webnovel

Ang Nalilitong Si Liu Xun

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa upuan ng mga VIP, nagkatinginan si Wang Chao at Elder Hong Hao.

"Bihasa si Bai Chao sa mga fist technique. Si Liu Yang… ay hindi siya kayang tapatan!"

Nag-alinlangan si Wang Chao. Kahit na sinabi niya ang mga salitang iyon, malinaw na hindi siya kampante sa sinabi niya.

Sa mga naunang laban, nagmamalaki niyang sinabi na mananalo ang mga estudyante ni Lu Xun, pero sa huli… lahat sila ay natalo.

Itong si Bai Chao, base sa pagkakaintindi ni Wang Chao, ay madaling mananalo, pero… Ang mga estudyante ni Zhang Xuan ay hindi niya maunawaan. Lahat ng mga prediksyon niya kanina ay hindi nangyari, at nawala ang lahat ng kompyansa niya sa sarili.

"Ganun din ang naisip ko. Maaaring… manalo siya…"

Nawalan din ng gana si Elder Hong Hao.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com