webnovel

Lavandeir's Revenge (Revised Version)

Underground Organization Series 1 : Completed Lavandeir Trinidad is an outcast of Elites College University. She was the only one who's a scholar student, the only reason why she was being bullied by most of the students. The leaders of the bullies are the Elites, which are consisting of few individuals who are part of the richest socialites. One day, someone offered her to be part of an organization. An organization which she didn't expect it to be existed in reality. She'll meet few new students which she started to suspect that they're also a member of that unknown organization. Will she trust them? A/N : This story was made since 2018 and completed in 2021. I just revised it to a new version but the plot, characters, and settings were still the same. The story consist of action, mystery, teen romance, betrayal, and love.

Parisfrans99 · Teen
Not enough ratings
51 Chs

Trust

"Occasionally other people come in between us, don't they? We might as well agree not to trust each other right?"

...

Lavandeir's POV

"Anong ibig sabihin nito Kim?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Dinala niya ako rito sa mini gym kung saan ko paulit-ulit na nararanasan ang mga kagaguhan nila. Madilim na rin kasi kaya nagtataka akong dinala niya ako rito. Hindi siya nagsasalita at wala ring emosyon ang kanyang mukha simula pa kanina no'ng nakita ko siya sa room 105.

"Let's go inside. I have something important to show to you." Hindi pa ako nakapag-react ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa loob. Bukas naman ang mini gym kaso madilim, walang ilaw.

"Anong meron dito? Kim! Kinakabahan na ako eh."

Hindi siya nagsalita. Nagsimula na rin kong kinabahan dito at nanayo ang aking mga balahibo. Palingun-lingon pa ako sa paligid pero wala akong masyadong makita sa sobrang dilim. Huminto bigla si Kim at nakita ko ang galit niyang tingin. Nakaharap kasi siya sa liwanag ng buwan na galing sa labas.

"Dapat ka talagang kabahan," malamig na pagkasabi niya.

Nanlaki ang aking mata at mas lalong nagtaka sa sinabi niya. Nag-iba rin ang tono ng kanyang boses, dahilan ng nananayo ang aking balahibo. Tumibok nang sobrang bilis ang aking puso nang klase-klaseng scenario ang possibleng mangyari na pumasok sa aking isipan. Hindi ako nakapag-salita dahil nabato na ako sa kinatatayuan ko. Lahat ng warning nina Ex at Natsy sa akin ay muli kong naalala. Muling bumalik sa akin ang scenario n'ong nakita ko siya kasama si Clent at noong nabasa ko ang message niya noon sa garden. N-nagkamali ba talaga ako?

Unti-unti akong napapaatras nang may napansin akong mga gumagalaw. Mga pigura ng mga tao. Alam ko na kung sinu-sino sila. Papalapit sila lahat sa akin kaya naisipan kong tumakbo. Pero biglang lumiwanag ang paligid kaya napahinto ako.

Nakita ko si Elayah sa may switch malapit sa pinto. Nakangisi siya sa akin, iyong ngisi ng demonyo. Sa gilid ng pintuan ay nando'n din sina Kei at Justine. Nilingon ko si Kim na katabi na ni Clent, nakahawak pa si Clent sa bewang niya. Tiningnan ko siyang nagtataka.

"Surprise!" nakangisi niyang sabi. Nag-iba rin ang aura niya. Hindi ko na siya nakilala at ibang-iba sa Kim na kilala ko.

"B-bakit Kim?"

"Sorry my friend... Oops!" Nag-akto pa siyang nakatakip sa kanyang bibig. "Hindi pala kita kaibigan. Well of course, I just used you para makasali ako sa Elites."

Parang binagsakan ako ng langit at nahulog sa empyerno. Hindi ko alam kung anong mas masakit na narinig ko ngayon. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang nangyayari. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.

"K-kailan pa?" Hindi ko na mapigilan, napaiyak na ako dahil siya na mismo ang nagsabi na ginamit niya lang ako. Kahit matagal na akong may kutob sa mga kilos niya, binalaan pa ako nina Natsy tungkol sa kanya ay hindi ko pa rin matangap.

Napatingin ako kay Jax na tumayo sa kanyang inuupuan, hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala siya diyan. Galit ko siyang tiningnan. Wala na akong pakialam, gusto kong malaman kung bakit nila ako ginaganito. Ano ba ang dahilan? Dahil lang ba ay mahirap lang ako? Sumusobra na sila!

"B-bakit mo 'to ginagawa sa akin? Ano pa ang rason mo?" Hindi na humihinto ang mga luha na patuloy umaagos sa aking mga mata. "Dahil lang ba mahirap lang ako? Dahil nakasali ako sa rank 2? ANO PA ANG RASON MO!?"

Bigla akong napaupo sa sahig at napahawak sa aking kaliwang pisngi nang sinampal ako nang malakas ni Kim.

"You loser! Huwag na huwag mong sisigawan si Jax dahil hindi mo siya kilala!" galit na galit niyang sabi sa akin. Hindi ko alam kung anong kinagagalit niya. Parang may iba pa siyang pinaghuhugutan.

"H-hindi na kita nakilala."

Napatawa naman siya sa sinabi ko na ikinatataka ko. "Hindi mo naman talaga ako kilala. Hindi mo nga alam kahit isang katiting ng pagkatao ko. Don't you ever look at me like that! You deserve it!"

"Deserve? Bakit ano bang ginawa ko?"

"Nothing." Napatingin naman ako kay Jax nang siya ang sumagot sa tanong ko. Nakatayo siya sa harap ko at tiningnan ako na parang isang aso lang. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit hindi na ako natakot sa mga titig niyang parang handa ng papatay. "I am just doing this for fun! And I wanted to use you for something. I realized that you're useful in another way."

Mas lalo akong nagtaka sa mga pinagsasabi niya. Silbi? Ibig sabihin ay gagamitin nila ako, pero sa ano? Para saan?

"A-anong ibig mong sabihin?"

Ngumisi naman siya sa akin. "You don't need to know."

Ngumisi na naman siya sa 'kin tsaka tumingin sa mga kasamahan niya at tinanguan. Naglakad siya palayo at nakita kong may tinawagan siya sa kanyang phone.

Mas lalo akong kinabahan nang lahat sila ay lumapit sa akin. Nakita ko pang may hawak na video recorder si Clent habang si Kim ay nanunuod lang sa akin, galit ang kanyang reaction at nakakuyom ang kanyang kamao. Inirapan niya ako at hindi na tumingin pa sa gawi ko.

Kim, bakit? Bakit mo 'to nagawa sa akin?

"A-anong gagawin ni'yo?" takot na takot kong sabi sa kanila.

Bigla-bigla ay sinipa ako sa tagiliran ni Mia kaya napaaray ako at napaiyak sa sobrang sakit. Nakahiga ako sa sahig habang nakahawak sa aking tagiliran. Para akong pinalo ng dos por dos na kahoy sa sakit.

Nakita ko si Clent na nakahawak sa camera. Kinukuhanan niya ang nangyayari at hindi ko alam kung bakit.

Sunod-sunod akong napapaaray nang patuloy nila akong sinisipa. Sinasampal pa ako ng mga babae kaya napapikit na ako sa sakit. Hindi ko na alam kung sino-sino sa kanila ang sumampal. Sinuntok pa ako sa aking tiyan kaya napaubo ako. Parang nawalan ako ng hangin bigla at hindi makahinga sa sakit.

Mga ilang minuto nila iyong ginagawa at hindi ko na alam ang ginagawa ko. Patuloy lang akong nanalangin na sana ay matapos na ito. Gusto ko sanang manalangin na sana patay na lang ako kaso hindi. Gusto kong malaman kung bakit nila ito ginagawa. Alam kong may iba pa silang rason dito at nagkaroon ako ng kutob na may iba pa talagang dahilan dahil may ibig-sabihin ang sinabi ni Jax kanina.

Ang sakit! Ang sakit!

Lahat ng parte ng katawan ko ay masakit!

Hindi na ako makagalaw nang tumigil na sila. Bugbog sarado ang aking katawan at hindi ko na magawang ibuka ang aking mga mata. Narinig ko na lang ang tunog ng metal na kumakalinsing. A-anong gagawin nila?

Sinubukan kong buksan ang aking mata para makita kung anong ginagawa nila. Medyo blurred man ang aking nakikita- kasi maliban sa nanghihina na ko at puno ng dugo ang aking mukha- ay nawala sa akin ang aking salamin. Nawala 'yon n'ong may sumampal sa akin. Nakita ko pang nasira iyon.

Nakita ko si Kei na may hawak na isang metal. Nakita ko ring may umaapoy, parang isang bagay na ginagamit para mag-barbecue. 'Yong barbecue grill, yun pala ang may umaapoy. Pero... Anong gagawin nila diyan?

Hindi ko masyadong makita ang ginagawa niya pero parang inilagay niya ang dulo ng metal sa umaapoy na barbecue grill.

Nabigla ulit ako nang hinawakan ako sa magkabilang kamay ko. "Don't move you bitch!" boses iyon ni Justine. Narinig ko pa ang boses ni Mia na tumatawa. Sila pala ang nakahawak sa akin.

Hindi na ako nakapag-react pa nang biglang pinunit nila ang likuran ng blouse ko. Hindi ko na magawang mag-salita pa. Masyado na akong mahina. Nakita ko si Kim na tumalikod at parang may binubulong sa sarili.

Bumuntong hininga siya at nang humarap siya ulit ay kinuha niya ang metal na hawak ni Kei kanina. Nakita kong may isang guhit sa dulo ng metal. Parang letter L. Namumula pa ito dahilan na mainit ito at nagbabaga pa.

"L for loser," sabi niya at lumakad siya sa likuran ko.

"W-WAG! AHHHHH!"

Hindi ko mapigilang sumigaw sa hapdi at sakit sa aking likuran. Sa ibaba ng likuran sa leeg niya iyon tinira. Parang nasusunog ang aking balat at hindi ko makayanan ang sobrang sakit. Hindi rin ako makawala kasi hinawakan nila ang magkabilang braso ko.

"AHHH! TAMA NA! TAMA NA KIM!"

Masakit! Sobrang sakit! Hindi ko na makayanan pa. Nasusunog ang aking balat. Nahihilo ako nang maamoy ko ang balat kong nasunog. Nakakasuka! Nakakapanghina!

Gusto ko na lang mamatay.

Tinigil naman ni Kim ang pagdampi at agad nilang binuhusan ng tubig. Binitawan nila ako at na-landing ang mukha ko sa sahig. Hindi ko na kaya at hindi na rin ako makagalaw. Maliban sa masakit ang aking likuran ay masakit at bugbug din ang aking katawan.

Hindi ko na rin maintindihan ang mga pinagsasabi nila...

... Pero bigla-biglang natumba ang isa sa kanila. Ewan, hindi ko alam kung ano ang nangyari kasi nahihirapan ako sa paghinga huminga. Nagde-delusion na siguro ako. Bumibigat din ang talukap at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

'A-anong nangyayari?'

...