webnovel

Chapter 1: Straight Line

"WAIT 2015?!"

"Joke ba 'to?"

Ani niya ng makita na pati ang cellphone niya ay naging luma rin.

"So bumalik nga ako. Paano kaya nangyari 'yun?"

"Hmmm. Nangyari na wala ng magagawa pa. Tutal gusto ko din naman 'to."

-Next day, return of classes-

"Oy musta bakasyon!"

"Tumaba ka ah?"

"Gago!"

"Ah. Buhay estudyante. Hindi pa ganun ka-stress."

Ani Zech sa sarili.

"Uy Zech parang ansaya mo ata, ah? May jowa ka na?"

Nilingon ni Zech ang nagsalita at nakita si Astle, 'yung kaklase nilang hindi nakatapos kasi nabuntis ng maaga.

Si Astle ay isang chinita, mag katamtamang height, at kalog na babae.

Hindi sila ganoong ka-close pero lagi nitong kinakausap si Zech lalo na kung wala itong kasama.

"Uy para ka namang nakakita ng multo?"

"Oo nga. Sa likod mo."

-pinalo si Zech-

"Uy gago, 'wag kang gan'yan."

"Ang sakit ah. Musta kayo jowa mo?"

"Baka meron. Gusto mo ikaw na lang?"

"Pass ako."

Muntik ng makalimutan ni Zech na si Astle ay 4th year pa magkaka-jowa.

-sighs- "Muntik na ako dun kanina."

Ani niya sa sarili.

"Pero paano kung may baguhin ako? Mawawala 'yung future tapos magkakaroon ng bago, o mahihiwalay na 'yung timeline at magkakaroon ng bagong future? Ah basta nandito na ako, bahala na kung makabalik."

-Paglabas sa CR-

"Woah!"

Muntik na siyang may mabanggang babae.

"Uy sorry miss—"

"YIIIEEEEE😍😍😍!!!"

Tilian ng mga babae naming kaklase na agad ikinapula ng nakabangga ni Zech, si Fleur.

Si Fleur ay isang energetic na babae, kapag nakapaligid sa mga kaibigan niya ngunit tumitiklop kapag napapaligiran ng iba.

May chismis din na kumalat na may gusto ito kay Zech.

"Oy mga sira. Nahihiya na tuloy 'yung tao. Okay ka lang?"

Tumango ito bilang pagtugon.

"Ikaw ba hindi nahihiya?" ani ni Rosalie, kaibigan ni Fleur.

"Hindi. Pero maawa naman kayo sa tao. Iaasar niyo na lang sa katulad ko pa. 'Di ba?"

Tanong ni Zech kay Fleur.

"Pfft. Sira." ani nitong nagpipigil ng tawa.

Pabalik na noon si Zech sa pwesto niya ng makita na may nangingialam ng gamit niya.

"Hindi ka na naman nakapag-charge?"

"Oo peram powerbank."

Isa sa mga iilang malapit na kaibigan ni Zech, si Xyle. Isa siyang Campus Heartthrob na nanalo sa Mr & Ms Department nila kahit na siya ay First Year pa lang.

"Bumili ka na kaya ng sarili mo. Tabi diyan, ako na. Oh."

"Yiiee."

Sabay nilang nilingon ang nag-sabi nito.

"Uy bakit ang sama niyo makatingin. Hindi ko kayo bigyan nito eh."

Sabay umang nito sa dala-dala nitong Fries at Cheese Sticks.

"Sorry na Jeq."

"Oo nga penge. 'Di pa ako nagtatangghalian."

Ang kausap nila ay si Jeq. Isang babaeng BL fan at pinipilt silang dalawa na i-ship. Ang trademark nito ay laging may dalang pagkain.

"Uy andyan na 'yung prof!"

"Hala."

-matapos ang klase-

"Uy may groupings tayo bukas."

"Hala 'diba rest day?"

"Kaya nga bukas."

"Zech, bukas ah?"

"Huh? Ay oo. Sige."

Iyon naman ay si Macy. Isang nerdy at leader-type na babae, ngunit na-chismis na fuck girl at kung kani-kanino pumapatol. Nahinto rin siya sa pag-aaral sa kalagitnaan ng graduating year nila sa hindi malamang dahilan.

"Uy groupmate! Sabay tayo bukas?"

Si Ana. Maraming nanliligaw pero binasted lahat. Isa na rin sa Zech doon. Kaso 4th year pa siya mangyayari. At dahil close sila noon, madalas na napagkakamalan silang mag-on.

Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit siya na-inlove rito. Pero naka-move on na rin siya kaya ok na.

"Sige hintayin kita. Kaso kapag nalate ka, iiwan kita."

"Hala. 'Wag naman."

"Joke lang. OA nito. Hahaha"

"Ay grabe siya. Sama nito. Hahaha"

"Sige bukas na lang."

"Bye!"