webnovel

Paggabay Kay Zhao Feng

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Huh?"

Nang maramdaman niya na may kakaiba, agad na minulat ni Clan Head Wang Hong ang kanyang mga mata upang silipin ang nangyari.

Sa isang tingin lang, gumewang ang katawan niya at muntik na siyang mawalan ng malay.

Hindi ba't parang sobra-sobra na 'to?

Sa may dueling platform, nakataas ang kamao ni Liu Yang at blanko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Sa kabilang banda, si Bai Chao, na may taglay na bakal na kamao, ay nakaluhod sa lupa. Tumutulo ang pawis mula sa kanyang noo.

Sa sandaling ito, napinsala ang kanyang kamay, at nagkabali-bali ang mga daliri niya, na para bang may nakasagupa siyang isang napakalakas na pwersa.

"Hindi ba't… kinucultivate mo ang Steel Armor Art? Bakit napakahina mo?"

Ibinaba niya ang kanyang kamao, tumingin si Liu Yang kay Bai Chao.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com