webnovel

Limang Araw (Book 2)

Avamrlle · Urban
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 2

Pagkatapos ng usapan ay dumiritso na kami agad sa kusina niya para kumain. Ang amoy ng bacon at kape ay nagpapakulo ng sikmura ko. 

Naging mahaba pa ang usapan kanina bago ako nakombinseng totoo nga ang sinabi niya. Wala rin naman akong naramdamang hapdi sa parte ng katawan ko, kaya siguro nga totoo ang sinabi niya. 

"Hindi pwede." 

Kanina ko pa siya kinukulit tungkol sa pagtitira dito kahit limang araw lang.

"Please, kahit limang araw lang." 

Aalis mamaya si mommy at daddy kaya maiiwan nanaman ako sa bahay. Ayokong nagmumukmok at walang ginawa sa bahay kung hindi isipin lang siya buong araw. Kahit pilit kong alisin siya sa isip ko, sumasagip parin siya saakin. Kaya hindi ko maiwasang umiyak at mamiss siya lalo. 

At baka nga..may magawa pa ako sa sarili kung sakali.

"No."  

"Babayaran nalang kita." I happily said. 

He looked at me intently.

"I said, No."

I pouted my lips. Na para bang nagmamakaawa sakanya, nga lang parang hindi parin epekto iyon.

"Pupunta si mommy at daddy sa hongkong para sa business proposal at ayokong maiwan sa bahay na mag-isa. Natatakot ako.  Ayokong maging malungkot sa bahay dahil lang sa pangulila ko sakanya. At wala rin naman akong gagawin doon. Kahit kasama o kapatid wala ako."

Nakita ko ang paglambot ng mukha niya sa sinabi ko. Sinabi ko narin ang tungkol kay sethrian pero sa itsura niya wala siyang pakialam sa mga sinasabi ko. May puso ba talaga ang lalaking ito?

Finally. Pumayag kana kasi. 

"Hindi ko na iyon problema."

Wow ang bait naman ng lalaking 'to.

Umirap ako. Pero ilang sandali rin ay nagsalita ito.

"Hindi mo parin ba talaga siya nakakalimutan?" He asked while sipping his coffee.

It's not that easy. Kahit sa konting oras at araw lang na nakasama ko siya, ang sakit na iniwan niya saakin ay sobra-sobra pa sa limang araw na iyon. He left me with so much pain and heartaches. Nagagalit ako sakanya dahil hindi man lang niya sinabi saakin ang tungkol sa dinadalang sakit niya noon. Ang mas masakit pa doon ay bigla-biglaan niya akong iniwan.

I smiled fakely.

"Pero bakit ako? You have your friends everywhere. 

"Yes, I have. Pero ayokong nadadamay sila saakin. They have their own lives."

Kahit titira man ako kay liese just for a few days. Alam kong maiiwan parin akong mag-isa sakanila. She's now handling their business. Even crisa, doren and hana. May kanya-kanya na kaming buhay.

"Sa tingin mo, I don't have my own too? I'm also busy with my band."

"I know, I know..pero pwede naman sigurong sasama nalang ako sa'yo, hindi ba?" I suggest.

"Wala ka bang trabaho?"

"Meron naman, but my dad won't let me do the papers. Gusto niyang si secretary cathy nalang gagawa nun para naman daw makapagpahinga ako and I don't have a choice."  

"You really do trust me, don't you?" He smirked. 

"Bakit may dahilan ba para hindi kita pagkatiwalaan, hmm?"

"Hindi parin ako papayag."

Sagot nito at hindi pinansin ang tanong ko.

Siguro may magagalit kaya ayaw niya.

Girlfriend I guess, huh?

"Bakit? May girlfriend kaba?"

"I don't have."

"Wala naman pala, eh. So let's have a deal then? Babayaran naman kita." Masaya kong sabi.

"It's not enough." Simpleng sagot niya lang.

"Not enough? Okay. How much do you need then?" Matapang kong tanong.

"I don't need your money, young lady. Ang gusto ko ay pagsilbihan mo ako dito."

And I was looking at him with agape.

Young lady, huh? Damn you!

Anong bang pinagsasabi nito?

"Ano pagsilbihan? I can fucking pay you," I crossed my arms and arched a brow at him.

"Watch your mouth. I don't need your money. Gusto kong maglinis at paglutuan mo ako dito." His voice was full of authority and it annoys me so much.

Ano magluluto? Alam ba ng isang 'to na hindi ako marunong? Sabagay we just fucking met!

"The hell?"

"Kung hindi mo kaya then leave, young lady."

Bakit ba lagi akong tinatawag ng Young lady ng isang 'to?

Akala niya aatras ako? Huh! In his face. I really need this to myself. Gusto ko rin ituon ang sarili ko sa ibang bagay at umaasang hindi ko siya masyadong maiisip. Alam kong mahirap pero susubukan ko. Hindi naman iyon kadali. Things just happen unexpectedly.

Wala akong ginawa sa isang taon na ito, kung hindi iyakan siya.

Kahit maubos ko man ang sampong balde, hindi parin siya maibabalik sa mundong ito. Limang araw lang naman ang hiningi ko sakanya, hindi ba? Kaya okay lang. Maliit lang naman ang bahay niya kaya hindi ako masyadong mapapagod dito.

"Deal." Mayabang kong sabi.

Umawang ang labi niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Alam kong may kaya kami, pero kung inaakala niyang maarte ako sa ganitong gawaing bahay, nagkakamali ka. Umirap ako sa sariling iniisip.

"Five days, then. Nakakatulong din ito sa sarili ko at syempre, makakatulong ka rin saakin."

Hindi parin ito umimik. Pero nakaangat na ang labi niya na para bang pinipigilan ilabas ang pagngiti nito, at hindi ko maiwasang may maalala sa ngiting yan.

"What's your name again?" Tanong ko.

He arched a brows at me. Na parang bang naninimbang sa kinikilos ko. Hindi ko naman maiwasang mailang sa madiinang titig niya.

"Adreian seth corpuz."

Napaawang ang labi ko.

Adreian seth..really? Wow! Pinaglaruan talaga ako ng tadhana, no?

Sa dami-daming pangalan, seth talaga? Really, huh?

Damn this life.

Nakita ko ang pag-igting ng panga niya.

"Ngayong alam mo na. Adreian seth not sethrian." Halos irapan niya na ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Tumalikod na siya at iniwan akong nakaawang ang labi.

Hindi ko naman maiwasang matawa sa inasal niya.

Alright! I admit it! Lasing nga ako. Kaya huwag mo ng itama saakin kasi magkaiba kayo! Kasi mahal ko iyong isa at ikaw hindi.