webnovel

Layla (A Mobile Legends Story)

Note: This is a Tagalog-English story.

sarcaztic · Video Games
Not enough ratings
2 Chs

Chapter 1, A Fifteen Year Old Girl

Nakalapat ang likod ko sa may dingding, nakalagay ang mga braso sa ilalim ng dibdib at naka-crossed, at ang binti ay nakapatong sa isa ko pa na binti.

Tangi ang mga maririnig lang ay ang maingay na pagkalampag ng sahig na may kasama na buzzes dahil sa pagtama ng quadratic metal na nasa ilalim nito, ang clicks ng shaft sa rails habang hinahatak nito ang buong cabin, at pati ang pagputok ng exhaust pipes sa tuwing lumalabas ang usok mula sa mga butas nito.

Huminto ang elevator na seven feet wide and deep. Inalis ko sa pagkakalapat ang likod ko, umalis sa puwesto, at lumapit sa may control system. I pushed the two levers on both sides while I pulled down the one at the center, ito ang access to turn off its engine.

I place my fingers sa may downward na butas ng gate, hinawi ko papuntang kaliwa para ito ay bumukas. Binaling ko ng bahagya ang katawan ko, holds the handle ng may six wheels na wagon na nasa tabi ko at sabay hinatak ko ito palabas, leaving the door fully open.

Inikot ko ang wagon, itinapat ang lights sa may unahan at ang handle sa aking harapan. At kung sakali man na ito ay mapuno, hindi ito mabigat na itulak o hatakin, dahil sa may sarili ito na engine na umaayon sa galaw ng mga wheels nito; kapag pasulong ang takbo nito ay automatic ito na aandar na ayon sa lakas ng pagkatulak, at maging kapag paatras ay ganoon din.

Ang daan na tanging ang ilaw lang na mula sa itaas ng threshold ng elevator ang nagsisilbing liwanag. Sa both sides ko ay mga nagtataasan na steel pallet racks.

Medyo matagal at malayo na naman ang lalakarin ko.

Binilisan ko ang paglakad, pushing the wagon, then, marahan na tumakbo, at hanggang sa ako ay tumatakbo na ng mabilis. I quickly stepped on the edge below the wagon, and hold on tight. I turn myself from one side to another in order for the wagon to follow and while kepting its balance.

Tumigil lang ako noong malapit na ako sa isang gate, and say, "Gustong-gusto ko talaga kapag ginagawa ko 'yon!"

It went start to lift at clanks nang ibinaba ko ang lever. Inilapat ko naman ang palad ko sa switch button na nasa may dingding, at diniinan ito. Unang bumukas ang malabo na mga lights, bahagya nang maaninagan ang mga bagay sa loob.

"Kahit alin dito ay pwede ko na kuhain, 'di ba?" tanong ko sa taong nag-iinat, nakasuot ng sleeveless brown leather jacket.

"Sa makalawa[ng sunod na buwan] ay tutunawin na ang mga iyan[piyesa]," sagot naman niya sa during his yawn. "Tignan mo na lang kung mayroon ka pa mapapakinabangan diyan."

Sumunod naman na bumukas ang maliwanag na main lights.

Umalis ang lalaki, siya ang nagbilin sa akin noon pa na kahit ano ay maaari kong kuhain sa loob para sa mga nais ko na gawin na mga invention o kundi naman ay bilang souvenirs.

Inilagay ko ang mga kamay sa may likod ko at tumalikod ng paikot, paharap sa palikong daan na may libo-libong mga kagamitan. Iniangat ko ang hita ko, nakaunat ang binti at saka humakbang ng isa.

Tumingin-tingin ako sa paligid, sa itaas na may mga pieces of metal, sa ibaba na may iba't-bang sizes of wheels, sa kanan na kung saan ang detailed inventions, at bago pa man ako huminto sa mumunti at mababagal na mga paghakbang.

Para ba akong isang innocent girl at para bang hindi pa ako makailang beses na gumala sa area na iyon. Ito na ang pangatlong araw ko dito, at ang magiging huli ko. Kaya dahil dito, ay nagpunta na 'ko sa dark basement para pumili ng mga dadalhin sa pag-uwi.

Inalis ko ang mga braso sa likuran, itinaas ang isa, at binuksan ang kamay. Ginamit ko pantaboy ng mga nakaharang na gamit ang isa kong kamay, hindi naramdaman ang matatalas na talim dahil na din sa suot na gloves. Siniko ko na din ang iba pa, at inabot ang silver curvy metal.

Once I have touched it, hinila ko ng may puwersa dahil sa naipit ito sa pagitan ng mga metals. Nabulabog naman ang mga alibok, diretso sa 'king mukha. Tinakpan ko ng libre kong kamay ang ilong ko, pilit na kinulob ang tunog ng pagbahing, dalawang beses na magkasunod. Suminghot ako, pinadaan ang hintuturo na daliri sa dalawang butas ng ilong, baka mayroon na hindi sinasadyang tumulo.

Itinuloy niya ang paghila sa steel hanggang sa ito ay bumingit sa kanto ng pallet. Kaya pala ito mabigat ay dahil sa may cables pa na connected dito. Pati ang maalikabok na tela ay aksidente na sumama at bumalot sa cables, matagal ito na nakatambak sa dating puwesto.

Isang handle ang kanyang nakuha, ordinary at malapit nang maluma, ngunit, matibay pa naman at magiging useful pa din.

Biglaan naman siyang bumahin nang hindi man lang natatakpan ang ilong. Maririnig ng paulit-ulit ang alingawngaw nito sa rows of steel pallet racks ng mga patapon na mga inventions, kabilang ang old guns, engines, at machines.

Napalingon tuloy sa basement ang dalawa sa mga workers na nasa labas habang inaayos ang mga dapat ibenta sa araw na iyon.

It was only a sneeze.

Hinatak ni Layla ng kaunti pa ang handle upang makita niya kung saan ito dapat putulin, tatlo na hatak bago ito tuluyan na lumaylay.

Itinaas niya ang kanyang right thigh at she bend forward para kapain ang nasa may binti. Binunot niya pataas ang isang dangkal na laser cutter sa gilid ng boots, at ibinaba na ang paa. She turned it on, moves her hand in a straight line. At inalalayan na niya ito bago pa man bumagsak.

Malayo masyado ang pagitan niya at ng pushcart, napalakas talaga ang pagtulak niya. Kaya naman, kinailangan pa niya tuloy itong lakarin.

At habang naglalakad ay siyempre, naghanap pa din siya ng iba pang mga kailangan at magagamit. Nang siya ay nasa tabi na nito, ibinagsak na niya handle sa loob, at ang pinakauna sa magiging mga kargada nito.

Mayroon isang area na hindi gaano tinatamaan ng lights at naging curious ako about it. Dapat kahapon ko pa sana ito balak puntahan.

Binuksan ko ang flashlight na nakadikit aking sentido, nakasukbit at nakaalalay sa tainga.

Nailawan ko ang bagay na nasa may corner, it was wide and tall. Full of details na machine, nakakalitong switch buttons, levers sa magkabilang tabi, at tube na probably ang daluyan ng main power. Mayroon itong damage, isang malaking butas, maitim ang gilid na parang ito ay nasunog. Maybe isang malfunction, kung kaya, ang dahilan ng pagputok nito. Mayroon din tatlong magkakadikit na rusty exhaust pipes sa tabi, naka-connected sa pinakaibaba ng machine at nagtatapos ang dulo sa likuran na bahagi.

Tinadyakan ko ang machine, pinatamaan ko ng labi ng sapatos na isang klaseng matigas na balat. But, there is no vibration, na dapat sana ay aakyat ito. It only means na siksik at nasa loob pa ang kabuuan na mga pyesa.

"Mukhang may mapapakinabangan pa sa iyo." bulong ko sa machine.

Ang board ng switches ay kinakalawang na mga turnilyo, but, maaari pa naman ito na tanggalin ng hindi masyadong pinopuwersa. I picked up the screw hanging from my belt.

Matapos ko maalis ang mahihigpit na mga turnilyo, sunod ko naman siniksik ang point ng knife sa manipis na awang ng board, ginalaw-galaw ko ito upang lumuwag sa pagdikit. Matapos ito maiangat, sunod naman niya na pinutol ang wires na still connected sa loob.

Inipit niya ang board sa kanyang mga daliri, pinaikot-ikot, tinitignan ang kabuuan na itsura.

I am pouting the lips, and raise an eyebrow, "Pwede na din."

Marahil nga na walang pakinabang ang isang ito, but, this might be used pa din as a button for switching gears to level up and down the power of a scientific weapon.

Sumunod, binaling ko muli ang atensyon ko sa madilim na area. Dito ay tinamaan ng ilaw ng flashlight ang isang silver thing medyo malapit sa machine. Para itong isang capsule o kundi naman ay oval shape.

I touch the button of the flashlight to move its light to the center and to remain focus.

Nasipa ko ang mga nagkalat na pipes sa sahig. Pumulot ako ng isa, ginamit na pangkatok to the surface of the capsule thing. Tunog ito ng pure metal, malalim kapag pinakinggan ng mabuti, but, with vibration. There is a space inside.

I took a piece of cloth inside the bag, spread it and fold three times. Sinimulan ko punasan ang part sa ibaba ng capsule thing, then the center part. I even stepped on it, inabot ang top part while I lying down with my belly. Gusto kong makita ang full form nito kapag wala na gaanong dusts and cobwebs.

Mayroon line sa gitna, marahil ito ay ang opening nito. Again, I took the laser cutter from my boots, upang masubukan at malaman ko kung ito ba ay kayang mabuksan.

Hinawakan ko ang laser cutter na parang pencil using right hand. Ngunit, hindi tumagos ang laser, sa halip, mabilis itong tumalbog. Nanlaki ang mga mata ko, muntik nang matamaan ang aking innocent face.

Napalunok na lang ako, put it the cutter back down and turn it off.

Nakaamoy ako amoy nasusunog, I open the mirror under my wrist, itinapat sa aking mukha. As usual, I still have my golden eyes, pointy nose and thin nose, and pink painted lips. But, my blonde hair is damaged. Nasunog ang bangs ko, so, I have to cut it off when I got home.

I took a deep sigh together with rolling eyes.

"Okay." bulong ko.

Hindi tinablan ng laser cutter na can cut anything that needs to be cut.

Isa itong super solid and not only an ordinary dark silver metal.

Pinuntahan ko ang wagon, inilagay ang board ng switch buttons dito. Kumuha ako sa compartment ng isang hammer, at crowbar.

Aksidente ko nakita ang isang worker doon na kasalukuyang naglilipat ng mga kagamitan, ngumiti siya sa 'kin.

May bigla akong naisip.

Bumalik ako sa dark area, kasama na ang dalawang workers.

Inumpisahan ko ang pagpalo ng hammer sa capsule machine. Grip, breath, smash. But, wala itong talab.

Ang lalaking may dalang sledgehammer ang sununod. Maski ang malakas na impact ay wala pa ding talab. Dalawang crowbar ang ikinalso nila sa awang na nasa gitna, at buong lakas na hinatak. They are already frowning with a grit teeth, labas na labas na din ang mga ugat sa kanilang naglalakihan mga braso. Still, it's no use, even a single sound of a crack.

Makailang beses man nila na balik-balikan at pilitin itong buksan ay hindi pa din nila magawa.

Hinintay ko na makaalis ang mga lalaki. Nagpalinga-linga muna ako, bago ko kuhain ang nasa secret pocket; isang handgrenade. I place my finger on the pin, at hinawakan ng mahigpit ang grenade. I was placing it over my chest, preparing.

I sigh, and then say, "Sino ba ang niloloko ko."

Ibinalik ko na lang ito sa bag.

Baka matulungan naman ako ni Rick ukol sa capsule machine, kaya, isasantabi ko muna ang isang ito.

Iniwan niya ang capsule machine, itinuloy ang paghahanap ng possible supply moving back to the wagon.

Si Rick, na siyang may-ari ng buong lugar, ay naghihintay sa may threshold ng gate.

"Iilan lang talaga ang pwede pang mapakinabangan sa loob[ng basement,] 'no?" sabi niya.

Pagkalabas ko ay itinaas niya ang lever, the gate clanks and slowly goes down. Ako na ang tumapik sa switch button to turn off all the lights.

I walked along with him, placing my foot on the edge of the wagon while the other kicks to create speed.

Magsasalita na dapat ako ng bigla namang may sumigaw mula sa malayo. "They've arrived!" Napatingin ang mga mata ni Rick sa kanya na kasalukuyan pa na nakatingin sa akin.

Nagsimulang umangat ang pinakamalaking gate.

"Mga bagong cargo?" tanong ko sa aking paglingon doon sa gate.

Nagturo siya ng isang area, alam ko na agad na ang tinutukoy niya na naroon ang ang mga binili ko sa kanya.

Naghiwalay na kami ni Rick, nagtungo na ako sa counter habang siya ay papunta sa mga dumarating.

End of Chapter 1

2029 Words

Comment your thought and don't forget to vote!