webnovel

Legendary Slime Tamer (TAGALOG)

Sundan ang legendary adventure ni Roan sa kanyang struggles and troubles sa bagong larong VRMMORPG, bilang isang Slime Tamer - Pinaka mahinang Class sabi ng iba, mahina nga ba?

Anvart · Fantasy
Not enough ratings
22 Chs

Because I'm the Strongest!

Hello guys, sorry late dahil damn ang busy ko sa work. Now lang ulit nagka free time. Di ako confident na maganda ba ang chapter na'to, i hope na patuloy parin kayo sa pag suporta, Arigatou Minna!

Dahil sa Random Teleportation Stone, random din ang location sa pag teleport sa kanila. Buti nalang dito parin sa loob ng Forange Forest at medyo malapit ang location na ito sa Blade City, kung saan mag re-report si Roan sa kanyang mga Quest.

Along the way, may nadaanan silang isang mataong Village at napagpasyahan na mag stay muna para magtago at dahil nagugutom rin si Roan.

[Larode Village]

Totally packed ang village na ito, kahit nasa loob ng forest ay maraming mga NPC Merchant at Player Stalls o kilala sa tawag na Portable na mga tindahan ang naka erect sa paligid. Talamak ang bentahan ng mga sari-saring potions, equipments, skill books, monster loots at iba pa.

Kahit nasa loob ito ng Forest kung saan ang Danger ay laging nag lu-lurk, hindi ito dahilan para hindi magkaroon ng mga Tavern at Mini Restaurant rito. Popular ito sa mga Players lalo na sa mga nag que-quest o na gra-grind ng EXPs, isa rin itong perfect save point, pahingahan at tambayan nila. Dahil dito, ito ang ginawang camouflage nila Roan at Masked Player, makiki blend sila sa mataong lugar para maitago nila ang kanilang presensiya sa mga pursuer nila. Magdadalawang isip ang sinumang PKer tulad ng Assassin na naghuhunt sa kanilang dalawa lalo na't may mga high level NPC Guard rito. PK enabled ang lugar na ito pero dahil sa Guard ay nalimitahan ang ganitong Activity.

Bago ang lahat, nagpalit muna sila ng outfits saka tumungo sa isang restaurant, lay low muna lalo na't isang Elvenkin ang Masked Player at lahat ng Humankin Player rito ay kalaban niya. Kailangan nila i-restore mga nawala nilang Energy as soon as possible! Yup, isa sa mga pangunahing source ng HP, MP at Mental Energy ay ang mga pagkain.

"Miss, isa ngang inihaw na manok at iced tea!" Request ni Roan sa waitress.

"Akin, dalawa, inihaw manok" Omorder rin ang Slime ni Roan na siyang nag bigay shock sa Waitress.

Sumenyas si Roan na pagbigyan ang hiling ng kanyang Slime sa Waitress na siya namang sinunod nito.

Blurrrgg!!! Na-spit ni Roan ang nakain niyang pagkain.

"Ano ba'to? ba't parang kumakain ako ng Hard Bread na bigay ng NPC sa Training grounds?" Kitang-kita sa mukha ni Roan ang pagkadismaya sa pagkain sa kanyang harapan. Napaka delicious looking ng mga ito pero ang lasa ay lasang tubig? The hell?

"Ayaw mo Master? Iyan, akin nalang!" Suggestion ng Slime.

"Ano ka sinuswerte? Hmp!"

"Sungit Master!"

Food is a must sa larong ito, same lang sa Real World para mabuhay. Kaya nga lang, walang flavour ang mga nabibiling pagkain rito, kahit anong putahe ay iisa lang ang lasa - lasang tubig! Solid man o liquid ay lahat lasang tubig o tasteless kumbaga. Hindi pa tukoy ng mga Players sa buong mundo kung bakit ganito, mainit rin itong usapin sa forum at social media. Gayon paman, kabaliktaran naman ito para sa mga NPC (Non Playable Characters) lahat sila ay nakaka taste unlike sa mga Players.

Nang makita ng Masked Player si Roan, napa click ito dila habang naka sandal ang isang kamay sa bewang, "Napaka carefree mo naman Runevart hmmp!," Sabay upo sa table ni Roan.

"Miss masungit, salamat pala sa'yo, pati ako sure na wanted narin. Tsk.. Damn! Lalo na yung Assasin na nakakatakot ang Aura!," Sabay inum ni Roan ng Tea kahit lasang tubig ito. Kahit ayaw niya ang lasang ito, need niyang i-restore ang kanyang Mental Energy na siyang main source sa pag control ng kanyang mga Slime.

"Youre welcome, kung hindi kita niligtas ay baka patay kana o di kaya'y nasa headquarters kana nila at kukwestiyunin kung ba't andun ka sa lugar na iyon lalo na't may isang suspicious Player na magnanakaw ng last hit ng Boss."

"Tsaka, yung Assassin baka isa mga malaking guild dito sa Humankin Continent, which is bad for you dahil kung nagkataon, ang paglalaro mo ng game na'to ay hindi na magiging peaceful! Do you think na Beginner Friendly ang larong 'to? Diyan ka nagkakamali, power rules the world, the strong prey the weak! Sa madaling salita, hate nila ang mga weak at mang aagaw ng kills, which is... you!" Dagdag ng Masked Player.

Nabilaukan si Roan sa narinig.

Teka ba't ang lapit ng mukha mo saakin!? Medyo naiilang si Roan sa napakagandang babaeng Elf sa kanyang harapan! Naka hood ang Masked Player para tabunan ang matulis nitong tenga at inalis narin nito Masked sa kanyang mukha.

Napaka GRIEVOUS ng sitwasyon ni Roan. Kabago bago palang niya sa Virtual Game ang dami na niyang kalaban!

Kung nagkataon, ito-torture ako ng Elementals Clan kung mahuli nila ako... Idagdag mo pa ang galit na Ascension Clan! Argg!! Nagkapatong patong na ang mga problemang kinakaharap ni Roan na siyang nagbibigay headache sa kanya.

Ano ngayon kung marami akong kalaban? This makes the game more fun diba? Hmp! Salamat sa inyo at binigyan niyo ako ng rason para mag pursue ng power pero syempre first priority ko parin ang pera! Super determined si Roan, nagawa na niya ito noon sa ibang laro kaya't hindi imposible na magagawa niya rin ito sa Virtual game ngayon! I will try harder and strive for greatness!

"Now alam mo na kung anong sitwasyon ang pinasok mo. Tsaka alam mo bang mga greedy ang mga high level Players dito kaysa sa ibang mga online games na nilalaro mo." Wika ng Masked Player.

Hah! you're one to talk miss! Scoff ni Roan sa kanyang sarili.

"So... how the hell na alam mo ang dati kong IGN? Magkakilala ba tayo? " Naging seryoso ang expression ni Roan na tila ba naging ibang tao. Napaisip siya na baka kasapi ito ng Guild na dati niyang hinahawakan, pero halos kilala niya lahat ng members noon tsaka sa pagkakaalam niya na ang IGN na Runevart ay exclusive lang sa mga close friend niya.

"No, hindi mo'ko kilala, pero kilala kita."

"Wow, may tagahanga pala ako hehe.. thank you, thank you! I know na famous ako dati pero diko alam marami pang nakakaalala sakin" Now nag revert back na sa aloof na character si Roan.

Di talaga makapaniwala ang Masked Player sa duality ni Roan. Napa shake nalang siya ng ulo.

"Sa katunayan, una kitang nakilala nung nakita kita dati sa isang Live Esport Finals, hate to admit, nakita ko kung gaano ka ka-passionate at ka galing sa larong iyon. That time ini-spark mo ang gaming heart ko kaya simula nun ay naging no. 1 tagahanga mo ako. Dahil sa'yo ay sinubukan ko ring maglaro ng mga online games at maging streamer. Even though na hindi madali ang journey ko sa gaming dati, di parin ako sumuko, kahit walang viewers, kahit walang donations ay nagpatuloy parin ako. Isa siguro sa mga dahilan na hindi agad ako naging successful sa gaming industry dahil conservative ako. Di kasi ako nagpapakita ng cleavage sa stream which is pangunahing strategy ng mga babaeng streamer. Sa tuwing na nafi-feel down ako, ikaw ginawa kong inspiration! And one day, nabalitaan ko nalang na nag quit kana sa Game na nilalaro mo which is affected me the most. Then suddenly, nagbalik ka sa paglalaro kaya laking tuwa ko nang muli kitang nakita!" Confessed ng Masked player then she realized na parang may mali sa kanyang sinabi.

Dalidali niyang sinabi, "D-don't ge me wrong, im only your fan at hindi ibig sabihin ay may gusto ako sayo! Understand?"

"Alam ko Miss kaya wag ka magalala haha!" 'Di tinake seriously ni Roan ang mga sinasabi ng Masked Player sa kanya dahil alam naman niya sa kanyang sarili na hindj siya kagwapuhan, kaya't di na siyang umaasa pang may magkakagusto sa kanya. Pero feeling greatful siya na ginawa siyang inspiration ng ibang tao.

Naala tuloy ni Roan yung huling Esport na sinalihan niya...

"Tanda ko pa nun na kulang kami sa Players dahil 'di sumipot ang isa sa pambato namin pero buti nalang nabuhat ko ang buong team. Hehe. Kala ko talaga matatalo na kami eh," Bulalas ni Roan ng biglang may dumating na isang Grupo sa Restaurant na galit na galit.

Umupo ang mga ito sa katabing lamesa nila Roan at hindi maipinta ang mga mukha. Dahil sa kanila ay naging gloomy ang atmosphere ng restaurant!

"Teng ene naman oh!" *Bang* Sabay suntok sa lamesa ng isang barakong Player, umuusok ang ulo nito sa inis. Namumukaan ito ni Roan, ang Player na ito ay ang rival at nakaalitan ni Doranbalth sa Doro Village, siya si Jozard, isang Brawler at isang High Level Player.

"Para san pa ang Alliance Pact kung sila-sila lang naman makikinabang? Akala ko ba sharing ng info? Putakteng Doranbalth, sigurado akong pasimuno niya ito!" Nang gigilait si Jozard dahil iniwan siya ere, napagtanto niyang pinagkaisahan sila ng Ascension Clan at Elementals Clan!

Maghintay kayo nang bumalik leader namin, aagawin namin mga teritories niyo! Pupursigihin ni Jozard ang Leader nilang inactive pag bumalik ito. Pumasok lang siya sa Alliance na ito dahil sa pangambang maagaw ang hawak nilang teritoryo, pero now? This Alliance is useless! Determinado si Jozard bigyan ng malaking digmaan ang dalawang Clan!

"Wag kang mag-alala captain Jozard, atleast di nila nakuha ang hinahanap nila sa Cave... Actually may iba pang Party ang nakisawsaw at naagaw sa kanila ang Final Boss," Confort ng kasamahan ni Jozard.

May spy sila Jozard na nakatago sa loob ng iba't-ibang Clans, ganon rin naman ang Ascension at Elementals. Kahit Allied sila sa papel, hindi nila magawang magtiwala sa isa't-isa lalo na't palapit na ang First Anniversary Event ng Game na magaganap sa susunod na buwan. Bawa't isa sa kanila ay may mga sariling balak at intensyon, at pagdating ng panahon, sila-sila rin ang maglalaban-laban sa huli.

"So about dun sa intruder?" Inquire ni Jozard.

Tumaas kilay ni Roan ng marinig tungkol sa intruder. The hell? Kayo ang mga intruder! Ang Cave na yon ay akin in the first place! Sigaw ni Roan sa kanyang isipan.

"Yung party na nakisawsaw ay isang Human at isang Elf..."

"What!?" Nabigla at napasigaw si Jozard ng malakas at napatayo sa gulat.

Sa kabilang lamesa, sabay ring napa-flinch sina Roan at ang Masked Player. Nakiki-eavesdrop sila at narinig ang pinag uusapan ng grupo ni Jozard.

Tumayo ang Masked Player at lumapit kay Roan sabay whisper, "I think kailangan ko ng umalis..." Kailangan niyang mag proceed sa important mission niya, unease siya mga pangyayari lalo na't alert ang mga Human sa mga Foreigners na tulad niya.

"Why so suddenly-" di pa natapos ni Roan ang kanyang sasabihin nang biglang lumabas ang isang System Notification sa kanyang harapan.

[Faeryn wants to be your contact friend]

[Accept or Decline]

Faeryn... So Faeryn pala IGN niya... What a nice name.. Bagay na bagay sa beauty niya!

"Accept!," Walang pag dadalawang isip ni Roan.

"May bussiness pa akong pupuntahan, kaya until then Rune- Mali, Anvart pala."

Marami pa akong gusto sabihin. Well, siguro next time nalang... Umalis agad si Faeryn na naka ngiti, kung nakita ito ni Roan naku baka mahihimatay siya sa sweet smile nito!

Nakatutok lang si Roan pigura ni Faeryn na papalayo hanggang sa mawala ito papasok sa gubat, "What's next? Tingin ko mag la-logout muna ako, ayaw kong masangkot sa galit na galit na si Jozard! Tsaka di pa pala ako nakakaligo!"

******

Kakatapos lang maligo ni Roan ng marinig niya ang ingay ng TV sa baba.

-Gaming News Flash-

Dahil sa continues infiltration ng mga taga ibang Continent sa Humankin Continent ay nagpatawag ng meeting ang mga Clan Masters sa buong kontinente ng Human race.

Announcer 1: Ano sa tingin mo ang mangyayari na for the first time ay nagkaisa at sumang-ayon ang mga Human players na mag sagawa ng malaking meeting between Clan Masters?

Announcer 2: Isa lang ang masasabi ko, ito ay pagbabago! Halos sa isang taon na pakikipaglaban ng mga Human sa bawat isa ay sa wakas ay magkakaisa na sila. Siguro dito natin makikita ang pag angat ng Humans!

Announcer 2: Dahil sa walang Union ang mga Masters ng Clans sa Human Continent ay isa itong dahilan kung bakit isa sila sa pinaka mahina na Continent sa buong laro, unlike sa Beaskin Continent na i-isang Player lang humahawak sa buong Continent nila. Wala sila ibang sinusunod kundi ang kanilang Emperor na si Al-Khan, kaya't sila ang tinaguriang pinakamalakas na Race sa Game! Ang Beastkin ang kauna-unahang nakaapak at nakapag secured ng Stronghold sa Freedonia!

Announcer 2: Kasunod rito ang Noble Family ng Elvenkin na siyang may hawak ng pinakamalaking sakop na Stronghold sa Freedonia Nation. Lahat ng Players sa Continent na ito ay halos malalakas at united under one banner!

Announcer 1: Wag din natin kalimutan ang pinakamalakas na Player ng Waterfolks at ang No. 1 sa World Ranking. Dahil sa Koreanong ito naingat niya sa Top ang Race nila! Siya ang absolute power pero unlike kay Al-Khan ng Beastkin, ang taong ito ay walang hinahawakan na teritoryo at hindi rin siya kasapi ng ano mang Clan o Faction! Dahil sa kanya ang Waterfolk ay may permenenteng Stronghold sa Freedonia City di tulad ng Human Race na wala pa.

Announcer 2: What do you think? Makakakuha na kaya ng slot ang Human sa Freedonia this upcoming months?

Announcer 1: I think so, kung hindi na sila magka watak-watak pa.. Lahat kasi ng malalakas sa kanila ay gustong maging mga Leader ng kanilang mga Clan at gutom sa kapangyarihan, tataas ng mga pride kaya ang kabayaran ay ang low ranking nila sa Stronghold ng freedonia.

Announcer 2: Siguro isa itong sign, alam mo ba ang pinaka unang Legendary Job sa game ay nakuha ng isang Human? I don't know the details hah, pero biruin mo, isang Legendary Job?! Legendary Job na pwedeng bumaliktad sa lahat ng Rankings!!

Announcer 1: Yeah, sana nga. Bet ko pa naman mga Humans dahil Human Player anak ko! Haha.

-Up next-

Sa Showbiz balita! International PPop Kings, Billboard and MTV nominee, SB19 Members ay sumali narin sa Virtual Gaming at magkakaroon ng Free Concert sa loob ng la-

Tit*

Biglang pinatay ni Roan ang TV na siyang namang pagsimangot ng kapatid niyang si Raysha, "Kuya naman iih.. Nasa goodpart na ako saka mopa pinatay yung TV? SB19 na eh kainis!"

"Nagsasayang kalang ng kuryente!"

******

Legendary my ass! Legendary nga kaso parang wala namang kwenta tong Job na nakuha ko... Kung alam niyo lang, sigura matatawa nalang kayo na isang Slime Tamer ang Almighty Legendary Job na sinasabi niyo!

Kailangan kong itago ang secretong ito! Dahil sa narinig ni Roan na balita tungkol sa Job niya ay mas lalo siya naging pressured. Mag e-expect ang ibang tao lalo na ang mga Player ng Humankin Continent!

Need niya lang itago ang job niya, ipapalabas niya nalamang na isa siyang normal Tamer, at ang mga Tamed Monster niya ay mga Slimes. Yun nga! Good Job Roan!

Pero na realize niya na dual job pala siya! Di lang isang Tamer kundi isa rin siyang Darksmith, at isa itong Epic Rating Job!

Siguro isa ako sa mga unique Player na may Dual Job?

Atleast, na-retain parin ang original goal niya bilang isang Darksmith para madaling kumita ng pera sa pag cra-craft ng mga items at equipments. After magpahinga ni Roan, bumalik siya ingame para ipagpatuloy ang kanyang adventure.

[Blade City]

Woah, nice to be back! Naglakbay mag-isa si Roan pabalik sa Blade City, sa kabutihang palad ay ligtas naman siya nakarating at wala masyadong malalakas na Monster sa daan galing Larode Village. Sometimes sumagi sa isipan ni Roan na mas gusto niya rito sa Virtual World kaysa sa Real world dahil sa refreshing feeling na nararamdaman ng mga Players sa loob ng laro.

Vinisit muna niya ang Bulletin Boards para mag report sa napatay niyang mga Monster sa Forest, sa pagitan ng pagpatay ng kahit na anomang monster ay may rewards kang makukuha galing sa mga Merchant, sila ang nag request nito dahil sa palagi nilang paglalakbay sa loob ng forest. This way, mababawasan din ang monster na paaligid-aligid sa Forest at mapa igting ang saftey ng mga residente naninirahan rito kaya its a win-win situation kumbaga.

Dahil sa mababa ang Charisma Stats ni Roan, wala siyang ibang nakuhang quest kundi ang Monster Subjugation na siyang basic Quest ng mga Players na walang makuhang magandang Quest galing sa NPC. Kahit na hindi gaano kataasan ang rewards, ay mas mabuti na ito kaysa sa wala.

"350 coins lang? Grabe ang hirap na dinaan ko para ma hunt ang mga ito tapos ito lang? Barat mo naman boss!" Reklamo ni Roan sa isang Merchant nang ibenta na niya ang kanyang mga loots dito sa Western District ng Blade City.

"Sir, lugi na po ako, wala na akong maidagdag pa..." Giit ng Merchant.

How about this...

Nilagay ni Roan sa lamesa ang nakuha niyang Aspect Gear na isang dagger, "Ito, magkano 'to?"

"400 a piece sir, a total of 750 coins."

"What? Aspect gear 'to! 'Di mo ba alam?"

"Tama, Ashpek... Aspeyk.. basta Gear yan, loko mo ba Master?" Nakisawsaw ang Slime.

"Kaya nga sir, fix 400 coins yan, dahil marami kayong ibebenta saakin, dinagdagan ko nalang ng 50 coins kahit malulugi ako." As usual laging nakangiti ang Merchant.

Tsk... Nagdadalawang isip si Roan kung ibebenta paba niya or hindi, pero bumigay rin siya, need niya ng pera!

"Ok deal-"

"Wait!"

Biglang napalingon si Roan kung sino ang nakisawsaw sakanya.

"Huh? Boses lalake pero mukhang babae?" Na shock si Roan sa Player na ito, dahil sobra nitong ganda, katunayan mas maganda pa'to sa mga babae? Ang Player na ito ay may mahaba at silky na puting buhok, may magarang robe na puno ng ornaments. Balingkinitan ang katawan at may kumikinang na skin, di mo akalain nalalaki pala ang Player na'to.

Ang pretty niya para maging lalake, ano kaya skin scare gamit nito?

"Master?? Gusto mo lalaki?" Seryosong tanong ng Slime. Napansin nito na ang Master niya ay tutok na tutok sa Pretty Boy Player.

"Gagi, dumi ng isip mo!" Sabay sapak sa Slime.

"Aray! Huhu Master Sumbok kita sa Animal Welfare!"

Kinuha ng Pretty Boy Player ang Aspect Gear sa kamay ng Merchant, "Hmmm, unappraised Gear pa'to kaya't di pwedeng 400 coins lang, market price nito is 1000 coins dagdag mo pa na isa itong Aspect Gear."

"Sinasabi ko na nga ba, scammer to'ng Merchant na'to eh," Unigaw ni Roan ang Dagger at itinago sa Beginner Bag.

"Sabi ko sayo Master eh, ayaw niwala sakin.."

After ma-appraised isang Aspect Gear ay lalabas rito ang mga hidden skills na nakatago at tataas ng leap and bounds ang stats nito. Syempre, naka depende parin ang price kung gaano kataas o usefulness ng stats, kahit na isa tong low level Gear, marami paring maghahabol nito lalo na't nag le-level ang isang Aspect Gear kasabay sa User.

"Oi, wag kang makialam sa business ng iba! Di mo ba alam na pag-aari ng Cyan Tradings ang Shop na'to? Kung ayaw mong magkaproblema, umalis kana habang may natitira pa akong pasensya!" Warning ng Merchant sa Pretty Boy Player.

"Cyan Tradings? Oh... my... god! Huhuhu Pasensya na'po sir Merchant! Ipagpatawad niyo po ang aking pagka ignorante, diko po alam na may Branches pala kayo rito" Nagmamaka-awa agad ang Pretty Boy Player sa Merchant, maluha luha itong humingi ng kapatawaran subalit bigla itong ngumisi at nagpakawala ng nakakaakit na smile, "Yun ba ang gusto mong makita at marinig  galing sakin Sir Merchant?"

"Y-you! Pinag loloko mo ba ako? Guards! May shady person rito!"

"What? Tinawag mo akong shady person sa kagwapuhan kong ito? Pano nalang yung mga pangit na katulad niya?" Sabay titig kay Roan. Tumingin din ang Slime kay Roan at may approval ang expression nito sa sinabi ng Pretty Boy Player.

The hell? Ba't nadamay ako? Hignapis ni Roan pero wala siyang magagawa dahil totoo naman.

Dumating agad ang mga Guards at pinalibutan sina Roan at ang Pretty Boy Player.

"Really? Guards nayarn? More like mga Goons eh..." Scuff ng Pretty Boy Player.

"Oi, san ka pupunta?" Tutok ng spear ng Guard sa mukha ni Roan.

"Wala ho akong kinalaman sa gwapong Player na'yan!" Rason ni Roan, ayaw niyang madamay sa away ng iba, Its best na sumibat bago magkagulo rito sa City! Ayaw niyang mahuli ng mga Law Enforcer at ma-Ban ang entry niya sa Blade City.

Anong problema ng lalakeng 'to? Nandadamay pa ng iba.... Napa sigh nalang si Roan sa sitwasyon.

"Dahil tinawag mo akong gwapo, gusto na kita Newbie!" Wink ng Pretty Boy Player kay Roan na siyang kanyang pag tindig ng mga balahibo sa kanyang katawan.

"See? Di ba kayo nahihiya na iga-gang bang niyo ang isang Gwapo? Gusto niyo siguro pumanget ako noh? Tsk.. Lugi ako sa away na'to!" Dismayado ang Pretty Boy Player.

"Tumahimik ka diyan! Lumuhod ka at humingi ng tawad!"

"Ako luluhod sa mga panget? Not on my Wildest Dream! Yin-Yang Release!!" Biglang nag gesture ang Pretty Boy Player ng mga Handseals, sa sobrang bilis nito ay halos di masabayan ni Roan ang galaw ng mga kamay nito.

[Scorching Ice World]

Engulfed sa nagbabagang apoy at sobrang lamig ng mga snow crystals na pumalibot sa buong lugar, nilamon sina Roan at Pretty Boy Player pati na mga Goons at ang Merchant sa isang Parallel World. Seperate world na gawa lamang ng isang Skills na kilala sa tawag na Domain.

Para iwas sa mga mata ng ibang Tao, dinala ng Pretty Boy Player ang lahat ng nasasakop ng kanyang Domain sa Mundo ng pinaghalong Apoy at Yelo kung saan siya ang Hari, siya ang Overlord! Dahil separate world ito, malayang makipagbakbakan at magpatayan ang sinumang napa rito.

"Now, ilabas niyo na lahat ng mga alas niyo mga boys! Don't worry, walang Law Enforcer ang makakaalam o makakapasok sa Domain ko. Secret lang natin 'to!" Declaration of war ni Pretty Boy Player.

Oh.. Napansin ng Pretty Boy Player ang isang civilian at pet nito na pinapawisan at nilalamig at the same time sa gilid.

"Sino ka? Ba't andito ka sa Domain ko?" Tanong ng  Pretty Boy Player kay Roan.

"Anong problema mo hah? Nagbebenta lang naman ako ng loots, dinamay mo pa ako!" Mangiyak-ngiyak si Roan sa Lamig at Init na kanyang nararamdaman sa loob ng Domain. Para siyang maninigas sa lamig at matutunaw sa init!

"Oh.. Sorry, sorry. Di ko maalala may side character palang nasama dito, Ehehe. For the meantime, stay put at may tatapusin lang ako!" Sa isang wave lang ng kamay ng Pretty Boy Player ay nawala agad ang mga Status Ailments sa katawan ni Roan, nilagyan rin siya ng barrier bilang panangga.

"Damn you! Di mo talaga pinalalagpas mang insulto!" Powerless at walang magawa si Roan kundi tanggapin lahat ng ito habang tinatawanan lang siya ng Slime.

"I-isang kang High Level! Unfair! Ayaw kona, this above my pay grade," Withdrawal ng isa sa mga Goons ng Merchant ng makita ang kakayahan ni Pretty Boy Player.

Nang makitang isa-isang nag angat ng puting bandera ang mga Goons ng Merchant, "Anong ginagawa niyo mga ugok! Binayaran ko kayo para sa security ko!" Irritated na sigaw ng Merchant na parang daga na na-corner.

"Screw your money, screw your security! Ano sa tingin mo ang mangyayari kung lalabanan namin ang Halimaw na'yan!" Refute ng isa sa mga Goons.

"Argg.. Mga useless bum! Mga walang kwentang Players! Mga mukha kayong pera! Mga leechers, mga hoodlum!!" Roar ng Merchant.

"Sir Merchant, I think kailangan mo nang i rethink strategy mo ano? Alam kong alam mo na kung bakit ako naparito? Hmmm?" Naka float sa hangin ang Pretty Boy Player at nagpapalabas ng puting Aura na nag pi-pin down sa Merchant.

What? So, target pala talaga ng Player na'to ang Merchant in the first place? Flabbergasted si Roan sa natuklasan!

"Tsk. So alam mo na pala ang identity ko, I guess wala akong choice!" Naglabas ng itim na aura ang Merchant.

Ang aura na ito!? Ganitong-ganito ang aura ng Ghost na nakalaban ko sa Cave! Woah... A-anong sensation 'to? Imbis na matatakot si Roan sa Aura na ito ay mas lalo siyang ginaganahan, tingin niya, may kung anong kapangyarihan sa kanyang Beginners Bag ang gumising. Nagpipilit itong kumawala galing sa matagal na pagkatulog.

This power.. galing sa maliit na... Hammer?? Ang Hammer na tinutukoy ni Roan ay ang Hammer na galing sa Cave kung saan nakipag agawan siya sa Masked Player na si Faeryn. Pero for some reason, di tuluyang kumawala ang power na nag resonate sa Hammer. Dahil dito nadismaya si Roan, akala niya may power boost siyang makukuha pero fake news pala!

Kapangyarihan siguro to ng Mini Hammer? Siguro pag-aari to ng matanda na nag-bigay sakin ng Slime Tamer Class... tsaka ba't kaya nag react ang Mini Hammer sa Dark Aura? Habang lunod na lunod sa pag a-analyse si Roan sa posibleng secret power niya ay mas lalong lumakas ang Dark Aura ng Merchant. Inilabas na nito ang tunay na anyo, nag transform ito at naging isang halimaw, napakalaking halimaw!

May dalawa itong sungay na parang sa Sheep, may matipunong katawan na kulay pula habang ang mga paa nito ay may mga hoof. May dala itong espada na gawa sa buto ng dragon.

"I-is that a Baphomet?" Horrified na tanong isa sa mga Goons ng Merchant na ngayon ay nasa panig na nila Roan at Pretty Boy Player.

"Ibang laro tinutukoy mo, tawag sa kanila ay Evildread, at isa itong Demon Knight," Casual na sagot ng Pretty Boy Player.

"K-knight? So, isa lang pala tong low ranking Demon."

"Well.. Yes, low ranking Demon pero not an easy task na talunin ang isang to." Now, seryoso ng sumagot ang Pretty Boy Player, alam niyang hindi biro ang Demon na'to.

"K-Kahit ikaw di mo siya kayang labanan?"

"Sinong nag sabi diko kaya? Hah! Mahirap lang pero not imposible."

"How sure you are?" Tanong ulit ng ingliserong Goons ng Merchant.

"Because Im the strongest!" Sigaw ng Pretty Boy Player sabay paglabas ng kanyang sampung Ascension Rings.

Note: Pinalitan ko ang Battle Rings into Ascension Rings.

Author's note:

Minsan magtataka kayo dahil may nabago sa past chapter dahil pinapalitan ko ito. Baguhan lang po ako sa pagsusulat kaya maaaring magkaroon ng ilang mga pagbabago tuwing binabasa nyo ang mga chapter. Ine-edit ko ang ilang bahagi nito kung sa tingin ko kailangan talaga palitan.

Your votes and comments matter very much to me, because these will serve as inspiration and motivation to go on. Please continue on supporting this series, and consider this as a reward for spending all my time and effort para lang matapos ito. And if you have suggestions, reactions, etcetera, kindly leave a comment. They will be highly appreciated.