webnovel

Lavandeir's Revenge (Revised Version)

Underground Organization Series 1 : Completed Lavandeir Trinidad is an outcast of Elites College University. She was the only one who's a scholar student, the only reason why she was being bullied by most of the students. The leaders of the bullies are the Elites, which are consisting of few individuals who are part of the richest socialites. One day, someone offered her to be part of an organization. An organization which she didn't expect it to be existed in reality. She'll meet few new students which she started to suspect that they're also a member of that unknown organization. Will she trust them? A/N : This story was made since 2018 and completed in 2021. I just revised it to a new version but the plot, characters, and settings were still the same. The story consist of action, mystery, teen romance, betrayal, and love.

Parisfrans99 · Teen
Not enough ratings
51 Chs

Telling Lies

Lavandeir

...

"LAVANDEIR!"

Nagulat naman ako sa biglaang pagsigaw niya. Galit na galit ang mukha niya na parang handa na siyang papatay ng tao. Parang na-blanko ang aking isipan nang makita ko siyang ganyan kagalit. Natakot ako sa kanya. Ngayon ko lang nakita siyang sobrang galit na parang ilang minuto lang ay mapapatay na niya ako.

Bakit ba kasi hindi ako nag-iingat? Gusto kong sampalin ang sarili sa pagiging pabaya ko na naman.

Hindi pa ako nakapagsalita nang mas lumapit pa siya sa akin. Napayuko naman ako sa takot. Malakas niya akong pinatalikod at tiningnan ang aking peklat. Nabigla ako do'n. Napagtanto kong sobrang lakas niya at para lang akong isang papel kung patalikurin niya. Muntik pa akong masubsob dahil nawalan ako ng balanse pero mabilis niyang nahawakan ang bewang ko na para lang akong isang barbie doll!

Napaiyak ako at hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa takot at pagkabigla? Or dahil sa nalaman niya ang tungkol dito. Ayaw ko sanang ipaalam 'to kahit kanino kahit ni kuya pero nagtatanga-tangahan kasi ako. Hindi ko kasi narinig ang footsteps niyang papalapit at nabulag ako sa galit kaya 'di ko man lang naamoy ang pabango niya.

Napakuyom ako ng aking kamao.

"O-okay na? M-asaya ka na ha! Ex?"

Hinarap ko siya at tinitigan sa mata. Wala akong ibang masabi eh. Nabuko na niya. Kahit galit ang kanyang expression sa nakita niya... Kahit palagi itong seryoso... Unti-unti itong nagbago at hindi ko alam kung anong emosyon ng kanyang mga mata ngayon. Parang nalilito na nagugulat or nagagalit. Hindi ko matukoy.

Di ko napigilang humahagulhol sa harap niya habang nakatakip ang aking dalawang kamay sa mukha.

"Bakit ka ba nagagalit diyan ha? Nambibigla ka at ba't ka pumasok dito ha?"  pagsusumbat ko sa kanya at hinablot ang blouse ko mula sa kamay niya habang umiiyak.

Pilit ko mang pigilan ang mga luha ko ay hindi ko magawa. Hindi ko alam ba't ako nagkaganto. Parang lahat ng mga emosyong pilit kong tinatago bigla na lang nagsilabasan lahat. Hindi ito maganda!

"I'm sorry. Change first," 'yon lang ang sabi niya at narinig ko na lang ang pinto na sinara niya nang malakas.

Hindi pa ako maka-recover kaya nag-stay muna ako ng ilang minuto d'on bago naisipan lumabas. Pinaalam ko naman agad kay Kern ang nangyari. Sinabi ko sa kanyang nakita ni Ex ang aking peklat sa likuran. Sinabi ko sa kanya kasi wala akong masabihang iba. Nag-reply naman siya sa akin at dali-dali ko 'yon binasa.

*From 09*********:

Next time double ingat ka Milady! I told you dont let ur guard down. One more thing... Di lang yung peklat ang nakita niya sayo, pati na katawan mo ya know?.. Ano ba kasing ginagawa niyo? hmmm. (@^@?)

Natigilan naman ako.

'Hindi na importante 'yon! Wala naman kaming malisya at... Nakakainis kang Mais ka! Ba't sinabi mo pa!'

Inalala ko naman ang nangyari at parang isang video na nag-replay sa aking isipan. At napahinga ako nang malalim nang pareho kami ni Ex na walang malisya sa hubad kong katawan.

*To 09*********:

Che! Kung anu-ano iniisip mo!!!*

Hindi ko na tiningnan pa kung may reply ba siya. Ang abnoy na 'yon!

Nagbuntong-hininga ako bago ko naisipang lumabas. Kakausapin ko siya baka kasi sabihin niya iyon kay Natsy. Ayaw ko kasing marami ang nakaalam n'on. Ayaw kong pagkaawaan ako ng iba kapag nakita nila 'to.

At ayoko mang kausapin siya, gusto ko mang iwasan siya, wala akong choice. Iyong video na nakita nila ay hindi kompleto. Baka imbestigahan pa niya at madamay pa sina Kernel. Baka malaman niya kung sino ang mga tumulong sa akin. Oo wala akong idea kung anong trabaho ni Ex pero alam kong delikado. Alam kong mabilis siyang makasagap ng impormasyon 'tulad noon na mabilis niyang nakuha ang detalye ko.

Nakita ko si kuya na malalim pa rin ang tulog sa sofa. Para na siyang binabangungot sa kanyang itsura. Nakatagilid siya at yakap-yakap ang isang unan at malapit na nga siyang mahulog.

Hindi ko na muna siya pinansin at dumiretso sa kusina. Baka nando'n si Ex. Pagpasok ko sa kusina ay hindi ko siya mahagilap at si Natsy lang ang nakita ko na naghahanda ng pagkain. Marami na rin ang nahanda niya. 'Yong mga pam-breakfast like hotdogs, hams, itlog at may niluluto pa siyang manok na may sabaw. Nagtitimpla na din siya ng kape niyang may creamer.

"Good morning Vanvan kain ka muna," bati niya sa 'kin pero hindi niya ako nilingon. Buti na lang para 'di niya makita ang mugto kong mata. Naghilamos na ako kaso hindi pa rin mawala ang mugto ng mata ko at medyo pula pa ito.

"S-salamat. Ahm... Nasa'n pala si Ex?"

"Bakit? Yieeehh hinahanap na niya. Try mo tingnan sa terrace."

'Hindi pa niya alam ang nangyari? Akala ko sinabihan na siya ni Ex pero mukhang wala siyang alam.'

Umalis na ako agad pagkatapos magpasalamat. Ngayon ko lang ulit narinig ang panunukso niya sa akin sa kanyang pinsan.

Pagpunta ko sa terrace ay nakita ko siya na nakasandal sa fence na nakaharap sa akin. Tinapon niya ang sigarilyo niya sa sahig at tsaka inapakan. Pinulot niya ito at itinapon sa basurahan. Nagdadalawang-isip akong puntahan siya pero nilapitan ko na.

"Ex..."

"If you want me to shut my mouth, I will..."

Nagulat pa ako sa sinabi niya, na parang alam na niya ang gusto kong sabihin. Ngayon mukhang composed na siya kumpara kanina na parang malapit na siyang pumatay ng tao.

"But of course tell me what happened," pagpapatuloy niya.

Tumitig ako sa mata niya para tingnan kung kaya ko bang sabihin iyon sa kanya. Kung pagtitiwalaan ko ba siya rito. Pero nalaman naman na niya kaya nagbuntong-hininga ako para sign na sasabihin ko iyon sa kanya. Iniwas ko ang aking tingin tas pumunta sa fence sa tabi niya at tumingin sa tanawin. Hindi pa naman mainit at malakas naman ang hangin dito, maaga pa kasi. Humarap din siya sa fence at tinukod ang dalawang siko niya rito, tulad sa 'kin.

"Yong sa video... Naputol 'yon..." Nakita ko sa peripheral view ko na napalingon siya saglit sa akin sa sinabi ko. Pero hindi naman siya nagsalita or nagkomento kaya nagpatuloy ako. "Si Clent ang kumuha ng video n'on sa akin. No'ng part na sinunog nila ang likod ko ng metal, 'yon ang huling nangyari..." Kinagat ko ang labi ko para hindi ako maiyak. Naalala ko na naman ang mga nangyari.

"Those bastards!" narinig kong bulong niya, napasulyap din ako sa mga kamao niyang nakakuyom na.

"H-huli kong nakita..." humarap ako kay Ex. Sasabihin ko rin ang parteng 'yon para hindi na siya magtanong pa. Humarap din siya sa akin at nakakunot ang noo niya. Ito ang part na gustong-gusto niyang malaman, at ibibigay ko 'yon sa kanya.

"H-huli kong nakita bago ako mawalan ng malay... Ay isa-isang nawalan ng malay ang Elites at hindi ko alam kung bakit..." Mas lalo pang kumunot ang noo niya at nagulat pa siya sa nalaman. Ang expressionless niyang mukha ay napalitan ng pagkagulat na parang isang mysteryo para sa kanya ang narinig niya.

"Lahat sila natumba bago ako nawalan ng malay. Kahit blurred na ang aking paningin n'on ay klaro pa rin sa alaala ko ang nangyari..."

Huminga muna ako nang malalim bago nagpatuloy...

"Pagkatapos n'on... Nagising ako sa isang lugar na wala akong idea kung nasaan ako. Hindi ko nakilala ang tumulong sa 'kin kasi ang laging gumagamot lang sa 'kin ay ang mga doctor na nagtatrabaho sa kanya. Ni isang beses ay hindi ko nalaman ang buong pangalan niya, ang itsura niya at ang rason niya..."

"Hanggang sa okay na ako, ang mga alagad lang niya ang umaalalay sa akin hanggang sa sinamahan nila ako rito para ligtas ang pag-uwi ko. Bumalik sila agad sa hindi ko alam kung saan 'yon kasi piniringan nila ako para hindi ko malaman ang lugar kung saan nila ako ginagamot... Hanggang ngayon, wala akong idea sa taong tumulong sa akin."

Sinabi ko na sa kanya pero hindi ko sinabi ang totoo. Mas effective ang pagsisinungaling kung hahaluan mo ito ng kalahating katutuhanan.

Hindi pa rin ako nagtitiwala sa kanya hanggat wala pa akong alam tungkol sa pagkatao niya. At ilang beses binilin sa akin ni Mais na huwag sabihin sa iba ang tungkol dito.

"I'm sorry..." 'yan lang ang nasabi niya. Yumuko ako at sinabing okay lang sa akin. Pero may naalala akong gustong itanong sa kanya kaya tinignan ko siya ulit.

"M-may idea ka ba kung sino ang tinutukoy ni Jax na gagamitin daw nila ako kasi malaki ang silbi ko sa taong hindi ko alam kung sino?"

Mukha naman siyang natigilan sa tanong ko. "Yon kasi ang dahilan kung bakit hindi na nila ako pinapaalis sa paaralan at ginawa nila iyon sa akin. Ang video na 'yon ay para sana ipakita sa taong tinutukoy niya," pagpapatuloy ko.

Naalala ko ang sinabi ni Kim sa akin na dahil daw sa kanila kung bakit nagbago ang isip ni Jax at bakit nila iyon ginawa sa akin. Sinusuri ko ang reaction niya at tinitigan siyang mabuti. Pero mukhang alam niya ang intensyon ko kaya kumalma ang mukha niya. Tinatago ang expression niya.

Umiwas siya ng tingin at tumalikod at mukhang may kinuhang yosi at sinindihan ito. Alam kong ginawa niya iyon para makatakas sa pagsusuri ko sa kanya.

Mabilis akong pumunta sa harapan niya para tingnan ang reaction niya at natigilan ako nang makita ang klase-klaseng emosyon sa mukha niya. Nagulat siya sa ginawa ko pero agad siyang nakabawi at pilit na kinakalma ang sarili.

Kumunot ang aking noo kung bakit nakikita kong parang nagi-guilty siya.

"Ano ang ugnay---"

"I didn't know you have a nice body and boobs!"

"HA?"

Wala sa sariling tinakpan ang aking harapan at muli ko na namang naalala ang nangyari kanina na nakahubad ako sa harapan niya. Biglang umakyat ang hiya sa aking mukha.

"B-Bastos! H-Hindi ko alam ganyan ka pala!"

Mabilis akong tumalikod para makaalis agad at narinig ko siyang medyo natawa. Natigilan naman ako at sinamaan siya ng tingin. Naalala ko ang mga ginawa niya sa akin noon. Huminga ako nang malalim tsaka muli siyang nilapitan.

"Hindi na uubra 'yang style mo sa akin!"

Tinaasan niya ako ng kilay at mukha pa siyang namangha.

"Kapag may gusto akong alamin sa 'yo, palagi mo akong ginagamitan ng mga moves na 'yan, ilang beses na diba?"

"Hindi mo ko maloloko ngayon! Ano ang ugnayan mo ni Jax? Bakit ginagamit nila ako para sa iyo? Ginagamit ako ni Jax para maging paen sa 'yo. Sino ka ba talaga? Bakit nasangkot ako dito?"

Nagbago naman ang expression ng mukha niya. Mas lalo siyang sumeryoso.

"I'm sorry... Because of me why you're experiencing this. I am trying hard to fix this myself."

'Confirmed! Mas malalim nga ang kung ano mang ugnayan nila ni Jax at mas lalo akong sinaktan nito dahil sa kanya!'

...