webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 18: Weaken

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang naganap nang bigla na lamang pumailanlang patungo sa Fire Fox ang mga paglitaw ng mga matutulis na tipak ng yelo sa kapaligiran. As if those ice shards naturally form at kumikilos ito sa kakaiba at nakakatakot na pamamaraan.

CHHAAAAKKKK!!!!

Tila natunaw na lamang ang mga namuong yelo at naging tubig na lamang sa kalupaan.

Pansin naman ni Evor ang pagbabago sa temperatura buti na lamang at hindi siya apektado ng abnormalidad ng temperatura dahil familiar niya ang may gawa nito.

Natuwa naman si Evor sa pangyayaring ito. Napahinga siya ng maluwag dahil muntikan na sila roon.

Pansin niyang tila naging manipis ang makapal na kaulapan at pansin niya na ang isang nilalang sa ere na halos kasinghugis lamang ng tao ngunit masasabi niyang medyo may kalakihan ito.

Lumakas ng tuluyan ang Fire Fox niya dahil rin ito sa tulong ng matinding pag-eensayo niya rito. Pansin na pansin ang tila pagbabago ng lakas ng Fire Fox habang nakatingin ito sa himpapawid kung saan naroroon ang nilalang na nagtatago sa makapal na kaulapan kani-kanina pa.

GRRRRR! GRRRR!

Tila hindi naman magpapaapi ang nasabing nilalang na ito kung saan ay mapapansin na hindi ito aatras lamang basta-basta sa lumilipad na nilalang sa ere.

Kahit si Evor ay pansing hindi din umaatras ang nilalang na ito bagkus ay mukhang lalabanan pa siya nito.

Ssshhhhhh!!!!

Nagpakawala ng malakas na tunog ang halimaw dahilan upang mapawi ang mga natitirang mga maninipis na ulap at naging tipak ng yelo.

"Hmmm... Isang 100 year old Summon Hero. Mukhang malakas ang isang ito." Sambit ni Evor habang pansin niyang tila ba hindi talaga titigil ang nilalang na ito.

Nagdadalawang-isip pa rin siya kung lalaban niya ang nilalang na ito. It definitely strong pero alam niyang hindi pa rin mananalo ang yelo sa apoy kapag init nito. Sunod sa batas ng kalikasan at galaw ng mundo, kahit bali-baliktarin pa rin ay malakas ang apoy kaysa sa tubig lalong-lalo na sa yelo ngunit maaaring mabali lamang ito kung sakaling malakas o sobrang lakas ng yelo kaysa sa apoy.

Sa huli ay napagtanto niyang importante ang nilalang na ito lalo na at nakakalipad ito hindi kagaya ng Fire Fox niya na sobrang mabilis ngunit sa himpapawid ay hindi nito kayang makipagsabayan.

Para kay Evor ay mas mabuting makuha niya ito to control his opponent in the future. How it suddenly turn a harmless water into an ice shard is really impressive pero sa uri ng atake nito ay mabilis itong natatalo ng kalaban niya.

Pansin niyang medyo may kalakihan lang ang pangagatawan ng nilalang na maihahalintulad sa tao sa himpapawid ngunit kulay bughaw lamang ang balat nito. Mapapansing hindi ito tao kundi isang summon hero. Kung titingnang maigi ay mayroong tipak ng mga kulay asul na enerhiyang nakabalot sa katawan nito habang mayroong matatalim ba metal ang nakabalot sa kamay nito.

Nagulat naman si Evor nang mapansin niyang tila walang nagmamay-ari sa summon hero na ito. Napangiti na lamang siya dahil hindi naman ito ganoon kalakas kumpara sa Stone Ox. Mahirap talunin sa ngayon ang Summon Beast na iyon ngunit may pagkakakataon siya ngayon na mapasakamay niya ang summon hero na nasa himpapawid.

Sssshhhhh!!!

Nakita naman ng ni Evor na galit na galit ang nasabing nilalang na lumilipad habang nagpakawala ito ng nakakarinding tunog.

Napatakip naman ng tenga niya si Evor sa lakas ng boses ng nasabing summon hero na hindi niya pa tukoy kung ano talaga ito.

Lumitaw ang kakaibang Magic Circle sa ilalim ng paanan mismo ng nasabing summoned hero. Maging ang kakaibang hugis card na bagay.

Lumitaw papalabas ng magic circle ang tipak ng mga naglalakihang mga yelo.

Napangiti na lamang si Evor sa kabagsikan nang nasabing summon hero.

"Isang dual attribute ang nilalang na ito. It's powerful voice could distract me kahit na nakapokus ako habang may kakayahan din itong kumontrol at magtawag ng yelo sa anumang pamamaraan. Ngunit hindi pa ito nahahasa mismo kaya mananalo ako sa isang ito!" Puno ng confidence na sambit ni Evor.

It turns out na hindi pala ito magaling sa pagkontrol ng sarili nitong abilidad ang nasabing halimaw. Kahit na 100 years old pa ito ngunit kakalabas pa lamang nito ng Opening Portal. Tama nga ang sabi ni Apo Noni na lahat ng babagay na pumapasok sa mundo nila ay hindi kaagad-agad nakakarekober sa pagkakapunta ng mga ito sa mundong ito.

Kahit nga siya ay nagkakaproblema rin sa pagkontrol ng gifts niya. Isa pa ay limitado lamang ito at hindi pwedeng abusuhin.

Masyado ring mabigat ang hangin sa mundong ito lalong-lalo na sa Summoners River kaya ang bagong alpas lamang na nilalang na ito ay hindi ito gaanong kalakas. It will take time to adjust theirselves here.

Kaya nga mas magandang kumuha ng mga Summon Beast o Summon Hero kapag Oras na bumukas ang Opening Portal which is ngayong buwan. Sa panahong ito ay mahihina pa ang mga Summon Heroes o Summon Beasts (Summons).

Agad namang tiningnan niya ang Fire Fox niya na ngayon ay lumilikha ng napakalaking Fireball.

Napangiti naman si Evor sa nakikita niya. Tama nga siya ng inaakala. Sobrang bagal pa ng paggawa ng kalaban nilang nilalang ng tipak ng yelo.

Lumipad naman si Evor sa ere gamit ang sarili niyang gift. Masasabi niyang ito ang hinihintay niyang pagkakataon lalo na at abala nat nasabing halimaw sa pagsummon ng mga malalaking tipak ng mga yelo.

Walang pag-aalinlangang hinawakan ni Evor ang Summoner's Rope na meron siya. Mabilis niyang ipinaikot-ikot ito at ibinato patungo sa hindi gumagalaw na kalaban nila. Kailangan niyang gawin ito to own this summon hero para magkaroon siya ng panibagong familiar.

Hindi patas ang mundong ito ng mga summoners kaya kung lalampa-lampa at puro awa na lamang ang paiiralin niya ay hindi siya lalakas at dadami ang mang-aapi sa kaniya. Normal lamang ito, without strength ay magiging stepping stone ka lang ng iba, panapal ka lang sa mga malalakas at susunod sa mga gusto ng mga ito na ayaw ni Evor na mangyari sa kaniya.

TAAAAA!

Matagumpay na pumasok at nagapos ni Evor ang nasabing nilalang sa beywang nito. Walang pag-aalinlangan niyang hinila ang pambihirang lubid upang higpitan ang pagkakahawak rito.

"Ngayon na!" Sambit ni Evor na siyang naintindhihan naman ng familiar niyang isang Fire Fox.

Nagpupumiglas ng malakas ang nasabing summon hero na ginapos ni Evor. Buti na lamang at mayroong gift si Evor ng lakas ng isang ordinaryong gorgon glaing kay Nescafra kaya hindi siya mapupwersa ng nilalang na nabitag niya gamit ang nasabing lubid.

Pinakawalan ng malaking Fire Fox ang napakalaking bolang apoy na ginawa nito patungo sa nasabing summon hero na hindi pa nito tukoy kung ano.

BANG!

Sumabog naman ang lugar na kinaroroonan ng summon hero na kahit ano'ng pagpupumiglas nito ay hindi pa rin ito binibitawan ni Evor gamit ang summoners rope.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita ni Evor na duguan ang katawan nang nasabing summon hero at mapapansin ang panghihina nito

In the end, it turns into a summoners ball na kulay asul na agad namang nilapitan at kinuha ni Evor sa ere bago pa ito tuluyang mahulog sa kalupaan.