webnovel

Lie, Rylie.

As Akio continues to reach his dreams, Rylie's life is at an end. ******* A young woman who had experienced an accidental life-changing perspective on her. This accident decided to keep the secret until the last breath of her. The young woman became elusive in all things, her heart became gloomy. On the other hand was Akio, to give his family a beautiful future. Medicine has entered the young man's path even though the state of his family is poor, he still wants to be a licensed doctor. But as they have to meet Rylie it is difficult to accomplish them. Nang magtagpo ang kanilang magkabilang mundo. Iba't-ibang emosyon ang kanilang mararamdaman at mga karanasan na mararanasan. Will Akio be able to keep his dreams or become completely stranded and at Rylie's problem?

flowerink09 · Urban
Not enough ratings
26 Chs

Lie, Rylie 17

Rylie's POV.

Sinindihan ko ang puting kandila gamit ang maliit na posporo na hawak ko. Hindi pa din nagbabago itsura ng libingan ng aking ina. Napuno ng mga bulaklak at sari-saring kandila mula sa iba't-ibang tao ang harap ng puntod nito. Madaming nagmamahal kay mommy, miss na miss ko na yung boses niya at kung paano niya ako alagaan. Naging mabuting asawa at ina siya sa amin kaya nagtataka ako kung bakit ang aga niyang kuhanin sa amin.

"Mom, it's been two years simula nung iwan mo ako pero hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap," I tried to fake my smile in front of her.

"Mom, sorry hindi nakadalaw sayo si Dad, alam mo naman yun masyadong busy sa mga films at mga artistang hinahawakan niya."

Wala akong pake kung parang baliw akong nagsasalita sa hangin. Alam ko nandyan lang siya at nakikinig sa akin.

"Sinabi mo sa akin na kapag kaharap kita dapat hindi ako umiiyak, dapat malakas ako."

Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha sa aking mata. Pinipigilan ko pero masyadong mabigat.

"Hindi ko alam kung paano mom, pagod na ako pagod na akong magpanggap, pero mom may nakilala ako. Natagpuan ko ulit siya " Pinahidan ko ang mga luhang patuloy na pumapatak sa mga mata ko.

"He's Akio Montenegro now, ibang-iba na siya seryoso may pangarap sa buhay at dahil sa kanya sumasaya ako,"

Masaya ako kapag kasama ko siya, siya ang pinakamagandang alala na nangyare sa buhay ko. Nagbabago ako dahil sa kanya. Kaso alam kong imposibleng maging kami, gusto ko lang siya makapiling hanggat may oras pa, hanggang pwede pa.

"Whenever I'm with him, I find myself smiling I feel happy, you want me to be happy right?" I question her.

Alam ko gusto niya akong maging masaya pero paano sa kondisyon ko? Alam kong pandidirian niya ako kapag nalaman niya ang sikreto ko. Gusto kong tumaya baka matalo ako sa kanya.

May karapatan pa ba akong maging masaya pagkatapos ng lahat?

"Mom, I love him so much... He is the reason why I keep fixing myself,"

Bulong ko sa sarili ko. Siya ang dahilan kung bakit ako nakakalimot pero kapag mag-isa na ako hindi pa din ako makalaya pakiramdam ko nakatali na sa akin ang lahat.

Inayos ko ang itsura ko bago umalis. Nasira ang make-up ko dahil sa kakaiyak. Gumaan kahit paano ang pakiramdam ko. Patungo ako kay Dad, haharapin ko na siya kase naniniwala ako na pipiliin niya ako ang sarili niyang anak.

"Rylie anak!" Sinalubong akong ng yakap ni manang ester. Niyakap ko din siya ng mahigpit. Mabuti naman at hindi pa nila inaalisan ng trabaho si manang kapag ginawa nila yun ako makakalaban nila.

"Manang si Dad? Tsaka bakit ganyan ang itsura nyo anong meron?" Suot ni Manang ang costume ng isang witch, nahihiya pa siyang tumingin sa akin bago nagsalita.

"Kase... Anak... Pinilit ako ni Gracie na suotin ito," nahihiyang sambit niya.

Hindi ko alam kung anong plano ng bruhildang mag-inang yun. Ang kalat ng buong bahay mukhang may party na magaganap mamayang gabi at ang matindi pa dito pumayag si Dad sa pakana nila. Naiinis na talaga ako. Iniwan ako ni Manang dahil busy din siya sa paghahanda.

"Rylie! Long time no see my step daughter!" Hahalikan niya sana ako pero inilayo ko kaagad ang mukha ko sa magaspang niyang mukha.

"Anong kalokohan ito? Where is dad?" Sunod-sunod kong tanong. Hindi ko matitigan ang mukha niya ngayon. She was wearing the custome of malificent. Ang itim ng make-up niya.

"My HUSBAND is not here he comeback at exactly 7pm mamaya ka na bumalik darling tsaka wala ka pang costume baka mapahiya ka," tumawa siya ng malakas kinokopya niya ang boses ni Angelina Jolie pero nagboboses demonyo ang boses niya.

"Malaking kahihiyan ka na pala matagal na," pangaasar niya.

"Alam mo bagay sayo costume mo, hindi mo na kailangan ng sungay kahit tanggalin mo yan demonyo ka pa din Goldigger!" Bwelta ko sa kanya. Nainis siya sa sinabi ko, ambang sasampalin niya ako pero napigilan ko yun.

"Don't you ever touch my face losyang na artista, kumakapit ka lang kay dad para sumikat!" Tinaluran ko siya at umalis na sa bahay. Ang kapal ng mukha nila babalikan ko sila mamaya sisirain ko ang kasiyahan nila.

"How dare you!" Pahabol niya at tuluyan na akong lumabas ng mansyon.

Pumunta ako sa condo ko sa laguna para makapaghinga wala din naman akong tutuluyan na iba bukod dito. Pagkapasok ko ng condo nakaramdam ako ng gutom. Sa dami ng iniisip ko hindi ko namalayan na wala pa pala akong kain mula kanina. Ang hirap talaga pag hindi ka marunong magluto. Dapat nagpaturo ako kay mom noon pa. Maya-maya may kumakatok sa pinto.

Wala naman akong inaasahang bisita pero umaasa ako na si Akio yun. Sana. Inayos ko muna ang sarili ko bago buksan ang pinto.

"Baby-"

"Lu-lucas... Anong ginagawa mo dito?" Takang-taka kong tanong sa kanya. Ang kulit talaga ng kutong ito. Paano ko ba siya titirisin.

"I brought foods let's eat," pagyayakag niya.

Hindi na ako tumanggi dahil gutom na din ako. Hindi ko kailangan pairalin ang pride ko ngayon. Ang dami niyang dala sari-sari galing sa iba't-ibang fastfood chain. May Jollibee, Mcdo, KFC at kung anu-ano pa.

"Bakit nandito ka wala ka bang balak dalawin ang kamag-anak mo?" I asked him.

"Bakit naman ako dadalaw sayo pa lang patay na patay na ako," binatukan ko siya sa sinabi niya. Kahit kailan talaga puro banat na lang ang sinasabi niya.

"Aray ko!" Hinimas niya ang ulo. "Hilig mo talagang manakit!"

"Banat ka kase ng banat kadiri pakinggan ang corny!" Pangaasar ko.

"May dad is a Mayor what do you expect? Kakauwi ko lang din busy pareho si dad at mom sa pulitika," paliwanag niya.

"Okay," nagpatuloy ako sa pagkain. Ang timawa ko talaga.

"May lakad ka ba mamaya?"

"Hindi kita gusto at wala akong panahon sayo!" Ilang beses ko ba dapat sabihan sa kanya yan? Mabuti na lang may pagkain siya palagi kapag dumadalaw sa akin.

"Ilang beses mo ba akong ire-reject?" Seryoso siyang tumingin sa akin.

"Ayokong mamatay ng maaga," bwelta ko sa kanya. "Gusto mo ba talaga akong samahan mamaya?" Nagliwanang ng konti ang mukha niya sa sinabi ko.

"Oo naman basta ikaw!" Ngumiti siya d akin.

"May sisirain tayong party!"

Sinabihan ko siya na bumili ng costume na pwede naming suotin dalawa. Yung daring look para kapansin-pansin.

"Ang tagal mo naman malapit na mag-start ang party." Kinuha ko ang paper bag na dala niya. I am Harley Quin for tonight and he was Joker.

Nagbihis na ako at nag make-up na kagaya ng kay Haley Quin at ako na din ang nag ayos sa kanya.

"Wag kang malikot!" Utos ko habang naglalagay ako ng maskara sa mata niya. Bumagay sa kanya ang look ni Joker medyo singkit nga lang ang mata niya. Pero nagawan naman ng paraan dahil sa make-up.

"May sasakyan ka ba?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang kwelyo ng damit niya.

"Oo nasa labas."

"Tara na! Ituturo ko sayo ang daan," hinila ko ang kamay niya papunta sa kotse niya. Mukhang mayaman nga ang kutong ito. Mercedes bench na kulay black ang kotse niya.

Pang-ilang babae kaya ako na dinala niya dito?

Bumaba na kami ng kotse sa tapat ng bahay ko, makikita na agad ang pagdagsa ng tao dito. May mga iba't-ibang ilaw din sa magkabilang side ng gate at may mga bodyguard na nagbabantay.

"Paano tayo papasok?" Nagaalalang tanong ni Lucas. Hindi ko din alam kung paano kami papasok naghahanap ako ng mga tao na kakilala ko na pumapasok pero kahit isa ay wala akong mahanap. Nakita kong lumabas sa gate si Gracie, siya ang magiging susi ko para makapasok.

"Nakikita mo ba ang babaeng yun?" Tinuro ko si Gracie na papalabas ng gate. "Landiin mo siya para makapasok, easy to get yan," utos ko sa kanya.

"Okay boss!" Masigla niyang banggit. Mabuti naman magagamit niya ang galing niya sa pakikipaglandian. Ngayon ko kailangan ang mga banat niya.

Pumasok ako ng kotse at pinanood lang kung paano niya bibihagin ang kiliti ni Gracie. Kahit sino ata papatulan ni Gracie mana lang siya sa kanyang ina. Tama ako siya ang naging susi ko, nakapasok si Lucas gamit si Gracie, kinindatan pa ako ni Lucas bago makapasok.

Ilang minuto ang lumipas at lumabas din agad siya. May dala-dala na siyang invitation letter na hula ko ay ninakaw niya mula kay Gracie.

"Good job! Pag landian ang galing ah," puri ko sa kanya

"Special skill ko yan sayo lang hindi tumalab," sinuntok ko siya dahil sa sinabi niya.

"Daming satsat tara na sa loob." Aya ko sa kanya.

Pumason na kami sa loob ang ganda ng set up ng party mukhang pinaghandaan talaga. Mabuti na lang nalaman ko ang theme ng party. Kaya hindi kami pansin ng mga tao.

"The long wait is over, we are proudly to announce that the trailer of the film, Harry Potter, a Philippines adaptation is here!" Excited na anunsyo ng babae sa unahan. Pinanood namin ang trailer ng Pelikula na gagawin ni Dad, ang ganda niya at ang mahal ng produksyon. Hindi pa din siya nagbabago may passion pa din siya sa ginagawa niya.

Pagkatapos naming panoorin, pumunta si dad para magbigay ng mensahe.

"Hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung hindi dahil sa tulong ng aking asawa at ng aking anak," lumapit sina Gracie at ang kanyang ina kay Dad. Ang kapal ng mukha nila nilason na talaga nila ang utak ni Dad.

Paano nila nagagawang magsaya habang ako ay patuloy na nagdudusa?

"Maraming salamat sa pag-aabang para sa inyo ang pelikulang ito. Maraming salamat." Umalis na si Dad at tamang sunod naman ang maginang palaka sa kanila.

"Di'ba dad mo yun-" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Lucas ikaw ang bahala kay Gracie, aliwin mo siya may pupuntahan lang ako."

"Ano bang plano mo pero sige," takang-taka na siya pero sumangayon din siya.

Nakita ko si Dad na papasok sa kwarto niya kasama ang stepmom ko. May lock ang kwarto ni dad at hindi ko sure kung yun pa din password nito.

Sinubukan kong i-enter ang birthday ni dad at saktong gumana ito. Nagulat sila ng makita nila ako.

"Dad! Paano mo nagawa sa amin ni mom ito?!" Sigaw ko sa kanya.

Punong-puno na ng galit ang isip ko. Nasasaktan ako at the same time nagagalit din ako.

"Honey calm down, wala silang maling ginawa. Ayaw mo ba akong maging masaya?" Sinusubukan ni dad na pakalmahin ang sitwasyon. Ang bruhilda kong stepmom ay masama ang tingin sa akin.

"Maging masaya? Paano naman ako si Mom... Ganun ba kami kadaling kalimutan, pinagpalit mo agad diyan sa maginang golddigger!" Dinuro ko ang stepmom ko.

"Rylie! Stop being rude to your mom, siya na ang magulang mo at si Gracie ang kapatid mo kung ayaw mong tanggapin-"

"Ano palalayasin nyo ako? Iho-hold Nyo ATM ko? Hindi nyo alam ang ang mga pinagdaanan simula nung tumuntong sila sa bahay na ito." Tumula na ang traydor na mga luha. Ayokong nila akong mahina kaya pinigilan ko iyon.

"Honey wag muna siyang pansinin," pinakalma ng stepmom ko si Dad.

"Mamili ka, ako na dugo mo o iyang mga goldigger." Alam ko na ang sagot pero tinanong ko pa din umaasa ako na baka mabago baka may pag-asa pa.

"Anong ba ang tinatanong mo rylie-"

"Wag kang sumalida laos!" Banat ko sa kanya.

Hindi ko na namalayan na nasampal na pala ang mukha ko, kapag napupuno ka ng galit hindi muna nararamdaman yung sakit parang immune ka na sa mga nangyayare. Ang ang lalong nagpadurog ng puso ko ang papa ko ang mismong sumampal sa akin. Sarili kong ama.

"Wala kang galang kanino ka ba nagmana!?"

Kay mom ako nagmana yung asawa mo bago pa iyang kinababaliwan mo.

"Hindi ako makapaniwala dad, na sasaktan mo para lang sa mga goldigger na yan, ito na ang huling beses na makikita mo ako dito sa bahay na 'to, hindi na ako babalik."

Tiningnan ko di dad sa huling pagkakataon. Baka kase pigilan niya ako baka may gawin siya para mapigilan ako pero wala siyang ginawa.

And by that moment, I lost him. I lose my dad.

#