webnovel

Lavandeir's Revenge (Revised Version)

Underground Organization Series 1 : Completed Lavandeir Trinidad is an outcast of Elites College University. She was the only one who's a scholar student, the only reason why she was being bullied by most of the students. The leaders of the bullies are the Elites, which are consisting of few individuals who are part of the richest socialites. One day, someone offered her to be part of an organization. An organization which she didn't expect it to be existed in reality. She'll meet few new students which she started to suspect that they're also a member of that unknown organization. Will she trust them? A/N : This story was made since 2018 and completed in 2021. I just revised it to a new version but the plot, characters, and settings were still the same. The story consist of action, mystery, teen romance, betrayal, and love.

Parisfrans99 · Teen
Not enough ratings
51 Chs

Visiting My Mother's Place

Lavandeir's POV

Halos kalahating oras nang nandito kami sa sasakyan. Hindi naman sinabi nila kuya at lolo kung malapit na ba kami o matagal pa ba. Si lolo nando'n sa passenger seat habang kaming dalawa ni kuya ay nasa back seat.

Sinulyapan ko ang lalaking nakapormal na black suit habang nagd-drive ito. Kung iisipin mong mabuti... May mamahaling sasakyan tas may driver pa at nakapormal pa ang suot nito. Mukhang hindi lang ito driver kasi may nakita akong baril na nakaipit sa hip line ng black pants niya. Meron din itong earpiece at sa porma niyang iyan, alam kong isa siyang body guard.

Hindi ko talaga inasahan na ganito dahil wala nga kaming pera at alam kong mahirap lang kami, na kailangan pang magtrabaho ni kuya para makapag-aral at kailangan pa ako ng sponsor. Pero bakit?

Ang dami kong gustong itanong kay kuya pero alam kong kung anu-anong kaabnuyan lang ang isasagot niya. Naisip kp tuloy ay baka iniiwadan na muna niyang sagutin ang mga tanong ko.

Bumuntong-hininga ako at umingin ulit  sa labas. Iniisip ko si Ex.

Naalala ko ang nangyari kanina. Ang naging reaction niya, ang mga sinabi niya. Lahat tungkol sa kanya ang laman ng isipan ko. Ang dami kasing mysteryo na pumapalibot sa lalaking iyon.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko at nakita ko ang message ni Kern.

*From: 09*********:

Someone's following your brother... It turned out she's one of the cousins. Dont worry nagawan na namin ng paraan para iligaw siya. Secure this message. Goodluck!*

Kumunot ang aking noo nang mukha seryoso siya sa kanyang message at walang side comments ng kaabnuyan niya. Hindi ko na siya nireplyan tsaka nilingon si kuya. Kumunot ang aking noo habang pinagmamasdan siya.

Bakit? Anong meron kay kuya ba't sinusundan siya ni Natsy? Wala namang text or missed call si Natsy. Kung may gusto siyang sabihin o ano ba't hindi siya tumawag or magtanong sa akin o kay kuya?

Base sa expression ni kuya ay mukhang wala siyang alam dito. Kalma lang ang mukha nito at nakatingin pa rin sa labas.

Bumuntong-hininga ako dahil kahit anong pag-iisip na gawin ko ay wala akong makuhang sagot.

Hindi ko na muna sasabihin 'to kay kuya kasi baka pati siya ay magduda pa kay Natsy at ang worst pa diyan, baka isipin niyang obsessed si Natsy sa kanya. Iba pa naman 'to mag-isip.

'Bakit Natsy? Sino ka ba talaga?'

Hindi kaya ginagawa niya ito para alamin ang nangyari sa akin? Baka nagkamali lang si Mais at akala niya si kuya ang sinusundan.

Nawala sa isipan ko ang message ni Kern kanina nang huminto ang kotseng sinasakyan namin. Tiningnan ko ang unahan at nakita kong nakahinto pala kami sa harap ng malaking gate. Simple lang ito pero pang mayaman. May dalawang malaking puting haligi. Black ang gate tas makikita mo ang loob.

May dalawang nakaitim na lalaki ang nagbukas nito at umandar ulit ang sinasakyan namin para pumasok. Nakita kong may mga maliit na parang CCTV camera sa bawat gilid ng haligi at gumagalaw pa ito.

Nilingon ko ang likod at nakasunod sa amin ang isa pang itim na sasakyan. Nandoon ang tatlo pang body guard. Kung tama man ang kutob ko... Mayaman si mama. Pero bakit? Bakit hindi ko alam na mayaman pala siya at bakit kami namuhay ng simple? Kontento na ako roon kasi masaya naman kaming tatlo sa maliit na bahay namin pero bakit inilihim pa nila sa akin? Hindi na sana ako umaasa pa sa sponsor ko at umalis na lang sa ECU noon pa. Pero wait...

'Sponsor? May sponsor ba talaga ako?'

Inalis ko na muna iyon sa isipan ko at tiningnan ulit ang daan. Malawak na daan ang dinaanan namin at may mga punuan na maayos na nakalinya sa bawat gilid. Mga five minutes lang ata nang huminto ulit ang sinasakyan namin. Unang lumabas ay ang body guard na nag-drive sa amin at pinagbuksan niya ng pinto si lolo. Ang ibang body guard na nasa likod na sasakyan na nakasunod sa amin ay binagbuksan din kami ni kuya.

'T-Teka lang! Hindi kaya nanaginip pa ako? Parang ang OA naman ng setting?'

Nakakapanibago pa sa feeling na ganito. 'Yong may mag-a-assist sa 'king ibang tao. Hindi ako sanay at lalong-lalo na't hindi pa rin ako makapaniwala kung tama ang kutob kong mayaman si Mama.

Paglabas ko ay ang unang bumungad sa akin ay ang isang napakalaki at napakagandang bahay o mansion. Dirty white ang color nito at dark blue ang kulay ng bubong. Dalawang palapag ito at may terrace. Nababagay pa ang mga lamp post na nakailaw na ngayon, hapon na kasi. Malapad ang space ng bahay at mukhang parating inaalagaan. Buhay na buhay pa ang mga halamang mga nakaayos sa gilid at may iba't-ibang kulay ng bulaklak.

'Ang ganda! Ayokong magising kung panaginip man ito!'

"Maganda ba sis?" biglang tanong ni kuya sa akin. Hindi ako nakapagsalita kasi nakatulala pa rin ako sa ganda nito. Isang tango lang ang sinagot ko sa kanya.

"Pasok na kayo apo," sabi ni lolo at nginitian ako.

Pagpasok ko sa loob ay napahinto pa ako kasi naagaw ang atensyon ko sa doormat. Instead na welcome ang nakasulat nito ay iba ang nakalagay. May apat na pares na hugis ng paa ang nakaukit rito. Ang isang pares ng paa na nasa gitnang kaliwa ay paa ng isang napakaliit na bata at ang isa ay mas malaki kumpara sa kaliwa. Tas 'yong dawalang pares ng paa na nasa bawat gilid ay mukhang paa ng lalake sa kanan at paa ng babae sa kaliwa. Sa ibaba nito ay may nakalagay na date.

'12/25/20**.'

Magkatulad ang petsa ng birthday ko.

Tumingin din si kuya sa doormat tsaka inakbayan ako. "Alam mo ba sis? Sabi ni mama na natapos gawin 'tong bahay na 'to ay noong isang taon ka pa lang. No'ng birthday mo. Tulad nitong doormat kaya nga nilagyan nila ng date."

Kumunot ang aking noo. Bumigat ang aking pakiramdam. Nakakapanibago sa akin na pinag-uusapan namin ito. Na parang sa tagal at haba ng panahon na nandito ako sa mundo ay ngayon lang niya kinukwento ang tungkol kay mama. Hindi ko ma-imagine na may mama pala ako.

Matagal ko nang tinatanong ang tungkol sa kanila pero hindi naman sasabihin ni lolo hanggang sa hindi na lang ako nagtanong pa.

Lumapit naman si lolo sa 'min at sinuri ang tinitingnan namin. "Itong mga paang ito ay sa inyo. Ginawa itong doormat n'ong isang taon ka pa lang apo. Sa 'yo iyang pinakamaliit tas sa kapatid mo 'tong isa. Ito namang nasa kanan ay sa papa ninyo at sa kabila ay sa mama ninyo."

Sa sinabi ni lolo, hindi ko maiwasang abutin ang mat at hawakan ito. 'Di ko rin napigilang 'di maiyak. May part na natutuwa ako na may ganito pa pala. Natutuwa ako pero 'di ko mapigilang malungkot. Malungkot kasi wala man lang akong chance na makita sila.

Tumabi si kuya sa akin at hinihimas niya ang likod ko. Tiningnan ko si kuya at niyakap. "Kuya!" Humihikbi ako habang nakayakap sa kanya. Gusto ko lang siyang yakapin. Wala namang ibang dadalo sa 'kin sa mga oras ngayon at siya lang.

"Wow sis... Na-miss ko itong pagiging bata mo." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at patuloy na humihikbi. "No'ng bata ka palang, parati kang nagsusumbong sa akin habang umiiyak kapag may umaaway sa 'yo. Haha!"

"Sorry apo. Ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat balang araw. Ikaw na muna bahala diyan," sabi ni lolo.

"Don't worry lo. Susulitin ko muna ang pagiging bata niya. Baka pagkatapos nito, magpapanggap na naman itong magaling at malakas. Haha!"

Napatigil ako sa paghikbi. Humiwalay ako sa yakap at sinapak siya. Nagulat naman siya sa pagsapak ko sa kanya. "Kuya naman eh!"

Nag-iba ang expression niya tas pinisil ang magkabilang pisngi ko. "Oh baby 'wag ka na iyak. Nandito lang si kuya..." Naging blanko ang expression ko at tiningnan siya nang sarcastic. Ito na naman po siya. Umaandar na naman 'yong sakit. "Stop crying baby it makes you more pangit oww!"

Tinatrato na niya akong bata ngayon. Hay naku! Tumayo ako at tinulak siya nang pabiro. Napaupo naman siya sa sahig at iniwan ko siya doon. Pinahid ko ang luha gamit ang aking kamay at hindi na pinansin ang mga pinagsasabi niya.

"You bad baby! You bad!" pagmamaktol pa niya.

Abnoy talaga! Sino kaya ang mas bata sa 'min nito? Diyos ko! Nawala tuloy 'yong moment ko!

Inilibot ko ang tingin ko sa loob nitong bahay. Ilang taon na ito pero mukha pa ring bago. Sino kayang naglilinis nito eh wala naman akong nakitang maids?

May apat na sofa na nakapalibot sa mamahaling mesa maliban sa right side since may malaking flatscreen TV na nakadikit sa dingding. Maganda rin ang sala at bumabagay pa ang ilaw nito. Hindi masyadong maliwanag. Ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang isang malaking glass door at makikita mo ang napakagandang tanawin sa labas. May mga de-cushion na upuan din d'on.

Hindi ko aakalaing ganito kaganda rito.

"Halika aking kapatid at tayo'y maglalakbay patungo sa paraiso." Biglang sumulpot si kuya sa tabi ko at agad na hinila ako palabas.

Lumabas kami d'on sa may sliding door at kita ko pa ang nasa labas.

"Wow!" hindi ko mapigilang hindi mamangha. Napakaganda talaga!

Hindi ko tuloy matanong kay kuya ang tungkol kay mama dahil mukhang parang may iniisip siyang masasayang nangyari, na mukhang may naalala sa lugar na ito.

Pumunta kami sa may parang sofa sa labas na nakapabilog at umupo ro'n. White ang foam nito at black ang gilid. May black na bilog na mesa sa gitna. Hindi ito mababasa ng ulan dahil mukha itong gazebo pero mas malawak at hindi pabilog ang desinyo.  Makikita mo rin ang swimming pool mula rito tas makikita mo rin kung gaano kaganda ang buong bahay.

"Ito ang pinakapaboritong tambayan ni mama no'ng buhay pa siya," sabi ni kuya na parang inaalala niya ang mga alaalang nandito pa si mama. Buti pa siya at may alaala sila.

"M-may picture ka ba sa kanya?"

Hindi siya sumagot at kinuha lang ang cellphone niya. Binigay niya ito sa 'kin. "Si mama ang wallpaper ko."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. "A-ano?"

'Yong wallpaper na 'yan na akala ko kinuha lang niya sa google?'