webnovel

Lavandeir's Revenge (Revised Version)

Underground Organization Series 1 : Completed Lavandeir Trinidad is an outcast of Elites College University. She was the only one who's a scholar student, the only reason why she was being bullied by most of the students. The leaders of the bullies are the Elites, which are consisting of few individuals who are part of the richest socialites. One day, someone offered her to be part of an organization. An organization which she didn't expect it to be existed in reality. She'll meet few new students which she started to suspect that they're also a member of that unknown organization. Will she trust them? A/N : This story was made since 2018 and completed in 2021. I just revised it to a new version but the plot, characters, and settings were still the same. The story consist of action, mystery, teen romance, betrayal, and love.

Parisfrans99 · Teen
Not enough ratings
51 Chs

Thank You?

"A-ano ba'ng kasalanan ko sa'yo?" Mahina ko'ng sabi, parang wala ng lalabas na boses sa bibig ko at parang nabara na ang lalamunan ko. Inilapit naman niya ang mukha niya at bumulong, "I told you to leave this place, to leave our school and get lost! You. Don't. Belong. Here!" madiin niyang sabi na may pagkagigil at tsaka tumayo na siya nang tuwid.

Bakit hindi na lang kaya niya ako e-kick out? Malakas ang kapangyarihan niya rito, siya rin ang may-ari ng paaralang ito, pero bakit?

"You pissed the hell out of me! This school belongs to Elites and students with class, and you didn't belong to any of those, remember that! And that face! I hated it the most! Anything about you anger me! If it wasn't about your sponsor, I have already kick you out!" Kinalma niya ang kanyang sarili at pagkatapos ay bumalik na siya sa pwesto niya dati.

Nagtataka ako sa sinabi niya, gaano ba kalakas ang sponsor ko? Gaano ba siya ka-yaman? Tsaka sino ba siya at tinutulongan ako? Alam kong kaibigan siya ni lolo pero kasi, sobra naman siguro ito.

Nagtataka ako nang may ibang estudyanteng nagdala ng isang malaking bathtub. Nagtulong-tulong pa silang dalhin 'yon papunta rito, pagkatapos ay mas lalo akong nagtataka nang pinagtulungan nila akong buhatin.

'Ibig ba'ng sabihin nito ay...'

Agad nila akong binuhat at nilagay sa bathtub na dinala nila kanina. Sabi ko na nga ba!

Wala silang puso!

"Okay students of ECU, let the game begin!" Sigaw nila Justine, Elayah, Mia, at Kei.

Pagkatapos mas malala pa ang susunod nilang ginawa.

Binabato nila ako ng mga hawak nila. Patuloy lang akong umiiyak at nakayuko para hindi matamaan ang mata ko. 'Tulad ng inaasahan ko ay malala pa nga ito kaysa sa dati. Natamaan naman ako sa noo ko ng dalawang itlog.

"BOOM! SAPOL! HAHAHA!" Narinig ko'ng sigaw ni Kei.

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Mukhang hindi ko na makakayan kasi nanghihina na ako. Tama nga sila ang hina-hina ko.

Sana dumating ulit si Kim para iligtas ako. Nasaan siya?

Kailangan kita Kim.

Maya-maya bigla silang tumigil kaya inangat ko ang aking ulo para tingnan. Nakatayo ang maraming estudyante sa harapan ko na puro nakangisi habang ang mga Elites nandoon sa likod nila. Lahat sila natutuwa, nagagalak at masaya.

Ganyan ba sila?

Nakikita ko sa mga mukha nilang nag-eenjoy talaga sila, na parang sinasabing, 'worth it nga'.

"Hey loser, you're totally a trash now hahaha! Yucks ang dumi muna! How pity," sabi ni Mia at tiningnan ako head to foot. Nagmukha pang nag-alala siya sa akin pero alam ko'ng hindi.

"Ayaw naman naming ganyan ka lumabas, hmm..." sabi niya habang nag-iisip. Ang hintuturo niya nakalagay sa sintinedo.

"Ano kaya kung papaliguan ka namin? Right guys?" Pagpatuloy niya. Lumingon siya sa mga estudyante.

Nagsitanguan naman ang mga estudyanteng nandito at nagsi-agreehan. Tumingin siya ulit sa akin at ngumisi, "Pa'no ba 'yan? Mukhang mababait kaming lahat dito, right?" Ngumisi ulit siya na parang nang-aasar pa.

"Okay boys, hubaran niyo siya!"

Nanlalaki ang aking mga mata sa takot at nanginginig ang aking katawan nang marinig ko ang sinabi ni Mia. 2nd day pa lamang, ganito na ang dinanas ko sa mga kamay nila.

Natataranta naman ako at kahit walang silbi ang paghingi ko ng tawad, kusa na lang akong lumuhod at nagmamakaawa. Hinarap ko si Jax, siya lang ang pwedeng makapagpigil sa kanila pero masamang tingin lang ang ibinato niya sa akin.

"Wag! M-maawa kayo sa'kin wag," iyak lang ako ng iyak. Mas lalo akong nagpanick nang lumapit sa'kin ang limang lalaki.

Hinawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabilang kamay. Nagpupumiglas ako pero hindi pa rin ako makawala, malalakas silang lahat.

Hinawakan ng isang lalaki ang laylayan ng shirt ko.

"Tulong! Tulong!"

Di makaya ng pride ko na ginaganito lang ako. Alam ko'ng hindi ako kabilang dito pero hindi naman tamang ginaganto ako. Sumosobra na sila.

"Walang sasaklolo sa'yo rito kaya tumahimik ka na lang," sabi ng isang estudyanteng lalaki na nakahawak sa kaliwa kong kamay.

"'Wag po! Tulong!"

Itataas na sana ng isang lalaki ang t-shirt ko nang...

"Stop! Stop that and get away from her!" napabitaw naman sila sa akin at ako napahagulhol na naman ng pinatigil ni Reid ang ginagawa nila.

Napatingin ako sa gawi niya na katabi ni Jax. Tiningnan ko si Jax at nakatalikod siya sa gawi ko at parang hinihilot niya ang kanyang noo.

"What the hell, Reid! You're always KJ when it comes to this!" pagrereklamo nina Mia pero hindi na nagsalita si Reid.

Umalis ang limang lalaki sa tabi ko at bumalik sa pwesto nila, ilang hakbang lang sa pwesto ko.

Lahat sila may hawak nang mga hose. Mga sampung hose at sabay-sabay pa nila akong binasa. Di ko na talaga nakayanan pa at humahagolhol ako habang nakayuko, nakapatong ang dalawang siko ko sa tuhod habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha.

Ang ginaw!

Lord! Tulungan mo po ako!

Pananalangin ko. Sana may tutulong sa akin rito kahit napaka-imposibleng mangyari.

Ilang sandali lang namalayan ko nang tumigil na sila. Ang bath tub naman ay may tubig na, kaya mas lalo akong nanginginig sa ginaw. Hindi pa rin ako kumibo kasi ang hina na ng katawan ko. Patuloy lang akong umiiyak, walang magawa.

"Umalis na tayo rito, tapos na ang show," narinig ko na lang na nagsialisan na ang mga estudyante, naghihiyawan pa sila.

Nandito pa rin ang mga Elites at nakatingin sa akin.

Ano ba ang kasalanan ko sa kanila?

"Sige last na 'to loser," nagtataka ako sa sinabi ni Mia sa akin. Meron siyang bitbit na dalawang pack ng ice cubes, alam ko na kung para saan iyon.

Ang sama nila!

"Palamig ka muna," pagpatuloy ni Mia. Naramdaman ko ang maraming yelo na binuhos sa bath tub at sa akin.

Napaungol naman ko sa sobrang lamig at sa sakit na rin ng katawan.

Lord please help me.

'Kim sa'n ka ba? Tulong! '

Nahihirapan na akong magsalita kaya sa isip ko na lang sinasabi. Dinadalangin na sana marinig nila ang prayer ko.

"I won't stop hurting you 'till you give up and leave!.. But that was before, I have now a purpose to let you stay here," sabi ni Jax at hindi ko na magawang tingnan siya. Parang nagblanko ang isip ko sa mga sandaling ito.

'Bigla na lang nag-bago ang isip niya sa sandaling ito? Satanas! Walang puso!'

Narinig ko na lang na nagsialisan na 'yong iba. Bago pa makaalis sina Reid, narinig ko pang may sinabi siya kay Jax na nagpapalito sa akin.

"I told you he's not yet back! Still you made this! Damn it, Jax! This is for your own good so enough!"

"Don't you ever lecture me again if you don't want me to abandon you too, Reid!"

Tahimik. Mabuti at tahimik na dito. Ayoko na silang marinig pa!

Hindi ko na makayanan ang lamig kaya sinubukan kong tumayo at umalis sa bath tub. Dahan-dahan akong tumayo at nakaalis naman ako.

Gumigive-up na iyong mga binti at katawan ko dahil siguro sa pagod at sa gutom, tsaka sa ginaw na rin. Napaluhod ako sa sahig. Sumasakit na rin ang aking ulo at ang sugat sa tuhod at siko ko.

Kailangan kong makaalis dito!

May naaninag akong anino na nakatayo sa harapan ko kaya tiningala ko ito. Medyo nagulat pa ako na ang lalaking iyon ang nandito.

"Let me help you."

Lumuhod siya sa harap ko, at tinanggal bigla ang polo shirt niya. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang ginagawa niya pero walang lumalabas na salita sa aking bibig. Tinulungan niya akong itayo tsaka sinamaan ng tingin. Or siguro ganito talaga 'yong normal niyang tingin.

"Take off your t-shirt. Wear this."

Ngayon ko lang siya narinig magsalita. Napakakalmado ng boses niya.

Inabot ko ang inabot niyang polo shirt. Tiningnan ko siya at ang polo shirt niya tsaka ang hubad niyang katawan pang-itaas.

"I'll turn around so you can change," sabi niya at tumalikod. Kumunot naman ang noo ko nang may mga hiwa ang likod niya. Mga sugat na mukhang matagal na. 'Yong iba ay parang bago pa.

"Kayanin mo, kung ayaw mo'ng ako ang maghubad sa'yo!"

Medyo nagawa ko pang palakihin ang mata ko sa gulat, pero tumango ako sa kanya kahit hindi niya nakikita.

"Tapos na," sabi ko nang matapos na 'kong magpalit. Humarap siya sa akin tsaka lumapit. Sinubukan ko namang lumakad pero, "Don't move, I'll just carry you," sabi niya.

"S-Sino ka? Ba't mo 'ko tinutulungan?"

Hindi niya ako sinagot at mabilis na may pag-iingat siyang lumabas habang buhat-buhat niya ako. Nagulat pa akong may daanan palang iba dito papuntang labas ng campus.

"Ba't alam mo ang daan na ito?"

"For a weak girl like you, you still have strength to talk. Shut up!"

Natahimik naman ako bigla. 'Yong boses niya ay katulad ni Jax, Strikto na maldito at parang tamad magsalita. Pero mas kalmado ang sa kanya pakinggan.

"S-Salamat."

"It's too early to say thank you, woman!"

...