webnovel

Life of a Mafia Princess (Filipino, Tagalog)

CAthieKiddo · Urban
Not enough ratings
9 Chs

Chapter 3

Chapter III

The Ceremony

*Someone's POV

Lahat kami ay naghintay sa araw na ito. Sa wakas ay ipapakilala na din sa amin ang magiging taga-pamahala ng buong Organisasyon.

Ilang Sandali pa ay humakbang na ang Chairman patungo sa entablado.

"Magandang gabi sa inyong lahat," nakangiti niyang bati sa lahat ng nandirito ngayon sa pagpupulong.

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng dumalo ngayong gabi. Nandito tayong lahat upang saksihan ang pagpapalit ng rango ng susunod na mamamahaala ng Organisasyon.

Nais kong ipakilala ang kaisa-isahang Prinsesa ng Pamilyang Reaño. Magbigay galang kayo sa aking apong si MileJhae Reaño."

Bumukas ang likurang parte ng entablado at mula doon ay lumabas ang isang nakamaskarang babae.Kahit na nakatakip ang mukha niya ay makikita mo pa rin ang kagandang sa kanyang kulay abong pares na mga mata. Nakasuot siya ng isang white fitted long gown at pulang pares ng stilettos na mas nakakapagpatingkad ng kanyang kagandahan at kakaibang postura.

Madami akong narinig na bulung-bulungan sa paligid. Na tila ba lahat sila ay nagtatanong kung sino ang nasa likod ng mascara. Ang iba naman ay makikitaan ng pagkadismaya dahil hindi nila inaakalang babae pala ang susunod na mamumuno.

"Magandang Gabi," bati ng binibini sa lahat ng nandito ngayon. Dalawang salita palang ang binibigkas niya ay napatigil na niya ang lahat, nakakabilib. Parang isang hanging dumaan sa pandinig ang boses niya, nakakakilabot at napakaseryoso.

"Gusto kong manghingi ng paumanhin sa lahat ng nandito ngayon lalo na sa mga taong mukhang hindi inaasahang isang babae ang ihaharap sa kanila ng Chairman. Ahhh, I'm not really into public speaking nakakapagod magsalita. Wala akong choice kaya ako nandito sa harapan niyo ngayon at kung ako walang magawa paano pa kaya kayo? Kung may isa sa inyo ditong gustong pamahalaan ang buong Organisasyon balang araw… I'm willing na ibigay sayo ang pamamahala kung...," sabi niya ng may nakakalokong ngiti.

"Magagawa mo akong dalhin sa aking huling hantungan ", seryosong sabi niya.

Nakakamanghang nagagawa niyang paghaluin ang pagbabanta at pagiging sarkastiko sa mga salitang binibitawan niya. Ang boses niya ay may kakaibang dulot talaga sa aking balat at mukhang hindi lang sa akin dahil ng lingunin ko ang iba ay mababakas ang katahimikan sa buong lugar.

***

~Jhae's POV

Pagkatapos kong magsalita ay nakuha ng atensyon ko ang pagpalakpak ng Chairman sa tabi ko. Walang maririnig na ibang sa lugar kung hindi ang pagpalakpak at pagtawa niya.

" Mukhang apektado silang lahat sa presensya ng aking napakagandang apo ," sabi niya sa akin. Napailing nalang ako at tinitigan ang mga taong ngayon ay nagagawa ng makitawa sa Chairman.

Hindi rin nagtagal at sinimulan na ang seremonya. May inilabas silang isang kakaibang kahon. kulay ginto iyon at napapalibutan ng sa tingin ko ay nasa ilang daang carats ng dyamante.

Binuksan iyon ng Chairman at doon bumungad sa akin ang isang punyal na katulad na katulad ng desenyo na kahong pinag-lalagyan nito.

Iniabot sa akin iyon ng Chairman at gamit iyon ay sinugatan ko ang aking kanang braso, senyales na tinatanggap ko ang lahat ng responsibilidad na nakaatang sa akin.

Gamit ang aking sariling dugo ay pinirmahan ko ang isang kasulatang nagsasabing ako na ang nakatakdang mamumuno sa buong Organisasyon pagkatapos ng termino ng aking mga magulang.

Pagkatapos ng Seremonya ay yumuko ang lahat sa akin bilang pag-galang at bilang senyales na tinatanggap nila ako bilang isa sa mga bagong tagapamahala ng Organisasyon.

***

Kasama ko parin ang Chairman at mula kanina ay hindi pa ko umuupo.

Nararamdaman ko na ang pananakit ng mga binti ko at parang gusto na kong hatakin ng mga paa ko para maupo kahit na sandali lang.Napapagod din naman ako.

Ipinakilala ako ng Chairman kung kani-kaninong tao at karamihan sa mga iyon ay hindi ko inaasahang makikita ko rito ngayon. Nang makahanap ng tiyempo ay nagawa kong magpaalam sa Chairman na pupunta ako sa suite ko upang gamutin ang braso ko at upang palitan ang suot kong gown, ngunit hindi pa man ako nakakalayo sa kanila ay may humarang nanaman sa daraanan ko.

" Magandang gabi sa aming Prinsesa. Ako nga pala si Isaac," pakilala ng isang mistisong lalaki sa akin.

Sa tansta ko ay magkasing edad lang kami. Matangkad siya sa akin at makikita sa ayos niya na mula siya sa isang mayamang pamilya.

Natatakpan ng kanyang kulay cobalt brown na buhok ang kanyang kilay na siyang nakakapagemphasize sa kulay berde niyang mga mata. Kapansin pansin din ang kanyang matangos na ilong at ang maninipis ngunit sobrang pupulang mga labi.Nabigla naman ako ng kunin niya ang kamay ko at halikan iyon. Gentlemen, huh'

"Ikinagagalak kitang makilala Bb. MileJhae" aniya.

" Ako nga pala ay nagmula sa Pamilya ng mga Rodriguez ."

Rodriguez??? Pamilyar, Saan ko nga ba???

Ahh naalala ko na. Ang mga Rodriguez ay isa sa mga pinakamayayamang pamilya na kabilang sa Organisasyon. Sila ang mayari ng ilan sa mga pinakasikat na Restaurants sa buong mundo.

"Ikinagagalak din kitang makilala Ginoo, ngunit maaari muna ba kitang maiwan dito dahil nagmamadali ako at may kailangan akong asikasuhin sandali," mahinahon kong sabi sa kanya.

Tumango naman siya at dun ko siya minadaling talikuran. Nakakahiya mang gawin iyon pero hindi ko na talaga kayang magpaikot ikot pa dito ng naka stilettos.

"Di ka pa rin pagbabago M, lagi mo nalang akong tinatalikuran," narinig Kong sabi niya pa.

M? Tinetake for granted?

Pagkalingon ko ay wala na si Mr. Rodriguez sa likod ko.

Nakakapagtaka, hindi ko nalang pinansin yun at nagpatuloy maglakad papunta sa Suite ko.

***

Mula Ground Floor ay pinindot ko ay ikawalong palapag. Nakakairitang kailangan ko pang bumalik sa Hotel Suite ko para lang balikan ang susi ng kotse ko.

Nang makapasok ako sa loob ng elevator ay dalawa babae lang ang naroroon at sa paraan nila ng pagtingin ay mukhang ngayon lang sila nakakita ng isang babaeng naguumapaw sa kagandahan. Hindi ko nalang pinansin ang mga titig na binabato nila at ang pagbubulong bulungan nilang dalawa sa likod.

Mula sa pintuan ng elevator ay kitang kita ko ang perpektong repleksyon ko at kitang kita ang kaibahan ng Itsura ko sa mga nasa likuran. Nakakahiya sa kanila, masyadong angat kagandahan ko.

'Smirk'

Sa ikatlong palapag ay nagbukas ulit ang pintuan ng elevator at iniluwa noon ang isang lalaking mukhang isang modelo.

Kitang kita ang kakisigan at pagiging isang propesyunal sa paraan niya ng pagtayo. Bagay na bagay din ang sa kanya ang suot na itim na formal coat and tie. Ang kanyang makapal na kilay ay lalong nakakapagpadepina sa kanyang malalalim na pares na mga mata. Napababa naman sa kanyang mga labi ang tingin ko at napairap nalang ako at iniiwas sa kanya ang paningin ko. Ano bang naiisip ko?

" Sir tara na po ," rinig kong sabi ng hotel clerk na kasama niya na halatang may pagnanasa sa kanya. I thought si Farrah lang ang obvious kumilos ng ganito, hindi pala.

"Hello dad, sige po nakasakay na po ako sa elevator. Malapit na po ako," napairap ulit ako sa ikalawang pagkakataon. Yung boses niya napakamanly. Husky, at the same time deep.

Magkatabi kami ng pumasok siya at kahit ilang pulgada ang pagkakalayo namin sa isa't isa ay amoy na amoy ko ang pabango niya.

My type of scent.

Deretso pa din ang tingin ko kaya sa sandaling nagsara ang elevator ay kitang kita ko ang repleksyon naming dalawa sa salamin at huling huli ko kung paano niya ako pakatitigan.

Tsk' I'm such a head turner. Ngayon ay parang nagegets ko na kung bakit ako ikinulong ng lolo ko sa Isla ng mga Reaño.

" Ang cute nung guy ," rinig kong sabi nung nasa likod ko pero yung katabi ko mukhang hindi ata naririnig ang mga sinasabi nila. Masyado kasi siyang tutok sa paninitig sa akin.

Kung normal na babae ako baka naconcious na ako sa paninitig niya. Unti unti niyang inangat yung kanang kamay niya papalapit sa akin pero bago pa niya akong mahawakan ay hinarap ko na siya.

"Stop staring at me," sabi ko at doon siya nilingon. Kung kanina ay tulala siya ngayon ay parang hindi na siya humihinga. Is't normal for a guy to act like this in front of a girl?

" M ," sabi niya. M, What?

*Ting*

Pagbukas ng elevator sa 8th floor ay agad agad akong lumabas, at hindi na siya nilingon pa. Hindi na naman siguro kami magkikitang dalawa.

***

Nasa labas na ako ngayon ng hotel at nakuha ko na rin ang susi ko. Iniabot ko iyon kay Dan ng mamataan ko siyang nakatayo sa harapan ng sasakyan ko.

Mukhang kailangan ko munang umasa sa isang reaper para ipagdrive ako ngayon. Besides hindi ko pa kabisado ang mga daanan dito.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan ang pagiisip.

Should I enter a University? No, Ofcourse not! Maingay doon and I think home schooling is much better, besides my Professors are the best. Galing pa ang mga iyon sa iba't ibang parte ng mundo kaya I don't think na may maituturo pa sa akin ang mga Instructor ng University dito na hindi ko pa natututunan mula sa kanila.

Aahh' Kung maghandle kaya ako ng isa sa mga business namin. Pero ano namang business?

Wala akong ideya kung paano ako magsisimula ngayong nasa labas na ako. Samantalang dati ay napakadami kong plano.

Oh! Speaking of plans. My wish list ako and yeah' It may sounds odd pero sa tagal ko sa Mansyon na iyon ay napakadami kong gustong gawin na hindi ko magawa sa loob noon, at ang isa doon ay magtravel.

Napabuntong hininga nalang ako ng maramdaman ang pagkirot ng braso ko. Ipinikit ko sandali ang mga mata ko at pinakiramdaman ang sarili. Ramdam ko pa din ang hapdi ng braso ko. Dapat talaga ay sa kamay ang susugatan ko ngunit hindi ko ginawa dahil sa isang malalim na rason ko.

Pagkasilip ko sa bintana ay naalala ko yung binigay ng master ko sa akin kaninang umaga. Binuksan ko ang dala dala kong bag at doon ko kinuha yung box na binigay sa akin ni Master.

Pinagmasdan ko muna ng mabuti ang lalagyan bago ko tuluyang buksan. Bumungad sakin ang isang silver pen at isang earphones na kamukha ng desenyo ng pen.

Isang Voice Recording Pen? Nakakatuwa talaga si Master. Alam na alam niya kung anong gusto ko. Pagkabukas ko nung ballpen may lumabas na date.

" August 12, 20**. This Voice Message is  available next year."

Yun yung date ng birthday ko next year. Nangunot naman ang noo ko. Bakit next year pa?