webnovel

Lavandeir's Revenge (Revised Version)

Underground Organization Series 1 : Completed Lavandeir Trinidad is an outcast of Elites College University. She was the only one who's a scholar student, the only reason why she was being bullied by most of the students. The leaders of the bullies are the Elites, which are consisting of few individuals who are part of the richest socialites. One day, someone offered her to be part of an organization. An organization which she didn't expect it to be existed in reality. She'll meet few new students which she started to suspect that they're also a member of that unknown organization. Will she trust them? A/N : This story was made since 2018 and completed in 2021. I just revised it to a new version but the plot, characters, and settings were still the same. The story consist of action, mystery, teen romance, betrayal, and love.

Parisfrans99 · Teen
Not enough ratings
51 Chs

Too Confusing

Narinig kong may nag-enter ng passcode sa pinto. Ilang segundo ay may kumatok sa pinto ng banyo at alam kong si Kernel iyon.

Ilang minuto bago ako kumilos, naghilamos at inayos ang sarili bago binuksan ang pinto ng banyo. Nakita ko siyang bumuntong-hininga nang makita ako.

Sinulyapan ko ang laptop at nakapatay na ito. Inabot niya sa akin ang USB. Nagtaka ako nang umakto siyang walang nangyari. Ni hindi niya tinanong kung okay ba ako o anong nangyari. Na parang alam na niya ang mga sagot doon.

"Magpalit ka muna. Naka-pajama ka pa kasi... Pupunta tayo sa cafeteria, nagugutom ako."

"T-tapos na akong kumain."

"I know. Pero bilin sa akin ni master ay dapat bantayan kita lagi. Baka suicidal ka pala at nalingat lang ako, bigti ka na," sabi niya at tinutulak ako palapit sa cabinet.

Bumuntong-hininga ako sa pagiging paranoid niya.

Merong limang jeans ang nandito at nagulat pa ako kasi saktong-sakto sa size ko. Meron ding limang plain t-shirt at tatlong jacket kasama na itong suot ko. Lumabas naman siya ng kwarto ko at mag-aantay na lang siya sa may lobby.

Pagkatapos kong maligo, sinuot ko ang isang itim na jeans at white t-shirt tsaka sinuot muli ang jacket. Iniwan ko na lang ang laptop sa kwarto kasi hindi ko naman iyon gagamitin, tas nilagay ang USB sa bulsa ng jeans ko.

...

"Wow!"

Napanganga ako sa nakita ko. Hindi ko inaasahang ganito kalaki ang cafeteria rito. Mukhang mas double pa ito sa laki ng cafeteria ng ECU. May magagarang mesa at upuan na de-kutson pa. Sa bawat mesa ay may apat na upuan. Meron ding tag-dalawahan. Malapit sa counter area ay may mataas na mesa na curve at may mga upuang matataas. Lahat din ng machine nila ay stainess at mukhang ang high-tech.

Ang class tingnan!

Nakapagtataka lang ay walang naka-assign na cashier, eh sino ang kukuha ng bayad? Walang nakabantay dito.

Nakita ko si Kern na nadoon sa loob at nagtaka akong siya lang ang kumukuha nang kanyang pagkain. Nilingon niya ako at nag-gesture sa 'kin na palapitin ako sa kinaroroonan niya. Lumingon-lingon muna ako sa paligid para tingnan kung may nakatingin ba sa amin or baka may nagbabantay kaso parang wala naman silang paki kaya nilapitan ko na siya.

"Self service 'to kaya 'wag ka nang maghintay pang may kukuha ng pagkain para sa 'yo. Hindi na magiging self service 'yon."

Paliwanag niya kaya napatango ako.

"P-pero wala akong pambayad," nag-aalinlangang sabi ko sa kanya at muling tinitingnan ang paligid.

"This is all free as long as you're registered here."

Registered? 'Yon ba 'yong tulad sa biometrics na nakita ko sa elevator?

Hindi pa ako nakapagtanong ay in-explain na niya ito. At tama nga ang hula ko. Ganoon din tulad sa elevator, kung saan ilalagay mo ang hintuturo mo sa biometrics sa monitor ng cashier station. Kaya pala wala akong nakitang naka-assign sa area na 'to.

Napatango-tango pa ako nang maalala kong hindi pala ako registered dito.

"Says who?" sagot niya nang sinabi ko sa kanyang hindi ako registered.

Mas lalong kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Na registered na ako rito? Eh kakagising ko lang at hindi naman ako ni-register ni Mr. Jackson.

Inirapan niya ako tas nagbuntong-hininga. "Four days ka nang nandito. Ni-registered ka na ni kuya Hero no'ng wala ka pang malay."

"Hero?.. At tsaka anong sabi mo? Four days?"

"Si kuya Hero ay 'yong nagbigay sa 'yo ng tsinelas. Binato nga ako n'on kasi hindi ako pumayag na ako ang magbigay ng tsinelas mo. Jetlag nga, kakarating ko lang din kahapon. Ikaw naman kasi, palakad-lakad ka pa. Hindi na lang nag-stay sa kwarto tsk!"

'So Hero pala pangalan n'on? Ilang taon na ba 'yon at tinawag siyang kuya ni Kern?'

Pero teka? Anong sabi niya?

Hindi pa ako nakapagtanong ulit nang sinagot na niya ang dapat ko sanang itanong.

"Yes, four days kanang nandito. Malala ang kalagayan mo n'ong dinala ka rito kaya hindi ka nakagising agad."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kung gan'on pala, paano na sina kuya at lolo? Baka mag-alala na iyon sa 'kin.

"Tsaka don't worry milady, natawagan na namin ang kuya mo kaya... Chill," sabi niya na may hand gesture pa na parang pinapahinto niya ako.

Bumalik naman siya sa mga machine at kumuha pa ng pagkain. Sinundan ko naman siya at nagtanong pa. "So alam ni kuya na nandito ako sa O-Ohio?" Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa isang malayong lugar ako.

"Of course!.." nabuhayan na sana ako ng loob nang, "...N.O.T."

Ang sarap niyang sapakin!

"Kern naman!" hindi ko napigilang mainis sa kanya. Seryoso ako rito tas siya parang ewan. Tiningnan niya ako na parang namamangha.

"Woah! May ganyan ka palang side? Akala ko ang tahimik mo. When I read your details and observed you in that school, I saw that this girl, Lavandeir is a very shy person who happen to forget how to get angry," sabi pa niya sa kakaibang tono at binuka pa ang kamay na parang nagpe-presentation. 

"Seryo... Teka ano? Anong details? Paano?"

Nananaginip pa siguro ako. Nalilito ako sa mga impormasyon simula nang magising ako. Parang hindi totoo.

Nilagay niya muna ang hawak niyang tray sa may base ng machine at hinarap ako na nakahawak pa ang dalawang kamay sa hips niya.

"Pwede ba kumuha muna tayo ng pagkain at d'on tayo mag-uusap at hindi rito." Turo pa niya sa isa sa mga mesa na may upuan.

Wala akong magawa at pumayag na lang tas pumunta sa isa sa mga mesa. Tapos naman na akong kumain at siya lang naman ang kakain kaya hindi na ako nag-abala pang kumuha ng pagkain don.

Pagkatapos niyang kumuha ng pagkain ay agad naman siyang sumunod sa akin. May tatlong slice ng pizza ang kinuha niya at hindi ko alam kung anong tawag sa isa pa niyang dala. Natagalan siguro kasi hinihintay pa niyang maluto ang pizza. Napasulyap ako sa kape. 'Yong kape na may creamer. Naalala ko tuloy si Ex sa kanya kaso black coffee ang hilig n'on.

"Patapusin mo muna akong kumain bago ko sagutin ang mga tanong mo. Alam mo kasi ang pinakaayaw ko sa lahat ay 'yong iniistorbo ako sa pagkain."

Wala akong nagawa kundi ang hintayin siyang kumain at inilibot ang aking tingin sa paligid para pagmasdan ito. Nakakamangha pa rin. Parang 'di totoong nandito ako.

"So? Pakiulit nga 'yong mga concerns mo kanina?"

Tanong niya na akala ko ilang minuto pa akong maghintay dahil kumakain pa siya. Kaso ten minutes lang yata ay tapos na siya. Grabe!

Pero okay na din.

"Ibig mo bang sabihin kanina na hindi alam ni kuya kung nasaan ako?"

"Of course. Hindi niya muna dapat malaman ang nangyari dito at kung nasaan ka at kung sino kami..."

"B-bakit?"

"It's forbidden. At least alam niyang ligtas ka na. Ikaw ba gusto mong malaman ng kuya mo ang nangyari sa 'yo? So what do you think he might do?"

"T-tama ka nga pero bakit bawal?"

"May mga bagay talagang hindi mo pa pwedeng malaman. Not unless in-accept mo na ang offer ni master."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. So kung ganon...

"Parang baliktad yata. Paano ako sasali sa inyo kung wala akong alam na info tungkol sa inyo? Baka delikado at ma-scam pa ako."

"Can't argue with that but that's our rules."

"Ganito ka rin ba noong ni-recruit ka? Biglang binigyan ng offer kahit 'di mo alam ang kundisyon at wala kang alam sa bagay-bagay?"

Natahimik siya nang ilang segundo at parang may alaalang bigla niyang naalala.

"We all did. We don't have a choice. Thanks to Master that he saved all of us from hell. Cringe isn't it? But it's true... At ikaw na lang ang hinihintay niya. Ikaw ang panghuling trainee niya na maging member namin. Hindi ka ba excited makasama kami?"

"Bakit kailangan pa ako? Ano namang makukuha niya sa 'kin at anong rason ng master mo?"

"That is something beyond my knowledge."

Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo or palusot lang niya iyong 'di niya alam.

Bumuntong-hininga ako nang hindi ako satisfied sa sagot. Bumabagabag talaga sa akin ang rason niya. Hindi naman ako mayaman. Napakahina ko pa para gawing member niya at tsaka... Member saan? Trainee para saan?

"So going back... Hindi dapat malaman ng kuya mo na nandito ka, na kung anong nangyari sa 'yo at kung ano pa. Hindi mo dapat banggitin kung sino kami, at kung bakit ka namin kinuha... I'm repeating it so you won't forget."

"Sino ba talaga kasi kayo?"

"Malalaman mo lang kung in-accept mo na ang offer ni master," walang gana niyang sabi. Tinamad na yata siya.

Sumimangot ulit ako sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya na parang pinahihiwatig niyang wala siyang magawa. Hindi ko na siya pinilit pa kasi marami pa akong tanong na gusto kong masagot niya.

"P-pinagmamasdan mo ba ako? I mean sa loob ng paaralan? At 'yong details na sinabi mo tungkol sa akin? Dapat ba talaga akong magtiwala sa inyo?"

"Yeah! It's part of my mission to rescue you. But really, I didn't know you're this curious and have lots of questions. But I understand you."

"Eh kung gano'n pala, bakit pinabayaan mo lang akong saktan nila? Kung pinagmamasdan mo pala ako, bakit 'di mo ako tinulungan?"

Natawa naman siya habang kinain ang dessert na natira sa isa pang plato. Ang lakas niya kasing kumain.

"It's too risky. Ang higpit doon! That's the hardest mission I've got so far. Observing you there is quite hard for a veteran like me when the two of the leaders are watching you tightly."

...