webnovel

Lavandeir's Revenge (Revised Version)

Underground Organization Series 1 : Completed Lavandeir Trinidad is an outcast of Elites College University. She was the only one who's a scholar student, the only reason why she was being bullied by most of the students. The leaders of the bullies are the Elites, which are consisting of few individuals who are part of the richest socialites. One day, someone offered her to be part of an organization. An organization which she didn't expect it to be existed in reality. She'll meet few new students which she started to suspect that they're also a member of that unknown organization. Will she trust them? A/N : This story was made since 2018 and completed in 2021. I just revised it to a new version but the plot, characters, and settings were still the same. The story consist of action, mystery, teen romance, betrayal, and love.

Parisfrans99 · Teen
Not enough ratings
51 Chs

The Bracelet

"I valued her the most and now that I already know the truth, I don't know what to do anymore. There's nothing left in me and no one can blame me if hate and hurt is what I'm feeling right now. - Lavandeir"

.

.

Lavandeir

...

Pagpasok ko pa lang sa loob ng campus marami nang nakatingin sa akin. Sanay na ako rito kaso mas dumami ang nagbulong-bulongan ngayon. 'Yong iba ay naririnig ko na sa lakas ng boses. Parang tumatahimik kapag dadaan ako tas mag-chichismisan kapag nadaanan ko na. Nakayuko lang ako pero ramdam ko ang klase-klaseng tingin na binabato ng mga estudyante sa akin. Nakapagtataka lang ay hindi nila ako inaano.

"Oh? So the loser is back?"

"What happened after that? You saw the video right? She's still coming back after that?"

"Yeah how many times is it now?"

"Usap-usapan daw ay ang Elites ang nag-bully sa kanya."

"Buti nga sa kanya. Hindi pa siya natuto bumalik pa Tss!"

"She's really pathetic!"

"Oh! I miss that loser pare. May mapagtripan na naman ako nito."

"Nakita mo rin ba 'yong video?"

"Yep. It's brutal dude! Mas lalong takot na ako sa Elites."

Kahit 'yong mga taong walang paki sa paligid nila ay tumitingin din sa akin. Isa lang ang masasabi ko sa pangyayaring ito...

Napanood na nila ang video. Ang ipinagtataka ko lang, pa'no nakalat ang video na 'yon? Impossible namang ang Elites ang nagkalat n'on eh nakuha nga nina Kern ang video recorder nila.

Isa lang ang sigurado ako...

'Lagot sa 'kin ang mais na 'yan! Nagsinungaling pa!'

Kung na kina Kern ang original na copy at sila pa ang nakakuha ng video recorder ni Clent, it means sila lang din ang may kagagawan nito.

'Masasapak ko talaga ang lalaking 'yon!'

Nagbuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko muna iisipin 'yon. Iba ang tukoy ko rito.

Saktong-sakto at P.E na. Ngayon ko lang naisipang pumasok kasi sinadya ko talaga ito. May gusto akong ibigay kay kanya.

Tumigil silang lahat at lumingon sa akin nang pumasok ako sa classroom. Pati si prof ay napahinto rin sa pag-lecture. Lahat nakatunganga na parang nakakita sila ng multo. Ang iba pa ay parang inii-scan nila ako sa tingin nila, mukhang chini-check kung nagalusan ba ako at ang panghuli... Nakita ko siya. Ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng iyon. Nakakunot ang noo niya na may halong pagtataka kung bakit ako pumasok ngayon.

Pagkatapos kong titigan siya nang matagal ay yumuko ako sa kanya na parang takot na takot which is ang usual kong gawain. Gusto ko pa ring isipin nilang isa pa rin akong loser. Wala pa akong laban sa kanila, sa kanya ngayon...

...at isa pa, gusto kong hindi ako pagdududahan sa mga bagay na gagawin ko sa kanila.

Hindi ko pinansin ang iba at dumiritsong umupo sa tabi ni Natasha.

"Hi Natsy! Hi Ex!"

Ngumiti ako nang pilit nang makita kong si Natsy na napaluha pa habang nakayakap sa akin. Ewan. Gusto ko sanang itanggi sa sarili ko ang pagdudahan siya pero 'yon ang naramdaman ko sa ngayon. Oo nga hindi ko pa sila tunay na kilala. Takot akong baka acting rin ang mga kilos niya... kahit andami na nilang ginawang mabuti sa akin.

Mahirap magtiwalang muli.

Tumingin ako kay Ex na nakakunot ang noo. Alam kong marami silang tanong pero pinabayaan ko na muna. Hindi ko pa gustong pag-usapan ang nangyari.

Nagpatuloy ang discussion pero parang ang awkward ng paligid. Nakita ko pa ang prof namin na hindi mapakali at sumusulyap sa 'kin paminsan-minsan.

Hindi ako komportable at hindi rin pumapasok sa utak ko ang tinuturo niya kaya yumuko na lang ako.

Hindi man ako lumingon sa kanila pero ramdam ko pa rin ang mga titig at mga sulyap nila sa 'kin. Lalong-lalo na kay Kim. Hindi ko makayanan ang mga kakaiba nilang titig. Mas dumoble pa kesa noong wala pang nangyari sa akin. Hindi ko alam kung anong impact nila sa akin at parang big deal.

Bakit? Hindi ba sila makapaniwalang nakayanan ko pang pumasok?

May biglang pinasa sa akin si Natsy na isang maliit na papel na nakatupi. Tiningnan ko siya at nginuso niya ang papel. Tiningnan ko ito at binasa.

let's talk later. - Ex

Palipat-lipat naman ang tingin ko sa dalawa nang mabasa iyon. Unang umiwas ng tingin si Natsy, siguro naramdaman niyang sobrang seryoso ng kanyang katabi.

Sinalubong ko ang mga titig ni Ex sa 'kin. Alam kong ipinapahiwatig niyang kailangan naming mag-usap at alam ko ay tungkol iyon sa nangyari. Hindi ko alam kung papayag ba ako.

Iiwasan ko na lang muna siya. Iniwas ko ang tingin at hinigpitan ng hawak ang papel.

Isa lang naman ang pakay ko rito eh. Si Kim. May ibibigay lang ako sa kanya bago ako papayag sa offer ni Mr. Jackson. Sabi niya sa 'kin na dapat ko pang kilalanin sila bago ako mag-decision. Isa pa, kapag in-accept ko na ang offer niya ay malalaman ko lahat ng gusto kong malaman.

Dahil hindi sinasabi nina Mr. Jackson kung sino sila, sinabi niyang alamin ko mismo kung anong klase ng tao ang nasa paligid ko. Pero sa ngayon, ang traydor muna.

Nang matapos ang klase ay agad akong lumabas para iwasan ang magpinsan. Alam kong tatanungin nila ako sa nangyari. Dali-dali akong pumunta malapit sa headquarter ng Elites. Lakad takbo ang ginawa ko para lang maunahan siya. Si Kim.

Malakas ang feeling ko na dito siya didiretso. Alam kong kating-kati siyang ipaalam sa mga Elites na bumalik ako. Nakita ko rin kanina na busy siya kakatingin sa CP niya. Tsk! Ngayon ko lang napagtanto... Hindi ba niya naisip na siguro mas una pang nakaalam ang Elites tungkol sa pagdating ko kesa sa kanya?

Hindi kalaunan ay tama nga ang hinala ko. Tumakbo siya papunta sa direksyon ko at biglang napahinto nang makita ako. Gusto kong matawa at hindi ko ma-explain kung bakit ako nagkakaganto, natutuwa sa reaction niya.

"K-kim." sabi ko habang nakayuko.

Gusto ko mang saktan siya at sumbatan sa ginawa niya sa akin kaso hindi ko pa alam kung paano at wala pa akong laban sa kanya. Myembro na siya ng Elites kaya mas lalong wala akong panlaban sa kanya kaya hahayaan ko muna siya.

Makakapag-hintay naman ang lahat. Baka kung padalos-dalos ako ay baka maging palpak pa. Gusto ko nang perpekto!

"Anong kailangan mo? Bakit ka pa bumalik? You still haven't learned your lesson, have you?"

Naka-crossed arms na siya ngayon at nakatingin sa akin habang nakataas ang kaliwang kilay. Tingin ng nangmamaliit.

"K-Kim. G-Gusto ko lang malaman ang rason."

'Ang rason bakit desperado kang sumali sa Elites. Kung bakit mo ginawa sa 'kin 'yon para lang makasali sa kanila? Aalamin ko 'yon lahat! Kung sino sila, kung ano ka. Mga sekreto mo, mga kahinaan nila!'

"Diba sinabi ko na sa 'yo na walang ibang rason? Ginamit lang kita!"

Maigi kong pinigilan ang aking mga kamay na ikuyom nang marinig ko ang sinabi niya.

'Alam ko na 'yan. Hindi mo na dapat pang ulitin pa.' Iyan sana ang gusto kong sabihin sa kanya pero buti na lang at mataas ang aking pasensya.

"S-sorry!"

"Loser ka pa rin! Hindi ko nga alam kung bakit ka pa bumalik. Do you really want to die?!"

"M-may gusto lang sana akong ibigay sa 'yo," sabi ko at kinuha ang isang bracelet na bigay niya sa 'kin matagal na. Hindi ko iyon sinuot kasi nasasayangan akong baka masira eh mamahalin kasi. Inabot ko 'yon sa kanya at nagtataka pa siya nang makita iyon.

"Isusuli ko. H-hindi ko pa iyan nagagamit kaya 'wag kang mag-alala." nakayuko ako habang inaabot ko 'yon sa kanya.

"Buti na lang at naisipan mong isuli to," sabi niya sabay hablot sa bracelet.

"Actually, ginamit ko 'to para ipalabas na tunay mo kong kaibigan. At alam mo matagal na akong nagtitiis sa 'yo. Kung hindi lang ako inutusan na pagmukhain kang tanga hindi mo naman ako makikilala kasi nga wala naman talaga akong paki sa 'yo at nandidiri ako sa 'yo."

'Ah kaya pala palagi siyang busy sa pagte-text or minsan mabilis na umalis.'

"B-bakit? B-bakit ka nila inutusan?"

"Why do you care?" Inirapan niya akong muli at tinulak tsaka umalis na.

Sinadya kong matumba at napaupo sa sahig nang itulak niya ako. May mga nakatingin kasi sa 'min kaya mas mabuting umakting.

Tiningnan ko siya habang unti-unting nawala nang nagpatuloy siya sa pagpunta sa headquarter. Nagawa ko na ang gusto kong gawin.

Kung ginamit niya ang bracelet na iyon para gawin akong tanga, ginamit ko rin iyon para ma-track ko kung saan siya pupunta. Aalamin ko lahat ng lihim niya at kung sino talaga siya. Nilagyan kasi iyon ni Kern ng maliit na tracking device.

Hindi niya kasi ako tatantanan kapag hindi ako pumayag sa offer ni Mr. Jackson kahit hindi naman niya sinasabi kung ano ang makukuha ko sa pag-accept sa offer. Isa lang naman ang sure kong mabigay ni Mr. Jackson, ang mga sagot sa mga tanong ko. Sabi ni Kern na kung gusto ko talaga malaman ang lihim ni Kim or kung sino ba talaga siya ay isa lang ang solution... Ang mag-stalk.

Una tumatanggi ako kasi parang maling idea kaso hindi raw 'yong normal na pag-stalk na nalalaman ko. Eh ano pa ba?

Nagkaroon siya ng idea na lagyan ng tracking device si Kim at naalala ko naman ang bracelet na iyon.

'Lava, I'm doing this for you to join us. Pakitingnan ang effort namin sa 'yo, wag kalimutan ang desisyon, okay iha?'

Naalala ko pang sabi niya sa akin na para isang lola.

Tumayo na ako at nagpagpag ng pwetan habang nakatingin pa rin sa dinaanan ni Kim. Hindi pa rin mawala ang sakit na naidulot ng pagtraydor niya sa 'kin. Kung sa iba ay wala lang 'to, sa akin ay napakalaking bagay na. Siya lang ang naging kaibigan ko tas malaman kong hindi pala siya totoo sa akin. Naalala kong muli ang ginawa niya lalong-lalo na ang marka ng aking likuran na siya ang may gawa.

Lahat ng mga alalang ginawa niya sa akin pati na ang kabutihang pinapakita niya, lahat ng iyon ay hindi pala totoo. Ang galing niya. Pati 'yong mga advice niya dati, at marami pang bagay. Bakit pinapatagal pa niya? Bakit tiniis pa niya? Ano ba talaga ang dahilan? Ano ba talaga ang rason?

Hindi ko namalayang nakakuyom na pala ako ng kamao kung walang biglang humawak sa kamay ko. Naamoy ko ang pabango niya kaya agad ko siyang nilingon.

"Ex..."

Hindi ko man lang naramdamang nasa likuran ko na pala siya. Nandiyan na naman ang mga mata niyang sobrang seryoso kung makatitig sa mata ko. Nakakatakot ito kung salubungin mo ang mga titig nito.

"Don't let your anger eats you."

"K-kailan ka pa nandito? Bakit ka nandito? Nasaan si Natsy?"

"I told you let's talk. You ran away earlier."

"W-wala naman tayong dapat pag-usapan---"

Hindi pa ako natapos magsalita nang bigla niyang hinawakan ang aking braso at hinila.