webnovel

Chapter 1

CHAPTER 1

___

BABAENG Payatot!

Babaeng Payatot daw!

Nakakainis talaga!

Kanina pa ako nagwawala rito sa kama ko. Kanina kasi ay mabilis kong kinuha ang bag ko at umalis. Wala namang attendance ngayong first day at free kaming lahat kaya okay na iyon!

Sa laki rin ng campus. Bakit nagkita kami kahapon. Nakakainis!

Hapon na rin at nagugutom na ako kaya bumangon na ako at nagsuklay muna bago bumaba.

"Kamusta ang pakiramdam mo, baby?"

"Mama----" pagputol ko sa sasabihin niya. Palaging niya akong binebaby!

"Still...You are my baby, Lei."

"Tsh, ayos na po mama." Nagsinungaling pa ako sakaniya kanina huhuhu. Sinabi ko kasing masama ang pakiramdam ko kaya ako umuwi ng maaga.

"Hmm...Kaninang umaga ay hindi naman masama ang pakiramdam mo ha? Bakit kaya...Oh ito kumain ka muna." Ngumiti nalang ako at hinayaan siyang ihain ang luto niya para sa akin.

*BROOOOOOOM*

"Oh, baka andyan na si Johann"

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Johann is my biggest enemy. Palagi na rin kaming magbabangayan nito. He's my twin brother. Yung kasama ni Jeno kanina sa school. But my schoolmates know na we're friends. A stranger friends and schoolmates at school and kapag sa bahay ay mortal enemies at isang bwiset sa buhay ko. I guess ganoon din siya sa akin.

Pabagsak niyang binaba ang bag niya sa sala at dumiretso sa lamesa sa harap ko para kumain. Tinignan ko siya saglit at saka ako kumain ng tahimik. Si mama naman ay may inasikaso saglit sa itaas. Wala na talagang atrasan ang away na ito. Biro lang.

"I heard nagkita kayo kanina ni Mill."

*BRRRRRRRR*

" *Cough* "

Napahagod ako sa lalamunan ko at at umubo-ubo. Paano ba naman kasi ay kumakain kami tapos kung ano-ano pang kabastusan ang lumalabas sa bibig niya.

"H-hindi no! Kuya I swear wala na talaga akong gusto sakaniya!" sigaw ko kaagad at nangako pa with kamay. Tinignan niya akong masama bago sumubo ng pagkain.

"Dapat lang."

Gusto ko siyang sapakin ngayon na!

And you heard, yes! He's my kuya. He's my brother. Siya raw kasi ang unang lumabas kaya mas matanda siya sa akin.

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay umakyat na rin ako sa itaas para makapagpahinga na. Something's bothering me.

My brother's know nothing! Kung ano iyong napagdaanan ko while I wasn't here.

Hindi ko na siya gusto. Makakalimutan ko rin naman siya.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaisip.

_______________________________

____________________

___________

"Jeno Kim Valdez, ang nangunguna at may magandang paglangoy sa tubig."

I'm bored. I'm not interested in swimming. The cold water, ang amoy nito kapag nagtagal, I don't like water.

Oh, yeah. Crap that sh*t.

Hindi ko siya gusto, dahil muntik na akong malunod noong ako ay grade 2. Walang sinuman ang naroon para iligtas ako. Then it started. Ang pagiging lonely.

While watching with my twin brother. Natigilan ako at napatitig sa isang manlalaro. Grade 4. As a grade 4 student, marami na rin ang nangyari rito sa DSLU.

While watching. Sakaniya lang ako nakatutok. Pinanood ko na maunahan niya ang player na si Jeno. Kahit malayo ay kita ko pa rin kung paanong gustong-gusto niya ang tubig. He swims with a perfect crawl and a powerful kick. The blue water breaks up into the diamond shine of splashes and bubbles as he

cuts through it to the end of the pool.

Pumito ang referee. At nanalo siya.

Si Khadi Mill Tczhillman.

My heart stopped when he looked at me. I don't feel anything but just hiya, kaba at interes. Is it normal to feel?

Isang araw habang papasok ako sa library ay dali-dali kong tinakas ang paborito kong basahin. A Fairytale story. I don't believe in fairytales. I just want to read.

"Ouch!"

"Ouch."

Nabunggo ko ang isang lalaki. Itinaas ko ang ulo ko bago ko makuha ang libro. It was him. Si swimmer boy.

"Tsh, can't you see---the hell, a fairytale?"

"Sorry."

"Ayos lang, walang tangang hindi magsosorry."

"What?" Nainis ako sa sinabi niya, although may nararamdaman akong something sa aking tiyan. "Are you saying that saying sorry makes me stupid? Are you okay?" Aalis na sana siya pero lumingon ulit siya sa akin at ngumisi.

"Crush mo ba ako?"

Crush? What is that?

"I'm saying sorry dahil hindi ako mapride even it's not my fault. It's our fault. Hindi ka rin naman tumitingin sa dinadaanan mo, right? Stupid. I hate you."

"What do you mean by that?" Keila asked about what I said to her. Kinwento ko kasi iyong nangyari tungkol kay Khadi. The swimmer boy.

"I don't know. I feel like my heart stops when I see him. Hindi ko naman ito nararamdaman sa ibang guy katulad ng mga kaklase natin. What does that mean?"

"Hindi ko rin alam...Hmm"

"You know Keila. I hate him but, I wanted to hate him. Gusto ko siyang makita---."

"Aha! Hindi ba, Iyan ata iyong sinasabi nilang Butterflies in stomach feeling? Do you have crush on him?"

"Hmmm I don't----But...It feels like?"

Lumipas ang panahon at oras wala akong ginawa kung hindi ang sundan siya ng tingin.

His glasses, his uniform, his glance, his nose, his eyes------Cut off!

"What are you doing?"

"N-nothing, bye!"

I knew it! Friend siya ng Twin bro. Ko. Pero hindi namin sinasabi sa isa 't-isa because of some reasons. Ayaw naming malaman ng lahat na kakambal namin ang isa 't-isa. Aso 't pusa kami sa bahay and we don't even care with each other. Stranger at school, bangayan sa bahay.

He met Kattlin. Palagi silang magkasama, that pissed me off. I'd like to pull her hair. She 's pretty, yes! A woman in section A. I am from section B.

Kinekwento nila sa akin kung gaano siya kabait. Nakikita ko naman and I don't care. Maliban nalang isang araw nagtapat siya kay Khadi.

"G-gusto kita Mill."

Sinabi iyon ni Kattlin sa harap ng maraming tao. She said it while handling her cake na pinagawa pa ata sa isang mamahaling cake shop. My tears are falling. Nakangiting tinaggap iyon ni Khadi. He doesn't know me. Nauna ako pero siya ang gusto. Lumayo ako. Pero hindi ko kaya...

What is this feeling?

Nakapagdesisyon na ako...I will tell to kuya.

"KUYAAAAAA!" Hinila-hila ko siya sa braso while he's playing with his video games.

"What is it Lei!!!!!?" I think I pissed him off.

"May gusto ako kay Khadi!!!!" Natigilan siya sa paglalaro at mabilis na pinatay iyon at tumingin ng masama sa akin.

"Are you serious, Lei?'

"Oo. And hindi ko na kaya. I feel like he likes Kattlin."

"Who's Kattlin?"

"The woman always around him. Your friend."

" I don't know her." Seryosong sagot niya at nagpunta sa kusina.

"Kuya anong gagawin ko? I like him. Crush ko siya, si Khadi."

Pero...

"Stay away, Christine." He seems curious but serious. "Hindi ka dapat nagkakaroon ng paghanga ni isa sa mga kaibigan ko." He said. Papunta na siya sa itaas.

"Hindi kayo bagay. Ang pangit mo kaya."

Busangot ang mukha ko habang tinitignan si Khadi mula sa malayo. He likes Kattlin. Huhuhuhuhu dapat na akong mag move on. Ayoko na. Pagod na akoooooooooo! Omg pero gusto ko pa rin siyang nakikita!!!

Everyday, palagi ko siyang tinitignan. I'm not a stalker but I always look for him. Hanggang tingin lang at hanggang doon lang naman talaga dapat. Even sa swimming competition ay naroon si Kattlin para suportahan siya. I supported him din naman. Patago nga lang. Hindi na ako makikialam. I'm not going to get his attention. Kakalimutan ko nalang ang feelings ko kahit masakit. Huhuhuhu and bata pa ako. Maghahanap nalang ako ng bagong crush.

Grade 5 ako noong magsimulang dalhin ni kuya ang mga kaibigan niya. Palagi lang akong nakatago sa room ko at hindi nagpapakita. May minsan pa ngang muntik na akong mahuli nung isang makulit na kaibigan ni kuya na si JK but magaling ako magtago no! Kaya hindi pa rin nila alam na may kakambal si Johann.

Palagi akong naririto sa sementeryo tuwing wala na kaming gagawin. Nandito para bisitahin ang namayapa naming tatay ni kuya. I cried a lot kapag nandito and he's bullying me palagi.

"You are not a baby anymore so why cry like a carabao."

"Stop Johann."

"Tsk, Dad she's always crying. She's not even visited you with gifts not like me, I always bring your favorite shirt."

Habang si Mama sa tabi ay natatawa na sa aming magkapatid.

Namatay si Papa noong grade 2 palang kami. Hindi namin makakalimutan ang pangyayaring iyon. I was with my dad noong nangyari ang aksidente.

Nagpaalam ako kay Mama na mag-iikot lang saglit. Pinayagan niya ako pero binalaan na kailangan ko ring bumalik kaagad.

While I was walking. May nabunggo akong isang lalaki.

"Sorry."

"I'm sorry------." My heart stopped when I saw him. It was Khadi. His eyes red habang may hawak na puting panyo. He cried?

"W-what are you doing here, kiddo!"

"Duh, I'm not a kid. I'm your classmate."

"Yeah right!"

"Wait...Why are you crying."

"I'm not. Ni-blow lang ng hangin-----."

"You are not a good liar, so why?"

"Hmm...." Pinunasan niya ang luha niya sa mata at humikbi. Narinig ko iyon. Parang dinurog ang puso ko sa narinig na pag-iyak niya. Hinawakan ko ang kamay niya at umupo sa may bleachers, sa tabi ng puno. Then I hugged him.

"It's fine." Pati tuloy ako ay naiiyak na. Sa huli, nag-iyakan kami.

"Ang pangit mo pala kapag umiyak." I stared at him and he started to laugh so hard. Pangit? Ako?

"Maganda kaya ako!" Depensa ko sa sarili.

"Yeah, right." Parang napilitan pa siyang sabihin iyon. Namumula pa rin ang mga mata at ilong niya, still gwapo pa rin siya. Hindi niya dala ang salamin niya.

"Hmm...My dog named 'Daze' He's like my brother to me, kalaro ko at he's with me since I was in grade 2. My father gave it to me." nakikinig lang ako sa kwento niya. "3 years with Daze is so hard to unremembered. Kamamatay lang ni Daze kahapon. He is sick. Hindi man lang siya nagpaalam bago---Huk" pinunasan niya ang luha niyang patulo na. Sandaling tumahimik ang paligid.

"My father died 3 years ago. A car accident." And I stopped. Ayokong magkwento lalo na 't hindi ko kaya.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa favorite namin. Like color, favorite animes, movie etc.

"So, you like color green huh?"

"Yes, and I like trees, nature, and animals too. I hope I met Daze man lang bago siya-----." Nako, ano ba yan Christine! Malungkot na nga siya tapos pinapaiyak mo pa.

"You like green too, why?"

" Because my father does. He's my superhero, my dad and the one of the best." Napangiti ako at nag agree. Father is the best.

"Wala ka bang kasama rito,?" tanong ko.

"My yaya. My parent's moved in Canada. They are working hard. For me." Ngiting sabi niya.

Naalala ko bigla, sina mama. Baka nagagalit na sila sa akin niyan.

"Ahmm. I can 't with you na. Kailangan ko nang bumalik. Nice to meet you."

"Ah, really. Okay."

Patakbo na ako pero.

"Nice talking with you too, Lei."

_____________________________

Next

A/N:

      Hindi pa po ito edited and On Going palang hehehehe.