webnovel

Lavandeir's Revenge (Revised Version)

Underground Organization Series 1 : Completed Lavandeir Trinidad is an outcast of Elites College University. She was the only one who's a scholar student, the only reason why she was being bullied by most of the students. The leaders of the bullies are the Elites, which are consisting of few individuals who are part of the richest socialites. One day, someone offered her to be part of an organization. An organization which she didn't expect it to be existed in reality. She'll meet few new students which she started to suspect that they're also a member of that unknown organization. Will she trust them? A/N : This story was made since 2018 and completed in 2021. I just revised it to a new version but the plot, characters, and settings were still the same. The story consist of action, mystery, teen romance, betrayal, and love.

Parisfrans99 · Teen
Not enough ratings
51 Chs

I'm Feeling Guilty

"Ikaw? Sino ka rin ba talaga?" 'at bakit ka pinapasundan ni Mr. Taki sa akin?'

Iyon sana ang gusto kong itanong kaso hindi niya pwedeng malaman iyon.

Nagpupumiglas siya pero hindi siya makawala. Ang weak ng gagong 'to. Pwede naman niya akong suntukin sa tiyan para makawala siya pero kapit lang siya ng kapit sa kamay ko eh hindi naman niya iyon matanggal.

Binitawan ko na siya at namumula ang buong mukha niya. Umuubo siya sa harap ko kaya tinalikuran ko muna. Yucks! I need two bottles of alcohol for touching his dirty skin!

"A-ano bang problema mo?"

I heavily sighed and closed my eyes out of frustration. I irritatedly brushed my hair using my fingers then trying to calm myself. Feeling the cold wind that hits my skin, inhaling the salty smell of the sea. I'm starting to feel calm.

Plano ko naman talaga sana ngayon, ang patayin siya sa inis nang makita ko ang pagmumukha niya. Buti at kumalma ako.

"Bakit mo ba kasi ako tinatawag na traydor?" palusot ko na lang.

I don't have any other excuse that's why I ask him that question. Matagal ko na ring gustong itanong 'yon sa kanya at ngayon lang ako nagkaroon ng chance.

Isa pa nawala ako sa sarili kaya pinagbuhusan ko siya ng inis. Pero naiinis talaga ako sa gagong 'to at masarap sa feeling na nasakal ko na siya sa wakas. And this is the way of letting my anger out, buti na lang at hindi ko siya nabugbog. I already mastered how to control my emotion and that thanks to Mr. Taki.

I am reckless and savage... But not the way I used to back then. Isa pa dahil naman talaga sa kanya kung bakit ako mas galit sa kanya. Tinawag ba naman akong traydor without giving me an explanation why he's always calling me that!

"Big deal ba 'yon?"

"Oo big deal sa akin at wala kana dun..." hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. "Isa pa, tigilan mo nga ang pag-text sa akin ng traydor gabi-gabi! Napipikon na ako ah!"

"Oh guilty ka pala?"

"Che! Give me your phone!"

"A-ano na namang gagawin mo?"

"Ede-delete ang number ko gago ka!"

"Walang silbi. Memorize ko na number mo."

"What?!"

"Don't assume. Sadyang matalas lang talaga ang memorya ko at madali ko lang ma-memorize ang kahit anong bagay."

Natigilan naman ako. Magkatulad pala sila ni Vanvan. Magkapatid talaga. Kaya ba pinapasundan ni Mr. Taki ang gagong 'to?

Wait!

Ngayon ko lang napagtanto. Pinapasundan ni Mr. Taki noon si Vanvan, which was Kevin's mission at hindi ko alam kung anong dahilan niya. Bigla-bigla ay ipinatigil niya ang pag-stalk kay Vanvan at ngayon ang kapatid naman niya. Ano bang dahilan niya? What's with these two at bakit humahabol pa si master sa kanila?

"Oh 'wag mahumaling. Hindi ka ba makapaniwalang matalino pala ako?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang hambog talaga ng gago! Inirapan ko siya at sumandal sa kotse. Kinuha ko ang lalagyan ng cigarettes ko sa bulsa. Isa itong metal case na bigay ni Veign. Kumuha ako ng isang stick at kinuha ang lighter sa bulsa.

"Yosi na naman?"

Hindi ko siya pinansin. Manigas siya diyan. Bakit? Ano bang meron kung nagyoyosi ako?

"Ang layo ng itsura mo..." Unti-unti siyang tumabi sa akin. Kanina kasi lumalayo siya. Buti na lang at nagkaroon siya ng takot sa akin. "...Ang chix mo pero muntik mo na akong patayin kanina. Ang lakas mo ring babae at nagyoyosi ka pa. Teka isa ka bang..."

'So ayaw niya ng babaeng nagyoyosi? Mabuti naman!'

Kinunutan ko siya ng noo. Ano bang pinagsasabi niya? Nanlalaki pa ang dalawang mata na parang may natuklasang nakakagulat. There's no way he can guess what I am.

"What?" tinaasan ko siya ng kilay.

"I-isa ka bang..." Mas lalong nanlaki ang kanyang mata at nakabuka na ang kanyang bibig.

"Ano nga?" may pagkainis kong sabi. Pinapatagal pa eh.

"Hulaan mo hahaha!"

Bigla naman siyang tumakbo at tumatawa pa. Aba'y ginagago niya ba ako? Kahit kailan nakakainis ang gagong 'to.

Tinapon ko agad ang yosi at dali-daling pumasok sa sasakyan.

"BYE!" sigaw ko sa kanya.

"Hoy! Teka joke lang. Di ka naman mabiro. HINTAY! Ang init ng ulo ng babaeng 'to!"

...

Lavandeir's POV

"I know you feel that way but it's still not yet the time for you to know us. We both have something to hide so think what you needed to think. I don't give a damn."

Paulit-ulit itong bumabalik sa aking isipan ang sinabi niya. Ang daming mga what ifs ang bumabagabag sa akin. Lalo pa't mukha siyang galit sa akin. Hindi naman big deal kung galit siya, hindi lang maganda sa damdamin. Na-guilty ako.

Pumunta kami sa sala nang matapos kaming kumain. Kinuha niya ang first aid kit sa kwarto niya na hindi nakuha ni Natsy kanina, habang ako ay nakaupo sa sofa. Sanay naman na akong mabugbog kaya okay na akong hindi na gamutin. Mahapdi nga pero wala na ito kumpara sa mga nangyari sa akin. Pinipilit lang nila akong gamutin.

Hindi ko na muna sila iisipin kasi si Kim at ang Elites na muna ang pagtutuonan ko ng pansin. Simula ngayon, kung may malaman man ako, magpapanggap na muna akong walang alam. Wala akong ibang kakampi kundi ang sarili ko lang. Hindi na ulit ako magtitiwala hanggang sa hindi pa ako sigurado.

Lumabas na siya dala-dala ang first aid kit. Nilagay niya iyon sa maliit na glass table tas pumunta siya sa kusina. Pagbalik niya ay may dala-dala na siyang isang ice bag. Umupo siya sa tabi ko at pinaharap niya ako sa kanya.

Hindi ako makatingin sa kanya kaya nakaharap ako pero ang mata ko ay nakatingin sa lap ko. Lumapit pa siya sa 'kin at dahan-dahang dinampi ang ice bag sa pisngi ko. Naiilang ako at lumalakas ang tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali kasi hindi ako sanay na malapit kami sa isa't-isa. Bakit pa kasi umalis sina Natsy eh.

"Hold this."

Kinuha ko naman ang ice bag at ako na ang nagdampi n'on sa pisngi ko. Habang siya ay kumuha ng isang cotton ball at nilagyan niya iyon ng alcohol. Kaya ko naman gawin 'yan eh kaso mag-i-insist pa rin siya. Naiisip ko tuloy na ginagawa niya ito para kunin ang tiwala ko. Alam kong masama ako mag-isip pero naninigurado lang ako.

Hinawakan niya ako sa chin at mas pinaharap pa sa kanya. Nararamdaman ko ang lamig ng kamay niya na nakahawak sa aking chin at hindi ko maiwasang makatingin sa kanya. Seryosong-seryoso ang mukha niyang dinadampi ang cotton ball. Nararamdaman ko ang hapdi nito kaya ngayon ko lang namalayang may maliit na sugat pala sa pisngi ko. Akala ko namaga lang iyon dahil sa lakas ng sampal ni Mia.

Tinitigan ko siya at napagtanto kong ako lang ang nag-big deal sa pinag-usapan namin kanina. Mukhang wala naman para sa kanya.

Marami akong gustong itanong sa kanya kaso hindi ko magawa. Isa na 'yon 'yong narinig kong nabanggit nila si Mr. Taki. Matagal na akong curious sa Mr. Taki na 'yan. Nang marinig ko iyon ay mukhang kilala rin nila si Mr. Taki. Marami pa akong walang alam at feeling kong unti-unti ko nang malaman ang mga sekreto nila.

Isa pa bakit nila ako tinutulungan laban sa Elites. Ano ang past nila at parang malaki ang galit nila sa isa't-isa. Naalala ko pa nang isang beses may binaggit si Ex tungkol sa isang babae. 'Yong sinabi niyang ayaw niya akong matulad ako sa babaeng nasabi niya. Sinabihan pa niya akong 'don't dig deeper.' Mas lalo tuloy akong na-curious sa past nila.

Napakurap ako nang nilagyan niya ng band aid ang pisngi ko tas tumingin siya diretso sa mata ko. Nagkasalubong ang aming mga titig at hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Maliban sa kanya na may lahing mind reader.

"I know you have questions but I can't answer it this time. If you find me being mysterious... The feeling is now mutual."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya and at the same time ay nagulat. Alam ko ang ibig niyang sabihin. 'Yon ay noong time na nawala ako. Gusto niyang malaman ang nangyari sa akin at kung saan ako pupunta. Mukhang nagdududa na rin siya sa mga kilos ko. Lalong-lalo na't binasa pa ni Natsy kanina ang message ni Kern.

"You can't answer my question if I ask you too and I know that you know what I mean. You're not ready to discuss it to us that's why you're avoiding us earlier. If you feel that way then we felt the same. I hope this will help you getting away the confusion."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Nakaramdam tuloy ako ng guilt na pinagdududahan ko sila. Natamaan ako sa sinabi niya. Oo nga, hindi ko sila maintindihan n'ong una. Na bakit hindi nila kayang sabihin sa akin kung totoong kakampi ko sila? Pareho lang pala kami. Hindi ko pa rin pala kayang e-share sa kanila ang nangyari sa akin. Maliban sa ayoko pang e-share hanggang sa hindi ko pa sila tunay na kilala ay ipinagbabawal din iyong ipaalam sa iba. Siguro iyan din ang dahilan kung bakit hindi nila masabi.

Pero hindi pa rin ako dapat madala sa sinabi niya hanggat hindi pa niya or nila napapatunayang kakampi sila sa akin.

Mabilis siyang tumayo dala-dala ang first aid kit. Sinundan ko siya ng tingin. Papasok na sana siya sa kanyang kwarto pero bigla siyang huminto ng hindi man lang lumingon sa akin.

"I don't need you to trust us. I just need you to understand us. That's all."

Mas lalong bumigat ang aking naramdaman dahil sa nagi-guilty ako. Akmang papasok na siya sa kwarto niya pero tinawag ko siya. Napahinto siya hindi dahil sa pagtawag ko sa kanya, kundi dahil sa tinawag ko siya sa first name.

"Exseven..."

...