webnovel

Gusto Ko Sanang Umalis sa Pagtuturo Mo (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa Hongtian Academy, sa may silid-aralan ni Lu Xun.

Bilang isang star teacher sa akademya, ang silid-aralan niya ay may ilang daang metrong lawak, na kasing laki ng isang football field. Hele-helera ang pila ng mga estudyante, at aabot sa ilang daang estudyante ang nandito.

"Gaya ng inaasahan kay Lu laoshi, narinig ko na hindi mabilang ang estudyante ang nagsasabing isang karangalan ang maging estudyante mo at binibigay nila ang lahat ng kaya nila para lang mapasailalim sa pagtuturo mo, ngunit di ko inasahang totoo pala yun!" Habang tinitingnan niya ang dami ng estudyante sa silid-aralan, hinaplos ng isang elder ang kanyang balbas habang nakatingin siya sa isang binata na di kalayuan mula sa kanya.

Ang binata ay nasa 26 hanggang 27 taong gulang. Nakadamit siya ng asul, nakatayo siya ng tuwid na parang isang sibat na umaabot sa kalangitan, at nagmumula sa kanya ang isang mapagmataas na aura.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com