan, okay?" tumango naman si Mera. Sinamahan ko siya at nag-usap ng kung ano-ano hanggang sa bumalik na ulit yung sigla niya.

Kagabihan, sinubukan kong lambingin si Papa pero hindi na lumabas ng kwarto niya pagkatapos maghapunan, kaya wala akong nagawa.

Inayos ko na lang iyong mga dala kong gamit sa kwarto. Iilang importanteng mga bagay pa lang ang dinala ko dahil babalikan ko na lang yung iba sa susunod na mga araw.

And now that I'm actually here again in this town, sana walang gago na mangyari.

Coz if there's one, I swear I won't ever come back at this town.

avataravatar
Next chapter