webnovel

Sino Ka?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Liu laoshi, anong pill ang gagawin mo?"

Sa pagkakaalam na wala nang atrasan, ibinaba ni Mu Yangfeng ang kanyang kaldero, sinilaban ang apoy, at lumingon kay Zhang Xuan.

Maraming mga grade-3 pill, at kailangan lamang nilang pumili ng isa.

Dahil naglakas-loob itong magsalita nang ganito, malamang na may-alam siya sa isang tiyak na pill.

Kung hindi,hindi sana siya magyayabang na magagawa ang isang pill kung susundin ang kanyang panuto nang maigi.

"Anong pill?" napaatras si Zhang Xuan. Hindi pa niya naisip ang tungkol dito. Kaya, matapos mag-isip nang sandali, tumingin siya kay Apothecary Mu at nagtanong, "Tama, anong klaseng pill ba ang dapat mong gawin bago ka maging isang 3-star apothecary?"

Dahil kailangan ng 3-star apothecary examination na gumawa ang isang tao ng grade-3 pill, maaaring may mga pamantayan sa pill na gagawin. Kung ganon, mas mabuting sumunod sila sa patakaran.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com