webnovel

Legendary Slime Tamer (TAGALOG)

Sundan ang legendary adventure ni Roan sa kanyang struggles and troubles sa bagong larong VRMMORPG, bilang isang Slime Tamer - Pinaka mahinang Class sabi ng iba, mahina nga ba?

Anvart · Fantasy
Not enough ratings
22 Chs

Kuweba

85% HP remaining

Habang kinakagat ng isang Fox ang kanyang kaliwang kamay ay hinayaan niya lamang ito. Gamit ang kanyang nylon strings na nakatali rito ay nag pupumiglas na itong makawala. Nang makita ito ni Roan ay nag pa ngisi nalamag siya na may halong kutya sa nahihirapang Red Eyed Fox sa kanyang braso.

Sinakripisyo nya ang sariling braso kapalit ng galaw nito. Kailangan niyang limitahan o ma-occupied ang isa sa mga Foxes dahil hindi niya kakayanin ang combination attack nito lalo't mas mataas ang kanilang level kaysa kay Roan. Pababa ng pababa ang HP ni Roan dahil sa bleeding effect skill ng Fox ngunit walang bahid ng takot ang makikita sa mukha ni Roan at mas lalong pa itong ginanahan.

"Napaka realistic ng larong ito, ang sakit ng pagpunit ng mga laman papunta sa aking buto. Pati ang power na dumadaloy sa buo kong katawan ay parang isang energy drink!" Di mapaliwanag ang hatid na ligaya ng larong ito kay Roan. Kahit napakahirap laruin ang Virtual Game na ito ay walang panama ang ibang games kung ikukumpara rito.

Rawr!

Isa pang Fox na paparating na gustong kumagat sa balikat ni Roan. Dahil sa bilis ng pangyayari ay imposibleng maiwasan ni Roan ang sneak na attack na iyon sapagkat naka tuon pa ang kanyang atensyon sa Fox na naka kagat sa kanyang braso. Dahil dito ay naramadaman nalamang niya ang sensation na sakit sa kanyang balikat, napaaray siya dahil sa lalim ng pag baon ng pangil nito.

Critical damage!

47% HP remaining.

Nang makita ang di inaakalang damage, nataranta si Roan dahil sa maling kalkulasyon niya. Di niya akalaing makakatanggap siya ng critical damage, plus ang bleeding effects bunsod ng pagkagat Fox, na habang tumatagal ay lalong tumataas ang damage.

Dahil dito ay nasa delikadong sitwasyon si Roan at kailangan niyang gawan ng paraan sa madaling panahon. Pilit inaalis ni Roan ang nakagat sa kanyang balikat. Nahihirapan siyang gumalaw dahil ang kaliwang kamay niya ay kagat-kagat parin ito ng isa pang Fox.

Buti nalang mataas ang depensa ni Roan kahit papano ay nababawasan ang true damage dealt ng kalaban, dahil kung hindi ay kanina pa siya namatay sa unang kagat palamang.

Dahil sa status ailments ng bigay ng Red Eyed foxes: bleeding effect, bumababa ng mabilisan ang kanyang natitirang HP!

25% HP remaining.

15% HP remaining.

10% HP remaining.

Nanlaki ang mata ni Roan nang makita niya ang kanyang health points ay malapit nang maubos.

5% HP remaining

"Inay ko po!!"

2% HP remaining.

"Arrgh...." Sumigaw ng malakas si Roan na parang nag su-super saiyan, hinigpitan niya ang hawak sa dalang hammer at nag ipon ng lakas.

1% HP remaining.

Nasulyapan ni Roan ang pagkaubos ng kanyang HP kaya't walang sinayang na sandalk ay pinukpok niya sa ulo ang Fox na nakagat sa kanyang kaliwang kamay. Sa tunog na *BAAG* ay full force na sinagupa ng hammer ang ulo ng Fox na nakatali sa kaliwang braso niya.

Dahil sa lakas ng impact ng damage ay napisa ang ulo ng Fox at tumalon ang isang mata nito palabas kayang eye socket, kasunod rito ang pag pig tigil ng paghinga ng Fox.

[ Red eyed fox has been killed ]

- No Primal aspect beads acquired.

- Level Up!!

Dahil sa biglaang level up ay automatic nag restore ng full ang health bar ni Roan, na ilang sigundo palang ang nakaraan ay pa paubos na.

*Whew*

Nakahinga ng maluwag si Roan nang makita ang ang kulay green na bar sa kanyang status info na punong puno ng HP, para siyang sundalo na nakaligtas sa malaking digmaan!

"Hehe.. pano bayan, isa lang talaga sa atin ang dapat matira?" Pinaringgan niya ang natitirang Fox na kitang kita sa mga mukha nito na na-alarma sa pagbalik ng buhay ni Roan. Pagkain na sana pero naging bato pa?

Bago pa bumababa sa 1% ang HP ni Roan ay chineck niya muna ang kanyang EXP bar at nakita niya na nalalapit na itong mag exceed at mag level-up. Sinigurado niyang pag nakapatay siya ng isang Fox ay expected na mag le-level up siya.

Dahil tumaas ulit ang HP ni Roan masayang-masaya siya, pero ganon paman, ang kanyang mga sugat na natamo ay fresh parin at hindi kasama sa restore pagkatapos niyang mag level up.

Kahit wala na sa panganib si Roan at full na ulit ang HP nito ay hindi parin nanumbalik ang kanyang dating lakas dahil halos nagamit na niya ang kanyang stamina sa labanan. Dahil sa bigat ng hammer na mas lalong mag papa minus ng kanyang stamina ay binitawan niya ito. Kumuha ng isang arrow sa likod si Roan para gawin niyang weapon bilang pang tusok.

Na alarma ang Red eyed fox sa ginagawang pag galaw ni Roan.

Nang itutusok na sana ni Roan ang hawak niyang arrow ay biglaang kumuwala ito sa kanyang balikat. Tila bang alam niya ang binabalak ni Roan.

"Ho ho.."

Umatras ng ilang metro ang ang huling natitirang Fox at medyo nanginginig ito sa takot. Alam ng monster na ito na wala siyang laban sa Human na nasa kanyang harapan. Dahan dahan itong dumidistansya papalayo kay Roan.

Kaswal na tumayo si Roan at pinulot ang hammer niya sa lupa.

Nang makita ito ng Red eyed fox ay nanalaki ang mga mata nito. Alam ng fox nato kung gaano ka delikado ang taong ito. Kaya lamang sila naging aggressive laban kay Roan dahil alam nilang low level ito, ngunit minaliit nila si Roan kaya't ito ang napala nila, ma-annihilate. First time nilang makasagupa ng isang tunay na halimaw na nag anyong tao.

Dahil sa takot na magaya sa kanyang kasamahan, pinili nitong umatras at biglang tumakbo na bahag ang buntot. Isang pride na monster ang uri monster ang Red Eyed Fox ngunit sa harap ng halimaw na si Roan ay kinain niya ito ng buo. Pride o buhay? Syempre gustong mabuhay ng Fox kaya dali dali itong tumakas papalayo!

"Sigh, pasensya kana.. kailangan ko talaga ng EXPs." Awang-awa si Roan sa pinakitang ugali ng Fox.

Binunot ni Roan ang kanyang bow, sa tunog ng *Swish* ay lumipad ang arrow na puno ng pwersa, bumagsak sa dikalayuan ang katawan ng Red Eyed Fox. Tumama ang arrow ni Roan sa likod ng ulo nito at nag tamo critical hit!

[ Red eyed fox has been killed ]

- Primal aspect beads acquired.

- Beginner Bow mastery (Lv. 1) Profeciency raised by 40%

Natigilan si Roan sa notification sa kanyang harapan.

Primal aspect beads acquired!

"Yes.. Primal aspect beads!!" Napa talon si Roan sa saya. Napaka importante ng primal aspect beads sa larong ito dahil may tiyansang makakakuha ng Aspect Gear.

Aspect Gear: Equipments na may taglay na skills effects galing sa isang monster at pag naisuot ito ng player ay automatic ito mag ba-bind sa user na hinding-hindi basta nahuhulog o mai-trade sa ibang players.

"Ano kaya laman nito? Armor o Weapon?" Walang atubili ay kinuha ni Roan galing sa kanyang Quest item bag ang Primal aspect beads. Para itong apoy na nag froze ngunit nakahulma ito ng pabilog na parang beads, kailangan lamang pisain ito para mag activate at lalabas randomly ang items na nasa loob nito. Kung mas mataas ang level at uri ng isang monster kung saan nanggaling ang primal aspect beads ay mas mataas rin ang kalidad ng armor at weapon na bigay nito.

*Crack.*

Nabasag sa palad ni Roan ang isang Primal aspect beads at lumabas ang isang dagger.

"Weapon type aspect!!"

Dahil sa excite ay tinignan agad ni Roan ang weapon stats nito.

Fox Dagger

Rarity: Trash

Level requirements: 10

Job: Thief

Durability: 20/20

Attack 50-60

Effects:

Continues Bleeding damage for 10 minutes.

"Meh, trash grade weapon.. pero ok narin kaysa wala.. pero 10 minutes bleeding effect?"

"Tsk, sayang may job restriksiyon "

Bukod sa skill effects ng weapon na ito ay lahat ng stats ng dagger ay above average. Anong aaasahan sa isang level 9 White Tier monster?

May anim na uri ng grade ng weapons at armors :Trash, normal, rare, epic, unique at legendary.

May apat na uri din ng Tier ang monster para ma classify sila: White Tier, Red Tier, Gold Tier at Black Tier.

Kinolekta ni Roan ang mga patay na katawan at itinupon sa isang lugar. Kinatay niya lahat ng patay na mga katawan ng Red Eyed Foxes. Dahil maraming uses ang katawan ng Foxes ay minabuti niyang i dismantle niya ito. Kinuha niya ang mga valuable items tulad ng skin at karne nito at inilagay sa loob ng kanyang bag.

Kahit papano ay may nakuha rin siyang Monster Gear na isang weapon, kahit hindi niya ito magagamit dahil para lamang ito sa mga thiefs at upgraded jobs nito tulad ng rogues, assasins atbp. ay pwede niya itong ibenta sa auction site. Kahit trash grade lamang ang weapon na ito ay marami paring mag hahabol sa presyo at bilhin ito dahil isa itong Aspect Gear.

Bago nagpatuloy si Roan sa kanyang grinding hanggang papunta sa Tripod Town ay inalagay niya sa Dex at Str ang kanyang free attribute points na bigay pagkatapos niyang lumevel up.

Dihil bawat level up ay 10 attribute points ang bigay ng system ay hinati niya ito at dinestribute sa Dex at Str stats.

Dahil dito ay tumaas ng ilang % ang kanyang accuracy, evasion, attack speed at movespeed.

Tumaas rin ng ilang points ang kanyang damage at depensa. Dahil dito, lumakas ang pangangatawan ni Roan ng bahgya at gumaan ang bawat galaw niya dahil sa dagdag na quickness na bigay ng dexterity stats.

Bagama't binuhos ni Roan sa Dex at Str ay hindi lamang ang pag gamit ng bow ang mag aadvance kundi pati narin ang kanyang pagiging blacksmith.

Sa tulong ng dexterity ay kakailanganin ng blacksmith job ang pag control ng mga kamay para sa pag fo-forge at sa tulong ng strength ay makaka epekto kung gaano kalakas ang pwersa ng kanyang braso sa paghulma ng bakal tuwing mag fo-forge.

Pagkatapos kumain ni Roan at magpahinga ay nagsimula nanaman siyang maglakbay. Sa Tuwing may madadaanan siyang monster na sa tingin niya ay kaya niyang patayin ay hindi niya ito sasantuhin.

Naging maingat si Roan sa mga susunod na kanyang pag gra-grind ng EXPs. Tanging sa bow lamang siya umaasa at isinantabi ang pag gamit ng hammer dahil ayaw niya maulit ang nangyari sa Fox kung saan malapit siyang mamatay.

Patuloy ang pag level up ni Roan at ngayon ay level 5 na siya. Habang ang kanyang Hammer mastery ay level 2 at ang Bow mastery naman ay nasa level 3 na. Sa kasamaang palad, kahit maraming iba't-ibang monster ang napapatay ni Roan sa daan ay wala siyang nakuhang monster core at primal aspect beads.

*Swish..*

Tunog ng arrow na kumawala sa bow papunta sa himpapawid at tumama sa isang Red Crow monster na napadaan sa kalangitan.

Bumagsak agad ito sa lupa at namatay.

[ Red Crow has been killed ]

- No primal aspect beads acquired.

- Bow mastery level 3 profeciency raised by 100%

- Bow mastery level raised to level 4

- Accuracy raised by 20%

- Bow Attack ranged increased by 5 meters.

- Passive skill unlocked:

True Sight

- Perception Stats Unlock

- Perception raised by 100

"Wow passive skill at perceptions stats."

Tinignan ni Roan kung anong uri ng passive skill na ito

True Sight?

Passive Skill unlocked: Beginner Mastery - True sight (Lv. 1)

Magbibigay ito ng karagdagang upgrade sa paningin ng isang hunter.

Ipinokus ni Roan ang kanyang sarili sa bagong passive skill at nag command na i-activate ito gamit ang kanyang pagiisip.

*Zoom*

Gamit ang kanyang mga mata ay pinagmasdan niya ang kanyang kapaligiran. Sa loob ng kanyang mata, ang pupil ay parang isang puso na tila bang nag be-beat. Sa tuwing ipinokus niya ang kanyang paningin sa isang branch sa di kalayuan, at the same time, lumiit ang kanyang brown pupils, kasabay nito ang pag zoom-in ng imahe ng branch na dati'y napakaliit sa malayo. Kung lumaki naman ang pupil ng kanyang mga mata ay mag zo-zoom out ito at babalik sa dati. Ngayon, kitang kita niya ng malinaw ang branch sa layong 20 meters pati narin ang termites na kumakain sa loob ng patay na branch ay walang kawala sa kanyang paningin.

"Woah!"

Tiningnan rin niya ang ibat ibang uri ng mga halaman sa kanyang paligid, ngayon lang niya na napansin na hindi lang pala isang uri ng damo ang kanyang laging nakikita sa paligid kundi i-ilang uri ng damo pala ang nakatanim rito. Sa tulong ng kanyan enhanced vision ay madali na niya ma s

tinguish ang mga halaman o mineral na nagkalat rito sa gubat.

Abot tenga ang ngiti ni Roan "Nice, hindi lang monster ang madaling huntingin kundi pati pag ga-gather ng natural materials ay yakang yaka na.."

Nagpatuloy ang pag practice ni Roan sa kanyang bagong passive skill, sinanay niya muna ito dahil sa unang gamit ay medyo mahirap controlin ang zoom in at zoom out control na tanging ang activation lamang ay ang kanyang pag i-isip. Sa una ay nahihilo si Roan sa tuwing lumalapit bigla ang kanyang paningin at minsan di niya na co-control ang bilis ng pag zoom out at pabalik sa normal niyang sight.

Halos isang araw rin nag practice si Roan sa kanyang bagong skill, sa loob ng mga oras na iyon ay dahan dahan naman umakyat ang mastery proficiency niya sa true sight. Nang tumunog ang "Ding" sound ay umakyat na sa level ang kanyang bagong passive skill at ang area at ang layo nito ay tumaas ng ilang metro.

"Pano kaya pag na full mastery ito? makikita kona kaya kung ano ang nakatago sa likod ng damit?" Tanong ni Roan sa sarili, napa ngiti siya at ilang sandali ng pag i-isip ay napang lingon nalang siya ng kanyang ulo. "Laswa naman ng iniisip ko?"

"Sayang, hindi ako archer" Sa tuwing na-aalala ni Roan ang kanyang ideal job ay nanghihinayang siya sa magandang skill na true sight. Alam niyang napaka imposibleng i-full mastery ang true sight dahil secondary weapon niya lamang ang bow at hindi rin siya hunter job para mas mapadali ang pagtaas ng profeciency level nito.

Napaisip si Roan "Eh kung Archer gawin kung secondary job then yung main job ko ay blacksmith.." Napakamot sa ulo si Roan at inalis niya ang ideyang itio dahil napakahirap mag double job. Mahirap na nga ipa-taas ang mastery profeciency ng isang job pagkatapos may iba pang job na kukunin? Kaya it's a no!

Dahil nag level 2 na ang mastery ng kanyang true sight ay nagsimula na si Roan maghanda sa kanyang kagamitan. Ang susunod niyang destino ay ang Cave na nakita niya nung hinahabol niya ang mga Red Eyed Foxes.

Ang cave dito sa laro ay puno ng treasures at puno rin ng traps. Walang treasures na pwedeng makuha ng madalian. Kung gusto mo nang pera kailangan mong paghirapan. Bukod sa treasures at traps ay may iba't ibang uri ng mga monster sa loob rito, dahil nasa low tier area kung saan naka pwesto ang kweba ay low level din ang mga monster na nag lu-lurking dito.

Dahil sa performance ni Roan sa pag patay ng iba't-ibang uri ng monster sa loob ng ilang araw ay tumaas ang kanyang kumpyansa lalo't nang may extra stats siyang dala.

Binalikan ni Roan ang daan kung saan niya nakita ang Cave na nadiskubre niya kamakailan. Sa ilang minutong pag takbo at patalon talon sa taas ng puno ay nakaapak na ang kanyang dalawang paa sa labas ng entrance ng cave.

| Cave Entrance |

Nasa tagong lugar ang cave na ito, ordinaryong user na napadaan sa lugar na ito ay mahihirapang mapansin o madiskubre ang tagong kweba dahil sa mga matataas na damo na nakapaligid rito na mas mataas pa sa tao at ang mga puno na nakapalibot rito ay halos magka-dikit at napaka-taas at napakalaki na parang mga buildings.

Aksidenteng nadiskubre lamang ito ni Roan, dahil nung oras na makita niya ito ay nasa taas siya ng mga puno at patalon talon na nag hahabol sa Red Eyed Foxes kaya't posibleng siya ang kauna-unahang user na ang naka discover rito.

Bago pumasok sa kweba ay kumuha ng sanga si Roan sa paligid at binalutan ang dulo nito ng mga sirang tela. Nilagyan at binasa niya ng laway galing sa isang Blue Beetle ang mga tela, ang laway na ito ay parang isang petrolyo na kayang magsindi ng apoy.

Sa oras ng kanyang pag tapak sa loob ng kweba ay biglang may tunog na "Ding!" na umaalingawngaw sa kanyang tenga at kasabay nito ang paglabas ng semi-transparent notification sa kanyang harapan.

[ You were first to discover the Bone Trove Cave. ]

Rewards:

- Fame increased by 50.

-Chances na makuha ang ang treausre chest ay tumaas ng 70%.

- Lahat ng monster sa loob ng cave ay magbibigay ng Monster core.

- EXPs multiplier x4

"Oh? First to discover..." binasa niya ang content ng notification hanggang sa mag-iba ang kanyang facial expression.

Sa nakitang notification ni Roan ay naglalaway siya sa rewards na bigay ng system, lahat ng monster core ay ibibigay ng 100% sa tuwing makapatay ng monster sa loob ng cave for a week. Meron ding Treasure chest!

Laman ng treasure chest? Epic grade equipments, High grade potions at pills, skill books at marami pang iba!

"Treasure chest...." Nang mahimas masan ay nilinis ni Roan ang naglalaway niyang bibig na tumutulo na parang water falls.

Kahit tumaas ang chances ng rewards sa treasure chest ay hindi parin bumababa ang delikado hatid sa loob ng cave, andyan parin ang nakakatakot na monsters at mga nakatagong traps.

Inayos ni Roan ang sarili at in-activate ang passive skill na True Sight ngunit laking gulat niyang hindi ito epektibo sa loob ng madalim na cave. Tanging sakop ng kanyang enhanced vision ay ang tanging naaninag lamang ng kanyang dalang DIY na torch.

"Siguro kulang pa ako sa profeciency level ng True sight..." Posibleng mag enhanced ang vision ni Roan sa dilim pag tumaas ang kanyang profeciency ng true sight. Inakala niyang magagamit ang bagong skill bilang isang night vision sa dilim.

Ganon paman ay tumuloy parin si Roan sa kanyang adventure, dala-dala sa kanyang kanang kamay ay ang hammer weapon at habang sa kaliwang kamay naman ay ang torch na nagbibigay ng ilaw sa kanyang daan. Dahan-dahan siyang pumasok sa madilim at malamig na cave na puno ng treasure at panganib.

....

Sa isang madilim na sulok ng kweba ay may mga matang nagmamasid sa galaw ng taong naglalakad sa gitna ng dilim. Ang mga mata na ito ay pulang pula, kahit sa madilim na mundong ito ay walang kawala sa kanilang paningin ang ano mang bagay na pumasok sa kwebang ito. Hindi lamang dalawang pares ng mata ang naka titig sa palyer na walang kamuwang-muwang na naglalakad sa kadiliman, kundi isang daang pares ng mga mata na handang tutusok sa kanya!

Stop.

Napatigil si Roan sa kanyang hakbang ng mapansin ang mahinhin na tunog sa di kalayuan. Pinakiramdaman niya ang buong paligid at naging alerto.