webnovel

Chapter 12

Chapter 12

______

_________

DAHAN-Dahan siyang yumakap sa akin at hindi na ako naka-ilag dahil sa bigla. Ang bigat niya yumakap. Bali nakadikit siya sa akin tapos yung ulo niya nakasandal na sa balikat ko.

"A-ano...Aaaano. S-sandali lang---" Bumagsak yung ulo niya sa lap ko ng tulog.

"Huh?" Kumunot ang noo ko. Hinawakan ko ang noo niya, wala naman siyang lagnat. Ako ata itong nilalagnat dahil nilalamig na ako. Medyo natutuyuan na nga ako rito. Ginising ko siya sa pamamagitan ng pagyugyog at pagtawag sa pangalan niya pero hindi siya gumigising. Inilapit ko ang taynga sa bandang tiyan niya. Humihinga naman.

"Hoy! Khadii!!!" Hindi ko alam ang gagawin ko kaya umiyak ako ng umiyak.

Nakakainis naman kasi eh! Dapat galit ako! Dapat hindi ko siya kinakausap. Pero bakit ganon, mas nangingibabaw ang pag-aalala ko sakaniya!

"Khadiiiiii"

"Tshh Ingay!" Natigilan ako ng magsalita siya. Inilagay niya ang kamay niya sa forehead niya na parang nas-stress sa isang bagay. Hindi ako makagalaw.

"Khadi! Anong ginagawa mo!! Akala ko naman napano ka na, kakasakit mo palang 'diba---"

"Puwede mo muna ba akong patulugin? Wala pa akong tulog eh." Dumilat ang mata niya tapos pumikit ulit. Kumunot ang noo ko tsaka ko inialis ang ulo niya sa lap ko at tumayo. "What?"

"Bakit?" Sinigawan ko siya. "Pagkatapos mo akong papuntahin dito, tapos na late ka pa! Bakit mo ba ako pinapunta rito?" Parang mahihilo na ako. Hindi na ako mapakali. Gusto kong humiga. Inaantok na rin ako at nilalamig at the same time.

Tumayo siya at ako naman ay umatras.

"Huwag kang lalapit!" Sigaw ko at iniharap ang kamao ko sakaniya. Parang naghahamon ng gierra.

Natigilan ako nang ilagay niya ang kamay niya sa noo ko.

"May sinat ka, let's go!" Pinadausdos niya ang kamay niya sa braso ko papunta sa kamay ko. Hinila niya ako.

"Haaaaah? Saan tayo pupunta!"

******************************

Hindi ko alam kung bakit kami nandito sa bahay niya. Ng kaming dalawa lang at walang ibang kasama. Nasa tabi ko siya at pinapahiran ako ng pimpong maligamgan. Tinitignan ko lang kung anong ginagawa niya. He's serious right now. I can't explain what I feel. I am so amused at him, paano akong ganito nakalapit sakaniya?

"I'll text Johann----"

"Ano...Ayaw kong mag-alala si Mama. Puwede bang huwag m-mong----." Lumapit siya sa akin.

"....Sabihin na---na...Yung----Y-yung nangyari."

"Okay, Love." Nakangiting wika niya. Namula yung mukha ko.

Love, eh?

"Huh?" Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

Nagpalit ako sa bathroom at sinuot iyong damit niya. Napahinga ako ng malalim at lumabas ng bathroom sa kuwartong tinulugan ko dati. Ang daming nangyari. Hindi ko makalimutan iyong...Iyong.

"Mag date tayo, Christine Lei!"

"Mag date tayo, Christine Lei!"

"Mag date tayo, Christine Lei!"

Tinakpan ko ang mukha ko at naghalukipkip sa gilid ng kama. Parang may gumagalaw sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag.

Nahihiya akong lumabas sa kuwartong ito. Anong mukha ang ihaharap ko sakaniya? Tapos ang sama pa ng pakiramdam ko. Para na tuloy akong t*nga kakangiti rito.

Nakatulog ako at nang magmulat ako ng mata ay nakita ko si Khadi, nasa tabi ko at may kung anong ginagawa. Nagising ako. Inalis ko ang kumot na nakalagay sa akin at tsaka ako umupo. Ang sama talaga ng pakiramdam ko.

"Soup. Hindi ka pa kumakain and you need to drink this." Pinakita niya sa akin ang isang tabletang gamot. Kumain ako at saka uminom ng gamot.

Kinaumagahan ay nag-unat ako at nang magmulat ng mata ay siya kaagad ang nakita ko. Nakangisi at naka cross arms.

"Haaa! Kanina ka pa ba riyan?" Tanong ko. Wait...Pinagmamasdan ba niya ang pagtulog ko?

"Yep! Okay na ba ang pakiramdam mo?" Lumapit siya sa akin at nilagay ang kamay sa leeg ko. Napatingala tuloy ako. Nagkatitigan kami. Napatakip ako sa bibig ko.

Wait...Hindi pa pala ako nagtotothrushhh!

Ano kayang sasabihin ni Johann? Papagalitan na naman ako nun?

"Magkita tayo sa saturday, susunduin kita sa inyo." Nanlaki ang mata ko. Bakit niya ako susunduin?

"Eh? Teka teka——Wait lang." Hinawakan ko ang braso niya at natigil siya sa ginagawa niya.

"Hmm...Ano...A——ahhhh——noooo."

"What?"

"Hmm...Ayokong malaman nila Johann——ahmm..." Tumango siya at ngumiti.

"Huwag kang mag-alala. We're secretly dating."

"Hmmm."

Pagkauwi ko wala namang nagbago. Si Mama nasa trabaho. Si Kuya naabutan kong nagbabasa ng libro sa sala. Wait...Namamaga ba yung mata niya? Bakit kaya?

"Kuya?" Tumalikod siya at nakita kong pinunasan niya ang mata niya. What's going on?

"A-areeee youuu o——kay?"

"It's none of your business." Sabi niya at tsaka tumayo at pumunta sa kuwarto niya. Napa-iling ako. Napakasungit talaga ng isang iyon.

Umupo ako sa upuan at naita ang umilaw na Cellphone ni Johann.

"Keisha?"

From: keisha

        Walang dahilan. Hindi lang siguro talaga minahal.

Tumaas ang dalawa kong kilay. Ang sakit naman nito. Kaya ba umiiyak si Kuya just because of this girl? Girlfriend ba niya? Akala ko si Janelle but who is this girl?

So, broken pala ang tukmol. kaya pala nagsusungit. Buti nalang ako inlove.

Pumasok na ako sa kuwarto at may pasok pa bukas. Ang dami ko ng absent. ayoko ng umabsent pa.

Palaging si Luhan ang kausap ko since sa tabi ko sya nakaupo. Naririndi na siguro sya sa akin kasi palagi ko siyang naiistorbo.

" Christine Lei, magkagroup tayo sa Physics. reporting. Sa'yo iyong sa General theory of relativity ni  Einstein. 'Correct predictions of shifts in the orbit of mercury, gravitational bending of light, and black holes' " Sabi nung isang girl na pangalan ay 'Rackel' Inirapan niya muna ako bago siya umalis. Iniwan niya ang papel sa arm desk ko na kung saan doon nakasulat ang topic ko.

Hmmm... Science.

Dumating ang isa naming Teacher at wala siyang ibang pinagawa kundi ang sumulat ng essay with (1000) words about Having a diverse group of people in an office setting leads to riches ideas, more cooperation and more empathy between people with different skin colors or background.. Yung iba natulog lang sa klase. Yung ibang mga seryoso sa buhay ay gumagawa ng activity.

Ilang minuto palang na bumangon at umayos ng upo si Luhan ay humiga na naman siya ulit. sinilip ko ang gawa niya. Ang ganda ng sulat. Puno rin ang paper niya.

"Ang bilis naman niya." Bulong ko. Tinignan ko ang papel ko. Nakakahiya naman ang sulat ko sa sulat niya.

Inayos ko ang gamit ko nang maglunch time na. Dumiretso ako kung saan ang puwesto ng mga magkakaibigan.

"Helloooooo!!!!"Akala ko nandoon si Khadi pero wala. Wala ang tatlo. Si Yorf, Vince, Espino and Xymon lang ang nandito.

"Kamusta, Lei?" tanong ni Vince.

"Ayos lang? Sandali lang, nasaan pala sina...." Itatanong ko palang sana.

"Here." Pero biglang dumating ang iba. Kasama nila si  Xyrone. Napangit ako at tumingin kay Khadi na may bitbit na mga pagkain siguro sa isang  plastic.

"Tol, may naaamoy ka bang kakaiba?"

"Oo Tol, parang matamis ata."

"T@nga! panlasa iyoong matamis, pero parang lalabnggamin ata tayo rito ah. Sandali nangangati na ako, Aray kinagat ako ng langgam"

"G@go! Ayan na!" Sabi ni Khadi.

"Yown!!!!"

"Here"

Nagulat ako ng tumabi sa akin si Khadi sa upuan. Si Jeno naman sa kabilang side, Nakita ko ang pagsilip sa amin ni Johann na mukhang masama ang timpla ngayong araw. actually kagabi pa pala.

Dumukot nalang ako ng pagkain at nabigla dahil biglang hinawakan ni Khadi ang mukha ko. Kinuha niya ang kaonting buhok na natatakpan ng mukha ko at inilagay iyon sa gilid ng tayanga ko.

Tumahimik ang paligid at nakita kong mga nakanganga na ang mga kaibigan nila pati si Jeno. Si kuya na seryoso naman ang mukha at nakatitig sa amiiiiin!!! Tumayo ako at lumayo bago pa magkaroon ng hindi pagkakaitindihan.

"A———hhhhhh E—hehehehehehe m—mauna na ako, bye!!!!!"'

Natataranta akong umalis doon at hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"Ahhhh——" Sumigaw ako dahil may humawak ng kamay ko pero tumiggl din nang makita si Khadi.

"Aray! Sakit sa taynga!" Sigaw niya. Natawa ako.

"Hindi kaya!, ikaw kasi  bigla-bigla ka nalang sumusulpot!"

"Saan? Sa isip mo?" Lumayo ako sakaniya at sinubukang pigilang ngumiti.

"Tsh, ikaw. Bakit mo ginawa iyon kanina ha!" Lumilingon-ingon din ako sa paligid. Baka kasi may makakita sa amin na magkahawak kamay.

"Ano?"

"Eyyyy Alam mo na iyon!!!!"

"Ano nga??" Tapos ay tumawa siya ng malakas. Nakakainis naman ito. Pero masaya pa rin ako.

"Sorry. Hindi ko lang kayang itago. Kung puwede ko ngang ipagsigawan sa buong mundo ginawa ko na."

"Khadi."

"Hmmm?"

"Khadi."

"Ehh? Bakit?" Humarap ako sakaniya at nagbigay ng matamis na ngiti.

"T—Tayo ba? I mean...G-Girlfriend mo ba ako? At B-boyfriend kita?" Nahihiya kong tanong.

"Bakit mo naman naitanog iyan?"

"W-Wala...B-Baka kasi...A-ano."

Hinawakan niya ang baba ko at iniharap sakaniya.

"Sa'yo ako, akin ka!"

Nakakalambot ng puso.

"Simula ngayon at hanggang wakas. You are my Girlfriend and I am...Your boyfriend." Ngumiti ako "Hindi kita iiwan." at saka niya ako niyakap.

_______________________________

Next