webnovel

Let's Start The End

Francine she's just a simple girl who fell in love with her childhood friend named John Carlo.

Lance_Gezer · Teen
Not enough ratings
2 Chs

Chapter 2: Childhood Memories

*4;03 pm* [last subject]

Dali-daling bumalik si Francine sa kanilang paaralan para pumasok sa kanilang klase (Math Subject)

"Uy Francine!" bungad na tawag sa kanya ni Laurence na nakatayo sa may hallway.

"Hinanahap ka nila Lovely ah, nakita ka na ba nila?" pahabol na tanong ulet ni Laurence, pero hindi sumagot si Francine at nilagpasan lang nito si Laurence.

"Napapano yun?" tanong ni Laurence sa sarili niya at makalipas ang ilang minuto ay sina Lovely at John naman ang nakasalubong nito.

"Lovely nandon na si Fran sa classroom niyo, ang tahimik mukhang wala sa mood" sambit naman ni Laurence kila Lovely na mukhang pagod na pagod sa paglalakad.

"Sige Laurence salamat" sagot naman ni Lovely at tumungo na sila sa kanilang classroom. Pagkarating nila sa kanilang classroom ay nakita nila si Francine na nakaupo sa upuan nito at nakayuko.

"John ako na lang muna kakausap kay Francine ah, salamat sa pagtulong sa paghahanap sa kanya." Sambit ni Lovely at sumangayon naman si John kaya pinuntahan na ni Lovely si Fran na nakayuko sa lamesa.

"Bes?" tipid na sambit ni Lovely kay Francine.

Pero wala pa ring sagot na nakukuha si Lovely kay Francine.

"Bes ano bang problema?" Tanong muli ni Lovely sa kaibigan.

"Lovely?" maikling sambit ni Francine.

"Bakit bes?" Nagaalalang tanong ni Lovely kay Francine.

"Sino yung babae na kasama ni John?" sambit ni Francine, at bakas naman sa mukha ni Lovely ang gulat sa narinig, habang naguusap ang dalawa nakatingin naman si John sa hindi kalayuan.

"Okay class dahil hindi makakapasok si Mr. Coano ang inyong Math Teacher, ako muna ang papasok sa oras na ito." sambit naman nang kanilang Guro sa English na si Mrs. Kamaling.

Napahinto naman sa paguusap ang dalawang magkaibigan at nakinig na sa kanilang English Teacher.

"Ngayon mas kikilalanin natin ang ating mga nakaraan" Sambit ni Mrs. Coano.

"I wanna know kung ano ang mga childhood memories ninyo, kase malaki ang parte ng childhood memories niyo sa pagkataong mayroon kayo ngayon." sambit ulet ni Mrs. Coano.

Tumingin si John Carlo kay Francine at si Francine naman ay umiwas ng tingin sa kababatang si John.

"Okay shall we start" sambit ni Mrs. Coano, isa-isa na niyang tinawag ang mga estudyante sa klase nila Francine.

"Ms. Lovely Cruz, can you please share your childhood memories to us" sambit ni Mrs. Coano at kaagad namang tumayo si Lovely at nagpunta sa harapan ng kaniyang mga kaklase.

"Okay, hello guys, I am Lovely Cruz, you may call me by my frist name, and please stop calling me Love, ang awkward lang haha." sa pagsasalita ni Lovely ay nakikita niya si John na tumitingin kay Francine. "Okay simple lang naman ang aking childhood memories, I am with Ms. Francine Gabriel, Mr. John Carlo Mendoza, Mr. Laurence Dizon and Ms. Sarah Rano, yun lagi lang kaming naglalaro sa labas noon, like yung mga classic outdoor games like; Luksong-baka, long jump, chinese garter, the marmol if you guys familiar with that game hehe, so that's my childhood life with my friends." kwento naman ni Lovely.

Nag patuloy sa pagtatawag ng mga estudyantr si Mrs. Coano. "Mr. John Carlo Mendoza" tawag niya sa pangalan ni John, tumayo si John sa kanyang upuan at tumungo sa harapan ng kanilang klase.

"Hello guys good afternoon, My name is John Carlo Mendoza, you guys can call me JC for short." Natahimik ng panandalian si John at napatingin ito kay Francine.